Just A Little Bit Of Your Love

By ef4aRrr

213K 5.5K 2.4K

He forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na... More

AN
One
Two
Four
FIVE
SIX
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Tweleve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-Nine
Fourty
FOURTY-ONE
Fourty-Two
Fourty-Three
Fourty-four
Fourty-Five
Fourty-Six
Fourty-Seven
Fourty-Eight
Wakas

THREE

4.9K 85 3
By ef4aRrr

Ramdam ko ang daliri na pumipindot sa aking pisngi, kaya dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata.

At tumambad sa akin ay mukha ng lalaking kasama ko sa pagtulog buong gabi, ngumiti siya sa akin, kaya nginitian ko din siya.

Pero napabalikwas ako ng bangon nang ma realized ko na ito nga pala ang estranghero kong bisita.

"I-ikaw g-gising kana?!" una kong nasabi.

"Yeah, I think so. Sino ka at nasaan ako?" malumanay na sabi niya.

"Ako, ako si Selena at ako ang mayari ng bahay na ito. Ikaw sino ka at anong nangyari sa iyo." pagpapakilala ko at sabay pagtatanong.

"Me,  I am, ah wait." napakunot ang noo niya at nag-iisip, kumunot din ang noo ko dahil sa narinig na sinabi niya.

"Fuck! My head hurts!" bigla niyang hinawakan ang kanyang ulo. Halata pa din ang panghihina niya.

Nataranta ako sa sinabi niya kaya napahawak ako sa mga braso niya.

"Anong nangyayari sa iyo." tanong ko.

"My head is hurting, pilit ko kasing iniisip ang pangalan ko,kung sino ako." sabi niya na nakalukot parin ang gwapong mukha dahil nga masakit daw ang ulo niya.

"Wala kang maalala?! Sige tumigil ka muna sa pag-iisip kung sino ka. Baka makatulong iyon na mawala ang sakit ng ulo mo." medyo natatarantang sabi ko.

Pinagpatong ko ang tatlong unan sa may likuran niya saka ko siya dahan-dahang isinandal doon.

"Relax ka lang muna ha, gutom ka ba? Ipagluluto kita ng almusal at ipagtitimpla kita ng gatas, hintayin mo ako dito." tumango naman siya kahit medyo nakangiwi ang bibig niya dahil sa sakit.

Mabilis ang naging kilos ko, lumabas agad ako sa kwarto at nagtungong kusina.

Ipagluluto ko siya ng lugaw para mainitan ang sikmura niya, kaagad akong kumilos para maihanda na ang almusal niya.

Pagpasok ko sa kwarto niya dala ang kanyang almusal ay nakita kong nakasandal parin siya, nakatingala pero nakapikit ang kanyang mga mata.

"Ehem, ah heto na ang pagkain mo kumain ka muna para makabawi ka kahit kaunti." agaw ko sa malalim niya yatang pag-iisip.

Inilapag ko sa mesa na nakatabi sa papag ang tray na dala ko na may lamang mangkok ng lugaw tubig at gatas.

"Salamat." tipid na tugon niya, pero tiningnan niya lang ang pagkain.

"Ahm, kaya mo ba? I mean pwede kitang subuan kung gusto mo." nagpresinta na ako.

"If you don't mind? Please." magalang niyang sabi.

Tumango lang ako at ngumiti, mabilis akong umupo sa may tabi niya at kinuha ang mangkok ng lugaw.

Dahan-dahan ko siyang pinakain, pinainom ng gatas at tubig, naubos naman niya lahat ng inihanda ko para sa kanya.

Dala siguro nang ilang araw na pagtulog kaya nakakain siya kaagad ng ganito.

"Maraming salamat Selena." may lakas na ang kanyang tono, hindi na katulad kanina na hinang-hina siya.

"Walang anuman, masaya akong gising kana at malayo sa kapahamakan." nakngiti kong sabi.

"Pwede ba akong magtanong?" tanong niya.

"Oo naman, ano ba iyon.?" sagot at balik tanong ko sa kanya.

"Paano akong napunta dito?"

"Sa totoo lang, hindi ko alam paano ka nakarating dito sa bahay ko. Ganito kasi ang nangyari, nang nakaraang gabi, nagising ako ng bandang alasdose nang hating gabi. Uminom ako sa kusina, nang pabalik na sana ako sa kwarto ko ay narinig ko ang katok mo, una nga akala ko ay may masamang loob, pero narinig ko ang boses mo, nanghihingi ka ng tulong, kaya kaagad kong binuksan ang pintuan, pagkabukas ko, tatatnungin sana kita kung anong nangyari sa iyo pero nawalan ka ng malay. Ayun tinulungan ka namin ng tiyahin ko at ng mga pinsan ko."

"Lininis ka ni tiya at ni Arman, at kinabukasan sinundo ni Arman yung magaling na herbal doctor si Mang Iloy, siya ang gumamot sa mga galos at yang sugat mo sa ulo, sabi niya bukas pwde nang alisin yang nakatapal sa ulo mo dahil matutuyo na yan."

"Inalagaan ka namin, at kagabi nilalagnat at parang binabangungot ka, pinunasan kita, pero di kita maiwan dahil sa lagnat mo, tumabi ako sa iyo at niyakap kita,-- pero wala akong masamang ginawa sa iyo.-- Kaya yun nadatnan mo ako sa tabi mo."

Mahabang pagkukwento ko sa kanya, sa huling tinuran ko ay namumula pa ako dahil sa hiya. Mataman naman siyang nakinig sa akin.

"Naalala ko nga kumatok ako sa isang pinto at ang mukha mo ang huli kong nakita bago nagdilim ang lahat." saad niya.

"Kung gusto mo pwede tayong pumunta sa doktor sa bayan pero dalawang oras ang biyahe papunta doon, baka hindi mo pa kaya ngayon." offer ko sa kanya.

"Hindi, huwag na muna. Masyado ko na yata kayong naaabala." nahihiyang sabi niya.

"Naku hwag mong isipin na nakakaabala ka, kahit sino naman siguro sa sitwasyon mo ay ganun din ang gagawin ko." nakangiti kong sabi.

"Salamat, maswerte parin ako at isang anghel ang nakapulot sa akin." pinisil niya ang kamay ko.

"W-walang anuman." bigla bumilis ang tibok ng puso ko at sigurado ako na pinamulahan ako ng mukha.

"Ate Selena?!" narinig kong tawag ni Ana mula sa labas, kaya pasimple kong binawi ang kamay ko sa kanya.

"Ana, halika dito sa kabilang kwarto dali." sigaw ko.

"Ang aga mo naman sa ---" saad niya habang papasok siya sa kwarto pero nang makita niya na gising na ang aming bisita ay nanlaki ang mga mata ng pinsan ko at hindi na niya naituloy ang sasabihin sana.

"Oo Ana, gising na siya." masaya kong sabi.

Pero imbis na sagutin ako ay nagtatakbo si Ana palabas at sabay tawag kay tiya at Arman.

"Inang, kuya Arman!! Gising na ang bisita natin!!!"

Nang makapasok na si Ana sa kwarto ay napakamot siya ng ulo at napangiti, nakalimutan niya kasi na kaninang madaling araw pa wala ang dalawang taong tinatawag niya.

"Oo nga pala maaga sila umalis." nahihiya niya tuloy sabi.

"Bakit ka kasi biglang nataranta?" natatawang sabi ko.

"Na-excite lang ate na gising na si kuyang pogi." pinamulahan siya ng mukha dahil sa hiya.

"You look cute, Ana." nakangiting sabi ng lalaking nasa tabi ko.

Lalo tuloy nahiya si Ana sa sinabi nito, teen ager palang ang pinsan ko kaya siguro ganito siya kumilos.

"Ahm, tutal hindi mo pa maalala ang pangalan mo, gusto mo bang bigyan ka muna namin ng itatawag sa iyo?" pag-iiba ko sa usapan, ewan ko kasi medyo naiinis ako sa pag-uusap nila.

