My Wacky Girlfriend (Complete...

By mharizt

1.4M 21.7K 4.5K

In a world where they're all trained to be the next business tycoons of the country, Sky Anderson met Ynna Pa... More

Prologue
Chapter 1 - Janina's Dream
Chapter 2 - The Offer
Chapter 3 - Meeting Sky
Chapter 4 - First Day
Chapter 5.1 - Zero
Chapter 5.2 - Contract
Chapter 6.1 - Boyfriend
Chapter 6.2 - Hold Up
Chapter 6.3 - Missions
Chapter 7 - Phone Call
Chapter 8.1 - The Game
Chapter 8.2 - Buffet
Chapter 9 - Almost Kiss
Chapter 10 - Liplocked
Chapter 11 - FHM
Chapter 12 - I Had Fun
Chapter 13 - Hero
Chapter 14 - Honesty
Chapter 15.1 - Let's Party
Chapter 15.2 - Real Thing
Chapter 17 - Perfect Wife
Chapter 18 - Quicksand
Chapter 19 - Catch Me
Chapter 20 - Ice Cream
Chapter 21 - Serious
Chapter 22 - Pageant
Chapter 23 - Worth It
Chapter 24 - Risked
Chapter 25 - Superwoman
Chapter 26 - Respect
Chapter 27 - Good or Bad
Chapter 28 - Traitor
Chapter 29 - Blackmailed
Chapter 30 - Chained
Chapter 31 - Game Over
Chapter 32 - NYC
Chapter 33 - Mine
Chapter 34 - So Dead
Chapter 35 - Threats
Chapter 36 - WTH
Chapter 37 - Stalker
Chapter 38 - Bullied
Chapter 39 - Slowly
Chapter 40 - Note
Chapter 41 - 50%
Chapter 42 - Bad Luck
Chapter 43 - Pride
Chapter 44 - Save
Chapter 45 - BTW
Chapter 46 - Thrill
Chapter 47 - Last Card
Chapter 48 - Weird
Chapter 49 - Voice
Chapter 50 - Picture
Chapter 51 - Us
Chapter 52 - Dream
Chapter 53 - Purpose
Chapter 54 - Gift
Chapter 55 - English
Chapter 56 - Fall
Chapter 57 - BTW2
Chapter 58 - Sleep
Chapter 59 - Day
Chapter 60 - End
Epilogue

Chapter 16 - Revelations

25.9K 358 68
By mharizt

"Nice PJs." sabi ni Ash pagkatapos akong ipakilala sa kanila ni Erick. Umiinit ang pisngi ko. Hindi dahil nahihiya ako o kinikilig ako ah. Uminit yata bigla ang dugo ko sa kanya! Kumukulo na! Nakakainis kasi! Alam kong hindi compliment yun. Naweiweirdohan lang siya sa akin.

Bakit pa kasi ito yung napili kong suotin na pantulog ngayon eh. Wrong timing. Next time matutulog nga akong nakamaong o naka dress na. Para ready to go na agad kung sakaling may ganitong emergency ulit. Walang nang ligo ligo. Tipid pa sa tubig.

Mababait din naman pala ang mga tunay na Vengeance. Napag-alaman ko na sila pala ang tunay dahil sila yung mga miyembro ng basketball team noon nang unang nabuo yung The Vengeance sa ECB. Ngayon, si Sky ang leader nito dahil sa kanya naipasa ang pagiging captain ball mula kay Ash. Mga fresh graduates sila sa ECB kaya naman ang tancha ko ay mga 20-21 years old sila.

Isa isa silang nagpakilala sa akin at nakipag-shake hands. Ang pormal pero okay na din yun. Hindi naman din kami close eh.

