Chapter 7

1.8K 56 2
                                    

Matapos ang mahaba-habang sermon ni Baste—este Lolo Sebastian, nakabusangot na nagsipag-uwian ang mga Vergara sa mansyon. Hanggang ngayon talaga ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Yuan kanina.
Anong problema ng taong yon? Nakasimangot na naman. Para tuloy syang nalugi sa itsura n'ya.

Bumuhos ng pagkalakas ang ulan ngayong gabi, buti na lang ay nakauwi agad kami. Mag aalas dyes na tapos na rin kaming mag dinner kaya nagpapahinga na ang mga kupal, well except for one. Yuan is not yet here. Hindi pa sya dumadating magmula kanina. Wala ang kotse nang silipin ko sa garahe. Marahil ay nasa bahay ito ni Lolo Sebastian.

Sabi nya'y mag-uusap kami kaya hinintay ko sya mula pa kanina. Gustuhin ko mang magpahinga na ay di ko magawa.

I'm worried.

11:30 PM, I'm about to sleep when the telephone rang. I immediately get up to answer the call.

"Hello, this is Vergara Residence. Ano pong kailangan nila?"

"Hello Ma'am, dito po ba nakatira si Mr. Yuan Vergara?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Ah yes? Bakit?" kinakabahan kong tanong.

"Ma'am pwede pong pakisundo si Sir dito sa Jill's Bar? Kanina pa po kasi lasing eh. Muntik na hong mapaaway."

"Ah sige hintayin nyo ako. I'll be there." I hanged up after I received the exact address.

Paano 'to? Walang sasakyan, sobrang lakas pa ng ulan.

"Yuan naman kasi eh, handa naman akong makinig kung may problema ka eh! I'm more than willing."

Mabilis akong lumabas ng bahay, kumuha ng isang payong at raincoat sa drawer. Di na ako nag abalang magpaalam sa mga amo ko dahil paniguradong tulog na ang mga ito.

Sobrang lakas ng hangin. Parang may bagyo yata ngayon. Malaki na ang payong ko pero di ito sapat, pilit itong nililipad ng hangin dahilan para mabasa ako.

Now, I'm soaking wet because of the rain. Mahigit limang minuto pa ang magdaan bago ako nakapara ng taxi, punuan kasi ngayon.

"Manong sa May Ortega Avenue po, sa Jill's Bar. Pakibilisan na lang po," pakiusap ko sa driver.

Thankfully magaan ang daloy ng kalye kaya nakarating ako agad sa Bar. Sa bulwagan pa lang ay langhap ko na ang usok na nanggagaling sa mga nakasinding sigarilyo. Amoy ko rin ang pinaghalo-halong ng mga alak.

First time kung makapunta sa ganitong lugar. Ang sakit sa ulo ng sobrang lakas na music. Dumiretso ako sa loob at agad na hinanap ang tumawag na manager kanina.

"Nasan po yung manager ng bar na 'to?" agad na tanong sa isang waiter.

"Ah si Mr. Choi nandon po sa may counter ma'am." Itinuro nito ang lalaking may kausap.

"Ah sige salamat po."

"Excuse me, kayo ho ba si Mr. Choi?"

"Yes, kayo po ba ang asawa ni Mr. Vergara?"

Luh asawa?

"P-po? Hindi po. Ako po yung maid nila. Nasaan po sya?" Itinuro nito ang natutulog na si Yuan sa isang mahabang sofa. Puno ng empty bottle ng alak ang mesa nito.

Marahan akong lumuhod para gisingin s'ya.

"Yuan, gising na, uuwi na tayo." Iminulat nito ang namumungay na mga mata.

"Diane."  Hinawakan nito ang kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit pero may parte ng puso kong kumirot. Inalis ko ang palad n'ya sa mukha ko at tinulungan siyang makabangon.

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now