Chapter 20

1.5K 45 1
                                    

Halos mapuno ang silid ni Lolo Sebastian. Umuwi galing abroad ang lima nyang anak kasama ang mga asawa nito matapos mabalitaan ang matagumpay na operasyon ng kanilang ama. Bakas ang lubos na saya sa mga mukha nila, lalo na ang kanyang mga apo.

Nanatili ako sa labas ng kwarto, nakasilip. Maya-maya ay naupo at naghintay ng tamang pagkakataon para ako naman ang makapasok sa loob. Namiss ko na rin ng sobra si lolo Sebastian.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Finn. Tahimik syang naupo sa tabi ko.

"Why don't you get inside? I know lolo wants to see you too. Hinahanap ka kanina," panimula n‘ya.

"Mamaya na lang ako papasok."

"Bakit naman?"

"Hindi niyo naman ako kamag-anak Finn at narito lang ako para pormal na magpaalam kay lolo." Ipinatong ko ang dalawang kamay sa kandungan.

"Why? Ayaw mo na ba kaming kasama?" Puno ng lungkot ang boses nya.

Umiling ako. Gustong gusto ko kayong kasama Finn. Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan tuwing naiisip kong di magtatagal ay mawawala na ako sa buhay nyo.

"Pinaalis ka nila." It's not a question but a statement. Umigting ang panga nito.

"H-hindi ganoon Finn, desisyon kong umalis. Walang nagtulak sa akin para gawin ito. Kasama nyo naman si Diane kaya alam kung di nyo na ako kakailangan pa." Kinagat ko ang pang ibabang labi para di ako maiyak. Kahit kailan talaga ay napakaiyakin ko.

"But I don't like her. She's a brat. You're better than her actually." sumandal si Finn at sandaling pumikit.

Lihim akong napangiti. Mula pa noon ganito na si Finn. Yung tipo ng taong sa simpleng salita nya lang ay nakakagaan ng loob.

Makalipas ang ilang sandali ay isa-isa nang naglabasan ang mga tao sa loob.

Isang babae in her late 40's approach us. She's so gorgeous and sophisticated. Sumisigaw ng karangyaan ang tindig at ayos nito.

"Son, do you want to come with us?" tanong nito kay Finn.

"No Mom, may lakad ako mamaya. Ako na lang muna ang magbabantay kay lolo."

"You sure?" muling tanong nya bago ako gawaran ng tingin. Tumango si Finn.

"Okay then, I'll get going"

Naiwan kaming tamihik bago nagsalita si Finn.

"Wala ng tao, you may now come inside." Tumango ako.

I felt excited of the thought na makikita ko si lolo but a part of my heart hurt that probably this would be the last. I knock three times before proceeding inside. The warmth smile on lolo Sebastian's face welcome me.

"Alam kong bibisita ka hija. Halika ka." Inimuwestra n'ya ang upuan katabi ng hospital bed.

"Lolo kumusta po?" I asked in a jolly voice.

"Mas bumuti na dahil naisip mong bumisita sa akin. Oh kumusta nga pala ang bakasyon? Bakit napaaga ang uwi nyo ng mga apo ko? Di ba kayo nasiyahan sa Soledad?" He was worried.

Umiling ako and give him a smile.

"Hindi naman po sa ganoon lolo. Nag enjoy po kami sa Isla kaso namiss po namin kayo kaya bumalik kami agad." I partially lied.

"Sinabi mo ba sa kanila ang kondisyon ko hija?"

"S-sorry po lolo, nadulas po ako eh."

Lolo just smile.

"Seren hija, maari mo ba akong ipagbalat ng mansanas?"

"Sige po."  Tumayo ako at inabot ang mansanas mula sa basket ng prutas sa mesa. Kinuha ang maliit na kutsilyo sa tabi nito at ang isang maliit na plato. Hiniwa ko ito sa maliliit na piraso at ibinigay kay lolo.

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now