Chase Villamoral 

Matangkad siya na moreno at medyo mukhang masungit. Kumbaga hindi siya masyadong friendly. Lagi lang siyang nagtetext. Medyo may hawig siya kay James Reid. Parang may sarili siyang mundo malayo sa grupo niya. Kumbaga kung sa F4, siya si Wat Su Lei. #Pipi

Clyde Ferrer

Siya yung afro na nagsalita kanina. Hindi naman talaga siya afro, kulot lang tapos long hair. Gwapo sana eh kaso ayoko talaga sa ganyang buhok. Parang lungga ng mga kuto. Baka liparin nalang siya bigla ng mga kuto niya kapag dumami yung mga alaga niya. Mahirap na. Moreno din siya. Kamukha niya si Taylor Lautner nung unang movie palang ng Twilight. Yung long hair pa siya. Wahaha. #Kuto

King Miraveles 

Siya naman yung chinito kanina na kamukha ni Kim Bum. Ang gwapo. Pansin ko rin na medyo vain siya kasi lagi siyang nag-aayos ng buhok from time to time. Siguradong isang ngiti lang niya ay magluluwagan lahat ng garter sa mga panty ng mga babae. Whew! Buti nalang at masikip ang violet panty ko ngayon at nakapajama pa ako! Bantay sarado yata ako ni Hello Kitty! Safe, bro. #Vain

Viel Valderama

Ito naman gwapo rin. Parang kamukha niya si Daniel Padilla pero mas maputi siya. Pero mukhang may girlfriend na siya eh. Nakacouple shirt eh. Naka t-shirt siya na 'I love her.' tapos may nakaprint na arrow na nakatutok sa kanan niya. Siguro ay kagagaling lang nito sa date nila. Ang cheesy. #Loverboy

Austin Stranford 

He is the bomb. Tall, dark, and yummy! Hehehe! Ang gwapo! Siya siguro yung sumunod na mas gwapo kay Ash. Kamukha niya si Andrew Garfield! Litaw na litaw sa itsura niya ang pagiging mestizo. Yung mata din niya ay color brown. Ang swerte ng mga magiging anak nito. Tisoy at tisay panigurado! #Ulam

Ash 

Siya ang pinakagwapo sa lahat! Walang artistang pwedeng makumpara sa kanya! Talo niya lahat! Nasabi ko na din bang mas gwapo siya kay Sky? Oo! Ang akala ko noon ay si Sky na ang pinakagwapo kong makikitang tao sa mundo, mas may hihigit pa pala! At siya rin ang tanging nakapagpatigil kay Sky sa pagsasayaw. Siya na! #Pokemon

Pero teka? Hindi yata nasabi sa akin ni Ash sa akin ang buo niyang pangalan. Hindi ko alam ang apelyido niya! Tinignan kong mabuti ang itsura niya. Ang gwapo talaga. Nakakaakit talaga yung dimples niya. Ang sarap dutdutin. Medyo may hawig din sila ni... Sky.

OMG.

Hindi kaya...

Tinignan ko pa siya ng mas mabuti. Sinuri kong mabuti ang bawat parte ng mukha niya. Kinumpara ko ang mukha niya sa mukha ni Sky. Ang tanging mas nagpapagwapo lang kay Ash kesa kay Sky ay ang dimples niya. Si Sky kasi, wala nun. Pero kapag inimagine ko na walang dimples si Ash ay halos magkapareho na sila ng itsura ni Sky! So si Sky pa rin pala ang pinakagwapo para sa akin? Waaaa! Erase!!!

Pero posible kayang magkamaganak sila?

Kaya ba si Ash lang ang nakapagpatigil kay Sky? Kaya ba si Ash lang ang may kakayahang suntukin si Sky? Kaya ba si Ash ang tinawagan nila Erick at Dwight?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako.

"A-Anong apelido ni Ash?" bulong ko kay Erick.

"Anderson." mabilis niyang sinagot. Napanganga ako sa nalaman ko. Confirmed.

"I forgot to introduce myself. I am Ash James Anderson. Sky's older brother." biglang pagsingit si Ash sa usapan namin ni Erick. Napanganga ako lalo nang nalaman ko na hindi lang sila magkamag-anak, magkapatid pa sila! Double nga nga!

"Ako na ang kukuha ng drinks. Mahaba habang usapan ito!" tumayo si Dwight at bumaba na sa bar.

Mahabang usapan? Bakit?

***

Kung kanina ay double nga nga lang ako. Imaginin niyo nalang kung gaano na kalaki yung pagkanganga ko ngayon sa mga nalaman ko. Kaya ko na yatang lunukin yung buong globo sa gitna ng MoA!

