Chapter 15

1.7K 49 0
                                    

Nagising ako dahil sa lamig ng hanging tumatagos sa dingding ng bahay namin. Madaling-araw pa lamang kasi kaya tagos sa buto ang lamig. Napabalikwas ako ng bangon ng maisip ang mga Vergara. Dali-dali ko silang pinuntahan sa silid nila.

Banayad lang ang pagtulak ko sa pinto para di ito makalikha ng anumang ingay.
Nasa loob ng isang malaking kulambo ang apat. Nakahiga sila sa sahig na tanging banig lang ang sapin samantalang ang tatlo naman sa kanila ay nasa katre.

Lihim na lang akong napangiti ng makita ang mga posisyon nila, ang paa ni Drake ay nasa mukha na ni Finn. Si Yuan naman ay parang orasan kung matulog sa sobrang likot.

Nag-aagawan pa ang mga ito sa iisang kumot. Pitong makakapal na kumot ang ibinigay ko sa kanila kagabi kaso nasa paanan na nila ang mga yun.

Napailing na lang ako sa mga kapalpakan nila. Talagang di sila sanay sa ganitong klaseng pamumuhay.

Mabilis kong isinara ang pinto ng may isa sa kanilang gumalaw at akmang babangon na.

Pabalik na ako sa silid para muling matulog nang dumating si lolo Franco. Galing ito sa pangingisda sa laot. May dala itong dalawang malalaking baldeng may lamang mga bagong huling isda. May mga alimango at hipon din itong dala.

"Lolo!" agad ko syang dinaluhan ng yakap.

"Anong oras ka nakauwi apo? Pasensya na't di ko kayo nasundo." inilapag nito ang mga baldeng dala at isinalin ang laman sa isang malaking planggana.

"Naku ayos lang po Lolo. Gusto nyo po bang ipagtimpla ko kayo ng kape?"

"Sige apo nang maibsan ang lamig. Matagal na rin simula nang ipagtimpla mo ako. Sya nga pala, nakakatulog naman ba ng maayos ang mga bisita? Di sila sanay sa matigas na papag." Napangiti na lang ako nang maalala ang itsura nilang lahat habang tulog.

"Sa tingin ko naman po. Nasa silid po silang lahat. Medyo masikip sa loob pero pwede na yun Lolo," sagot ko bago sumimsim ng kapeng tinimpla ko kasabay ng kay lolo.

"Isa ba sa kanila ang nobyo mo apo?" Nasamid tuloy ako dahil sa tanong nya.

"Lolo naman eh. Wala po."

" Sige sabi mo eh, pero isa lang ang sigurado ako. May isa sa kanilang bumihag ng iyong puso apo."

Si Yuan agad ang pumasok sa isip ko.

Si lolo talaga! Pakiramdam ko tuloy nag-init ang pisngi ko dahil totoo naman ang sinabi nya.

"Oh Franco andito ka na pala," ani lolo na hinawi ang kurtinang nakaharang sa bintana. Tumagos ang sinag ng araw sa loob.

Maliwanag na pala. Di ko man lang namalayan, medyo nawili ako sa pag-uusap namin ni lolo. Kailangan ko nang maghanda ng almusal.

"Magandang umaga po Lola."

"Magandang umaga din apo. Mukhang napaaga ang gising mo. Nagising ka ba dahil sa pagdating ng kalbo mong lolo?" pabirong sinamaan nito ng tingin si lolo.

" Lourdes bat ang sama ng timpla ng umaga mo? Pasensya na kung ngayon lamang ako nakauwi. Medyo malakas ang alon. Iniisip mo bang may iba na ako mahal kong asawa? Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, marahil ay agad kang nangulila sakin." Lihim akong napangiti. Di pa rin talaga nagbabago itong si Lolo. Bisyo nya talagang asarin si lola.

"Huy Franco ang tanda mo na pero ang badoy pa rin ng mga banat mo. O sya magpalit ka na ng tuyong damit at tulungan mo ako sa paghahanda ng almusal." Si lola naman kunwari galit pero grabe ang concern kay lolo.

Di ko tuloy maiwasang hilingin na sanay makatagpo rin ako ng lalaking mamahalin ako ng tunay. Yung parang si lolo sa pagmamahal kay lola. Tipong kahit na maraming humahadlang ay ipaglalaban ako.

Cinderella and the Seven MastersDär berättelser lever. Upptäck nu