Chapter 8

1.8K 59 0
                                    

Yuan Vergara

Malakas akong napasabunot sa buhok nang makapasok sa kwarto. Ibinalibag ko ang mga gamit sa study table.

I felt guilty.

Gustuhin ko mang mapuntahan si Serenity sa ospital para kumustahin man lang pero nakokonsensya talaga ako. Wala akong mukhang ihaharap. Kahit anong paliwanag or excuses na sabihin ko, kasalanan ko pa rin.

Finn had told me that Seren fetched me last night kahit sobrang lakas ng ulan. She's really that kind, na minsan siya na yung napapahamak. She could just ignored me and sleep soundy instead. I can take care of myself.

I—We don't deserve her.

I'm in the middle of meditating when my phone beep. I received a message from my Mom.

"Son, I want to see you. I miss you so bad."

Malakas kong inihagis ang phone sa wall matapos basahin ang text niya. I really hate her at kahit anong gawin ko di ko sya magawang patawarin. Sinira niya ang buhay ko. Sinira niya ang pamilyang pinapangarap ko.

She left me.

Ayoko nang mag invest ng oras at pagmamahal sa taong iiwan din ako. I'm tired, really tired.

[] Serenity Claudette

I woke up in an unfamiliar room with white ceiling and walls. Medyo nananakit pa ang buong katawan ko na parang galing ako sa isang extreme workout.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Nadako ang tingin ko sa nakaupong sina Drake, Dwight, Forth, Fierce at sa bagong dating na sina Fierce at Finn. May dala itong isang basket ng prutas at bouquet ng roses na agad nitong inilapag sa lamesa.

"Oh gising ka na pala Seren. How are you?" Finn asked. Nagsilapitan naman ang pinsan nito.

"Bakit ako nandito?" I asked them. Napangiwi ako dahil sa sakit ng lalamunan. Halos walang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Hala Doc! Doc! May amnesia si Seren!" Napailing na lang ako dahil kahit kailan talaga over acting itong si Dwight.

"Dwight naman wag tanga! May lagnat lang yan si Seren," sagot ni Zenon na halatang naaasar na sa pinsan.

"Maka-tanga ka ah, nag-aalala lang naman ako na baka makalimot si Seren sakin." Lulusot pa eh.

"Inaapoy ka ng lagnat kagabi kaya dinala ka ni Dwight dito. Nagugutom ka ba? Nauuhaw? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang" May pag-alalang tanong ni Drake.

" Medyo maayos na ang pakiramdam ko. Teka bakit hindi na naman kayo pumasok?" Pinaningkitan ko sila ng mata.

"Eh di ka namin maiwan dito eh," sagot ni Drake.

"Oo nga tsaka hayaan mong kami naman ang mag-alaga sayo," ani Finn na nagbabalat ng apple.

"Na-stress ka ba samin ng sobra Seren? Sorry na," ani Dwight na lumapit pa sa akin at nag-puppy eyes. Bakla yata ang isang 'to.

"Don't worry di na kami magpapasaway." Ehem talaga lang Forth.

Napangiti na lang ako sa mga sinasabi nila. 

"Talaga ?" Hindi ako naniniwala knowing them hindi sila makakatiis. Gagawa at gagawa pa rin yan ng mga kalokohan.

"Aye aye Captain!" ani Dwight na may pasaludo pa.

"Next time wag ka nang magpapaulan ha." paalala ni Finn na kumuha pa uli ng apple sa basket at binalatan.

"Huh? Kailan ka nagpaulan Seren?" puno ng pagtatakang tanong ni Drake.

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now