Secret Nights [RATED SPG / CO...

By iamaivanreigh

17.4M 193K 20.9K

WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed wi... More

Author's Note
Prologue
Secret Nights - 01
Secret Nights - 02
Secret Nights - 03
Secret Nights - 04
Secret Nights - 05
Secret Nights - 06
Secret Nights - 07
Secret Nights - 08
Secret Nights - 09
Secret Nights - 10
Secret Nights - 11
Secret Nights - 12
Secret Nights - 13
Secret Nights - 14
Secret Nights - 15
Secret Nights - 16
Secret Nights - 17
Secret Nights - 18
Secret Nights - 19
Secret Nights - 20
Secret Nights - 21
Secret Nights - 22
Secret Nights - 23
Secret Nights - 24
Secret Nights - 25
Secret Nights - 26
Secret Nights - 28
Secret Nights - 29
Secret Nights - C
Secret Nights - 30
Secret Nights - 31
Secret Nights - A
Secret Nights - 32
Secret Nights - 33
Secret Nights - 34
Secret Nights - 35
Secret Nights- A
Secret Nights - 36
Secret Nights - 37
Secret Nights - 38
Secret Nights - 38
Secret Nights - 39
Secret Nights - 40
Secret Nights - 41
Secret Nights - S
Secret Nights - 42
Secret Nights - 43
Secret Nights - 44
PASASALAMAT
Meet Zeke Anderson
Bonus Chapter

Secret Nights - 27

289K 3.6K 302
By iamaivanreigh

Pagkatapos naming mag dinner kasama nina Stacey at Sasha ay nag check-in na ako sa isang kilalang hotel sa may Ortigas. Bago kami maghiwa-hiwalay kanina ay naibigay ko na ang mga pasalubong ko sa kanila.

Kakatapos ko lang maligo at ngayon nga ay nagpapatuyo na ng buhok ko habang nakatapat ako sa glass wall ng room ko at tinititigan ang tila mga alitaptap na ilaw ng ibang mga buildings.

Binuksan ko ang brown envelope na nasa kamay ko at inilabas ang mga pictures na nasa loob. Ang mga larawang iyon ay larawan ng mga taong balak kong balikan upang kahit papaano ay makapaghiganti sa mga ginawa nila sa akin noon.

Unang bumungad sa akin ang family picture ng tita Soledad ko. Lahat sila ay masaya at nakangiti sa picture na iyon. Magawa pa kaya nilang ngumiti ulit sa oras na makita nila ako?

Sunod na tinignan ko ay picture ng isang lalaki na lately ko na lang ulit naalala ang mukha. His name is Samuel Ortega—anak ng mag-asawang doktor sa Tacloban. Malaki ang galit ko sa mga Ortega. Dahil sa kanila ay namatay ang nanay ko nang wala sa oras. Walang puso ang mga Ortega kaya isa sila sa mga sisingilin ko ng malaki.

Ang panghuling picture ay picture ng lalaking minsan ay nagkaroon ng malaking pitak sa puso ko—si Zach. Nakakaloko ang ngiti niya sa picture at halatang punong-puno ng kapilyuhan dahil na rin sa kislap ng mga mata niya. The last time I secretly checked on him ay nalaman kong kaka-graduate lang niya sa kursong business management. At balita ko ay tine-train na siya ng pamilya niya upang humalili sa amang nag-aambisyong pumasok sa mundo ng pulitika.

Muli kong ibinalik ang mga pictures sa loob ng brown envelope at saka iyon ipinatong sa magarbong cabinet ng hotel room na iyon. Nang masiguro kong tuyo na ang buhok ko ay humiga na ako sa kama at hinayaan kong tangayin ako ng antok. Kailangan kong magpahinga nang maigi dahil kakailanganin ko ng ibayong lakas para sa mga darating na bukas.

Kinabukasan wala pang lunch time ay nakapag check-out na ako sa hotel na tinutuluyan ko. Naghihintay na ulit sa akin ang rented car na sinakyan namin kagabi.

“Good morning,” bati ko sa driver. “NAIA terminal three, please.”

I’m going to Leyte at doon na ako magla-lunch. Hindi ako sigurado kung excited ang mga taong dadatnan ko doon but I’m very much excited to see all of them. Halos hilahin ko na ang oras gayong one hour lang naman ang biyahe mula Manila hanggang Tacloban.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko ay agad kong tinawagan si Atty. Michael Yuan Advincula—ang lawyer ko dito sa Pilipinas.

“I just arrived here at the airport,” agad na sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

“Okay. I’m already there.” Saktong paglabas ko sa arrival area ng airport ay nakita ko nga si Yuan na kumakaway sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong kahit papaano ay napaganda na ulit ang airport na 'to na noon ay winasak ng bagyong Yolanda.

“Hey. Finally glad to meet you!” sabi ko sa abogado nang makalapit ako sa kanya. Agad namang kinuha ng lalaking nasa likod niya ang maleta ko at nilagay sa likod ng color gray na Montero Sport na sasakyan na nasa harap namin. First time kong ma-meet si Yuan dahil ini-refer lang din siya sa akin ni Klaus.

“It’s my honor to finally meet you Mrs. Teagarden.” Bahagya pa akong napangiti nang banggitin niya ang apelyido ng namayapa kong asawa. In fairness, Yuan is a nice looking guy. Naglalaro yata sa 5’9” ang height niya at halatang namuhay ng marangya base na rin sa very cultured niyang mga galaw.

“Have you already told them about my arrival?” tanong ko sa abogado habang bumibiyahe kami papunta sa pinaka-sosyal na hotel sa downtown ng Tacloban. It wasn’t as classy compared to the hotel in Manila pero okay na rin iyon para sa akin.

Dahil naasikaso na ni Yuan ang pagche check-in ko ay iniwan ko na lang ang maleta ko at pagkatapos ay bumiyahe na ulit kami papunta naman ng Abuyog. “They are all excited to see you.”

Thirty minutes later ay nasa harap na kami bahay ng tita Soledad ko. It was newly repainted—which is part of my order to Yuan. Pagpasok namin ay hindi ko maiwasang makaramdam ng sudden feel of nostalgia. Para akong nagbalik sa nakaraan.

Pagpasok namin ay nakita pa naming halos aligaga ang mga tao sa loob ng bahay. I clung to my Hermes bag and draw strength from it.

Shocked ang unang bumalandra sa mukha ng tita ko, ni Jade at ni Sapphire. Samantalang hindi ko naman nakita ang tito Carlos. Must be sleeping with his mistress again. While I was still at Colorado, napag-alaman kong ibinebenta ng tita ko ang bahay at lupa nila. Nalulong daw sa bisyo ang tito Carlos at halos napabayaan na ang trabaho. Mas lumala pa ang problema nang magsimula itong mambabae.

Ang kambal naman ay parehong hindi nakapagtapos ng college. Ngayon ay single mother na si Jade at si Sapphire naman ay may ka live-in ayon na rin sa report na ipinadala sa akin ni Yuan noon. Dahil sa mga problemang kinaharap ng pamilya, hindi na naasikaso ng tita Soledad ang trabaho niya kaya natanggal siya sa trabaho.

When I learned about the news na ibinebenta nga nila ang bahay at lupa nila ay agad akong nag-decide na kunin ang property. It wasn’t the most big or beautiful house in Abuyog but I want to buy it. Gusto kong makuha ang isa sa pinakamahalang bagay na pagmamay-ari ng pamilyang umalipusta sa akin noon.

“Amber?” shocked na bulalas ni Tita Sol. Mabuti naman at naalala niya pa pala ako despite the big changes in my physical appearance.

“Surprised, Tita?” tanong ko habang nakangiti sa kanilang lahat. There an air of confidence I know. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang dating kinakawawa nila ngayon ay nagbalik na.

“Mrs. Tinapan, this is Amber. Siya po ang nakabili nitong bahay ninyo,” mayamaya ay sabat ni Yuan nang makita ang pagtataka sa mukha ng tita ko.

“Pero ang akala ko ay isang Mrs. Teagarden ang buyer nitong bahay ko?”

“I am Mrs. Teagarden, tita.” No wonder na wala siyang kaalam-alam na ako na pala ang nakabili ng bahay nila ay dahil hindi naman daw siya nagtanong masyado hinggil sa identity ng buyer. Basta tanggap lang siya nang tanggap ng pera mula sa abogado ko. As of now ay nabayaran ko na ang kalahati ng presyo ng napagkasunduan nila ni Yuan at ng Tita ko. “Anyway, nagugutom na ako dahil hindi ako nag-breakfast. Is lunch ready?”