Kinwento na kasi nila sa akin ang lahat lahat.

Unang una, magkababata pala si Sky, Dwight at Erick. Kaya pala parang ang tibay ng samahan nilang tatlo sa school. Alam nila ang mga sikreto at kahinaan ng isa't isa.

Pangalawa, napag-alaman ko na hindi mabuti ang relasyon ng magkapatid na Anderson. At yung dahilan? Si Farrah. Ayaw talaga daw ni Ash kay Farrah. Alam daw ni Ash na niloloko at ginagamit lang nito si Sky. Pero itong si Sky naman daw, nagpapaloko dahil patay na patay siya kay Farrah.

Pangatlo, si Dave. Si Dave na tunay na mahal ni Farrah. Si Dave na mortal na kaaway ni Sky. Si Dave na iniwan ni Janina para sa kanyang pangarap. Siya ay miyembro din pala ng The Vengeance. At higit pa doon, si Dave ay matalik palang kaibigan ni Sky noon. Pero pinutol nila ang pagkakaibigan dahil kay Farrah. At mas lalong lumala nang umalis si Janina.

Ako ang pekeng girlfriend ni Sky ngayon. Mahal ni Sky si Farrah. Mahal ni Farrah si Dave. Mahal ni Dave si Janina na ginagampanan ko ngayon! Hala ka! 

YNNA ↔ SKY ↔  FARRAH ↔ DAVE ↔ JANINA

Ang gulo! Nahihilo ako! Pero isa lang ang malinaw sa akin, mas lalong nakagulo ang naging presensya ko. Kung wala ako, kung walang nagpapanggap na Janina ngayon, mas maayos sana. Mas konti sana ang problema nila. Isa akong malaking panggulo.

"Ynna" pagputol si Erick sa mga iniisip ko. "May isa ka pang dapat malaman."

Tumango ako at hinintay ang sasabihin niya.

"Mahal mo ba si Sky?" tanong ni Ash sa akin nang diretso. Ang hilig talaga niya sumingit sa usapan namin ni Erick. Kumalabog ang puso ko dahil baka may nakarinig sa tanong niya.

Tinignan ko ang ibang Vengeance at nakita kong may sari-sarili na silang ginagawa. Buti naman.

Si Dwight ay tulog na din katabi ni Sky. Mag-uumaga na din naman kasi. Ang lakas ng hilik nilang dalawa.

Si Chase ay nagtetext pa din at naka serious face pa din. Yung itsura niya parang laging may pinagdadaanang malaking problema.

Si Clyde inaayos niya yung buhok niya. Nagtatanggal yata ng kuto. O baka pinapakain niya yata. Hindi ko alam. Basta, busy din siya.

Si King naman ay nagseselfie. Ay, ano ba yun, katurn-off. Selfie lord pala. Ang akala ko vain lang. Di kaya bakla ito? Magsama sila ni Shibama.

Si Viel naman, nakikipagsayaw na sa mga babae sa bar. Ang akala ko ay may girlfriend siya? Naka-couple shirt siya ah! Salawahan!

At si Austin, nakatulala lang at nakatingin sa malayo. Nagdradrama ang loko. Mana sa akin to. Pareho kaming mahilig ngumanga. Magkakasundo kami nito.

Sa ngayon, kaming tatlo nalang pala ni Erick at Ash ang magkausap.

"Ynna, I am asking you." seryosong sinabi ni Ash. Grabe. Hindi makapaghintay. Magkapatid nga sila ni Sky. Pareho sila ng ugali.

"B-Bakit mo ba tinatanong?"

"I need to know."

Mahal ko si Sky. Alam ko yun. Matagal ko nang dinedeny pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Pero wala ako sa posisyon para sabihin ito kasi alam ko kung saan ako dapat lumugar. Alam ko na peke lang ako.

"Ynna.." si Erick. "Hindi na ako magpapadalos-dalos pa. Engaged si Sky kay Farrah."

A-Ano daw?

