Secret Nights [RATED SPG / CO...

By iamaivanreigh

17.4M 193K 20.9K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... More

Author's Note
Prologue
Secret Nights - 01
Secret Nights - 02
Secret Nights - 03
Secret Nights - 04
Secret Nights - 05
Secret Nights - 06
Secret Nights - 07
Secret Nights - 08
Secret Nights - 09
Secret Nights - 10
Secret Nights - 11
Secret Nights - 12
Secret Nights - 13
Secret Nights - 14
Secret Nights - 15
Secret Nights - 16
Secret Nights - 17
Secret Nights - 18
Secret Nights - 19
Secret Nights - 20
Secret Nights - 21
Secret Nights - 22
Secret Nights - 23
Secret Nights - 24
Secret Nights - 25
Secret Nights - 26
Secret Nights - 27
Secret Nights - 29
Secret Nights - C
Secret Nights - 30
Secret Nights - 31
Secret Nights - A
Secret Nights - 32
Secret Nights - 33
Secret Nights - 34
Secret Nights - 35
Secret Nights- A
Secret Nights - 36
Secret Nights - 37
Secret Nights - 38
Secret Nights - 38
Secret Nights - 39
Secret Nights - 40
Secret Nights - 41
Secret Nights - S
Secret Nights - 42
Secret Nights - 43
Secret Nights - 44
PASASALAMAT
Meet Zeke Anderson
Bonus Chapter

Secret Nights - 28

291K 3.6K 300
By iamaivanreigh

AUTHOR'S NOTE: Ang part po na naka-italic serves as flashback. May mga readers kasi na hindi alam na flashback na pala. At ang mga eksena po dito ay based on fact. I've researched about this matter before putting them into this story. Sad.

*****

Nang sumunod na mga araw ay naging abala ako sa paghahanda para sa isang party na dadaluhan ko mamayang gabi. It was a party hosted by the Ortega family. Piling-pili lang ang imbitado at karamihan ay mga kabilang sa mga pinakamayayamang pamilya sa buong Region Eight.

Fortunately ay kabilang ang pamilya Advincula sa mga naimbitahan para sa naturang party. Kaya mamaya ay ako ang magsisilbing date ni Yuan para maka-penetrate ako sa pamilyang balak kong paghigantihan.

Bandang alas-sais pa lang ng gabi ay nakabihis na ako at natapos na rin sa paglalagay ng make-up. When I was still at Colorado, I’ve learned that make-ups can actually enhance one’s beauty. That’s why I decided to undergo a personality development class. And after few months of intensive training, here I am now; the classy and sophisticated Amber Teagarden.

I was pleased when I saw my own reflection at the mirror. Bagay na bagay sa akin ang itim na gown na suot ko ngayon. It was a body-hugging silk gown accentuated with rhinestones and few diamonds. Malalim ang buka ng gown sa may cleavage part kaya halos kita na rin ang pisngi ng dibdib ko. But it was actually purposely done. Kahit ang likod ko ay naka-expore din dahil backless ang naturang gown katulad na lang ng gown na sinuot ni Kim Chui noong 8th Starmagic Ball.

This night, I want to be the prettiest girl in Samuel Ortega’s eyes. Ikinabit ko sa magkabilang tainga ko ang diamond earrings na ilan lang sa mga minana ko sa namayapa kong asawa. Hindi na ako nagsuot ng kwintas dahil sisiguruhin kong mamaya ay ako ang makakakuha ng heirloom na ipapa-auction ng Ortega family.

One last glance at the mirror at pagkatapos ay lumabas na ako ng room ko bitbit ang isang black pouch na nabili ko nang minsang mamasyal kami ni Shawn sa New York. Pagdating ko sa lobby ay agad kong nakita si Yuan na nakaupo sa waiting area. Agad siyang tumayo pagkakita sa 'kin.

“Shall we?” he asked while offering me his one hand. Tinanggap ko ang kamay niya at hinayaan siyang alalayan ako hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya. Habang nasa daan kami ay may mga bagay na ipinaalala sa akin si Yuan.

“Samuel Ortega is a known playboy. Ang advocacy yata ng lalaking 'yon ay magparami ng listahan ng babaeng napaiyak niya. Trust me, that guy is not to be trusted. Kaya kung ako sa iyo, huwag mo nang ituloy ang pinaplano mo.”

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Yuan. Kung tutuusin ay hindi naman saklaw ng trabaho niya ang panghimasukan ang personal kong buhay. But I could feel the sincerity in his voice. Siguro nga ay concern lang siya para sa akin. But too bad, I’ve already made up my mind. Wala nang makakapigil sa mga plano ko.

Starting tonight, sisiguruhin kong makukuha ko ang atensiyon ng Samuel Ortega na 'yon. I’ll make him fall in love with me. O kung hindi ko man siya magawang paibigin, sisiguruhin kong mawawala rin sa kanya ang pinakamahalagang bagay na mayroon siya.

