Chapter 32

1.4K 46 1
                                    


Drake hold my hands tightly as we run away. Nasa likod lang namin ang mga lalaking nakaitim na humahabol sa amin. Good thing, Vergara's were there to block their way. Tatawa-tawa pa ang mga ito habang tinatanaw kami papalayo. Dwight is waving his hands while shouting...

"Mabuhay ang bagong kasal!"

Napailing na lang ako sa kalokohan nang lalaking iyon. Di nawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga kamay naming magkahawak.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko nang huminto kami para magpahinga. Nasiguro na kasi naming di na kami masusundan.

"Kahit saan basta kasama ka". Nahina ko siyang hinampas sa balikat na ikinatawa lang nito. He pulled me the by waist and back hugged me. Naglalambing niyang isiniksik ang ulo sa leeg ko.

"Seren.."

"hmm?"

"Thank you for coming back." I turned around so I could face him. I can see the happiness in his deep black eyes. I smiled. God, what I have done to deserve this man?

"No, thanks for choosing me Drake." Hinaplos ko ang mukha niya, napangiwi ito nang haplusin ko ang gilid ng labi niya. Ngayon ko lang napansin ang mga pasa niya sa mukha na pilit ikinukubli ng concealer. Kumirot ang puso ko dahil doon. My poor Drake...

"..sinaktan ka ba ng daddy mo?." ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko.

"Shh..don't cry. Wala kang kasalanan at tsaka pasa lang yan, malayo sa bituka. At handa ako sa mga susunod pang pasa no, wag ka lang mawala ulit sa akin. Now stop crying. I want to see my baby smile. Smile na." Hinila-hila niya ang magkabila kong pisngi para lang makita niya akong nakangiti.

Dumukwang ako para halikan siya sa labi na ikinagulat niya. Isang smack lang naman pero halata ko ang pamumula ng tenga niya.

"You're blushing."

"I'm not"

"Yes. You are!"

"Hindi nga sa— fuck!" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil may isang black ferrari ang pagewang-gewang at kamuntik nang bumangga sa amin. Buti na lang ay sa poste ng street light lang ito bumangga. Jusko! Lasing ata ang driver. Tirik na tirik pa ang araw.

Drake countlessly curse. Muntik na niyang sugurin ang nagmamaneho ng sasakyan. A man in his late 20's went outside the car. He's tall, fair-skin and has a chinky pair of eyes. May kaunti itong mga galos sa mukha.

He's wearing an apologetic expression. His gaze fixed on me as if we know each other. May kung ano sa mga titig nito pero di ko mawari kung ano.

Agad siyang kinuwelyuhan ni Drake.

"A-ayos lang ba kayo? Pasensya na talaga may nagtangka na naman kasi ng buhay ko. Sinira ang makina ng kotse. Di ko man lang napansin. I'm really sorry." pagpapaliwanag nito. Di naman siya lasing dahil tuwid pa itong maglakad at magsalita.

"Drake, I guess he's telling the truth." Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Drake. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa damit ng lalaki at maya-maya lang ay tuluyan na niya itong pinakawalan.

"Drake? Drake Vergara! Ikaw nga."

"Do I know you?" Kumunot ang noo ni Drake habang nakatingin sa lalaking nakangiti.

"I'm wounded bro. Si Harold 'to." Umaksyon pa ang lalaking nasaktan.

"Harold Dela Vega?" Nanumbalik ang ngiti ng lalaki dahil sa sinabi ni Drake.

"Pasensya na talaga Drake. Nga pala why are you here? I thought ikakasal ka ngayon? And who's that lady behind you?" Muli niya ang tinitigan. I can see familiarity in his eyes.

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now