Cinderella and the Seven Mast...

Moncerii tarafından

78.7K 2.3K 52

Serenity Claudette Amore seems to be the typical modern Cinderella. For her, she's the one serving her seven... Daha Fazla

Cinderella and the Seven Master (Prince Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
My heart speaks

Chapter 19

1.6K 48 4
Moncerii tarafından

"Finn!"

Mabilis kong naitulak si Finn mula sa pagkakayakap sa akin. Ramdam ko ang talim ng mga matang mariing nakatitig sa amin. Ilang metro lang ang layo namin mula sa kinatatayuan ni Drake. Napapagitnaan sya ni Diane at Dwight.

Buong tapang kong sinalubong ang mga matang puno ng hinanakit. Sa talim ng bawat titig nito sa akin, para na ring tinutusok ang puso ko ng sandaang punyal. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil doon.

"S-sige aalis n-na ako. Bibisita na lang ulit ako bukas." Mabilis kong tinahak ang daan palabas ng ospital. Saglit kong sinulyapan si Dwight at tipid itong ngumiti.

Napahawak ang kaliwang kamay ko sa dibdib habang ang isa'y nagawa ko pang ihawak sa pader para di ako mabuwal dahil sa pinaghalong kaba at sakit na nararamdaman. Ramdam ko ang lamig ng mga kamay ko at pangangatog ng binti, dumagdag pa ang gutom na ngayon ko lang naramdaman.

Dumaan muna ako sa convenience store para makakain kasi pakiramdam ko ay maduduwal na ako dahil sa gutom. Maghahating gabi na nang makabalik ako sa mansion. Dahil sa pagod ay agad kong ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Gusto ko pa sanang mag ayos ng mga gamit pero di na talaga kinaya. Bumigat ang talukap ng mga mata ko bago ko pa maisipang bumangon.

Ang nakakabinging katahimikan ang gumising sakin kinaumagahan. I'm wondering kung umuwi ba ang mga Vergara kagabi. Mabilis akong bumangon at ginawa ang morning rituals ko. Nang makapag ayos na ng sarili ay pa simple kong sinilip ang nakahilerang mga pinto ng mga kwarto ng mga Vergara.

"Good morning!"

"Ay kabayo ka!" Natutop ko ang bibig dahil sa gulat. Ilang segundo pa bago ko nakilala ang tinig na iyon. It was Diane. Why she's still here?

"Oh I'm sorry, did I startled you?" aniya sa malambing na boses. Umiling ako at tipid na napangiti. Assuring that it's fine with me. Ayokong mag-isip ng masama sa kanya pero may kung ano akong nakita sa mga mata nya. Muli ko syang pinagmasdan pero agad itong napalitan ng kislap.

"Good morning Drake. Are you hungry?" Agad akong napalingon. Ngumiti si Drake sa kanya kasabay ng isang pagtango. Nang dumako ang tingin nya sa akin, ako na ang umiwas.

"Okay, give me 15 minutes. Di pa ako nakakapagluto eh." I badly wanted to ask why she's still here, doing the things I used to do pero hinayaan ko na lang.

Dumiretso ako pababa sa kusina para tumulong sa paghahanda ng breakfast.
Sumunod si Diane sa akin.

"Are you sure ikaw na ang magluluto? I can help if-"

"No, I can manage. I studied culinary arts abroad kaya nasisiguro kong kaya ko, you could set the tables then if you want to help." She smiled.

Tumango ako bilang pagsuko. Kinuha ko at pinunasan muna ang mga utensils bago ko inihanda sa mesa. Ilang minuto lang ang lumipas nang makarinig ako ng mga yabag, magkasabay na naglalakad sina Drake at Yuan palapit sa mesa. Yuan is wearing a plain V-neck shirt with faded jeans, while Drake is still topless. Pinapatuyo nito ang buhok gamit ang isang tuwalya.

Nagbukas ito ng refrigerator at kumuha ng pitsel. Maagap ko syang inabutan ng baso. Tiim bagang nya lang itong tinitigan. Bumagsak ang balikat ko dahil doon at bigla na lamang nadulas ang baso sa kamay ko. The shattering noise of the glass echoed. Kumalat ang maliliit na bubog sa sahig.

"I-I'm sorry. " Mabilis akong naupo para pulutin ang mga bubog sa sahig.

"Wag!-" Dalawang boses ang sabay na nag echo sa buong mansion.

Sandali akong natigilan dahil sa pwersang pumigil sa mga kamay ko sa aktong pagpulot. Yuan gripped my hand. Mahigpit ang pagkakahawak nya.
Agaran ko itong binawi nang mapagtanto ang nangyari.

