Chapter 21

1.5K 47 0
                                    


Serenity Claudette

I'm dripping wet when I reached Celine's apartment. Tila ngayon ko lang naramdaman ng matinding pangangatog ng tuhod dahil sa lamig.

"Inumin mo 'to habang mainit pa nang mawala yang panginginig mo." Inabutan ako ni Celine ng tea.

"Salamat Line." Sumimsim ako bago muling pinunasan ng tuyong tuwalya ang medyo basa kong buhok.

"Bakit ka kasi nagpaulan? Di ka man lang nagdala ng payong. At isa pa, nagtatampo ako sayo. Ilang taon na tayong magkaibigan pero ngayon ko lang nalamang sa mga Vergara ka pala tumutuloy. Ang sarap mong kutusang bruha ka!" sermon ni Celine habang gigil sa paghihiwa ng papaya para sa lulutuing tinola.

"Bes kalma, kawawa naman yang papaya. Wag mong panggigilan."

Inirapan nya lang ako at itinuloy ang ginagawa.

"Eh kung ikaw kaya ang tadtarin ko ha Claudette? Want mo?" Ngayo'y ako naman ang napairap.

"Ang brutal mo talaga. Nagka lovelife ka lang eh ginaganyan mo na ako. Kumusta nga pala si Seth?"

"He's fine. Medyo busy nga lang sa family business nila. 'Nga pala speaking of Seth, pumayag na daw yung sister nya na mag part time ka sa restaurant nila. You can start tomorrow if you want. Ihabol mo na lang daw yung mga requirements."

"Yes! Salamat pakisabi na rin kay Seth."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Sa kabila ng mga di magandang nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw may mga bagay pa rin akong dapat ipagpasalamat.

Kinabukasa'y maganda ang gising ko. Pansamantala ko munang kinaligtaan ang lahat ng mga nangyari. Paunti-unti ay aayusin ko ang sarili ko. Walang dahilan para habambuhay akong maging mahina.

"Bes! Ready ka na ba? Tara na baka ma-late tayo" sigaw ni Celine mula sa kabilang kwarto.

"Oo, let's go."

Von appetit is quiet a big booming business. Marami itong regular customers, na karamihan ay mayayaman.

"Seren, pwede bang tumulong ka muna ngayon sa pagseserve ng food, kulang tayo sa tao ngayon eh," pakiusap ni Miss Penelope—Seth's sister.

"Opo."

I immediately serve the orders. Karamihan sa mga customer ay mababait at malaki magbigay ng tip pero di pa rin talaga maiiwasan ang mga matataray. Tulad na lang ngayon.

Aksidente kong natapunan ng strawberry juice ang damit ng isang babae. Halos magwala na ito sa matinding pagkainis.

"Alam mo ba kung magkano 'tong suot kong damit? It's from chanel for pete's sake! This cause half a million pesos. It is far more expensive than your life!"
Her voice make a commotion inside. We caught everyone's attention. Pilit itong inaawat ng kasamang lalaki.

"Ma'am I really sorry. Di ko po sinasadya."

"You what? Di mo sinasadya? Eh kung saan-saan ka kasi tumitingin. If I know, kanina ka pa nakatingin sa boyfriend ko kaya di mo magawa ng maayos ang trabaho mo!"

"Honey stop it! Let's go" Her boyfriend really tries his best to calm her.

"Shut up Lorence!"

Miss Penelope, approach us  with her worried look and make a negotation.

"Ma'am babayaran ko na lang po kahit paunti-unti"

"How can a scavenger like you pay for it huh? "

This is too much. Sinasagad talaga ng babaeng ito ang pasensya ko. Nagtitimpi lang ako pero gusto ko nang hilahin ang buhok nya palabas ng restaurant.

"Sumusobra na po yata kayo. Kahit mahirap lang kami wala kayong karapatang insultuhin kami. Kahit ilang daan pang magarang damit ang isuot mo di pa rin matatago yang masama mong budhi."

"How dare you!" Napapikit ako ng aambahan n'ya ako ng sampal.

"Sige Cassandra ituloy mo yan. Tignan natin kung saan ka pupulutin." Tumigil sa ere ang kamay ng babae.

"Y-yuan?" the man named Lorence face was filled with terror.

" Ilabas mo yang girlfriend mo Lorence kung ayaw mong ako pa ang kumaladkad sa kanya palabas." Matalim ang titig ni Yuan sa kanilang dalawa.

Walang nagawa si Cassandra kundi ang magpatianod.

"Are you alright?"

I nodded. My heart hurt a lot not because of pain but because of Yuan's presence.

"Why are you here?" he asked again.

"Dito ako nagtatrabaho Sir." I sounded so formal. I should treat him as our customer anyway.

"I see. Can we have a talk?" he asked.

"Sir, di po pwede kasi may trabaho pa po akong dapat gawin. 5 pm pa po ang out ko."

"I'll wait then hanggang may time ka na para sa akin."

"Naku sir, wag na po. Matatagalan pa po ako dito."
Yuan's a busy man. Kahit nag aaral pa lang ito ay tumutulong na sa business ng mga Vergara. Besides di ko kayang humarap sa kanya lalo pa ngayong di na mapakali ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Let's see kung makatanggi ka pa ngayon."

He suddenly approached Miss Penelope in the counter and whispered something.

Ilang sandali pa'y lumapit si Celine sa pinto at binaliktad ang signage. Ang 'open' ay nakaharap na sa amin ngayon.

"A-anong ginawa mo?"

"I rented the restaurant for 2 hours." kaswal nitong pagkakasabi.

"Y-you what?" I asked him baka mali lang ng narinig ko.

"You heard it right, wala akong panahong ulitin ang anumang sinabi ko. I don't wanna waste my time. Ikaw lang naman ang pinunta ko dito." he smiled cooly before letting me sit.

"Wala kang kawala ngayon Serenity. Alam kong iniiwasan mo ako," he whispered, sending shiver to my spine.

Cinderella and the Seven MastersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora