My Wacky Girlfriend (Complete...

By mharizt

1.4M 21.7K 4.5K

In a world where they're all trained to be the next business tycoons of the country, Sky Anderson met Ynna Pa... More

Prologue
Chapter 1 - Janina's Dream
Chapter 2 - The Offer
Chapter 3 - Meeting Sky
Chapter 4 - First Day
Chapter 5.1 - Zero
Chapter 5.2 - Contract
Chapter 6.1 - Boyfriend
Chapter 6.2 - Hold Up
Chapter 6.3 - Missions
Chapter 7 - Phone Call
Chapter 8.1 - The Game
Chapter 8.2 - Buffet
Chapter 9 - Almost Kiss
Chapter 10 - Liplocked
Chapter 11 - FHM
Chapter 12 - I Had Fun
Chapter 13 - Hero
Chapter 14 - Honesty
Chapter 15.1 - Let's Party
Chapter 15.2 - Real Thing
Chapter 16 - Revelations
Chapter 17 - Perfect Wife
Chapter 18 - Quicksand
Chapter 19 - Catch Me
Chapter 20 - Ice Cream
Chapter 21 - Serious
Chapter 22 - Pageant
Chapter 23 - Worth It
Chapter 25 - Superwoman
Chapter 26 - Respect
Chapter 27 - Good or Bad
Chapter 28 - Traitor
Chapter 29 - Blackmailed
Chapter 30 - Chained
Chapter 31 - Game Over
Chapter 32 - NYC
Chapter 33 - Mine
Chapter 34 - So Dead
Chapter 35 - Threats
Chapter 36 - WTH
Chapter 37 - Stalker
Chapter 38 - Bullied
Chapter 39 - Slowly
Chapter 40 - Note
Chapter 41 - 50%
Chapter 42 - Bad Luck
Chapter 43 - Pride
Chapter 44 - Save
Chapter 45 - BTW
Chapter 46 - Thrill
Chapter 47 - Last Card
Chapter 48 - Weird
Chapter 49 - Voice
Chapter 50 - Picture
Chapter 51 - Us
Chapter 52 - Dream
Chapter 53 - Purpose
Chapter 54 - Gift
Chapter 55 - English
Chapter 56 - Fall
Chapter 57 - BTW2
Chapter 58 - Sleep
Chapter 59 - Day
Chapter 60 - End
Epilogue

Chapter 24 - Risked

20.5K 372 67
By mharizt

A/N

Hello! I'm back!!! :P Sorry ngayon lang nakapagUD, bawal kasi magwattpad sa work. =)))) Syempre kunwari sipag-sipagan muna ako. :P Next time na siguro kapag medyo luma na ako dun! Bwahahaha! Pakitang gilas muna. 1st job ko ito ee! :) Anyway, this is one of the best chapters I've ever written. (In my opinion lang) I hope you'll like it, too! Weee! Malapit na tayo mag 70K!!! Thank youuuuu! :* Happy Halloween! Rar! =)

- Mhariz :3

--

• ALYNNA MARIE PAREDES •

Nakatalukbong ng kumot at hindi mapigilan ang mala-gripong paglabas ng mga luha ang sitwasyon ko ngayon. Masyadong naging malala ang naging sagutan namin ni Caloy kanina sa sala. Hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla ko nalang na amin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko para kay Sky. Sinabi ko sa harapan niya na mahal ko si Sky. Kitang kita ko na nasaktan siya. Pero hindi ko naman pwede nalang na kalimutan ang nararamdaman ko para kay Sky dahil lang sa sinabi niya eh.

Nakakainis lang isipin na dapat si Caloy ang umiintindi sa akin sa mga ganitong pagkakataon eh. Kaya nga best friend 'di ba?  Pero kabaligtaran ang ginawa niya. Imbis na siya ang umintindi, siya pa ngayon ang hindi kumakausap sa akin. Hay! Ewan ko ba!