Mabilis naman na kumilos ang tita ko at niyaya kami papunta sa kusina. Wow, things has really changed. Umupo ako sa pinakagitna ng mahabang mesa kung saan nakahanda na ang masasarap na pagkain. Iyon mismo ang mga nirequest ko kay Yuan na ipaluto para sa pagdating ko.

Umupo sa tabi ko si Yuan sa kaliwa ko at sa kanan ko naman ay si tita Sol. Ang kambal ay shocked pa rin na nakatitig sa akin. I’m sure they are both seizing me up. Iniisip marahil nila pareho kung paano ako yumaman ng bongga.

“Sapphire, can you get me a glass of water please?” sabi ko kay Sapphire na parang saka lang natauhan. May juice na nakahanda sa mesa pero mas gusto kong uminom ng tubig para mautusan ko ang bruha.

Medyo natawa pa ako nang natatarantang kumuha nga siya ng tubig sa ref. Si Jade naman ay nakita kong yumuko. She must be feeling sorry for her family.

“So tita, kelan niya balak umalis dito sa bahay? I’ll be giving the half of the payment today. Gusto ko sana ay sa lalong madaling panahon ay makalipat na ako dito since balak kong ipa-renovate muna itong buong bahay.”

Nakita ko ang pagtamlay ng mukha ng tita ko. Sinikap kong patatagin ang loob ko. Hindi niya ako madadala sa paawa effect niya. Inalala ko na lang sa isip ko ang mga pambubulyaw at pananakit na ginawa niya sa akin noon sa tuwing magkakamali ako sa mga utos niya.

“Amber, ngayon nalaman ko nang ikaw pala ang nakabili nitong bahay ay balak kong huwag na lang ituloy ang pagbebenta.”

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Maibabalik niyo po ba ang six hundred thousand pesos na naibayad ko na sa inyo noon?”

“Amber, kasi nagastos ko na sa—”

“Tita, you know that’s not how it works. Kung hindi niyo maisosoli ang perang ibinayad ko ay kailangan niyo nang maghanap ng malilipatan niyo.”

Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya. “Ganyan ka na ba kawalang puso, ha? Yumaman ka lang ay nag-iba na ang ugali mo.”

Binitawan ko ang kubyertos na nasa kamay ko at saka pinagsalikop ang dalawa kong kamay. “Paanong nagbago Tita? And please, don’t try to lecture me with good values because we both know that you’re not a good example either.”

Siguro ay na-realize niyang tama ako ng sinasabi kaya yumuko na lang siya. “Wala kaming mapupuntahan, Amber. Ang kalahati ng ipambabayad mo ay ibabayad lang din namin sa napakarami naming utang. Baka pwedeng dito na lang kami? Kung kinakailangang magtrabaho kami para sa 'yo, gagawin namin.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Iyon lang naman ang hinihintay kong marinig mula sa kanya. “Okay. Hindi naman ganoon kaitim ang puso ko. Hindi ko kayo paaalisin tita. You can still use your room but Jade and Sapphire, I want them out of this big house. Doon sila titira sa tinirhan ko dati.”

“Pero Amber…” narinig kong protesta ng tita ko.

“Atty., I’m done eating. Are you finished too?”

“Tapos na rin ako,” sagot ni Yuan.

“We have to go tita. I still have to talk to some important people.” Ipinagdiinan ko pa ang salitang ‘important’ para malamang hindi sila importante sa buhay ko.

Nakaramdam ako ng satisfaction nang pagdaan ko sa harap ng kambal ay nakita kong nakayuko lang sila na parang maaamong tupa. But I know better. Alam kong paglabas ko sa bahay na 'to ay magsisilabasan din ulit ang mga sungay nila para libakin ako.

“Bye, girls!” sabi ko pa sa kanilang dalawa bago ako tuloy-tuloy na lumabas ng pinto.

__________

Follow me on Twitter and Instagram: @iamaivanreigh :)

Continue Reading

You'll Also Like

22.5M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...
807K 22.4K 40
"I don't believe in love at first sight, i do believe in fuck at first sight." Kelly Garcia
392K 10.8K 35
Zoey is in love with Rome since the day he defends her from Stacey. And from there she loved him from afar. She saw how he flirt with girls around hi...