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Hindi ba dapat masaya ako? Tapos na ang kontrata kung ganon. Dapat masaya din si Sky. Bakit hindi sa akin sinabi ni Sky? At bakit parang hindi ako masaya?

Naalala ko bigla na may aaminin pala dapat sa akin si Sky noon nung nasa bakanteng classroom kami para gumawa ng book report.

'May aaminin sana ako sayo, Ynna. I want to be honest with you. Tungkol ito sa relasyon ko kay Farrah. May napag-usapan kasi kami noon at naisip ko lang na baka kailangan mong malama---'

 

Pero pinutol ko ang sasabihin niya.

Malamang iyon ang balak sabihin ni Sky sa akin sa mga panahong iyon. Na engaged na siya. Pero bakit niya kailangan aminin pa yun sa akin? Bakit gusto niyang maging honest sa akin? Pwede namang iwan nalang niya ako. Alam kong masasaktan ako pero kakayanin ko naman yung sakit eh.

Pero bakit hindi niya yun ginawa?

"Naka plano na ang arranged marriage sa kanila dahil planong magmerge ng Alonzo at Anderson. Planong pabagsakin ni Mr. Richard Anderson, daddy nila Sky at Ash, ang Fortaleza Foods." pagpapatuloy ni Erick.

Processing...

Processing...

Processing...

ANO?!?!

Hindi pwede!

Hindi maaari!

"Pero pwede pang hindi matuloy iyon." sabi naman ni Ash.

"Ano?" mabilis kong tanong. Hindi talaga pwedeng matuloy yun!

"Mahalin mo si Sky." seryoso niyang sinabi. "At maging kayo na talaga. Fuck your fucking contract!"

A-Alam ni Ash na kontrata lang ang meron sa amin?

Teka...

Mahalin ko si Sky?

Napaluha nalang ako bigla. Alam ko ang iniisip nila. Iniisip nila na kapag minahal ko si Sky at minahal ako ni Sky pabalik, magiging maayos ang lahat dahil magiging magkakampi ang dalawang naglalakihang kumpanya sa larangan ng pagkain. Hindi na nila kailangang pabagsakin ang isa't isa. Iniisip nila na ito na ang magtatapos sa problema.

Kung titignan mo nga naman ay parang ang dali lang. Magkakatuluyan ang isang Fortaleza at isang Anderson. Maghahari na talaga sila sa food industry kung sakali. Tapos agad sana ang problema. Pero hindi kasi nila alam na hindi naman ako Fortaleza. Hindi ko rin pwede sabihin. Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Hindi ko rin pwedeng hayaan na bumagsak o pabagsakin ang Fortaleza. Dahil kung sakali ay baka ipatawag ako sa school. Meron kasing sapat na kayamanan lang ang mga karapatdapat makapagaral sa ECB. Kapag bumagsak ang Fortaleza Foods, baka pabalikin ng tatay ni Janina si Janina sa bahay nila. O kaya pumunta siya sa condo at madatnan na hindi si Janina ang nag-aaral kung hindi ako. Makikita niyang hindi si Janina ang gumagamit ng lahat ng karangyaan na pinagtratrabahuhan niya kung hindi ako. Ako na anak pa talaga sa labas ng asawa niya. Lagot na. Hindi ko talaga alam. Nalilito ako. Ang gulo gulo.

Kung mamahalin ko si Sky ay mahihinto ang engagement nila. Pero maaring maligtas ko ang mga Fortaleza nang panandalian sa balak ng mga Anderson at Alonzo. Sa kabilang banda naman, ay matutuloy ang engagement, matutuwa si Sky, pero maaaring bumagsak ang Fortaleza at magkagulo ang lahat. Kahit anong piliin ko, mali. Walang solusyon. Magkakagulo pa din pa din sa huli. May masasaktan pa rin.

Isa talaga akong malaking pagkakamali. Simula pa nung pinanganak ako hanggang ngayon. Ang sakit sakit. Isa akong manloloko. Oportunista.

"I can see that Sky loves you so much, though." sabi ni Ash habang nakatingin siya sa tulog na si Sky.

"I totally agree." sumang-ayon si Erick. "He never looked at Farrah the way he looks at you, Ynna."