Pero naaawa din ako kay Caloy. Hindi niya deserve yung mga binitiwan kong salita sa kanya. Masyado lang akong nadala ng mga emosyon ko. Hindi ko inakalang mag-aaway kami ng best friend ko dahil sa lalaking minahal ko. Kakausapin ko nalang si Caloy pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa ako handang makipag-ayos sa kanya. Kapag kinausap ko siya ngayon ay baka lalo lang lumala ang alitan namin. Hahayaan ko nalang munang palipasin ang oras.

Tungkol naman kay Sky, hindi ko rin alam kung paano din ako makikipag-ayos sa kanya. Galit siya sa akin. Galit siya sa pagaakalang boyfriend ko nga si Caloy. Ang akala niya ay niloloko ko lang siya simula noon. Tutal, niloloko ko lang naman talaga siya eh. Hindi naman ako si Janina. Pero ayoko talagang maging magka-away kami ni Sky. Gusto kong makipag-ayos sa kanya. Gusto kong sabihin na hindi naman talaga kami ni Caloy.

Pero paano? Ni hindi man lang niya sinasagot ang mga tawag ko sa cellphone niya. Yung mga text ko ay hindi rin niya nirereplyan. Sembreak na kaya naman ay hindi rin kami magkikita sa school. Wala kaming magiging pagkakataon para makapag-usap. Kung puntahan ko kaya siya sa bahay niya? Waaa! Hindi ko naman alam kung nasaan siya nakatira eh! Sky naman please, huwag ka na kasing magalit sa akin!

*Baby baby baby baby heaven sent you

Maybe maybe maybe maybe we are meant to be

Together be forever two little hearts go boom!*

Debbie Corazon calling...

"Debbie! Napatawag ka?" sabi ko pagsagot ko ng cellphone.

[Ynna dear!!! Happy sembreak!!!] sigaw niya.

"Happy sembreak din sa inyo ni Karen!"

[Tomorrow is my birthday! Nalimutan mo na ba? Nakakatampo ka na ah!]

"Ay. Hehe. Oo nga pala! Advanced happy birthday!" Tss! Aba malay ko ba kung kelan ang birthday niyo!

[May party ako tomorrow sa 5th heaven bar! It's my birthday celebration! Dun din gaganapin yung alumni party na facilitated by the Vengeance! You must come!]

Party? Alumni? Vengeance? I must come? Waaaa!

"P-Pwede ba yun? Makikisabay yung party mo sa alumni party?"

[Duh! It's family bar! Hindi mo na ba naaalala?]

"Ay haha! Oo nga pala! Pero okay lang kaya yun?" ano ba itong mga sinasabi ko! Parang wala namang kwenta!

[Well, wala silang magagawa! It's ours! Hahaha! See you tomorrow, pretty Ynna! Bye!]

"B-Bye..."

Hay. Kanina lang ay umiiyak ako dahil nag-away kami ni Caloy at dahil nagalit si Sky tapos bukas, magpaparty na ako? Kumusta naman iyon? Parang hindi magandang kombinasyon yun ah. Baka isipin pa ni Caloy at Sky na binabalewala ko lang ang mga tampuhan ko sa kanila. Ay ewan! Tapos kasabay pa ng alumni party ang birthday ni Debbie. Malamang ay makikita ako nila Ash. At posible rin kayang naroon bukas sila Sky? Siguro ay invited din siya kasi balita ko  ay nagkakamabutihan na si Dwight at Debbie eh. Tama! Bukas na siguro ang tamang pagkakataon para humingi ako ng tawad at ipaliwanag ang lahat kay Sky!

Lord, pagbatiin mo na kami please.

***

Kinabukasan ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Caloy simula almusal hanggang hapunan. Alam kong nararamdaman na ni Shibama na may alitan sa amin ni Caloy kaya naman ay pinapunta na niya ako sa kwarto para ayusan na niya ako sa party na dadaluhan ko mamaya. Siguradong magtatanong na din siya sa kung anong nangyari.

"Anong meron, girl?!" bungad niya. Sabi ko na nga ba.

