Chapter 11

1.7K 52 0
                                    

Mag-iisang linggo na magmula ng umamin si Drake, wala namang pinagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa sa katunayan mas lalo pa nya akong kinukulit.

"Seren gutom na ako matagal pa ba yan?" ani Drake habang nasa ulo ang kanina pang binabasang libro. I asked them to have a group study as a preparation for the incoming final exam.

"Oo nga Seren gutom na gutom na ako eh!" reklamo ni Dwight.

"Sandali na lang to, mag-aral na lang muna kayo dyan puro kayo reklamo!"

"Eh wala nang napasok sa utak ko Seren," ani Dwight na nakahiga na ngayon sa sahig.

"Shut up Dwight walang papasok kasi wala ka namang utak," ani Zenon na seryoso sa binabasa.

"Shut up too Zenon. Kunwari ka lang na may binabasa pero natutulog ka lang naman," ganti ni Dwight.

"Oh lunch is ready! Pakiligpit muna ng mga kalat nyo bago kayo kumain." Agad ko nang inihanda ang mga pinggan, kutsara, tinidor at mga baso.

Agad naman nilang nagsikilos pero si Dwight talaga ang nangunguna sa kusina.

"Yes! Yes! Time to eat. Tulungan na kita Seren." Gutom na talaga 'to si Dwight first time nyang tumulong.

"Sure." S'ya na ang pinaghanda ko ng lamesa para maihanda ko na rin ang pagkain.

Tahimik kaming nagsipagkain, myung tipong tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig.

Nabasag lang ang katahimikan ng matapos na sa pagkain si Dwight.

"Guys a-attend ba kayo sa Year End Party sa sabado?" tanong nito.

"It's compulsory Dwight, why asked? Lolo Sebastian would be there too. Nakakalimutan mo yatang ang pamilya natin ang may-ari ng University," mahabang litanya ni Yuan.

"Nagtatanong lang Yuan sungit nito! Sino kayang pwede kong maka-date? Pwede ka ba Seren?"

"No!" pagtutol ni Finn

"Ako ang ka-date nya!" sabad ni Yuan.

"Oh shut up bros Seren's mine." It's Drake.

Nasamid ako dahil sa mga sinabi nila. Muntik ko nang maibuga ang iniinom na tubig sa kaharap kong si Forth.

"Are you okay Seren?" nag-aalalang tanong ni Drake. Agad itong lumapit sakin para abutan ako ng tissue.

"Ayos na, sorry nasamid lang nong uminom ako."

"Kayo naman kasi kahit anong lumalabas  sa bibig nyo. Wag nyong binibigla si Seren," saway ng kumakain pang si Fierce.

"I do agree pero di bang mas maganda kung ako ang kasama nya?"

Everyone's eyes were now focus on Zenon. They glared at him.

"What? Why are you looking at me as if I had done any wrong?" Ay wow kaka-nosebleed yun ah!

"Hindi ako a-attend eh, di naman ako mahilig sa mga party."

"Nah umattend ka Seren pleashhh..." Nag-iinarte na naman itong si Dwight eh.

"Kung di pupunta si Seren, di na rin ako pupunta," ani Drake.

"Me too!" At sabay-sabah nang nagsiatrasan.

"Pero lagot kayo kay lolo Sebastian pag di kayo pupunta. Magagalit sa'kin yun," pangongonsensya ko. Pero hindi yata tatalab.

"I don't care di naman ako mag-eenjoy 'pag wala ka don." Aba ang lakas ng loob ng Drake na'to pero pag nasa harapan na si Lolo Sebastian di na makapagsalita.

"Gusto rin kasi naming mag enjoy ka Seren kahit minsan. Kasama mo naman kami don't worry." Zenon's trying to persuade me.

Yuan is looking at me as if trying to convince me to join to party.

"Wala akong damit na isusuot sa party."

"Yun lang pala eh, di bibili tayo. Tara mag-malling! Magbibihis na ako ah" mabilis na tumayo si Dwight at umakyat sa kwarto.

"Come with us please?" Ngayo'y niyoyugyog ni Drake ang mga balikat ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong magagawa eh.

"Okay fine." I surrender. Di ko kinaya ang kulit nila.

Maya-maya pa'y natapos na ang lahat sa pagkain at bumalik na sa kanilang mga silid para mag self study kuno kahit ang totoo ay kung ano-ano lang ang gagawin ng mga yun.

I was here busy cleaning the house when my phone ring.

Lolo Sebastian is calling.

"Hello po Lolo. Kumusta po?"

[Ayos lang Hija. Kayo? Pasaway pa ba ang mga apo ako]

"Kung ikukumpara po nitong mga nakaraang araw ay mas maayos naman po ngayon."

[Mabuti naman kung ganon. Nga pala Seren sa during your two weeks sembreak I want you too bring my grandsons with you sa Isla.]

"P-po? Bakit po?"

[I want to teach them the value of hardwork and perseverance hija. Gusto kong naranasan nila ang mamuhay ng simple, yung di lang nagdedepende sa yaman ng pamilya namin, yung malayo sa ingay ng magulong lungsod. Gusto kong makalanghap sila ng sariwang hangin. At higit sa lahat, gusto ko silang imulat kung gaano kahirap ang buhay nang sa ganon, kung ano man ang nakukuha at meron sila sa ngayon ay matututunan nilang pahalagahan.]

Mahabang paliwanag ni Lolo.

"Sige po Lo kung yan po ang gusto nyo."

[Maraming Salamat Seren hija. Aasahan ko yan. Sige ibababa ko na ha? May gagawin pa ako. Mag-iingat kayo. Ikumusta mo ako sa mga alaga mo.]

"Opo. Bye"

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa dahil sa isiping dadalhin ko ang mga Vergara sa islang kinalakihan ko. Kakayanin kaya nilang mamuhay don?  Yung tipong walang gadget? Walang kuryente? Walang internet? Walang online games at higit sa lahat, walang night clubs?

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now