Chapter 33

1.4K 46 0
                                    

Serenity Claudette

Ilang oras akong nagkulong sa kwartong ipinahanda ng mga magulang ko. According to them, this would be my permanent room. Mula ngayon titira na ako kasama ang mga biological parents ko. Si Drake ay naiwan sa baba para makausap si dad.

Sa makalawa ang pagbisita ko sa isla kasama ang magulang ko. Nais raw nilang pormal na pasalamatan ang mga taong kumupkop at nagmahal sa akin. Sa totoo lang ay di pa rin ako kumportable, pero alam kong masasanay na rin ako kalaunan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang maalala ang lolo't lola ko sa Isla Soledad. Kumusta na kaya sila? Gustong gusto ko na silang makita. Gusto kong sabihin sa kanilang nahanap ko na ang totoo kong pamilya. Panigurado'y matutuwa ang mga iyon. Papakiusapan ko ang mga magulang ko na kung maaari ay dito na rin sila tumira. They're my family after all.

Tumayo ako mula sa kama at binuksan ang bintana ng balkonahe. Ang malamig na ihip ng hangin ang sulubong sa akin. Nililipad nito ang nakalugay kong buhok. Mula sa taas ay tanaw ko ang mga reporters sa labas ng bahay. Lahat sila'y nag-aabang, at sabik sa makukuhang balita. My identity is not yet exposed to the public, sabi ni Mom magkakaroon daw ng isang malaking pagtitipon para sa homecoming party ko sa bukas ng gabi. Sa oras at araw ding iyon nila ako ipakikilala bilang tagapagmana ng Dela Vega. Sa ngayon ay pahayag lang mula sa mga magulang ko ang nakuha ng media. It would also serves as an invitation to all our business partners, as well as to our rivalries.

Naghahalo ang kaba, takot at excitement na nararamdaman ko. Di ko alam kung kakayanin ko bang humarap sa mga taong malalaki ang papel sa business world. Lumaki ako sa simpleng buhay kaya di ako sanay makihalubilo sa mga taong matataas ang estado sa buhay, maliban na lang sa mga Vergara.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang isang pares ng mga braso ang yumakap sa bewang ko. Lihim akong napangiti dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I'm happy for you, baby," ani Drake habang paulit ulit na dinadampian ng halik ang tuktok ng ulo ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at kinalas ito sa pagkakayakap sa akin. Humarap ako kay Drake.

"Thank you." At ginawaran siya ng halik sa pisngi.

Iniangat ni Drake ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Then he kissed my eyelid down to my lips.

"I love you," he said between our kisses.

"I love you so much, Quenery Reign Dela Vega..but you will always be my Serenity Claudette Amore."

And I told him that I love him as much as he loves me.

Again and again while hugging him tight.

"Drake..."

"Yes baby?"

"Di ako makahinga, pwedeng pakiluwagan ang yakap." Wagas makayakap e, balak yata akong patayin. I sighed because instead of loosening his hug, he just chuckled and hugged me even more.

Jusko nakamamatay pala talaga ang pagmamahal!

"Sagutin mo muna ako," aniya sa malambing na boses.

"I want to hear it from you baby," aniya habang nakanguso. Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin. Di na ako halos makalanghap ng hangin.

"Ayoko nga— wahhh di na ako makahinga baby.." Reklamo ko habang pinapalo ang balikat niya. Nakahinga ako nang bigla niya akong pinakawalan.

At ang mas ikinagulat ko ay ang pagsilay ng mumunting ngiti sa kanya.

"Fvck! What did you say? Say it again Seren..please say it again!" He curse under his breath. Napuno ng kislap ang mga mata niya.

"A-ang ano? Na 'di ako makahinga, yun ba?" Ano bang sina— oh my god! Uminit ang mukha ko nang sandaling maalala ang huling salitang binanggit ko.

Cinderella and the Seven MastersOn viuen les histories. Descobreix ara