My Wacky Girlfriend (Complete...

נכתב על ידי mharizt

1.4M 21.7K 4.5K

In a world where they're all trained to be the next business tycoons of the country, Sky Anderson met Ynna Pa... עוד

Prologue
Chapter 1 - Janina's Dream
Chapter 2 - The Offer
Chapter 3 - Meeting Sky
Chapter 4 - First Day
Chapter 5.1 - Zero
Chapter 5.2 - Contract
Chapter 6.1 - Boyfriend
Chapter 6.2 - Hold Up
Chapter 6.3 - Missions
Chapter 7 - Phone Call
Chapter 8.1 - The Game
Chapter 8.2 - Buffet
Chapter 9 - Almost Kiss
Chapter 11 - FHM
Chapter 12 - I Had Fun
Chapter 13 - Hero
Chapter 14 - Honesty
Chapter 15.1 - Let's Party
Chapter 15.2 - Real Thing
Chapter 16 - Revelations
Chapter 17 - Perfect Wife
Chapter 18 - Quicksand
Chapter 19 - Catch Me
Chapter 20 - Ice Cream
Chapter 21 - Serious
Chapter 22 - Pageant
Chapter 23 - Worth It
Chapter 24 - Risked
Chapter 25 - Superwoman
Chapter 26 - Respect
Chapter 27 - Good or Bad
Chapter 28 - Traitor
Chapter 29 - Blackmailed
Chapter 30 - Chained
Chapter 31 - Game Over
Chapter 32 - NYC
Chapter 33 - Mine
Chapter 34 - So Dead
Chapter 35 - Threats
Chapter 36 - WTH
Chapter 37 - Stalker
Chapter 38 - Bullied
Chapter 39 - Slowly
Chapter 40 - Note
Chapter 41 - 50%
Chapter 42 - Bad Luck
Chapter 43 - Pride
Chapter 44 - Save
Chapter 45 - BTW
Chapter 46 - Thrill
Chapter 47 - Last Card
Chapter 48 - Weird
Chapter 49 - Voice
Chapter 50 - Picture
Chapter 51 - Us
Chapter 52 - Dream
Chapter 53 - Purpose
Chapter 54 - Gift
Chapter 55 - English
Chapter 56 - Fall
Chapter 57 - BTW2
Chapter 58 - Sleep
Chapter 59 - Day
Chapter 60 - End
Epilogue

Chapter 10 - Liplocked

29.6K 390 36
נכתב על ידי mharizt

A/N

Try niyo pong pakinggan yung 'This Kiss' video sa media exactly after niyong basahin itong chapter, bagay promise! hahaha! :) Tuwang tuwa ko dun eh. Paulit ulit ko ngang nirereplay e :P Sorry naman, mababaw lang kaligayahan ko e. Hahaha! Kung ayaw niyo edi wag! Bwahaha! :P Hashtag #MaySaltikAngAuthorTuladNgCharacters :D

--

• SKY JAMES ANDERSON •

"Clumsy." I said as I carried Ynna to the clinic. Again.

Ang clumsy clumsy naman kasi talaga niya. Although wala sa itsura niya. She's gorgeous.

All these years I thought she was the prim and proper, don't-touch-me-I'm-famous kind of girl. Who would've have thought that when you start to get to know her, she's actually the complete opposite. I am now a living proof that you should not really judge a book by it's cover.

Crazy how it's the second time I catched her when she's about to fall. Second time I carried her bridal style. Second time I rushed her here in the clinic. Second time I treated her food.

Seems like everything between us is on repeat.

But it's strange because I like it.

I smiled as I suddenly remembered our little dance a while ago.

*Flashback*

*CLAP CLAP CLAP*

"Bravo! Hahahahahaha!!!" I said, laughing.

The moment Ynna saw me, I laughed even harder because her face was beet red! She was so cute and embarrassed! Well, she should not be. Because I find her mini show really entertaining. Hahaha! Who would've thought that the school's top bitch would one day be my source of entertainment? Epic.

"You never fail to amaze me, Ynna! Hahahaha!" I said while continuously laughing.