Hindi na ako nagdalawang isip pa kung sasabihin ko ba kay Shibama o hindi. Alam mo sa sarili ko na wala akong karapatan magtago ng kahit ano kay Shibama.

"Shibs... Nalaman na ni Caloy ang lahat. Naririnig pala niya ang mga away namin noon ni Sky sa kwarto. At nakita din niya kami na pumasok sa condo nung nabasa kami ng ulan."  pag-amin ko.

"Oh my gosh! Kaya pala mr. Sungit ang peg niya kaniner!!! Hayaan mo siya! Che!" umirap siya.

"Hindi lang yun, Shibs. Naabutan kami ni Sky na magkayakap ni Caloy kagabi. At sinabi pa ni Caloy na boyfriend ko siya at hindi bestfriend. Kaya naman---" hindi na niya ako pinatapos.

"Nagalit si papa Sky?!?!" nanlaki ang mga mata niya.

"Oo."

"Oh no!" nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Shibs..." nanggigilid nanaman ang mga luha ko.

"Later! Later yung party ni Debbie right?! Go talk to papa Sky na and explain everything! It will be alright, girl!" sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

"Sana nga nandun siya. At sana kausapin niya ako. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko at ang mga texts ko eh." nagaalala kong sinabi.

"Wow ha! Chics siya ah! Pakipot lang yun! Babatiin ka din nun! Try mo lumapit sa ibang boys later sa party. Siguradong magwawala nanaman yun. Baka magmacarena ulit! Hahahaha!" tawang tawang sinabi ni Shibama. Pinapalo-palo pa niya yung make-up table.

Ngumiti nalang ako ng mapait. Hindi ko pa yata kayang tumawa kung punong puno ng pag-aalala kay Sky ang nararamdaman ko.

"Shibs... Pasensya na ha. Nadadamay ka pa tuloy." sabi ko. Niyakap niya ako.

"Ano ka ba, girl. Okay lang ako. All I want is for you to be happy. Life is too short to hold back feelings. Kung mahal mo at mahal ka, then go! Hindi lahat ng tao ay mutual ang feelings for each other. Kaya kapag binigyan ka ng chance ni Lord, gora na! It might not happen again!"

"Shibs..."

"Shh. Basta. Do your best later. Whatever happens, I'll be here for you."

.

"Salamat Shibs." at ako naman ang yumakap sa kanya.

Pinasuot ako ni Shibama ng red sleeveless cropped top at black leather skater skirt na hanggang gitna lang ng hita ko. Nakaboots ako na hanggang tuhod na medyo may kaunting wedge. Nakatirintas ang buhok ko na parang head band at nakakulot naman ang dulong bahagi ng mga buhok ko na hindi nakatirintas. Ang ganda ko lang. Ang galing talaga ni Shibama. Napangiti ako ng konti.

***

[5th Heaven Bar]

5th Heaven. Wow. Heaven nga talaga! Ngayon ko lang nalaman na may ganitong bar pala! Sobrang laki! Sa sobrang laki ay napagtanto ko na invited pala ang buong ECB! Kasabay pa nito ay ang mga alumni din ng ECB! Ganun kalaki ang kayang sakupin ng bar nila Debbie! Ang yaman! Mas maganda pa ito sa Tritonne! Modernong moderno ang pagkakagawa dito. Ang ganda ganda talaga!  

Malakas na tugtugan nanaman ang sumalubong sa akin pagpasok ko at agad kong nakita ang mga taong nagsasayaw. Kung ang paldang suot suot ko ay hanggang sa gitna ng hita ko, mas malala ang suot ng mga babaeng nagsasayaw. Halos panty nalang! Mas maikli pa sa tunay na panty! Halos wala na! Kadiri! May nakita pa akong isang lalaking kinurot yung pwet nang isang babae! Waaaa! Bastos!

Hindi man lang nagalit yung babaeng kinurot ang pwet. Tumawa pa siya at lumapit sa akin. LUMAPIT SA AKIN! Niyakap pa niya ako! 

"Ynna! I'm glad you came!!!" sabi ni Debbie pagkalas niya sa yakap.

"S-Syempre naman." naiilang  na sagot ko. Hindi ko parin maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina. Hindi man lang nagalit si Debbie kay Dwight! Bastos na yun! Oo. Siya lang naman ang kumurot sa pwet ni Debbie. Hayyy! Subukan lang talaga gawin ni Sky sa akin yan! At nako! Kukurutin ko rin yung kanya! Hehe! Joke!

Oo nga pala. Nasaan na kaya yun?

"Debbie... Si Sky?" tanong ko.

"Ah. He's there o." tinuro ni Debbie sa akin ang lalaki naka gray hoodie.

Tinignan ko siya at mabilis na nagtama ang mga tingin namin. Hindi siya umiwas ng tingin kaya naman pupunta na sana ako sa kinaroroonan niya nang hilain ako bigla ng isang lalaki. 

"Sayaw tayo, Ynna! Yeah yeah yeah! Pwede bang pahawak ng sexy legs mo? Ooh la la!" si Viel. Oo nga pala at alumni party din nila ito.

"Viel. Kailangan kong makausap si Sky." sagot ko.

"Mamaya na Ynna! Mag-enjoy ka muna kasama kamin!" hirit naman ni kuto boy, si Clyde.

"Clyde kasi... May kailangan talaga kaming pag-usapan."

"Is that important? Come join us!" sigaw naman ni Austin mula sa malayo.

"Oo eh!" sigaw ko pabalik.

"Life and Death?!" sabay namang pang-aasar ni Dwight at King. Nag-apir pa sila dahil sa sabay nilang pagkakasabi. Tss. Mga weirdo.

"Oo." iritado kong sagot.

"You really like our Sky that much huh?" sabi naman ni Chase habang umiinon ng medyo mabahong beer. Hindi man lang siya tumingin sa akin.

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Let her go." sabi naman ni Erick kaya naman pinalaya na nila ako. Buti pa si Erick. Siya lang yata talaga ang may isip sa buong Vengeance.

Dali dali naman akong tumawid sa mga nagsasayawang taong may tig kakalahating panty para makarating sa kinaroroonan ni Sky. Ang hirap tumawid. Dumidikit kasi sa akin yung mga pwet nila. Kadiri talaga! Ughhh!

"Sky!" sigaw ko nang nakarating na ako malapit sa kanya.

"..." nakatingin lang siya sa akin pero hindi niya ako sinagot.

"Sky... Kausapin mo naman ako." sabi kong muli.

"..." wala parin siyang imik. Mukhang wala parin yata siyang balak na kausapin ako. Napagpasyahan kong ikwento nalang sa kanya ang side ko. Mukhang hindi rin naman siya aalis eh. Ayaw rin niya akong iwasan ng tingin.

"Sky naman, huwag ka nang magalit sa akin please. Yung sinabi ni Caloy, joke lang yun. Hindi talaga kami. Best friend ko lang talaga siya."

"..."

"Sinabi lang ni Caloy yun dahil natatakot siya na masaktan ako. Syempre best friend ko siya, sabay kaming lumaki, ayaw niyang nakikita akong nasasaktan... Ganun..."

Hindi pa rin niya ako sinasagot at hindi pa rin niya ako binibitawan ng tingin. Parang naglalaro lang kami ng patagalan ng titig. Parang may kung anong gustong sabihin sa akin ang mga mata niya. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi naman siya galit sa akin. Parang may gusto lang siyang iparating. Pero hindi ko talaga alam kung ano ba iyon.

Halos matagal din kaming nagtitigan pero naputol iyon nang hinila na ako ni Karen malapit sa stage para abangan ang sasabihin ng emcee na si Ash. May surprise game daw na magaganap at iyon na din ang magiging main event nitong party. Excited na daw ang lahat kaya naman ay dapat daw ay nasa harap kami. Magiging masaya daw ito.

Medyo nainis ako na hindi man lang ako pinigilan ni Sky sa paghihila sa akin ni Karen. Pero kahit malayo na ako ay kitang kita ko pa rin ang mga mata niya na binabantayan lang ako. Ano ba talaga yun? Para saan ba yun? Waaa! Bawat galaw ko ay binabantayan niya! Nakakailang. Err.

"Good evening everyone!" humina ang musika nang nagsalita si Ash.

"Wooooooh!!!!" nagtatatalon at nagsisisigaw na pagsagot ng mga tao.

"Who's excited for our game?!"

"Wooooooh!!!"

"But before anything. Let me remind you guys that this game is just for the single people! So lahat ng in a relationship, out!" nakangiting sambit ni Ash.

"Woooooohhhh!!!" hindi pinansin ng mga tao ang sinabi ni Ash. Mukhang lahat yata ay gustong sumali. Ano naman kaya ang game na ito?! Parang kinakabahan ako. Pero ewan ko ba kasi medyo naeexcite din ako. Baliw na ba ako?! Dapat ay magsorry ako kay Sky!

"Our is game called 'The Blindfold Party'."

Blindfold?! Yung parang pupukpukin yung palayok?! Yun lang yung game?! Tapos excited na excited silang lahat?! Chicken! Expert kaya ako diyan! Wala na ba silang ibang alam na game? Tss.

"So here are the mechanics! All the girls in this bar will be blindfolded. And the guys will be able to choose their girl for the night. First come first serve basis. After 20 minutes, pwedeng magpalit ng girl ang guys! Pero pwede ring hindi na! It's up to you! The guy has all the right to ask his chosen girl all questions, no matter how private, sexy, o kinky it may be!"

Pagsabi ni Ash nun at biglang may nagtakip na ng mga mata ko. Hindi ko alam kung sino. Sinubukan kong alisin pero sinabihan nila ako na huwag daw akong killjoy. Game lang naman daw ito. Medyo mahigpit din ang pagkakatali kaya hindi ko rin matanggal.

Napakalayo ko sa kinaroroonan ni Sky pero umaasa pa rin ako na si Sky ang kukuha sa akin para maging partners kami sa game na ito. Umaasa pa rin ako na makakapag-usap kami at magkakaayos kami sa gabing ito. Tamang tama ang game na ito. Lahat ng tatanungin ni Sky ay sasagutin ko ng buong puso. Pwera nalang siguro tungkol sa kontrata ko kay Janina.

"Alright, all the girls are now blindfolded! And I guess all the guys are now ready! So in... 3... 2... 1... GO! Get your girl! Turn a good love song on! And let's party!" malakas na pagsabi ni Ash. Kasabay nun ay naramdaman kong may lalaking humigit sa akin at dinala ako sa labas ng bar kung saan mayroong mini garden. Mula sa labas ay naririnig pa rin ang malakas na tugtog galing sa bar.

♪ How did I get here?

I turned around and there you were

I didn't think twice

Or rationalize

cause somehow I knew ♫

Hindi si Sky ang lalaking humigit sa akin. Medyo OA man pero alam ko ang mga haplos ni Sky. Alam ko ang amoy niya. Bumibilis din ang tibok ng puso ko kapag malapit sa akin si Sky. Ngayon, walang kahit anong paghuhurumentado ang nararamdaman ko sa sistema ko kaya naman alam ko na hindi ito si Sky. Sino kaya ito?! Baka bastusin ako nito! 

♪ That there was more than just chemistry

I mean I knew you were kinda of into me

But I figured it's too good to be true ♫

"Bakit nagbago ka na?!" tanong ng lalaki. Ramdam kong kinulong niya ako sa mga braso niya habang ako ay nakasandal sa pader. Sa boses palang niya ay nalaman ko agad na siya si Dave. Lagot na. Nandito nga rin pala siya. Nandito rin sila Farrah. Syempre invited sila. Ininvite nga kasi ni Debbie ang buong ECB sa birthday niya  eh. Kasya naman daw kasi ang buong school sa bar niya. Pero hindi ito pwede. Bakit sa dinami dami namang pwedeng kumuha sa akin, bakit siya pa! Ano nalang ang isasagot ko sa kanya?! Wala akong alam sa naging relasyon nila ni Janina! 