"H-Ha?" ito lang ang nasabi ko.

"Alam mo bang pumupunta lang siya sa Tritonne kapag may matindi siyang problema. Ang huling punta niya dito ay yung pinalayas siya ni dad sa bahay." sabi ni Ash. "Hindi palainom ang kapatid kong ito. Nagyoyosi lang siya. Kaya laking gulat ko nang tumawag sila Erick. At ang dahilan pa ng pagpunta niya dito ay isang babae." tumawa siya ng tipid. "Kauna-unahan na babae ang naging problema niya. At isa pang Fortaleza."

Hindi ako nakapagsalita. Masyadong naguguluhan ang isip ko sa mga nalaman ko. Masyadong occupied. Information overload. Punong puno ng bagong problema.

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging mga kapalit. Ang tanging gusto ko lang naman ay makapag-aral. Pero dahil sa kagustuhan kong iyon, maraming madadamay. Maraming masasaktan. Maraming maloloko.

Hindi ko lubusang maisip kung bakit ang mga ibang kabataang biniyayaan ng maayos na pamilya at pagkakataong makapag-aral ay binabalewala lang ito. Hindi nila alam ang sakripisyo na pinagdadadaan ng mga tulad ko para lang sa lintik na pag-aaral na iyan.

Bakit ba kasi kailangan pang humantong sa ganito?!

***

Matagal din akong nakatulala. Hindi ko muna sila kinausap. Hinayaan ko munang mag-usap si Ash at Erick. Hindi ko talaga alam kung paano ako makakaalis sa problema ko ngayon. Wala na yatang takasan ito. Hihintayin ko nalang yata ang katapusan ko.

"Ynna, aalis na kami." sabi ni Ash at sumunod na sa kanya sila Chase, Clyde, King, Viel at Austin palabas ng bar. "It was nice meeting you."

"Aalis na din pala kami." sabi ni Erick habang ginigising ang nakatulog na si Dwight. "Tara na, Dwight."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. A-Ano? Iiwan nila ako dito? Iiwan din nila si Sky? Iiwan nila kaming dalawa?!

"Teka! Sinong mag-uuwi kay Sky?" tanong ko.

"Ikaw malamang. Ikaw ang tinawagan niya 'di ba?" nangaasar na sambit sa akin ni kulot na may kuto! Seryoso ba siya?! Tirisin ko mga kuto niya eh!

"Hala wala akong kotse noh!"

"Taxi. Nakarating ka nga sa Tritonne ng naka pajama eh. Kaya mo rin umuwi mag-isa. Isama mo na din si Sky para masaya." sabi ni King. Nakangiti rin siya. Seryoso ba talaga sila?!

"Teka, hindi ko kaya si Sky! Mabigat yan!"

"Kaya mo yan, pretty girl!" hinawakan ni Viel ang likod ko at hinimas himas! Manyak!!! Susumbong ko siya sa girlfriend niya! Kanina pa siya ha! Nakakakilabot!

"Goodluck, Ynna." ngumiti si Austin. So wala talaga silang balak na tulungan ako?!

Sa gilid naman ng mga mata ko ay nakita ko ang masungit na Chase na naka smirk lang.

Pinlano ba nila ito? Para ano? Para makadevelopan kami? Para magmerge ang Fortaleza at Anderson imbis na ang Anderson at Alonzo? Para walang maganap na engagement? Para matapos na ang inaakala nilang problema?

Hindi pwede!

Waaaa!

Mga hayup!

Nagsilabasan na talaga sila ng bar!!!

"WAG NIYO KONG IWAN!!!!" sigaw ko pero hindi na nila ako narinig.

Iniwan na talaga nila ako!

5 AM na ng umaga. At nandito ako sa Tritonne bar kasama ang walang malay na si Sky. Bukod sa mga bago kong nalamang problema ay proproblemahin ko pa kung paano ko iuuwi ngayon si Sky. At kung saan. Tss!

***

Mag-iisang oras na akong pumapara ng taxi pero wala pa ding gustong magpasakay kay Sky. Ayaw nila na may nakasakay sa kanilang lasing. Ano ba yan! Huhu. Kawawa naman ako. Tinatawagan ko sila Erick at Dwight pero walang sumasagot. Siguro ay tulog na sila ngayon. 6 AM na kaya.

"Para!!!!" pagsigaw ko nang may parating na ulit.

"Saan ka iha?"

"Millenium Heights po."

"Sige pasok ka na."

"Teka, pwede niyo po ba akong tulungan. May kasama ho kasi ako. Kaso wala siyang malay. Nasa loob po siya ng Tritonne. Parang awa niyo na po pumayag na po kayo. Isang oras na po akong tinatanggihan ng mga taxi!!! Huhuhu. Hindi ko na kaya! Inaantok na po talaga ako!!!" pagmamakaawa ko. Hindi ko na din talaga kaya ang antok. Anytime pwede na akong magcollapse.

"Asan ba siya?" bakas ang lungkot sa mga mata niya. Siguro ay naawa talaga siya sa akin. "Sige, tutulungan kita."

"Thank you po!!! Ang bait bait niyo po! Pagpalain kayo ng langit!!! Nasa loob po siya ng Tritonne!!!"

Tinulungan ako ni Manong taxi driver ipasok si Sky sa taxi. Ang bait. Kahit amoy alak na may pinaghalong suka si Sky ay hindi niya ito pinansin. May mababait pa rin palang tao sa mundo. Bibigyan ko siya ng tip mamaya!

♪ One day when the sky is falling

I'll be standing right next to you ♫

Habang nasa biyahe ay hindi ko lubusang maisip kung ano ang irarason ko kay Shibama o kay Caloy sa hindi ko pagtulog sa condo at sa pag-uwi ko pa ng lasing na lalaki. Siguradong magagalit silang dalawa. Pero hindi ko naman pwedeng iwanan si Sky mag-isa. Hindi kaya yun ng konsensya ko. Bahala na talaga. Sasaluhin ko nalang siguro lahat ng galit nila. Dahil alam kong mas madaming galit pa ang sasaluhin ko pagdating ng panahon. Dapat ay masanay na ako.

♪ Nothing will ever come between us

I'll be standing right next to you ♫

"Boyfriend mo?" pagbasag ni manong taxi driver sa katahimikan. Pinatay niya ang radyo.

"Hehe. Sa kasamaang palad." sabi ko sabay ngiti ng mapait. Wala na ako sa aking sarili. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Pinipilit kong magising pero tulog na ang diwa ko. Masyado na yata akong matagal na dilat.

"Haha. Bagay kayo."

"Salamat po." sagot ko. Ang bigat na ng mga talukap ng mga mata ko. Kailangan kong magising! Baka iligaw kami ng taxi! O kaya baka taasan niya yung metro! Pero ang mga mata ko, antok na antok na talaga!

"SI YNNA AY MAY PIGSA! MATIGAS! BILOG! PULA!" biglang nagising ang diwa ko dahil nagsalita si Sky pagkatapos kong magpasalamat kay manong.

Ano daw?! Inaantok ako pero malinaw ang narinig ko! Parang umusok ang ilong ko dun ah! Lasing pa rin ba siya?! Baka nananadya nalang ito ah! Nakapikit siya pero nakangiti! Pagkatapos kong sabihin na boyfriend ko siya!!! Ito ang igaganti niya?!

"MAY LUGA TUMUTULO GALING SA TENGA!"

Aba!!! Sumosobra na siya ah! Wala akong luga! Wala akong pigsa! Mahirap lang ako pero hindi ako madumi! Nagrarap ba siya? Bakit nagrarhyme? Nakakainis! Grr!!! Humanda talaga ito sa akin!

"MAY MUTANG MATIGAS AT NANINILAW PA!"

GRRRR!!!!! Pwede bang pumatay ng tao?! Kung pwede lang ay ginawa ko na ngayon. Nakakabanas!!! Nakakahiya!!! Paano ako magkakamuta kung hindi pa nga ako natutulog kakabantay sa kanya!!! Walang utang na loob!!!

"GARAPATA MO AY LUMOLOBO NA!"

Wala akong kuto, lisa o garapata ah! Baka si Clyde yun!!! Kapag ako talaga napikon baka masuntok ko din siya!!! Bwisit!!! Tumingin ako sa gawi ng taxi driver at nakita kong namumula na siya at nagpipigil siya ng tawa!!! Nice!!! Nakakainis! Huhuhu!

"MAY ALIPUNGA GALING SA MABAHONG PAA!"

"HOY WALA AKONG ALIPUNGA BAKA IKAW MERON!!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinagot ko na siya! Wala akong pakialam kung lasing siya o ano. Basta nakakainis siya! Pinapahiya niya ako sa harap ng ibang tao! Sa mga bagay pa na hindi naman totoo!

"WIWI MO'Y YUCKY KAKULAY NG ICED TEA!" nagtuloy-tuloy pa rin siya! Para siyang bata!

"MALAMANG MAY IHI BA NA BLUE?!?! TANTANAN MO NGA AKO SKY!!!" kinwelyohan ko siya at inilapit ang mukha ko sa kanya. Pwe! Ang baho niya. Dali dali ko ding inalis ang sarili ko palayo sa kanya. Wala rin naman akong mapapala kung awayin ko siya ngayon. Lasing siya.

"TAE MO'Y SWIRLY PARANG ICE CREAM SA JOLLIBEE!"

At wala talaga siyang balak tumigil. Nagsalita pa siya ng kung ano anong mga nakakadiri pero hinayaan ko nalang. Sa kaunlanan ay tumigil na din siya at natulog nang muli. Buti naman. Baka kasi maitapon ko ito sa labas ng taxi kapag hindi ako nakapagpigil.

Pero buti na rin at nag-ingay si Sky dahil nawala ang antok ko. Nakarating kami sa Millenium Heights ng hindi ako nakakatulog. 

"Dito na po tayo. Tutulungan ko nalang din po kayo ihatid siya sa loob ng condo niyo. Hindi niyo kakayanin ang bigat ng lalaking yan. Ang patpatin mo pa naman." sabi ng taxi driver.

"Sige po, salamat!!" buti nalang at siya na mismo ang nagsabi. Hinahanda ko palang ang acting skills ko para pakiusapan siya eh. Buti nalang!

Tinulungan ako ni manong taxi driver akyatin si Sky hanggang 5th floor ng Millenium Heights. Ipinalagay ko si Sky sa kwarto ko. Pagpasok ko ng bahay ay tulog pa si Shibama. Pero si Caloy, wala na siya sa kwarto niya. 7 AM na rin kasi. Maaga ang mga shift ni Caloy sa trabaho kaya wala na siya. Buti nalang kung hindi lagot talaga ako. At least ngayon, si Shibama nalang ang haharapin ko.

"Okay na ho, salamat po talaga!" inabot ko kay manong taxi driver ang 100 pesos bilang tip o pasasalamat sa pagtulong niya sa akin simula pagbuhat kay Sky sa Tritonne hanggang sa pagakyat niya dito sa condo.

"Hindi na iha, tulong ko nalang ito sa iyo." hindi niya tinanggap ang pera.

"Ah. Talaga, sige, salamat po."

"Sige alis na din ako, iha." nakangiti niyang sinabi.

"Sige salamat po talaga!"

"Mauna na ako, Alynna."

"Paalam po!" kumaway ako. At tuluyan na siyang lumabas ng condo.

WAIT.

A-Ano daw?

Kilala ba niya ako?

Siguro dahil kanina pa nagrarap si Sky at iniinsulto ang pangalan ko.

Oo. Siguro yun nga.

Makatulog na nga!

Pero saan?

Nasa kama ko pala si Sky.

Continue Reading

You'll Also Like

31.2K 1.2K 41
"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destroy everything around her.... including yo...
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
1.6M 9.5K 10
Dahil sa isang insidenteng kanilang kinasangkutan, ang magkakaibigan na sina Lauren, Mary, at Bob ay ipinadala sa Tensee. Isang pribadong isla kung s...
53.8K 1.5K 73
(Completed) Halina't makichismis sa buhay ni Zyra, ang babaeng assumera!