Katulad na lang ng pagkawala ng pinakamahalagang bagay na mayroon ako noon—ang nanay ko.

November 8, 2013. Tandang tanda ko ang araw na 'yan—ang araw kung saan nanalasa ang super typhoon Yolanda na kumitil ng napakaraming tao sa maraming bayan ng Leyte.

Alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na kami ng nanay ko dahil sa lakas ng ulan na rinig na rinig namin ang patak sa bubong ng barong-barong na tinutuluyan namin.

Anak, magbalot ka ng ilang damit mo at aalis tayo. Mukhang lalo pang lalakas ang bagyong ito,” narinig kong sabi ng nanay ko sa namamaos na boses. Kakagaling lang kasi niya ng sakit at halos bahagya pa lang humuhupa ang lagnat niya.

Mabilis na naglagay ako ng ilang piraso naming mga damit sa isang plastic. Useless ang mga bag sa ganitong mga klase ng panahon dahil mababasa lang din ng ulan. Ayon daw sa balita ay may bagyo nga raw na paparating ngayon. Pero hindi naman nasabi sa balitang ganito pala kalakas ang bagyong tatama sa Leyte.

Paglabas namin ng ay nagulat pa kami ni nanay nang makitang abot na pala hanggang tuhod ang tubig sa labas. Lalong lumalakas ang ulan at tila sumisipol ang hangin. Nakaramdam ako ng pangangaligkig nang muling umihip ang malakas na hangin.

Katulad namin ay nagsimula na ring magsilikas ang mga pamilya sa lugar na 'yon na nobenta porsiyento ay pawang mahihirap kagaya namin. Pinilit naming makalabas ng eskinita para doon maghanap pwede naming pagkanlungan.

Naawa ako sa nanay ko nang pagkatingin ko sa kanya ay halos ginaw na ginaw na siya dahil pareho na kaming basing-basa sa ulan dahil kahit nakapayong kami ay hindi pa rin niyon masawata ang napakalakas na ulan na sumasalubong sa amin.

Nang may makita akong mataas na bahay ay agad na kinalampag ko iyon. “Tulong! Tulong!” malakas na sigaw ko habang kinakalampag ko ang mataas na gate.

Mula sa terrace na nasa ikalawang palapag ng bahay ay may nakita akong isang babae na mukhang katulong. Nakita ko ang awa sa mga mata niya nang makita niya kami. “Ate, baka po pwedeng makituloy muna kami sa inyo. Ginaw na ginaw na po kami ng nanay ko.”

Nang mga oras na 'yon ay abot na hanggang bewang ang maitim na tubig baha. Bababa na sana ang babae nang isang lalaki ang nagsalita mula sa likod niya. “Yaya! Don’t tell me papapasukin mo ang mga pulubing 'yan? Baka mamaya ay magnanakaw ang mga 'yan,” matigas na sabi ng lalaki na sa tantiya ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon.

Pinunasan ko ang mukha ko at muling nagsalita. “Parang awa niyo na. Hindi kami magnanakaw. Patuluyin niyo sana kami kasi tumataas na ang baha.”

Pero matigas ang puso ng lalaki. Hindi ito pumayag at sa halip ay pinagsarhan lang kami ng pinto.

Anak, bumalik na lang tayo sa bahay,” malungkot at nanghihinang sabi ng nanay ko.

Pero agad akong nagdesisyon na huwag nang bumalik dahil patuloy na tumataas ang baha. 'Di kalayuan sa malaking bahay na 'yon ay may nakita akong isang abandonadong bahay na gawa sa bato. Mabilis na niyaya ko ang nanay ko doon. Hindi man iyon ganoon kataas katulad ng tatlong palapag na bahay na nadaanan namin kanina, alam kong pwede na kaming mag stay doon ng nanay ko.

Mabilis na tumataas ang tubig. Pareho na kaming umiiyak ng nanay ko habang palapit kami nang palapit sa abandonadong bahay. Ilang dipa na lang ay malapit na kami sa bahay na 'yon nang maramdaman kong wala na sa tabi ko ang nanay ko.

Nay!” umiiyak na sigaw ko nang makita ko siyang nakahinto habang nakapikit at tila may iniindang masakit sa katawan niya. Nakita kong halos hanggang leeg na ang tubig sa nanay ko dahil mas maliit siya sa akin.

Sige na anak. Pabayaan mo na ako. Hindi ko na kaya. Iligtas mo ang sarili mo.”

Umiiyak na umiling ako. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya. Babalikan ko sana ang nanay ko nang tila nagkaroon ng malakas na tidal wave at biglang mas tumaas ang tubig na lampas ulo ko na. Sa puntong iyon ay halos itim na lang ang nakikita ko. Sinikap kong iahon ang sarili ko mula sa tubig at mabilis na kumapit sa isang water container na palutang-lutang malapit sa akin.

Ang water container na 'yon ang ginamit ko para makalapit ako sa bahay na pakay dapat namin kanina. Nang tuluyan akong makasampa sa hagdan ay saka ko lang naramdaman ang malaking sugat sa binti ko.

At ganoon na lang ang panghihina ko nang hindi ko na makita ang nanay ko sa kinatatayuan niya kanina. Hindi maampat ang luha ko habang patuloy na lumalakas ang ulan at nanggagalit ang langit. Patuloy ang pagsipol ng hangin na lumalangitngit sa bubong ng bahay na pinagkakanlungan ko.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng bagyo na ganito kalakas. It was almost impossible to fathom. Para iyong mga nangyayari sa pelikula.

Matapos ang ilang oras ay humina ang ulan. Mabilis ring humupa ang tubig at bago sumapit ang gabi ay hinanap ko na ang nanay ko. Pero hindi ko agad siya nahanap dahil pagsapit ng gabi ay wala nang kuryente ang buong siyudad.

Kinukasan ko na nakita ang nanay ko. At halos madurog ang puso ko nang makita ko ang bangkay niya kasama ang iba pang mga hindi pinalad na makaligtas. Hindi ko alam kung paano ako napakalma ng mga rescuers na alam kong padala ng gobyerno.

Iyak lang ako nang iyak. Kasama ang nanay ko sa mga inilibing sa mass grave. Ilang araw akong nagpalaboy-laboy sa kalsada kasama ng ilan pang mga katulad ko na nawalan rin ng kapamilya. Kasama ako sa mga nag looting sa Robinson at Gaisano mall para may makain. Pero sapat lang ang mga nanakaw ko para sa ilang araw.

At nang makita kong may mga rescuer na mga taga ibang bansa ay mabilis na lumapit ako sa kanila para matulungan ako. Pero kahit pala sa mga pagkakataong ganito, may mga masasamang loob pa rin na naglipana sa paligid.

Habang nasa evacuation center ako ay may tatlong lalaki na muntik na akong pagsamantalahan. Isang gabi habang natutulog ako ay may bigla na lang nanghipo sa legs ko habang ang isa naman ay humahawak sa dibdib ko.

Sisigaw sana ako pero agad nilang tinakpan ang bibig ko. Hindi ko namalayang may tatlong lalaki na palang pumasok sa tent ko. May isang pinapahawakan ang ari niya habang may sumususo sa dibdib ko. Ang pinakamapangahas na ginawa ng isa ay ang pagpasok ng daliri niya sa ari ko. Pero nang mapagtanto niyang virgin pa ako ay tumigil din siya.

Tandang tanda kong sabay-sabay silang nagparaos bago lumabas ng tent ko. Walang penetration na nangyari pero grabe ang trauma ko dahil sa ginawa nila. Kinabukasan din ay umalis ako ng evacuation center sa takot na baka tuluyan na akong mahalay ng mga gagong 'yon.

Muli akong nagpalaboy-laboy sa kalasada hanggang sa isang araw ay dumating nga si tita Sol. Nang malaman niyang patay na ang nanay ko ay isinama niya ako sa bahay nila. Ang buong akala ko ay magiging ayos na ang buhay ko pero doon pa lang pala magsisimula ang bago kong kalbaryo.

Napapitlag ako nang maramdaman kong tinapik ako ni Yuan sa braso. Hindi ko namalayang malayo na naman pala ang itinakbo ng utak ko.

“Nandito na tayo,” sabi ni Yuan.

Pagtingin ko sa labas ng bintana ay agad kong nakita ang tatlong palapag na bahay na habang buhay na yatang nakatatak sa isip ko. Kahit na may nabago na sa itsura nito ay tandang-tanda ko pa rin na iyon ang bahay na kinalampag ko noong nananalasa ang bagyong Yolanda.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti sa katabi ko. “Let’s go.”

 __________

I'd like to hear your comment guys with regards sa chapter na 'to. Ngayong nalaman niyo na ang rason ng paghihiganti ni Amber kay Samuel Ortega, sang-ayon ba kayo sa binabalak niyang paghihiganti?

Continue Reading

You'll Also Like

392K 10.8K 35
Zoey is in love with Rome since the day he defends her from Stacey. And from there she loved him from afar. She saw how he flirt with girls around hi...
1.2M 3.3K 5
Ever since Elaina Lain Cornell was a little girl she dreamt of becoming a princess. Living in a castle, loving and marrying an handsome prince. But i...
17.7M 274K 57
Now available in Shopee and all bookstores nationwide. Please grab a copy for only P150.00.☺️
807K 22.4K 40
"I don't believe in love at first sight, i do believe in fuck at first sight." Kelly Garcia