"H-Hindi ko alam."

"Shit!" sinuntok niya ang pader! "Mahal mo pa ba ako?!"

"Dave... H-Hindi n-na." kinakabahan kong sagot.  Hindi ko makita ang ekspresyon niya pero alam kong galit siya.

"Alam kong mahal mo pa ako! Alam kong naggagamitan lang kayo ni Sky! Di ba?!" sabi niya habang pinipisil niya ang braso ko.

"Dave! Binitawan mo ako nasasaktan ako!" pilit kong tinanggal ang pagpisil niya.

Katahimikan...

"Babe, tayo nalang ulit. Iiwan ko na si Farrah. Nagsisisi na ako babe! Mahal na mahal kita! Please babe!" kung kanina ay galit siya, ngayon ay nagmamakaawa na siya. Umiiyak siya!

"Dave, kami na ni Sky." tipid kong sagot.

"Pangpalipas oras mo lang si Sky 'di ba?! Babe ako pa rin 'di pa?! Please babe! Nagmamakaawa ako babe! Mahal na mahal kita!" niyakap niya ako at ramamdaman ko ang hininga niya malapit sa bibig ko na para bang hahalikan na niya ako. 

"DAVE NAMAN!" sumigaw na ako. Hindi niya ako pwedeng mahalikan! Hindi ko naman siya kakilala! Si.. Si Sky lang ang pwedeng humalik sa akin!

"Babe, ako ang mahal mo 'di ba?! Please babe, tell me you still love me!"

"Dave! Hindi na nga!" sigaw ko.

"Please babe, I love you!" ramdam kong umamba nanaman siya na para bang hahalikan nanaman niya ako ulit.

"DAVE ANO BA! KAMI NA SI SKY HINDI BA?! SI SKY ANG MAHAL KO! SIYA LANG ANG MAHAL KO! SANA NAMAN INTINDIHIN MO YUN! SANA MAGING MASAYA KA NALANG PARA SA AKIN. PARA SA AMIN. MAGKAAWAY NA NGA KAMI NGAYON DADAGDAGAN MO PA?! MAHAL. KO. SI. SKY. TAPOS!!!!" pagsigaw kong muli. Ayoko na. Tama na!

Mabilis niyang inalis ang blindfold na nakabalot sa mga mata ko.

Hindi ko inaasahan ang nakita ko.

OMG.

Imposible.

Tumigil ang paghinga ko sa nakita ko.

Laking gulat ko na hindi si Dave ang nasa harap ko.

Kundi si Sky.

Nakita ko si Dave na nakabalandra na sa sahig. Mukhang sinuntok siya ni Sky. Si Sky na ngayon ang nagkukulong sa akin gamit ang mga braso niya sa pader. Kailan pa dumating si Sky dito?! Sinundan ba niya ako?! Kanina lang ay gustong gusto kong kausapin si Sky, pero ngayon bigla akong nahiya. Masyadong seryoso ang ekspresyon niya. Narinig kaya niya yung mga sinabi ko kay Dave?! Narinig kaya niyang sinabi kong... M-Mahal ko siya?!

"S-Sky... Bakit... ka... nandito.." ito lang ang nasabi ko.

"Do you love me?" tanong niya.

"S-Sky..." ano bang sasabihin ko?! Hindi ko alam! Aamin na ba ako? Bakit nahihiya akong sabihin na oo! Mahal ko siya!

"Answer my question. I am your new partner now. Your 20 minutes with that asshole is done."

Tinignan ko lang siya at nakita ko ang mga mata niyang nakikiusap na sagutin ko ang katanungan niya. Sasabihin ko na bang mahal ko siya? Hindi ba niya narinig kanina? Bakit parang naputol ang dila ko bigla?

♪ I said pinch me

Where's the catch this time

Can't find a single cloud in the sky

Help me before I get used to this guy ♫

Pagkatapos ng ilang segundo ay alam kong nakaipon na din ako ng lakas para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero bago pa man ako makasagot ay naramdaman ko agad ang mga labi niyang dumampi sa akin. Mabababaw hanggang sa lumalim ang mga halik niya. Hinila niya pa lalo ang beywang ko kaya naman ay mas naging magkadikit kami. Hindi ko alam pero nang hinila niya ako ay awtomatiko kong ipinulupot ang mga braso sa leeg niya. Hinayaan ko lang siyang halikan niya ako. Ang mga halik niya ay ang pinakamasarap na pakiramdam na naramdaman ko sa buong buhay ko. Yung tipong parang ayaw mo na kumawala. Kung may paraan lang para hindi na ito matapos ay ginawa ko na.

♪ They say that good things take time

But really great things happen in a blink of an eye

Thought the chances to meet somebody like you were a million to one

I can't believe it,

You're one in a million ♫

Ginantihan ko siya ng mga halik. Mukhang natututo na rin akong humalik. Sabik na sabik ako sa mga halik ni Sky. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito.

Hindi ko maiwasang isipin na sa dinami dami ng kasalanan ko kay Sky, ay hinahalikan pa rin niya ako ngayon. Ang mga halik niya ay punong puno ng pagmamahal. Ni hindi ko man lang naramdaman na galit siya sa akin dahil kay Dave o kay Caloy. Kahit tampo, wala.  Ang nararamdaman ko lang ay puro pagmamahal.

Biglang bumalik sa akin lahat ng sinabi ng mga tao sa akin na para bang nagflaflashback lang ako. Ito na nga ba talaga ang oras para i-risk ko na itong pagmamahal na ito?! Oras na ba para mahalin ko na talaga ng lubusan si Sky? 

"Baka nagdududa ka pa ngayon. Pwedeng hindi niyo pa alam sa ngayon. O baka naman hindi niyo pa naaamin sa mga sarili niyo. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang sitwasyon niyong dalawa pero hayaan mong pag-ibig niyo sa isa't isa ang manaig sa inyong relasyon at hindi kung ano mang bagay." ~ Nurse Arlene

"Pinagkakatiwalaan kita anak at alam kong may sapat na dahilan ka kung bakit mo nagawa ito. Pero anak, gusto ko ang lalaking yan para sayo. Ramdam ko na mahal ka niya." ~ Papa Peter

"Babay po! Sana po maging masaya kayo lagi ng boyfriend mo! Ipagdadasal ko po na hindi kayo magkahiwalay forever!!!" ~ Batang Sampaguita

"Huwag kang matakot masaktan, umiyak, tumawa o umibig. Ramdamin mo lahat ng emosyon. Feel it. Because it's what makes us human. Life is short. Give all the love you can give while you still can. Don't ever try to hold back. Because sometimes, love conquers all." ~ Waitress

"Ano ka ba, girl. Okay lang ako. All I want is for you to be happy. Life is too short to hold back feelings. Kung mahal mo at mahal ka, then go! Hindi lahat ng tao ay mutual ang feelings for each other. Kaya kapag binigyan ka ng chance ni Lord, gora na! It might not happen again!" ~ Shibama

"I love you, Sky James Anderson." iyan ang nasabi ko nang naubusan na kami ng hininga pareho ni Sky. Sa wakas at nasabi ko na rin. Ngumiti siya kaya naman ay napangiti na rin ako. Hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin ang braso ko sa leeg niya.

♪ All this time I was looking for love

Trying to make things work, that weren't good enough

Til' I thought I'm through, said I'm done

And stumbled into the arms of the one ♫

Ayan, universe ha, ni-risk ko na.

Continue Reading

You'll Also Like

153K 5.9K 28
May listahan ako ng mga reason kung bakit ayaw ko sa gwapo. Ayaw ko talaga, kahit habul habulin nya pa ako. - Lena
527 387 85
[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di...
62K 2.1K 29
"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."
2.2M 143K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...