Uminit nang bahagya ang mukha ko.

"Are you alright Serenity?" Diane asked.

I nodded.

"K-kukuha lang ako ng walis at dust-" Pambawi ko.

"Ako na." Drake cut me off.

Wala sa sarili akong tumango. I felt submissive to him.

"Anong nangyari?" Forth asked. His questioning gaze landed on me. Di ko mabasa ang mga mata nya.

"Nothing serious," Yuan aswered.

"Breakfast is ready! Let's eat. Forth pakitawag naman si Dwight." Diane said that lightens the atmosphere.

Kumain na kami ng makompleto. Wala si Fierce at Finn ngayon. Nagpaiwan sa ospital para magbantay. Tahimik lang ako habang kumakain at ang atensyon ay nasa pagkain.

"I know you're curious, why I'm here." It was Diane, talking to me.

"Mom ask me if I could atleast assist them here. Nabalitaan kasi nyang wala ka nong makabalik sila dito. She's worried kaya. I'll be staying the whole summer here. Okay lang ba yun sayo? " dagdag nya.

Ilang beses akong tumango bilang pag sang-ayon. She smiled sweetly.

"How about you Seren? Hanggang kailan ka dito?" Natigilan ako sa tanong ni Forth. Gusto na ba nila akong paalisin?

"Forth! What the hell are you saying?" saway ni Dwight sa pinsan.

"Tss, I'm just asking. Paano nya nagagawang humarap sa atin na parang walang nangyari." A smirk from on his lips.

"It's not her fault. It's Lolo's request Forth. Wala syan-" Hinawakan ko ang kamay ni Dwight na nakapatong sa mesa to stop him.

" Magpapaalam lang ako kay lolo bukas pagkatapos noon aalis din agad ako." Pilit akong ngumiti kahit nangingilid na ang luha ko.

Lahat sila'y di inasahan ang sinabi ko.

"You don't have to do that Seren. Malulungkot si Lolo pag umalis ka dito at tsaka paano na ang pag-aaral mo? Saan ka titira?" puno nang pag-aalala ang mukha ni Dwight.

"Tama si Dwight Seren. Mahirap mabuhay mag-isa dito sa Manila. Kung umuwi ka na lang kaya sa Isla?" suhestyon ni Diane.

Umiling ako, di ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko.

I caught Drake staring at me. Nanatili syang walang imik sa usapan.

"I'll find a work. Kaya ko namang pag sabayin ang pag-aaral at trabaho."

"But it much be better kung mananatili ka na lang dito." Muling pilit ni Dwight.

"Let her do what she want. We're not ralated to her anyway," ani Yuan na sa wakas ay nagsalita na mula sa pananahimik.

Sobra na ang sakit. Isang takas na luha ang dumaloy mula sa pisngi ko.

Maagap ko naman iyong pinunasan.

"Supposed to be, katulong lang natin si Seren pero kung umasta parang siya pa ang amo dito-" Naputol ang dapat na sasabihin ni Forth ng hawakan siya ni Drake sa kwelyo at umamba itong susuntukin.

Galit na galit si Drake at makikita ito sa kaniyang mga mata at sa nakayukom nitong kamao.

Hindi agad rumehistro sa akin ang nangyari pero ng sumigaw si Diane ay tsaka ko pa naintindihan ang nangyayari.

Agad silang dinaluhan ni Dwight para awatin.

"Punch me Drake, ano pang hinihintay mo?"

Agad akong tumayo at niyakap patalikod si Drake ng akmang susuntukin na talaga nito si Forth.

"Tama na Drake," mahina kong sabi dahil hindi ko na kaya at nagsiunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Sobrang sakit na marinig sa kanila ang mga salitang iyon.

"Fvck you!" mariing sabi ni Drake at medyo kumalma na.

Isang katahimikan ang namayani at naputol lang ng tumunog ang telepono.

Kumalas naman agad ako sa pagkakayakap kay Drake at hinintay ang sasabihin ni Yuan ng sagutin nito ang tawag.

"Okay papunta na kami," sabi ni Yuan sa kausap at agad pinatay ang tawag.

"What happened Yuan?" tanong ni Dwight.

"Gising na daw si Lolo"

"Ano? Ano pang hinihintay niyo tara na."

Agad na kumilos ang mga vergara para makaalis na papunta sa hospital. Ilang minuto akong naiwang nakatayo bago sumunod sa kanila.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
166K 6.3K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...