Chapter 12

1.6K 59 0
                                    

Pagtapak pa lang ng mga paa namin sa mall isang nakakabinging tilian na ang narinig ko.

"Oh my Gosh! Ang gagwapo!"

This is nonsense. Alam kong malakas ang karisma ng mga Vergara but they don't have to scream as if seeing celebrities right in front of them.

"Bumaba ba ang mga Diyos ng Olympus sa lupa? Ang hot!"

"Kuyang naka-black akin ka na lang! Kyah ang wafu mo po!" sigaw ng isang babae, feeling artista namang kumaway-kaway si Forth.

Lalo pa tuloy lumakas ang tilian.

"Shit! Sino naman yang kasama nila?"

"Baka girlfriend nong naka-green?" They're referring to Drake na nakaakbay sakin.

"No way, baka katulong nila?"

May katulong bang inaakbayan? Duh!

Rinig namin ang mga bulungan nila, mas lalo tuloy akong hinila ni Drake palapit.

"Don't mind them, inggit lang yan kasi ikaw ang kasama ko," bulong nya. Langya nakakakiliti ang hininga n'yang tumatama sa leeg ko.

"Tumigil ka nga sa kaharutan mo Drake." Mahina kong kinurot ang tagiliran nya.

"Tss ang bad mo Seren! Kinukurot mo na lang ako kasi alam mong handa akong masaktan para sa'yo." Napairap na lang ako sa ka-kornihan ng lalaking 'to.

"Tss tama na nga 'yang pag-akbay kay Seren." Agad namang lumapit sa'min si Zenon at hinila palayo ang pinsan.

"Wag kang masyadong lumapit kay Drake," ani Yuan na agad naman akong nilampasan.

Pumasok kami sa isang stall na puno ng mamahaling damit. Kagaya ng nangyari kanina, agaw atensyon na naman ang mga Vergara. Bakit pa kasu sumama silang lahat? Hindi tuloy ako komportable sa mga atensyong nakukuha ko.

Naupo ang anim sa isang mahabang sofa maliban kay Dwight na excited na nagtuturo ng mga damit na susuotin ko raw.

"Ito, ito, tsaka ito! Isukat mo. Lahat yan Seren bagay sayo." lampas sampung damit na ang nakukuha ni Dwight pero ni-isa ay wala akong matipuhan, kung meron ma'y agad kong ibinabalik sa tuwing makikita ko ang price tag.

Fifty thousand

Seventy-five thousand

Jusko napakamamahal!

"Wala ka pa rin bang napipili?" Nakakunot noong lumapit sakin si Yuan.

"Ahm napakamahal kasi, limang libo lang ang budget ko."

"Sino bang nagsabing ikaw ang gagastos? Kaya kami nandito para bilhan ka, syempre ikaw ang pipili ng susuotin mo," ani Dwight na abala pa rin sa pagpili ng susunod kong isusukat.

"Yah he's right. Kaya wag kang mag-alangang pumili. Wag mong isipin ang presyo, bato lang samin kung susumahin ang presyo ng lahat ng damit dito." Nakangiting sabi ni Yuan as if telling me 'go on pick whatever you want'.

"We can even buy this mall if we want to," dagdag ni Dwight sa sinabi ni Yuan.

Oh my goodness alam kung mayaman ang mga Vergara pero di ako nag expect na bato lang para sa kanila ang ilang libong piso.

Tumango na lang ako dahil wala akong laban sa kanila lalo na kay Dwight, maiirita lang ako sa kakulitan nya.

"Here, I guess this will suit you." Iniabot ni Drake sakin ang isang color white cocktail dress na may mga embroidered flowers sa laylayan. May mga makukulay na beads na lalong nagpapaganda dito.

The dress may look simple but it's damn elegant, nakakalula nga lang ang presyo. Tumataginting na one hundred five thousand pesos.

Nag-aalangan pa akong isukat pero wala na akong nagawa ng inusutan ni Fierce ang sales staff na hilahin na ako sa dressing room.

Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin habang suot ang damit. May lalong na emphasize ang kulay ng balat ko at ang hubog ng katawan. Di ako sanay magsuot ng mga ganitong damit pero di naman siguro masama kung minsan ay lalabas ako sa comfort zone ko.

Lumabas ako ng dressing room para ipakita sa mga kasama ko kung ayos lang ba ang suot ko pero lahat sila'y nakatingin lang sakin.

"P-pangit ba? Di ba bagay? Sige papalitan ko na lang." Akmang babalik na ako sa dressing room nang sabay-sabay silang magsalita.

"No!"

"Y-you look great Seren" nahihiyang sabi ni Dwight na mabilis nag-iwas ng tingin.

He's blushing!

"I do agree. I know you'll be the prettiest tonight, right guys?" ani Yuan na ikinainit ng pisngi ko.

Sabay-sabay silang tumango.

"Ahm guys will you stop staring at me." Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi dahil sa hiya.

Mabilis naman nilang ibinaling sa iba ang atensyon ng ma-realized ang ginagawa.

Matapos bayaran ang damit sa counter, nagpasya na kaming umuwi dahil baka kapusin kami sa oras.

Sa likod ng front seat ako naupo katabi si Drake. Nanibago ako dahil sobrang tahimik nito mula pa kanina.

"Drake, are you okay?" I asked him nang makausad na ang van na sinasakyan.

"Oo naman, bat mo natanong?" He smiled at me pero kita kong pilit iyon.

"I know you're not. Tell me, what's wrong?" He didn't answer but instead he lean his head on my shoulder and fell asleep.

Nang matanaw ko ang daan sa labas ng bintana agad kong ginising si Drake dahil malapit na naming marating ang complex.

"Drake gising na..." Mahina kong kinurot ang pisnge para gisingin sya.

"We're here"

"Seren..." Shit! Ang husky ng boses n'ya!

"Why?"

"Ayaw kong may ibang mga lalaki ang magkakainteres sa'yo lalo na ang Carlos na yun pero gusto kong ikaw ang maging pinakamaganda sa party mamaya kaya kahit ayaw ko sa damit na isusuot mo mas pinili kong manahimik kanina."

"Ha?" I'm literally out of words.

"Kaya 'wag kang lalayo sakin-samin mamaya kasi I'm more than willing to break Lolo Sebastian's rule number 3 if ever I caught someone staring at you." he's really serious.

I never imagine the childish and happy-go-lucky Drake Vergaras to be this possessive.

Do he really likes me a lot para maging ganito sya?

Cinderella and the Seven MastersΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα