Maddie point of view
Kasalukuyan akong nanonood ng Tv dito sa Condo ko ng biglang lumabas ang hindi ko inaasahan na tao.
Nakita ko si Klint kasama ang madaming staff sa likod niya na sinasalubong ng mga Reporters para magtanong ng magtanong sa kanya.
•Reporter
' Mr. Klint, maari po ba namin matanong kung bakit nag hiwalay kayo ni Ms. Maddie ng The Generation?'
°Klint
' Malaking dahilan.'
' Ano pong malaking dahilan,maaari po ba namin malaman?'
' Hindi pa sa ngayon, dadating din ang araw na malalaman niyo yon. Malapit lapit na din.'
Nakangiting sabi niya at Iginaya na siya ng mga Staff niya para makaalis sila don.
Hindi niya pwedeng ituloy ang gagawin niya. Hindi niya pwedeng sabihin yon sa buong Mundo. Kailangan gumawa na kami ng Plano ngayon para hindi niya matuloy.
Umalis ako don at pumuntang Drop Ent.
****
" Manager, kailangan gumawa na kagad tayo ng Plano para hindi maituloy ni Klint ang binabalak niya." Seryosong sabi ko sa kaharap ko na si Manager Rakuwa
" Pwede ko ba munang malaman kung ano ang balak ng BoyFriend mo?" Sabi ni Manager ng nakangiti na mukang may binabalak.
" His not my Boyfriend, his my Ex." Seryosong sagot ko, at nagiba kagad ang itsura niya. Kung kanina ay nakangiting panalo pa siya ngayon hindi na, muka na siyang papatay.
" Hindi pwedeng mangyari yon, Maddie." Madiin na sabi niya at pinalo pa ang Desk niya.
" Pero nangyari na Manager. Wala na tayong magagawa. Hindi na siya babalik sakin." Inis na sagot ko.
" Papalya ang Plano natin dahil sa ginawa mo Maddie, ikaw ang makakasira ng Plano natin."
" Wag na muna natin pag usapan yon Manage, may importante kang malaman."
" Go"
" Nag salita siya kanina sa Balita, tinanong siya ng Isang Reporter kung bakit kami nag hiwalay at ang sagot niya ay malaking dahilan. At ng tanungin ulit siya ng Reporter kung ano ang dahilan ang sabi niya ay 'hindi pa sa ngayon, pero malapit na nilang malaman''
" That Man! Hindi niya pwedeng ituloy ang gagawin niya!" Galit na galit na sabi ni Manager.
" We need to make a damn Plan! " Sigaw niya. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng tenga ko.
" Call your Co-members, papuntahin mo silang lahat dito! now." Dagdag pa niya
Tinawagan ko silang isa isa at ang sabi nila ay papunta na kagad sila
******
" Kailangan niyong Pagbutihan ang pag kukunwari niyo bilang Girlfriend nila! Nasa inyo nakasalalay ang mga Plano natin! At kailangan wag niyong hayaan na Hiwalayan nila kayo! Dahil kung hindi, I-didisband ko kayo! " Kinabahan kami sa huling sinabi ni Manager.
Hindi pwedeng madisband kami, lalo na ako, ayokong umalis sa pagiging sikat ko.
" Riann, ibaba mo ang Pride mo, ikaw ang mag sorry sa pag aaway niyo ni Drake!"
" Y-yes Manager" sagot ni Riann na nakayuko.
" Pag uusapan natin ngayon ang mga Plano natin, incase na Mangyari ang hindi natin inaasahan na mangyayari." Seryosong sabi ni Manager sa harap. Nakaupo lang kami dito at tutok sa kanya.
***************************************
Drake Point of View
" Wala na kayo ni Maddie?" Tanong ko kay Klint na kadadating lang sa bahay.
" Nung isang araw pa" pigil na inis na sagot niya.
" Kaya pala, wala siya dito ngayon."
" Siyempre, sa totoo nga, wala naman talagang siyang lugar dito sa pamamahay na'to. Ang totoong may lugar dito si Da----"
" Wag ka ngang maingay Hyung! Nandito sila Aily Noona baka marinig ka nila--"
" Wala sila dito, nakita ko sa Twitter na pumunta silang lahat sa Drop Ent. Kinuhanan pa nga sila ng Picture" Inis na sabi ni Klint.
