Chapter 18

1.5K 54 0
                                    

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin Drake?"

May kutob na ako pero pilit kong iwinawaksi ang isiping iyon. No, di pa ito ang oras para malaman nila. 4 na araw pa lang kami sa isla for Pete's sake!

"I know na alam mo ang ibig n'yang sabihin Serenity!" Nagulat ako dahil sa pagsigaw ni Yuan.

"Kailan mo balak sabihin sa'min? Kapag nawala na si Lolo? Kapag wala na kaming pagkakataong makita sya uli? Kung di pa kami nagpunta sa bayan, kung di pa tumawag si Diane di pa namin malalaman ang kondisyon ni lolo!" Puno ng hinanakit ang boses ni Yuan.

"I have my own reasons kaya di ko sinabi. Nangako sa akin si lolo Sebastian. He promised na magiging okay sya. He promised na babalikan nya kayo. At first, nagdalawang isip ako ku—"

"Arggg! That's bullshit!" Napaupo na si Drake habang hawak ang buhok dahil sa frustration.

"Please hear me out. Patapusin nyo muna ako." Pumipiyok na ang boses ko at di ko na sila makita ng maayos dahil sa mga luhang di ko kayang pigilin.

"Natatakot akong sabihin sa inyo dahil alam kong masasaktan kayo. Sa tuwing nakikita ko kayong masaya nakokonsensya ako pero at the same time may kung ano sa akin na nagsasabing gawin ang lahat wag lang mawala ang sayang yun. Drake...Yuan.. I'm so sorry." Gusto kong hawakan ang mga kamay nila pero natatakot akong ipagtabuyan.

"Sa tingin mo di kami nasasaktan ngayon? My god Serenity! We gave our trust on you. Buong-buo Seren, buong buo! Akala namin di ka magsesekreto samin. I'm disappointed Serenity, I really thought I already found a real friend, but I am mistaken." Yuan manage to speak bago nagmadaling pumasok sa bahay.

"Drake please alam kong di madaling magpatawad pero sana wag kang magalit sakin..kay lolo. Iniisip nya lang ang makabubuti sa inyo."

"Yun na nga Seren eh kahit anong gawin ko, di nito magawang tuluyang magalit sayo!" He pointed his chest right to his heart. His voice cracked.

"Palipasin mo muna 'to Seren. Di rin to magtatagal kasi deep inside, I know,  I treasure you alot." With that he left.

Saktong pagpasok ni Drake ay siya namang dating ng ibang mga Vergara.

"Seren are you okay now?" Agad na lumapit sa akin si Dwight at hinawakan ang noo ko.

"Why are you crying? What happened Seren?"

Akmang sasagot na ako ng biglang sabay na lumabas si Drake at Yuan dala ang mga gamit nila.

May tinawagan muna si Yuan na sa tingin ko ay ito ang magsusundo sa kanila.

"Oh what's with the sudden alsa-balutan?" tanong ni Forth ngunit hindi ito pinansin ng dalawa at nilagpasan kami kaya awtomatiko namang pumasok ang ibang vergara para siguro kunin ang mga gamit nila.

"I don't know what happened Seren but I know everything will be alright. I won't judge you, I promise. Sumunod ka samin ha?" ani Dwight na tinanguan ko lang.

Lumabas ang mga Vergara dala ang mga gamit nila.

"Seren una na kami sayo ah. Pasabi na lang kila lola Lourdes na salamat sa pagtanggap. Gusto mo bang sumabay sa amin?" nag aalalang tanong ni Forth. I guess di pa nila alam ang totoo.

Umiling ako bilang tugon. Kailangan ko pang mag-isip kung gugustuhin ko pa bang bumalik o kung may mukha pa ba akong ihaharap pagkatapos nito.

Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkawala nila sa paningin ko.

"Apo?" Napalingon ako kay lola at agad itong niyakap.

Umiiyak ako sa balikat ni lola habang masuyo niyang hinahaplos ang likod ko. Parang alam na niya kung bakit ako umiiyak kaya hindi na siya nagtanong pa.

Cinderella and the Seven MastersOn viuen les histories. Descobreix ara