Chapter 24

1.6K 40 3
                                    

Serenity Claudette

Alas kuatro ng madaling araw ay gising na ako. Di ko alam kung paano naging maayos ang higa ko sa malambot na kama samantalang si Drake ay halos mamaluktot na sa sofa. Kunot-noo ko syang pinagmasdan dahil sa kabila ng kalagayan nya ay sobrang himbing ng tulog nito.

Pinulot ko ang nalaglag na kumot sa sahig at pinatong sa katawan nya. Ginawaran ko ito ng halik sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto. Gising na rin si Manang Fely nang makababa ako, abala siya sa pagluluto ng almusal.

"Oh hija, akala ko'y nakauwi ka na kagabi. Maayos naman ba ang naging tulog mo?"

Napakamot ako sa ulo. Di ko rin naman inasahang makakatulog ako dito.

"Opo Manang, eh sa sobrang pagod at antok di ko na po namalayang nakatulog ako. Mabuti na lang po ay nagising ako ng maaga para may oras pa akong maghanda para sa shift ko."

"Ah ganoon ba, maya-maya ka na umalis hintayin mo ereng niluluto ko," alok ng ginang habang binabaliktad ang nilulutong bacon. Kumalam ang sikmura ko dahil sa aroma ng pagkain pero kailangan ko nang umalis bago pa magising ang kupal na iyon.

"Mauuna na po ko manang, pakisabi na lang po kay Drake na umalis ako ng maaga. Maraming salamat po."

"Magpahatid ka na lang kay Nestor. Sandali at gigisingin ko." Pinatay nito sandali ang kalan. Bahagya itong nataranta. Na-guilty tuloy ako dahil mukhang napaso si manang.

"N-naku wag na po, makakaabala lang po ako at tsaka hayaan nyo po munang makapagpahinga si Manong," pakiusap ko.

"Sige na nga, pero mag-iingat ka. Bago ko nga pala makalimutan, may gaganaping salo-salo dito mamaya para sa homecoming ni Don Sebastian. Pumunta ka kung di ka abala."

"H-ha? Sige p-po" I smiled weakly. Sana nga ganon kalakas ang loob ko para magpakita pa sa kanila.

Nang makauwi sa apartment, ang nakahalukipkip na si Celine ang sumalubong sa akin. Nakaharang ito sa may pinto.

"Hoy Claudette, san ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi? Bakit di ka tumawag o nag text man lang? Nag-alala ako sa'yong bruha ka! Kinabahan ako dahil baka na-chopchop ka na!" Hay naku! Sinasabi ko na nga ba, sesermonan ako ng bruhang 'to.

"Celine kalma, umagang umaga ang init ng ulo mo. Ayos lang ako okay. Check mo pa. Sinamahan ko lang si Drake, may pinagdadaan ang tao." Sumilay ang ngiti sa labi nya nang banggitin ko ang pangalan ni Drake.

"Oh my God! Really? As in the oozing hot and ever handsome Drake Vergara? Kyahhhh owemgiiii! Ano kumusta? Nagdate ba kayo? Nagkiss? Or may nang—" Napilitan akong takpan ang bibig nya dahil sa sobrang lakas ng boses. Alas singko pa lang ng umaga jusko!

Noon pa ma'y crush na ni Celine si Drake and I think even now kahit sila na ni Seth. Iba talaga ang karisma ng drakulang 'yon!

"Tumahimik ka nga, nakakabulabog ka ng kapitbahay. At para sabihin ko sayo, magkaibigan lang kami ni Drake kaya walang k-kiss na nangyari. Dyan ka na nga tss."

"Eh bakit namumula ka?" shit!

"Natural red checks yan! Echosera tss."

Humalakhak ito bago sumagot.
"Pftt defensive"

Di ko na lang sya pinansin. Nagmadali akong nagpunta ng kusina at nagpakulo ng tubig. Masyado akong lamigin kaya nasanay akong may heater.

It's quarter to seven when we arrived at Von Apettit, tamang tama lang para sa morning shift namin ni Celine. Medyo maraming customers ngayong araw kaya halos wala na kaming oras para sa lunch break.  Mga bandang alas singko lang lumuwag ang restaurant kaya bago ang labas ko ay nakapagpahinga na ako.

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now