Chapter 40

1.4K 51 0
                                    

This is not the last chapter

Chapter 40

Buong akala ko'y magiging madamdamin ang muling pagkikita nang magpipinsan but it turns out to be a comedy. Ang ikinasasakit lang ng ulo ko ay si Dwight na nagtawag pa ng paranormal expert para daw masigurong hindi nagmumulto ang kaluluwa ni Drake. Muntik pang magbangayan ang dalawa.

Nasa dinning area kami habang nakaupo sa mahabang sofa. Nagkamalay na si Forth na ngayon ay ilang pa rin. Walang nangahas na magsalita sa kanila. They keep on staring at Drake na nakakunot ang noo.

"Fvck! Ano na? Magtititigan na lang ba tayo? Come on guys say something!" Drake is now frustrated.

"What do you want us to say? Gusto mo bang sabihin namin na, uy Drake kumusta ang kabilang buhay, buti bumalik ka?" sabi ni Yuan na ikinatawa ko.

"Pwede rin, come on ask me anything hindi yung nakatulala kayo sa akin na para bang takot na takot kayo."

"oh partially, sino bang hindi matatakot kung bigla ka na lang susulpot. Care to explain why are you still alive and kicking?" Zenon answered. Himala yata at gising na gising ang isang ito.

"Explain drakula, dito muna kayo. I'll prepare your snacks." Nagugutom na rin kasi ako e.

"I'll help you." Presinta ni Finn. Mabuti naman at may tutulong din sa akin.

We prepare some cupcakes and cookies pair with juices. Ito lang kasi ang madaling gawin. After almost an hour, tapos na rin kami. Nilagay ko na ang mga baked products sa tray at dinala sa dinning area. Tapos na yata silang mag-usap kasi tulog na tulog na si Zenon.

"Here's your snack." Inilapag ko ang tray at binuksan ang T.V. Naupo ako sa tabi ni Drake at sinubuan siya ng cookie. Kinuha ko ang remote at nagpalipat ng channel. Nahinto lamang ang ginagawa ko nang mahagip ng mata ko ang isang balita.

'Today March 11, 2019 Mr. Victor Ocampo the current CEO of Ocampo Shipping Lines was arrested for allegedly exporting illegal drugs to some Western countries and some parts of Europe. There is also a rumor that her only daughter was undergoing rehabilitation for using illegal drugs. Moreover, Mr. Ocampo will be subjected to trial and if proven guilty he will be sentenced to lifetime imprisonment.'

"D-drake.." tanging pagsambit lang ng pangalan niya ang nagawa ko. Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha. Walang mapaglagyan ang saya ko. Ngayon sigurado na akong matatahimik na ang buhay namin.

"Buti nga nahuli na ang mga kriminal na yan. Nagsisi talaga akong pumayag si lolo makipag sosyo sa mga taong yan," komento ni Fierce.

"Are you happy baby?" Hinapit ako ni Drake at niyakap ng mahigpit.

"Sobrang saya.." Nagmumukha akong ewan dahil iyak at tawa ang ginagawa ko. Siya nama'y panay ang punas sa mga luha ko. Nakangiti kaming pinagmamasdan ng mga pinsan niya. Di man nila sabihin I know they're happy for us.

"Actually, that's my first surprise for you. So it means meron pang kasunod. I'll give it to you later. Sa oras na makauwi ka na don mo malalaman." Sumi-singhot pa ako habang siya'y ngiting ngiti.

At dahil mas excited pa siya sa akin ay nagpaalam na kami sa mga pinsan niya. Nagleave si manong Nestor kaya siya na lang daw ang magdrive. Hawak niya ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nakatuon sa manibela.

Kamuntikan na akong masubsob nang biglaan ang paghinto niya sa sasakyan. He uttered countless of curses while his eyes were focus on the van which almost bump with us.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo baby?" He touched my cheeks. He almost whispered. Bakas ang kaba sa kanyang ekspresyon.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko nang may mga lalaking lumabas mula sa van. Their faces were completely hidden.
Kinakalampag nila ang glass window at pilit na bunubuksan ang pinto.

"D-drake..anong nang--no!" Nanginginig ang mga labi at kamay ko. Ramdam ko rin ang panlalamig.

Napatili ko nang biglang bumukas ang pinto sa banta ni Drake at hinila siya palabas.

"W-wag nyo siyang sasaktan!" Lumabas ako ng sasakyan at halos magmakaawa na sa mga lalaki.

"Hindi namin siya sasaktan kung sasama kayo ng maayos. Tara na!" Binuksan nila ng van at pinasok doon si Drake. Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa kanila bago tumalima.

Kung sino man ang may pakana nito sana nama'y walang gawing masama sa amin dahil kapag nagkataong mawala pa si Drake ay baka mabaliw na ako nang tuluyan.

Nagising ako sa isang malamig at madilim na silid. Agad kong hinanap si Drake na ngayon ay nakatali na sa isang silya. Ang liwanag na galing sa isang gasera ang nagsisilbing kakarampot na ilaw namin. I looked at my hand, hindi ito nakagapos. Kung wala lang kami dito ay maiisip kong isa lang itong prank.

"How are you son?" Muntik na akong mabuwal sa kinauupan dahil sa boses na iyon. Minsan ko lang marinig ang boses na iyon pero alam kong sa daddy yun ni Drake.

Unti-unti kong naaninag ang mukha niya nang lumapit ito sa amin. Tama nga ang hinala ko.

"Dad what's this? Ano na namang kailangan mo sa akin?" Drake's voice echoed around the empty room. Hindi ko man siya makita I know was fuming with anger.

"Relax son, I'm just trying to help," sagot nito kapagkuwan ay may kinausap sa telepono.

"Turn on the lights," utos niya.

Agad kong itinakip ang mga palad sa mga mata ko dahil sa pagkasilaw. Halos maluha ako, hindi dahil sa ilaw kundi dahil sa nakikita ko.

My family, mom, dad and kuya are here. Maluha-luha rin si dad tulad ni mom. On the other side, I saw the Vergara together with lolo Sebastian waving their hands at me.

The place was beyond beautiful. Kabaliktaran ito nang naiisip kong madumi at mabahong lugar. It is decorated with lots of flowers and balloons. Ang mga picture namin noong nasa paris kami ay nakatali sa sinulid ng mga lobong korteng puso. Curtains were hang in all the corners. Puno rin ng rose petals ang sahig na lalong nagpadagdag sa ganda ng lugar.

"Now my son, do what you have to do." Nakangiti na ang kanyang ama ngayon habang nakangiti sa akin.

"Thanks Dad!" Niyakap niya muna ito bago lumapit sa akin.

"Natakot ka ba kanina? Sorry ha, it was never in my plan to scare you. Actually this is the surprise I'm telling you." He said as he touched my cheeks.

Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil nang sandaling lumuhod siya sa harapan ko. He's  holding a small velvet box. My heart beats faster. A ring that is embedded with diamond was there.

"Noong umuwi tayo galing Paris, pinag-isipan ko na ito. I may sound selfish but I really want you mine. I really love you to the extent na ikaw ang gusto kong una at huling taong makikita ko sa umaga at gabi. I want to be your husband and you  my wife. I want to be with you for the rest of my life."

His tantalizing eyes were focused on me, enough for me to melt.

This is really overwhelming. I never thought I could find a man like him. I never expect him to love me. I really don't know what I did to deserve him.

"I know that this is the right moment for me to ask you. Will you be my wife? Will you be my Vergara? Damn, I shouldn't be asking this because I'm hundred percent sure you'll say yes." Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil di ko mapigilan ang pagsupil ng ngiti sa akin.

"I'm more than willing to be your wife My Drake. Katulad mo, ikaw lang ang gusto kong makasama. Sa iyo lang ako at akin ka lang kaya I'd say yes! I want to be your Mrs. Vergara." I close the distance between us to hug him. Niyakap niya rin ako pabalik at isinubsob ang mukha sa leeg ko.

Rinig ko ang hiyawan ng mga pinsan niya. Nahiya ako ng slight. Muntik ko nang makalimutan na nandito ang pamilya ko. I want to kiss him pero naiilang ako.

"I'm really happy baby..I love you!" saad niya at siniil ako ng halik. Nawala lahat ng inhibisyon ko sa katawan. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. I only care for him and the feeling he's giving me.

Now, I can proudly say that I am complete. With my family who supports me dearly and the man to whom I promised my eternity.

Cinderella and the Seven MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon