Just A Little Bit Of Your Love

By ef4aRrr

212K 5.5K 2.4K

He forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na... More

AN
Two
THREE
Four
FIVE
SIX
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Tweleve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-Nine
Fourty
FOURTY-ONE
Fourty-Two
Fourty-Three
Fourty-four
Fourty-Five
Fourty-Six
Fourty-Seven
Fourty-Eight
Wakas

One

12.8K 141 5
By ef4aRrr

Inang, Tatang, Helena!!!!

Humahangos akong bumangon dahil sa isang panaginip, masamang panaginip, ang araw ng pagkawala ng aking mga minamahal.

Maagang nawala ang mga mahal ko sa buhay dahil sa isang aksidente, tahimik kaming naninirahan ng aking mga magulang at ng aking kapatid na si Hellena sa aming maliit na bukirin, pero naulila ako sa kanila ng ako ay labinlimang taong gulang palang.

Kaarawan ng aming bunso noon at  naglambing ito na lumuwas kami sa bayan upang siya ay makapaglaro sa perya, at dahil kaarawan niya ay pumayag si itang.

Masaya ang naging araw naming pamilya, pero ng pauwi na kami galing sa bayan, ay nasalpok ng isang truck ang sinasakyan naming owner type jeep.

Lahat kami ay kritikal, ngunit may kung anong milagro ang sumagip sa akin, ngunit kalungkutan lamang ang naging kapalit ng aking buhay.

Pitong taon na ang nakakaraan ay malinaw parin sa akin ang lahat. Pati ang sakit ay sariwa parin sa aking puso.

Kinalma ko ang aking sarilli, pinunasan ang mga luha, huminga ng malalim at ako ay nagdasal.

Pagkatapos ay nagpasya akong tumayo at pumunta sa kusina para uminom ng tubig, saka ako naghilamos upang mahimasmasan.

Dito parin ako nakatira sa dati naming bahay, na ilang kilometro lamang ang layo sa aming maliit na bukirin.

Katulong ko ang aking tiyahin na si tiya Isabel pinsan ng aking tatang, sa bukirin at dito sa bahay, ngunit siya at ang kanyang mga anak ay sa kabilang bahay namamalagi.

Pabalik na sana ako sa aking kwarto ng may marinig akong mahihinang katok mula sa aming pintuan.

Napakunot ang aking noo at bigla akong kinabahan, alisto kong kinuha ang isang malapad na kahoy sa tabi ng pintuan.

Inilapit ko ang aking tainga sa may pintuan at pinakinggan ang mga sasabihin ng kung sino man ang kumakatok.

"T-tu-long!!" Nanghihinang sabi ng nasa labas ng pinto. "M-may t-tao p-po b-ba s-sa b-ba-hay n-na i-it-o? T-tu-lu-ngan ny-o a-ko p-paki-u-sap.

Nahabag ako sa aking narinig, para bang naghihinalo na ang tao sa labas ng aking pintuan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, at nanlaki ang aking mga mata sa tumambad sa aking harapan.

Isang lalaking sugatan, mukhang naaksidente o pinagtangkaan ng masama, mabilis kong binitawan ang kahoy na hawak ko at dinaluhan ang lalaki.

"Sino ka, anong nangyari sa iyo?!" tanong ko habang sinusuri ang kanyang hitsura, may dugo mula sa kanyang ulo.

"M-ma-a-wa k-ka.... " ni hindi na niya natapos ang nais na sabihin, ay nawalan na siya ng malay.

Tumayo ako at kinalma ang aking sarili, malaking tao ang lalaking ito at pihadong hindi ko siya kaya kahit hilahin man lang.

Nagpasya akong magpatulong kay tiya, kaagad namang tumalima si tiya at ang aking pinsan na sina Arman at Ana sa pagtulong sa akin.

Nang makarating sa harapan ng aking pintuan ay gulantang din sila sa nakita.

"Diyos na mahabagin! Sino ang lalaking ito, Selena?" napasign of the cross pa si tiya Isabel.

"Hindi ko rin ho alam tiya, basta tulungan nyo muna akong maipasok siya at nang maihiga sa papag." sagot ko naman.

"Sigurado kaba dito ate, baka masamang tao ito." Si Arman naman iyon.

"Bahala na Arman, pero ayaw kong may mamatay na naman sa harapan ko." sagot ko muli.

Nag-aalangan man ay tinulungan parin nila ako mabuhat ang estrangherong lalaki na nahandusay sa harapan ng aking pintuan.

"Ana kumuha ka ng maligamgam na tubig sa planggana at bimpo, ikukuha ko naman sya ng lumang damit ni itang." utos ko kay Ana nang maihiga na namin sa dating papag ng aking mga magulang ang lalaki.

"Sige at ako naman ay gugupitin itong damit niya para malaman natin kung may sugat siya sa katawan." presinta ni tiya Isabel.

Tumango lamang ako saka ko na linapitan ang lumang cabinet ng aking mga magulang, malinis at maayos pa iyon.

Pati mga damit ay nasa maayos na kalagayan pa kahit medyo may kalumaan na.

Mahalaga sa akin ang mga naiwan ng aking mga magulang kaya inaalagaan ko parin kahit matagal na panahon na.

Pumili ako ng kulay dark blue na cotton t-shirt para naman kumportable sa balat ang damit.

At pumili din ako ng pajama para hindi siya ginawin. Naawa talaga ako sa lalaking ito, sana naman ay maging maayos ang kalagayan niya.

Mabilis akong bumalik sa may papag ng makakuha ako ng ipampapalit na damit.

Dumating narin galing kusina si Ana at may dala itong tubig at bimpo gaya ng iniutos ko.

"Tiya, kamusta may mga sugat ho ba siya sa katawan?" tanong ko nang makitang na-i-alis na ni tiya ang pang itaas na damit ng lalaki.

"Wala anak, sa ulo ang tama ng lalaking ito, ako na ang maglilinis sa kanya, akin na ang mga iyan Ana, kumuha ka ng malinis na tela na pwedeng ipantali sa ulo niya, Selena, bukas ng maaga ipatatawag ko kay Arman si Mang Iloy." saad ni tiya.

Kaagad akong tumalima at nag hanap ng tela na maipantatali sa ulo ng lalaki. Nang makakita ay kaagad akong bumalik kay tiya.

"Heto ang tela tiya, gupitin nalang po ninyo,- inilapag ko sa gilid ng papag ang damit. -sana ay magamot siya ni Mang Iloy, kawawa naman siya."

"Sibo kaya siya ate Selena at anong nangyari sa kanya?" Si Ana iyon.

"Malalaman natin iyon Ana kapag nagising na siya." sagot ko sa aking pinsan habang nakatuon ang aking mga mata sa estranghero.

"O sya kayong dalawang dalaga ay lumabas na muna at papalitan na namin ang pang-ibabang damit ng lalaking ito." pagtataboy naman ni tiya Isabel ng patapos na sila ni Arman sa pag-aasikaso sa lalaki.

Tumalima kami ni Ana at mabilis na lumabas at naupo sa may salas. Umabot din ng limang minuto bago lumabas sina Tiya at Arman mula sa silid ng aking mga magulang.

"Sa ngayon ay nagpaphinga na ang bisita mo, Selena, hindi na din dumudugo ang sugat niya sa ulo, pero kailangan padin mapatingnan siya kay Mang Iloy." Saad ni toya Isabel ng makaupo siya sa kawayan naming sofa.

"Opo tiya, maaga ka bukas Arman, isabay mo na sa idedeliver mong gulay sa may palengke ang pagdaan kina mang Iloy tutal ay daraanan mo naman ang bahay nila." sagot ko kay tiya at paki-usap ko naman kay Arman.

"Opo ate, sasamahan na din kita magbantay dito ate, mas maigi na ang may kasama ka dito, hindi naman natin tunay na kilala ang lalaking iyon." magalang na sabi ni Arman.

"Salamat, Ana matulog kana, kayo ni Tiya upang maaga tayong lahat bukas. " sabi ko.

"O sya sige kami ni Ana ay uuwi na, ikaw Selena ay matulog din muna sa iyong kwarto, itong si Arman ay matutulog dito sa Salas upang mabantayan ang bisita natin." pagkasabi niyon ay tumayo na sila.

"Sige ho tiya, bukas na lamang po ulit,  salamat sa tulong." saka ko na sila inihatid sa may pintuan.

"Walang ano man anak, sige na at magpahinga ka na din." niyakap muna ako ni tiya bago sila tuluyang umuwi.

Si Arman naman ay lumabas galing sa kwarto ng aking mga magulang na may dalang unan at kumot.

"Matutulog na ako ate." paalam ng binatilyo kong pinsan. Saka na siya naghanda sa pagtulog.

"Sige lang Arman, sisilipin ko lang ang ating bisita. " saad ko tsaka ako pumasok sa kwarto kung nasaan ang lalaki.






Maingat akong lumapit sa lalaking aming tinulungan, malinis na ang hitsura niya ngayon kumpara kanina.

Nakatali din ng maayos ang kanyang ulo, may kaunting bahid ng dugo sa tela sa kanyang ulo.

Mahimbing na ang tulog nito, sana ay maging maayos na siya para malaman namin kung ano talaga ang nangyari sa kanya.

Malaya kong napagmasdan ang lalaki.  Guwapo ito, matangos ang ilong at manipis ang mga labi, perpekto na parang hinulma ng magaling na iskultor ang mga panga nito.

Mamula-mula din ang kutis nito, may mga tattoo siya sa mga kamay at braso pero dahil sa magandang kutis nito ay maganda itong tingnan sa kanya.

May kung anong pwersa ang nagpaangat sa mga kamay ko para magaang haplusin ang kanyang mukha.

Napangiti ako sa aking ginawa, para akong bata na namamangha sa isang magandang bagay.

"Matulog ka nang mahimbing, sana maging maayos ka bukas." mahinang wika ko.

Saka ako nagpasyang tumayo at magbalik na sa aking kwarto, kailangan ko din ang magpahinga para may lakas para bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

204K 6.3K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
147K 11.5K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
167K 2.9K 39
Maye Concepcion isang babaeng wala yatang pangarap kundi maging isang asawa at Ina. Hindi nya nakikita ang sarili nya bilang isang may propesyong tao...
500K 774 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