" Paano na ngayon yan, ano ang sasabihin ni Manager satin pag totoo nga na wala na kayo ni Maddie?" Tanong ko sa kanya
" Wala. Wala naman kwenta yon. Isang pag--"
" Wag mo ng ituloy. Stressed na stressed kana Hyung hahaha" pigil ko sa sasabihin niya. Hinawi niya ang buhok niya at tumawa
" Sobra, sumasakit yung Ulo ko kay Maddie. Hahaha" sagot niya.
" So, kayo ni Riann, ano pa ba lagay niyo?" Tanong nya sakin
" Ayon, ginagalingan ko pa din. "
" Hahaha kaya paba?"
" Siyempre, madali lang yon no. Pero siyempre nag titiis ako kasi hindi ko na nakikita si--"
" I'm Homeeeeeee!" Sigaw ni Riann sa pinto na kinagulat namin ni Klint.
" Drake, I'm really really sorry about Us. Alam kong ako ang may kasalanan. Sorry na." Sabi niya kagad sakin. Umalis naman si Klint don at pumuntang taas.
" I-its Okey." Sagot ko nalang.
" Talaga?! Yieee thank you. I love you" inakap niya ako kaya inakap ko nalang siya ng pabalik.
" I-i love you too" sagot ko nalang. Ramdam ko si Riann, ramdam kong peke lang ang pag sosorry niya. Kitang kita ko sa mga mata niya.
" I love you More. Okey, Drake mamaya nalang tayo mag usap ah? Mag papahinga lang ako sa kwarto ko." Sabi niya hinalikan ako sa pisngi.
Tsk, kahit hindi na kami mag usap. Mag pahinga nalang siya kahit magdamag.
**************
Klint point of view
Tinititigan ko yung Picture nilang dalawa habang mag kayakap sa Restaurant.
Halatang sobrang saya nilang dalawa sa isa't isa.
Ang tanga ko, nakakapag sisi.
Ito tuloy ako ngayon, ako ngayon yung nasasaktan dahil sa kanya.
Ito na ba yung Karma ko? Ang ako naman ang masaktan dahil sa kanya.
Tiningnan ko pa ang iba nilang litrato. Hininto ko ang pag scroll ng makita ko ang Picture niya na nag iisa lang habang nakangiti siya.
' I really miss this Girl'
Nakalimutan niya na kaya talaga ako? Siguro oo, masaya na siya eh. Masaya na siya ngayon sa Bago niya.
Sana naibabalik pa yung dati no?
Yung masaya pa kaming dalawa. At hindi pa nag hihiwalay.
Sana bumalik pa yon, kasi hihintayin ko yon simula ngayon.
------------------------------------
Danielle point of view
" Heart, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Ken habang inaayos ang seatbelt ko sa kotse niya.
" Basta, Surprise nga diba? Pag sinabi ko yon tingin mo Surprise pa din?" Tanong niya.
Oo nga no, engot.
" Sige, ikaw bahala." Sagot ko nalang
Inistart na niya at inumpisahan ng mag maneho.
Habang nasa daan kami, lahat ng nadadaanan ko ang gaganda.
May Bundok. Basta ang ganda talaga. Lalo tuloy ako na-eexcite.
" Heart malayo pa ba?" Tanong ko habang sa labas nakatingin.
" Malayo layo pa Heart, naiinip ka na ba?"
" Hindi. Ang ganda kasi ng mga dinadaanan natin." Sagot ko
" Mas maganda ka diyan, Heart."
'' Bolero, sirain ko Kotse mo eh." Sabi ko
" Totoo yon." Depensa niya pa.
" Sus, bilisan mo nga. Naiinip na tuloy ako."
" Ito na." Sagot niya at tinulinan na ang pagpapatakbo.
May naalala tuloy ako sa ginawa niya nayon.
Pag mag kasama kami dati ni Klint, lagi niyang binibilisan ang pagpapatakbo dahil ayaw daw niyang mainip kagad ako.
Kaso, wala na kami. Kaya its better to forget him nalang.