"Anong nakakatawa ha?!" She placed her hands on her waist. I can see that she's trying to look mad. But it's still seen in her face that she's embarrased...

...which made me laugh even harder.

"You, your moves and your voice! Hahahaha!"

"Yan ang kakantahin natin!" she shouted.

"No way!"

"Eh ano?!"

"Hindi ka naman marunong kumanta eh. Ang pangit pangit kaya ng boses mo. Ang akala ko dati marunong ka, hindi naman pala eh!"

Weird. All my life I knew how good of a singer Janina is. But now, what the hell? Siguro naglilipsync lang siya noon sa mga contests. What a bitch.

"Ang sama mo! Ang galing ko kaya!!!!"

"Wag mo nang pilitin. Sumayaw nalang tayo. Nakita kita kaninang sumayaw nung kumakanta ka ng Love On Top. Mas may future ka kung sasayaw ka nalang. Para kang kiti kiti eh."

I was really surprised with her dance moves. Sure, it looked really crazy. But, if practiced well, I think she has the talent. That's a side of her I never knew.

"K-Kanina ka pa ba nandito?" she buckled. Funny.

"Simula pa nung kinanta mo yung One Moment In Time."

"Nakakainis ka!!!!" she started throwing me papers from the lyric book she was using a while ago.

I don't know what has gotten into me but in order to stop her from throwing things, I went close to her and grabbed her both in the hands.

"We'll just dance. Okay?" I whispered.

"Pangit ba talaga boses ko?" she asked. Her eyes was so beautiful. I can see sincerity in her eyes while she's asking. Seriously? Hindi ba niya naririnig boses niya?

"We'll just dance." I said again. I don't want to answer her anymore. 'Stupid' I thought.

"Anong sasayawin natin?"

Ano nga ba? I don't know, too. I took my iPod and started searching for songs but I can't find anything that may fit. I saw in my peripheral vision that is Ynna waiting and as she was about to peek on my playlist, I immediately pressed the shuffle button. I don't want her to see my songs. I don't want anyone to.

'Whatever will play will be the song.' I thought.

I shared her the other half of my earphones as I waited for the song to start.

♪ Look at us

Ain't it funny

Is it just beginner's luck

Maybe 

My eyes widened when the intro started. I know this song very much. Of all songs? Seriously? What would this bitch think of me now, a gay? No way! I have to do something! I thought that playing romantic is the only thing that would save me in this kind of situation. I gently put both of her hands in my neck as I owned her waist with mine. Slowly, I bowed down to her until our foreheads touch.

♪ Ooh, with just a touch

Two different people

From such different worlds apart

Has touched each other's hearts

Like candles in the dark 

I saw her blush with my actions. Could playing romantic be my new forte? Could this bitch be really falling for me already? I should be happy. But what the hell, why do I have an alternate feeling that says I don't want to hurt her? It feels like I don't want to use her anymore. Shit. Maybe it's just because I'm getting carried away with the song.

♪ So if it's time for us

We've gotta take it

Take the chance

The chance to make it 

But there goes my conscience again, pushing me to remember all the things Ynna has done to me in exchange for a forgotten assignment. All the smiles I smiled when I am with her, all the beautiful things we shared and all the butterflies she's always making me feel...

♪ Now

Let the love begin

Let the light come shining in

Who knows where the road will lead us now 

I looked straight in to her innocent eyes. Man, they're really beautiful. If she wasn't a Fortaleza, if she wasn't the bitch I hate the most, and if she was just a simple girl, I might actually like her a lot.

♪ Look at what we've found

Make this moment turn our hearts around

It may never come again

Let it in

Let the love begin 

I just let myself get lost in the music. I honestly got lost in her eyes, too. Just for this moment here, I want to pretend that she's the girl I like. I want to forget everything between us. I just want to hold this girl in front of me and sing her my favorite song.

"Ooh..

Here we are

So close together

I can feel the fire start between us

Ooh... we've come this far

Too far to stop it now

If this is meant to be

A chance for you and me

We found our destiny

Now we're lookin' at a new forever

Make this dream come true together"

And there comes this feeling again. I always feel this whenever I am with her, especially when I am this close to her...