"Sure, ikaw na mag-isip baka sumakit kasi ang ulo ko ulit." nakangiti niyang baling sa akin. Lihim na tumalon ang puso ko dahil sa ganda ng ngiti niya.

"Ah.. S-sige mag-iisip ako." biglang nataranta ang isip ko. "Ayos lang ba sa iyo ang Nico?" sa huli ay suhestyon ko.

"Nico it is." kaagad naman niyang sagot.

"Bagay sa kanya ang pangalan ate, galing mo talaga." parang bata na sabi naman ni Ana.

"Salamat, pero mag-almusal kana muna, paki dala mo na itong tray at ilagay sa lababo itong pinagkainan ni Nico." saad ko kay Ana.

"Opo ate, gutom na nga ako." kaagad naman siyang tumalima at umalis papuntang kusina.

"Para siyang bata." komento ni Nico.

"Oo, teen ager pa kasi seventeen palang." paliwanag ko.

"Ah kaya pala, ikaw ilang taon kana?" kapag ka'y tanong niya sa akin.

"Bente dos na ako, pero sa kaarawan ko sa desyembre ay beinte tres na." tugon ko sa kanya.

Hindi ko siya matignan ng matagal dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hangin dahil sa sobrang bilis na pagtibok ng aking puso.

Nagtataka nga rin ako bakit ganito ang tibok ng aking puso, mas mabilis at bakit nararamdaman ko ito sa kanya.

"Ako kaya ilang taon na?" nabalik ako mula sa pag-iisip dahil sa tanong niya.

"Ha?  Eh oo nga ano, hmm siguro ay matanda ka ng tatlo o hanggang limang taon kesa sa akin." hula ko naman.

Napangiti siya sa sinabi ko, pero kaagad din siyang nawalan ng imik, siguro ay nalulungkot siya dahil sa wala siyang maalala.

"Magpahinga kana, para mas makabawi ka ng lakas mo, para maipatingin kita sa bayan, nang malaman natin ang kalagayan mo." saad ko sa kanya.

"Maraming salamat talaga Selena." sabi niya at ginagap ng kanyang mga kamay ang aking mga kamay.

Muling nagsirko ang aking puso sa loob ng aking dibdib, napakalaking epekto ng lalaking ito sa akin. Nakakatakot ang damdaming ito.

"W-walang anuman, Nico. Sige lalabas na muna ako at para makapag pahinga kana." pinisil ko ang kamay niya saka na ako tumayo.

Tinanguan niya ako at ngumiti siya, humiga na rin siya at ipinikit ang kanyang mga mata, saka ko na napag pasyahang lumabas.

Pasimpli kong sinapo ang aking dibdib, pinakalma ang aking naghuhuramentadong puso.

Anong nangyayari sa iyo bakit sa simpleng ngiti at hawak sa kamay ko ng lalaking iyon ay ganyan ka kung makatibok?

Lihim kong pinapagalitan ang aking puso na unti-unti na ding kumakalma mula sa mabilis na pagtibok kanina.

Napabuntong hininga ako, may gusto na yata ako sa estranghero na iyon, sa lalaking ni hindi maalala ang kanyang mismong pangalan!

Malaking problema ito.

Continue Reading

You'll Also Like

211K 2.2K 22
My Part Time Wife Started: April 2012 End: June 2012 Enjoy reading guys :)
1.8M 17.1K 36
Warning: spg,+18 only This story is only to those who are open minded A story of a girl who sacrifice herself for the sake of her father.
2.6K 171 33
Alam naman natin lahat na ang nakakadiring tao sa mundo ay ang palubi o taong grasa Hindi mawawala ang pang aapi at pag didirian ng ibang tao Nakilal...
811K 14.3K 27
Book 2 of A Hot Night With Mr. Bartender[AHNWMB] -Ahmira and Adam Story- Please read it first for you to know the whole story. Enjoy reading (: