Chapter 1

2.9K 98 1
                                    

Makalipas ng ilang minutong pagpapakalma sa sarili, napag-isipan kong bumalik na lang sa loob ng mansion.

Marahan kong pinihit ang doorknob bago unti-unting tinulak iyon para makapasok ako.

I was about to enter when a sticky red liquid poured like a cream on me.

This is bullshit!

Nakarinig ako ng hagikhikan mula sa mga lalaking prenteng nakaupo sa sofa habang nanood ng movie.

"Who is it this time, huh?"

Tinignan ko silang pito, at sa iisang tao lang dumako ang tingin nila.

"Dwight Vergara!"

He's looking somewhere else, pretending to be innocent. I was looking intently on him pero pilit nyang iniiwas ang tingin sakin.

"A-ahm, guys m-may kukunin lang ko sa room ko." Mabilis itong tumayo at kumaripas ng takbo paakyat ng hagdan.

"Bumalik ka dito pandak!"

I noticed him stilled. Humarap ito sa'kin at pilit na ngumiti.

"S-sorry Seren." Namumula ito. Parang inosenteng batang ngumiti kasabay ng isang peace sign bago muling kumaripas ng takbo.

I heard the door of his room slummed.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Kailangan kong tiisin ang mga kalokohan ng mga Vergara na 'to.

I'm doing this for their Lolo Sebastian. He sponsored my schooling kaya bilang kapalit, kailangan kong patinuin ang pito n'yang apo.

It was never easy pero kakayanin ko. Wala pa akong pagsubok na sinukuan.

Matapos linisin ang living room, dumiretso ako sa kwarto para makapaglinis na rin ng katawan.

After doing my routine, bumaba ako para makapagluto ng hapunan. Nadatnan ko si Finn na mag-isa na lang sa sofa. Abalang abala ito sa paglalaro sa mobile game.

Magkasing-edad lang kaming dalawa. S'ya ang bunso ng mga Vergara. He has 2 elder brothers; Fierce and Forth

"Finn, nas'an ang mga kuya mo?" Saglit ako nitong binalingan ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa nilalaro.

"Clubbing," tipid nitong sagot.

Sa ikalawang pagkakataon, napabuntong hininga na naman ako.

Uuwi na namang lasing ang mga 'yon panigurado.

"Are you hungry?" I asked.

"Not really." He smiled.

"What do you want for dinner, then?" I asked him once again.

"Hindi naman pwedeng ikaw, so ikaw na ang bahala." Nalaglag ang panga ko dahil sa narinig. Masamang tingin ang ipinukol ko rito dahilan para mapangiti ito.

"Just kidding Seren. I want adobo and sinigang."

"Okay then," tipid kong sagot bago sinimulang magluto.

Mag-isang kumakain si Finn kaya naisipan kung sumabay na rito. Tahimik lang ito hanggang sa matapos kaming kumain.

"Akyat na ako sa kwatro, Seren. Thanks for the food," aniya pagkaraang uminom ng tubig. Tumango lang ako bilang tugon.

Matapos mailigpit ang mga pinggan naisipan kong magtungo sa sala. Naupo ako sa sofa habang nanonood ng paborito kong korean drama para hindi ako ma-bored sa paghihintay sa mga 'boss'.

Finn Vergara's

I'm supposed to sleep early pero bigla akong nauhaw kaya tinungo ko ang kusina. Bukas pa ang iilang mga ilaw kaya naisip kong nasa sala na naman si Seren, like she always do kapag umuuwing late ang mga pinsan ko.

Nang mapadaan ako sa sala, I noticed her sitting on the sofa. She's watching the same drama for countless time na. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya para sana gulatin pero natigilan ako ng makitang mahimbing na itong natutulog.

She has this angelic face pero magiging lioness sa tuwing pinagtitripan namin.

Pinatay ko ang TV bago ito binuhat papunta sa kwarto. I gently put her on bed. Kinumutan ko ito dahil sobrang lamig ng panahon ngayon.

Palabas na ako ng kwarto nya nang marinig ko ang boses nito.

"Pasaway na mga Vergara malilintikan talaga kayo sakin."

Napangiti na lamang ako ng mapagtantong nagsasalita ito habang tulog.

"The usual nagger Serenity."

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now