"Now

Let the love begin

Let the light come shining in

Who knows where the road will lead us now

Look at what we've found

Make this moment turn our hearts around

It may never come again

Let it in

Let the love begin"

I just let the music guide me. I don't care about anyone anymore. Just for today, I stopped caring about what people might say. I just want to feel the moment.

And SHIT!

I felt it a lot of times already.

But today, the feeling is stronger.

I just can't help it.

I want to kiss her.

I closed my eyes as I leaned closer...

...ready to feel her lips.

When suddenly...

*KWERK KWERK KWEEERRRRKKK*

Damn.

She's hungry.

*End of Flashback*

 

***

• ALYNNA MARIE PAREDES •

"Huy! Bruhildo! Anong tinatawa tawa mo?" kitang kita ko si Sky na nakangiti mag-isa at parang natatawa pa. Lakas maka mongoloid pare! Ngayon ko lang nalaman na may saltik pala siya. Sayang at gwapo pa naman. Hindi talaga lahat ay binibigay ni Lord.

Hmm. Siguro tinatawanan niya ako dahil nagkasugat ako. Ang sama sama talaga niya! Ano nalang ang sasabihin ko kay Shibama nito lalo na ngayon at kailangang kailangan na maging maganda ang skin ko dahil sa paparating na contest. Ano nalang ang gagawin sa akin ng mga amazonang nurses sa Saavedra Medical? Baka pati tuhod ko murderin na nila. Waaaa!

Parang nagulat naman si Sky sa tanong ko kaya naman bigla siya agad tumigil kakatawa at biglang nag serious face. Aba'y may saltik nga. Tsk tsk.

Tatanungin ko pa sana siya kung gusto ba niya sumama sa akin sa susunod kong appointment sa Saavedra Medical, baka kasi may psychologist doon at baka gusto din niya magpagamot ng utak niyang may saltik. Pero hindi ko na yon natanong kasi biglang may pumasok na isang magandang nurse.

"Sky, she's free to go." sabi ni nurse. Tama ba ang nakita ko? Kumindat siya kay Sky? Nagpapapansin ba siya kay Sky? Nako nako! Kung alam lang niya na si Farrah lang naman ang gusto niyan. Wag ka nang umasa, nurseygirl.

Tinignan ko yung sugat ko sa tuhod at nakabalot na pala ito ng kung anong white na ewan. Hindi ko na rin masyado nararamdaman yung kirot. Ang galing naman nung ginawa nitong nurse. Sana gumaling na ito agad.

"Okay. Thanks Arlene." aba't kilala pa niya yung nurse? Ibang level na ito ah. May hindi ba ako nalalaman? Edi sila na ang close! Che!

"Welcome, Sky. Ang swerte swerte talaga ni Ynna sayo."

"No, ako ang swerte sa baby ko." sabi ni Sky sabay higit ng kamay ko at akmang lalabas sa kwarto ng clinic.

Ramdam ko na parang nag-init ang mga pisngi ko sa ginawa ni Sky. Naiilang talaga ako tuwing sinasabi niya yang 'baby' na yan. Ewan ko ba, parang naiihi ako tuwing sinasabi niya yun. At nakakailang din tuwing hinahawakan niya ang kamay ko. Parang nakukuryente naman ako.

Isipin niyo nalang ang nararamdaman ko nung pinagsabay niya yung 'baby' at hawak sa kamay ko. Naiihi na nga, nakukuryente pa!

"Teka!" pagtutol ko sa paghila niya sa kamay ko.

"What?"

"Sira kasi yung wedge ko."

"Tss. Oo nga pala. Wala ka bang extra sa locker mo?"

"Wala. Babalik nalang ako sa condo. Sige na, mauna ka na kung saang lupalop ka man pupunta."

"No. Wait for me here." sabay umalis na si Sky at naiwan naman ako dito sa clinic kasama 'tong si... Arlene.

Ewan ko ba. Kanina nagagandahan ako sa kanya pero simula nung kumindat siya kay Sky at narinig ko na sinabi ni Sky ang pangalan niya na para bang close sila, parang naging nakakainis na yung mukha niya. Hindi pala siya maganda! Namalik mata lang ako kanina!

Tinignan ko siya tapos bigla ba namang ngumiti sa akin ng nakakaloko. Hala! Magsama nga sila ni Sky! Mukhang may saltik din e. Kaya pala vibes sila!

"Hello." sabi niya. Nakangiti pa rin.

"Ah eh, hi." Whatever. Sasakyan ko nalang siya. No choice eh.

"Wag kang magisip ng kung ano ano tungkol dun sa pagkindat ko kanina kay Sky. Inaasar ko lang siya kasi masyado ka niyang inaalagaan."

"Ha? Wala akong iniisip." mind reader ba siya?! Paano niya nalaman yun?

"Hindi mo na kailangang magdeny sa akin, Ynna. Kitang kita sa reaction mo kanina na nagseselos ka." ngumiti ulit siya ng nakakaloko. Nakakainis!!!

"Ha! Hindi ah!!!" loko tong nurse na 'to ah! Ginawa pa akong selosa! Hindi nga kami magkakilala e! Hindi kami friends! Anong karapatan niyang magsabi ng nararamdaman ko?! Bruha!

"Alam mo Ynna, natutuwa talaga ako sa relasyon niyo ni Sky."

"B-Bakit naman?" Tss. Daming pang sinasabi. Kailangan ko pa tuloy sumagot. Manong tumahimik nalang kasi 'di ba? Asan na ba kasi si Sky?!?!

"Kasi ikaw lang ang inalagaan ng ganito ni Sky. Ako din kasi yung nurse nung natamaan ka ng bola ng volleyball noon. Alam mo bang hindi ka iniwan ni Sky kahit isang saglit. Nakatulog pa nga siya ng hawak hawak niya ang kamay mo e. Kung di ka lang nga sana nagising noon ay hinali---ay" tinakpan niya bigla ang bibig tapos ngumiti nanaman ng nakakaasar! Grr!!!

"Ano? Bakit mo tinakpan bibig mo?" nagtataka kong tanong.

"Wala wala. Hehe."

"Ano nga! Wag ka naman nambibitin!" Nakakainis talaga siya! Parang sinadya niya yun e! Edi sila na ang may secret ni Sky! Wala ako paki! Hmp!

"Basta Ynna, lagi mong tandaan, mahal ka ni Sky."

"Tss." tinirikan ko siya mg mata. Hehehe. Ang sama ko. Pero kasi, ang dami kasi niyang sinasabi. Wala naman siyang alam kasi wala naman siya sa sitwasyon namin ni Sky.

"Baka nagdududa ka pa ngayon. Pwedeng hindi niyo pa alam sa ngayon. O baka naman hindi niyo pa naaamin sa mga sarili niyo. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang sitwasyon niyong dalawa pero hayaan mong pag-ibig niyo sa isa't isa ang manaig sa inyong relasyon at hindi kung ano mang bagay."

"H-Hindi ko maintindihan." bakit siya biglang naging sobrang seryoso? Aba'y may topak.

"Basta! Bagay kayo. Botong boto ako sayo para sa kanya!"

Ngumiti siya ulit kaya naman ay nginitian ko nalang siyang pabalik. Hanep. Kanina biglang nagseseryoso tapos ngayon ngiting aso agad. Tsk tsk. Masama na ito. Napapaligiran ako ng mga taong may tama. Ganito yata talaga sa Maynila.

Pero di ba? Wala naman kasi talaga siyang alam sa relasyon namin ni Sky. Kung sana ganun na nga lang kadali ang lahat ng bagay. Kung sana walang kontrata ay baka maging kahit magkaibigan man lang kami ni Sky. Pero hindi eh. Iba ang sitwasyon namin. Ang mahulog, siya ang talo. Ang mahulog, siya ang masasaktan sa huli. Ang mahulog, mapaparusahan.

Pagkatapos ng halos tatlompung minuto ng paghihintay at pakikipag-usap kay nurse Arlene ay dumating na si Sky na may dalang kahon ng... sapatos?

Anak ng adobo. Bumili ba siya ng sapatos? Ang buong akala ko ay pupunta lang siya sa condo namin at hihingi kay Shibama ng isa sa mga wedge kong extra. Pero mukhang hindi iyon ang ginawa niya. Kaya naman pala ang tagal niyang makabalik.

"Here." inabot niya sa akin ang kahon ng sapatos.

"Bakit ka pa bumili? Sana kumuha ka nalang sa condo."

"Just wear it." paguutos niya. Siya na ang bossy.

Nakita ko naman si nurse Arlene na nakangiti sa gilid ng clinic at parang kinikilig pa. Ewan ko ba pero talagang naiinis kasi ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Siguro kasi masyado kasi siyang nanghihimasok sa sitwasyon namin na wala naman siyang ka alam alam. O baka siguro magkakaroon na talaga ako kaya sumusungit ako.

Binuksan ko nalang ang box...

...at ikinagulat ko ang aking nakita.

OMG!

"H-Heels?!"

Tumango lang si Sky.

"H-Heels??!?!?!?!" paguulit ko. Nilakihan ko ang mga mata ko.

"What? Just wear it." naiirita ang tono ni Sky.

Teka, nagulat lang talaga ako. Pero maganda naman yung heels. Sobrang ganda nga eh. Halatang mamahalin. Magkano kaya ang bili ni Sky dito? Pero hindi yun yung problema ko eh. Ang problema ko ay hindi kasi talaga ako marunong magheels. Kaya nga wedge yung laging pinapasuot sa akin ni Shibama eh. Kasi kung hindi ko napuputol ang heels ay ang buto ko naman ang napuputol ko. At saka feeling ko nirarayuma ako kapag nagheeheels ako eh.

Pero paano na, wala nanaman yata akong magagawa. Mukhang kailangan ko nanamang pangatawanan ang pagiging Janina ko. Alangan namang hindi marunong si Janina mag heels? Siguradong mahuhuli na ako ni Sky kung sakali. Eh kung sabihin ko kayang may rayuma si Janina? Waa! Hindi rin pwede. Mahuhuli ako pag ganun. Susuotin ko nalang ba? Ito na ba yung tinatawag nila na tiis ganda?

"Ilang inches ito?" tanong ko.

"7" walang emosyon na sinabi ni Sky.

"Anak ng sopas. Bakit mo naman naisipan bigyan ako ng 7 inches na heels?"

"Eh yan naman ang mga gusto mo 'di ba?"

Nagulat ako sa tanong ni Sky. Oo nga naman. Iyan ang dapat na mga gusto ko. Tss.

"O-Oo! Oo! Ito ang gusto ko." ngumiti ako ng peke. "Salamat Sky ha." tipid lang siyang ngumiti. Muntik na ako dun ah.

Sinuot ko nalang ng dahan dahan ang heels na bigay niya. Ang ganda nito. Color red ito at velvet ang tela. Napakanipis din ng heels nito na para bang konting galaw lang ay mapuputol na agad. Closed shoes siya tapos may strap na naka diagonal. Basta, ang ganda lang talaga. Kaso ang taas taas lang din talaga.

Pero paano kaya nalaman ni Sky ang size ng paa ko? Eh hindi ko naman sinasabi sa kanya? Ang galing naman niyang manghula kasi saktong sakto talaga sa paa ko.

"Ayan nasuot ko na."

"Good. It fits you." nakangiti na siya ngayon. Kailangan ko lang pala suotin yung bigay niya para lang mapangiti siya. Parang bata naman itong si Sky. Pero nakakatuwa naman siya. Ang cute niya kasi. Mababaw lang din pala ang kaligayahan niya.

"Thank you." sinabi ko ulit habang nakangiti.

"You're welcome. Tara na."

"Eh? Saan naman tayo pupunta?" may pupuntahan pala kami? Parang wala naman yata akong maalala. Hindi yata ako nainform.

"We'll eat."

"NANAMAN?!" kakakain ko lang kanina sa cafeteria eh. Nilibre pa nga niya ko 'di ba?

"Kunwari ka pa, gusto mo rin naman. Kilala na kita. Hindi ka makakatanggi sa pagkain. Tsaka magdidinner na din naman. 5pm na rin."

Hmp! Kainis siya ah. Oo medyo gutom na din naman ako ulit. Matagal tagal na din pala kami dito sa clinic. Medyo kanina pa rin kasi yung libre niya sa akin sa cafeteria.

"Oo na. Gutom na din ako." pag amin ko. Bukod kasi sa gutom ay gusto ko na din umalis dito kasi ba naman, kanina pa sulyap ng sulyap at ngiti ng ngiti si nurse Arlene sa amin ni Sky. Nakakainis na ewan. Hay!

"I knew it. Come on." nakangiti siya.

"O-Okay."

Dahan dahan akong tumayo. Nako ito na nga ba ang kinakatakot ko. Sobrang tangkad ko! Eh halos magkapantay na yata kami ni Sky sa sobrang taas ng heels ko eh. 5'4 lang ako tapos nadagdagan ng 7 inches edi 5'11 na ako ngayon. Parang kapre na ang dating ko eh!

Hinila ni Sky ang kamay ko pero dali dali ko 'tong hinigit pabalik para mabitawan ako ni Sky.

"What the hell?"

"Ah...eh..."

Itinanaas ni Sky ang kanyang magkasalubong na kilay. Pinapakita niya na hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

"Eh.. Kasi..."

Ano ka ba naman Ynna! Mag-isip ka nga ng dahilan! Isip isip isip! Ano bang magandang sabihin?

"What?!" Medyo naiinis na si Sky. Waaa! Ano ba kasing sasabihin ko.

"Ah... Eh..."

"WHAT?!" sumigaw na siya. Waaa! Nakakatakot.

"I'm just..."

"You're just...?"

"I'm just... Enjoying."

"Enjoying what?"

"Ah... Enjoying the steps. Hehehe." Anak ng bulalo, Ynna. Sana lumusot ka! Lusot please!!!

"You like the heels that much?" nagsmirk siya.

"Ah oo. Hehehe! Ang ganda. Whoo! Kaya parang ayoko pa kasi ilakad. Kasi baka masira! Hehe!" tama! Sana nalusot ko yun!

"Nah. What's the use of it if you're not gonna walk with it? Come on." hinila nanaman niya ang kamay ko at at this time, mas mahigpit ang hawak niya kaya naman imposible nang mahigit ko pa ito pabalik.

"Teka! Ikaw nalang ang kumain. H-Hindi pa pala ako nagugutom." huminto ako.

"No."

Nagsimula na ulit maglakad ni Sky habang hawak niya ang kamay ko.

"Sky, paano mo nalaman ang size ng paa ko?" huminto ulit ako sa paglalakad. Hindi ko talaga keri maglakad nang ganito ang sapatos.

"I estimated it." Naglakad na siya ulit habang hila hila ako. Aruy! Huhuhu! Bakit ba parang biglang naging malayo yung parking lot? Nasa ECB garden palang kami! Eh ang laki laki nito! Mukhang mahabang lakaran pa! Waaa!

Yung lakad ko ngayon ay gumegewang gewang at nanginginig pa yung paa ko. Para akong sumasayaw. Parang nagbabalace din sa circus ang dating ko nito. Kitang kita na galit na galit yung mga muscles sa legs ko. Nagsilabasan na yung mga mangga sa paa ko!

"Could you walk a little faster? I'm hungry. I have a reservation at Yakimix."

"Wow! Doon ulit?" napahinto ako at nanlaki ang mga mata ko. Kung kanina ay humihinto ako dahil sinasadya ko, ngayon napahinto talaga ako sa saya dahil sa Yakimix pala kami pupunta! Parang biglang nawala yung sakit na iniinda ko nung narinig ko yung Yakimix! Naalala ko kasi bigla kung gaano kasarap yung mga niluto kong hipon eh!

"Yup!" nagsmile siya.

"Eh paano ka naman nagkareservation doon?"

"Kanina, nung bumili ako ng heels mo." simple niyang sagot. Kaya pala ang tagal niyang dumating.

Hinila niya ako ulit at naglakad ng mas mabilis. At ako naman, sinubukan kong maglakad din nang mas mabilis sa abot ng aking makakaya...

...pero sabi ko na nga ba, hindi ko talaga kaya.

Kasi iba ang nangyari...

Tumagilid ang heels ko kaya naman na out of balance na ako at tuluyan na akong nahulog.

Inihanda ko na ang sarili ko sa muling paghahalikan namin ng sahig pero imbis na matigas na sahig ang makasalubong ko ay iba ang naramdaman ko.

Sinalo nanaman ako ni Sky.

Pero hindi ang mga kamay niya ang sumalo sa akin ngayon.

Kung hindi ang lips niya...

...na nakadikit sa lips ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa mabilis na pangyayari. At kitang kita ko rin na nanlaki din ang mga mata niya sa gulat. Parang nagpapalakihan kami ng mga mata habang magkalapat ang mga labi namin!

Halos limang segundo din kami sa ganung posisyon. Nasa taas niya ako. Pinapaibabawan ko si Sky sa garden ng ECB kung saan maraming taong nakakakita sa aksidenteng nangyari sa amin. Pero wala akong makitang ibang tao. Ang nakikita ko lang ay si Sky na sobrang lapit sa mukha ko.

Nang natauhan ako ay bigla akong lumayo sa kanya at tumayo.

Pero bago pa man ako tuluyang makatayo ay hinila niya ang aking kamay kaya naman napaupo ako bigla sa damuhan. Pareho na kaming nakaupo ngayon sa damuhan ng garden. Tatanungin ko pa sana siya kung bakit niya yun ginawa, pero sobrang bilis ng mga sumunod na nangyari, bago ko pa malaman ay hinila na niya ang likod ko sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay at inilapit ito sa kanya at hinawakan niya ang pisngi ko gamit naman ang kanyang kaliwang kamay at...

Hinalikan niya ako ulit.

Ang halik na ito ay ibang iba sa kaninang aksidenteng halik na naganap sa amin. Ngayon kasi, gumagalaw na ang labi ni Sky. Ako naman, hindi ko alam ang gagawin ko. Parang poste lang ako dito. Hindi rin naman kasi ako marunong humalik. At ito kasi ang unang beses kong mahalikan eh. Pero sa hindi malamang dahilan ay napapikit na rin ako at parang nakakasabay na din ako sa ginagawa ni Sky. Napahawak pa nga ako sa dibdib ni Sky at medyo nagusot ko pa yata ang damit niya.

Bago lang naman talaga sa akin lahat ng nangyayari.

Wala akong experience sa mga ganitong bagay.

Isa lang ang alam ko...

Si Sky Anderson ang first kiss ko.

At sa garden pa ng ECB! Public place pa kaya naman siguradong pinagchichismisan na kami ngayon.

Alam kong dapat ay magalit ako o kaya naman ay mainis ako dahil maaaring makasira ito sa pinangangalagaan kong imahe ni Janina. Pero nakakapagtaka dahil kabaligtaran ang nararamdaman ko.

Alam kong dapat kong tigilan ang pakiramdam na ito.

Alam kong mali ang lahat ng ito. MALING MALI.

Pero hindi ko mapigilang matuwa nang kumalas si Sky sa pagkakadikit ng mga labi namin at nilapit niya sa tenga ko ang kanyang bibig at bumulong ng...

"I've been dying to do that to you."

English yun pero gets ko yun.

המשך קריאה

You'll Also Like

3K 110 6
mga one-shot stories at iba pa...
62K 2.1K 29
"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."
1.5M 3.7K 3
I'm Patricia Angelica Briones, and this is my story WHEN I WAS THIRTEEN
18.2K 749 37
(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photoga...