Cinderella and the Seven Mast...

By Moncerii

78.7K 2.3K 52

Serenity Claudette Amore seems to be the typical modern Cinderella. For her, she's the one serving her seven... More

Cinderella and the Seven Master (Prince Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
My heart speaks

Chapter 15

1.7K 49 0
By Moncerii

Nagising ako dahil sa lamig ng hanging tumatagos sa dingding ng bahay namin. Madaling-araw pa lamang kasi kaya tagos sa buto ang lamig. Napabalikwas ako ng bangon ng maisip ang mga Vergara. Dali-dali ko silang pinuntahan sa silid nila.

Banayad lang ang pagtulak ko sa pinto para di ito makalikha ng anumang ingay.
Nasa loob ng isang malaking kulambo ang apat. Nakahiga sila sa sahig na tanging banig lang ang sapin samantalang ang tatlo naman sa kanila ay nasa katre.

Lihim na lang akong napangiti ng makita ang mga posisyon nila, ang paa ni Drake ay nasa mukha na ni Finn. Si Yuan naman ay parang orasan kung matulog sa sobrang likot.

Nag-aagawan pa ang mga ito sa iisang kumot. Pitong makakapal na kumot ang ibinigay ko sa kanila kagabi kaso nasa paanan na nila ang mga yun.

Napailing na lang ako sa mga kapalpakan nila. Talagang di sila sanay sa ganitong klaseng pamumuhay.

Mabilis kong isinara ang pinto ng may isa sa kanilang gumalaw at akmang babangon na.

Pabalik na ako sa silid para muling matulog nang dumating si lolo Franco. Galing ito sa pangingisda sa laot. May dala itong dalawang malalaking baldeng may lamang mga bagong huling isda. May mga alimango at hipon din itong dala.

"Lolo!" agad ko syang dinaluhan ng yakap.

"Anong oras ka nakauwi apo? Pasensya na't di ko kayo nasundo." inilapag nito ang mga baldeng dala at isinalin ang laman sa isang malaking planggana.

"Naku ayos lang po Lolo. Gusto nyo po bang ipagtimpla ko kayo ng kape?"

"Sige apo nang maibsan ang lamig. Matagal na rin simula nang ipagtimpla mo ako. Sya nga pala, nakakatulog naman ba ng maayos ang mga bisita? Di sila sanay sa matigas na papag." Napangiti na lang ako nang maalala ang itsura nilang lahat habang tulog.

"Sa tingin ko naman po. Nasa silid po silang lahat. Medyo masikip sa loob pero pwede na yun Lolo," sagot ko bago sumimsim ng kapeng tinimpla ko kasabay ng kay lolo.

"Isa ba sa kanila ang nobyo mo apo?" Nasamid tuloy ako dahil sa tanong nya.

"Lolo naman eh. Wala po."

" Sige sabi mo eh, pero isa lang ang sigurado ako. May isa sa kanilang bumihag ng iyong puso apo."

Si Yuan agad ang pumasok sa isip ko.

Si lolo talaga! Pakiramdam ko tuloy nag-init ang pisngi ko dahil totoo naman ang sinabi nya.

"Oh Franco andito ka na pala," ani lolo na hinawi ang kurtinang nakaharang sa bintana. Tumagos ang sinag ng araw sa loob.

Maliwanag na pala. Di ko man lang namalayan, medyo nawili ako sa pag-uusap namin ni lolo. Kailangan ko nang maghanda ng almusal.

"Magandang umaga po Lola."

"Magandang umaga din apo. Mukhang napaaga ang gising mo. Nagising ka ba dahil sa pagdating ng kalbo mong lolo?" pabirong sinamaan nito ng tingin si lolo.

" Lourdes bat ang sama ng timpla ng umaga mo? Pasensya na kung ngayon lamang ako nakauwi. Medyo malakas ang alon. Iniisip mo bang may iba na ako mahal kong asawa? Nauunawaan ko ang nararamdaman mo, marahil ay agad kang nangulila sakin." Lihim akong napangiti. Di pa rin talaga nagbabago itong si Lolo. Bisyo nya talagang asarin si lola.

"Huy Franco ang tanda mo na pero ang badoy pa rin ng mga banat mo. O sya magpalit ka na ng tuyong damit at tulungan mo ako sa paghahanda ng almusal." Si lola naman kunwari galit pero grabe ang concern kay lolo.

Di ko tuloy maiwasang hilingin na sanay makatagpo rin ako ng lalaking mamahalin ako ng tunay. Yung parang si lolo sa pagmamahal kay lola. Tipong kahit na maraming humahadlang ay ipaglalaban ako.

Maraming pinagdaanan ang lolo at lola ko noon. Ayun sa kwento ni Lola, si lolo raw noon ang pinakamakisig sa lugar nila. Bukod dito'y galing rin ito sa mayamang angkan.

Tutol ang pamilya ni lolo sa pagmamahalan nilang dalawa kaya mas pinili nilang lumayo. Tinalikuran ni lolo ang pamilya nya at ang pagiging nag-iisang tagapagmana para kay lola. Kahit di sanay sa mahirap na buhay ay nagsumikap ang lolo para buhayin ang pamilya nya kaya natuto itong mangisda.

"Seren..." Mabilis kong nilingon ang may-ari ng baritonong boses na iyon. Sa simpleng pagtawag pa lang nya ng pangalan ko ay iba na ang epekto sakin.

"May kailangan ka Yuan?" mariin kong pinagmasdan ang mukha nya. May nakasabit na tuwalya sa balikat nya.

Namumungay ang mga mata nito. Medyo magulo ang buhok, halatang kagigising pa lang pero ang gwapo pa rin nyang tignan.

"Seren!" Natauhan ako dahil medyo napalakas ang pagtawag nya sakin.

"Huh? A-ano uli 'yon? Pasensya na Yuan di ko narinig."

I heard him laughed.

Shit! Ba't ba kasi natulala ako?

"Ayos ka lang ba? Ang pula na naman ng mukha mo. May lagnat ka?" mataman nya akong tinignan. Nagtatama ang mga mata namin.

Ilang sandali pa'y inalis nito ang maliit na pagitan saming dalawa at sinapo ang noo ko.

Di ako makahinga ng maayos! Shet ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kalma ka lang Seren. Baka marinig nya yang puso mo!

Mabilis pa sa alas kwatro ang paglayo ko. Nag-iwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim bago lakas loob na nagsalita.

"W-wala, ano nga uli yung sinasabi mo?"

"I'm asking kung saan kami kukuha ng tubig na panligo?"

"Sensya na wala kaming gripo sa banyo. May malalim na balon sa labas. Don kami Sumasalok  ng tubig. Yun ang ginagamit naming panlaba at panligo."

"Ah okay salamat"

Isang ngiti at tango lang ang iginawad ko sa kanya matapos non ay humakbang na ako para marating ang silid ng dalawa kong pinsan.

Bigla kong naalala yung gusto kong itanong sa kanya mula nong isa pang linggo. Gusto kong malaman kung saan sya pumunta nong gabing yun. Gusto kong malaman kung bakit di na sya bumalik sa party.

Nilingon ko sya.

"Yuan.."

Huminto ito saglit at nilingon ako. Puno ng pagtataka ang mukha nya.

"Why?"

"Gusto—"

"Kuya, ate Telen?" Nilingon ko ang nagmamay-ari ng maliit na tinig na iyon. Makita ko si Cheska na nakatayo sa may pinto. Kumukurap ito habang nagpupunas ng mga mata.

Nagpalipat ang tingin nito sa amin ni Yuan.

"Tabi ko na nga ba ate Telen may gusto sayo si kuya—" Tinakpan ko agad ang bibig nya para di maituloy ang sunod na sasabihin.

Yuan's jaw literally drop. Halatang di nito inaasahan ang lalabas sa bibig ng pinsan ko.

Lumuhod ako para magpantay kami ni Cheska.

"Balik tayo sa kwarto Cheska huh" tumayo ako at hinawakan ang maliit na kamay nito para igiya sa kwarto.

"Yuan yung sasabihin ko forget it. Di naman importante yun," pagkasabi ko no'y mabilis kong isinara ang pinto.

"Ate telen may guto talaga ti kuya Yuan tayo pero alam mo mat bagay kayo ni kuya Dlake. "
(Ate Seren may gusto talaga si kuya Yuan sayo pero alam mo mas bagay kayo ni kuya Drake.)

"Shhhh wag kang maingay baka magising natin si ate Apay mo." Agad naman nitong tinakpan ng isang kamay ang bibig.

"Okay very good Cheska pero next time wag mo nang sasabihin yun ha? Baka magalit sila  kuya satin." Tumango tango ito para ipakitang naiintndihan nya ang sinasabi ko.

"Opo ate. Pero ate mas guto ko si Kuya Dlake." nakanguso ito.

"Huh bakit naman?"

"Kati ate lagi syang nakangiti tapos ang bait nya. Ate may ibubulong ako sayo pero tekret lang natin ah."

"Okay sige sekret lang natin" kumandong ito sakin at inilapit ang bibig sa tenga ko.

"Ate may gilpren ba ti kuya Pin?" medyo nagulat ako sa tanong nito pero tanawa n lamang ako pagkatapos.

"Hmmm sa tingin ko wala. May gusto ka kay Kuya Finn noh?" Yumuko ito na parang nahihiya. Lihim akong napangiti sa isiping napakabata pa nito pero kakaiba na ito mag-isip.

Ngumiti lang ito.

"Ang cute cute mo talaga Cheska." Marahan kong pinisil ang mga pisngi nya.

"Mashakit Ate Selen." She pouted.

"O s'ya gusto mo bang sumama sa labas? Nag iihaw ng mga isda si Lolo."

"Opo opo! Gutom na rin ako ate" nakatingin ito sa tyan na hinahaplos.

Sumilip muna kami sa silid ng mga Vergara. Wala nang tao don at nakaligpit na ang mga gamit. Naliligo na siguro ang mga yun.

"Aray! Aray! Huhu bitaw sabi eh!"

Mabilis kaming Napatakbo sa kusina dahil sa sigaw ni Dwight.

Nadatnan namin itong pilit na inaalis ang alimangong nakakagat sa hintuturo.
Naroon din ang lahat, humihingal pa ang mga ito.

Si Cheska nama'y di mapigil sa pagtawa.

"Takte naman Dwight oh! Akala ko kung ano nang nangyari sayo." ani Si Forth na nakatapis pa ng tuwalya at may bakas pa ng sabon sa balikat. Lumabas uli ito para siguro ituloy ang paliligo.

"Sorry naman, hinawakan ko lang. Ang totoo kasi nyan ngayon lang ako nakakita ng buhay na alimango. Curious lang talaga ako," pagpapaliwanag nito.

"Dwight ilubog mo yung kamay mo dyan sa timbang may tubig dagat para bumitaw ang alimango."

Sumunod ito sa sinabi ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil ayos na ito.

" Well I guess curiousity can really kill a cat." Umiiling si Drake, pilit na pinipigil na matawa.

"Tara na sa labas mga apo," alok ni lola Lourdes.

Sumunod naman kami. Nadatnan namin si Fierce na busy sa pagpay-pay sa iniihaw. Si Zenon ay kasama ni lolo Franco na nagsisibak ng kahoy. Si Yuan ay kasama ng pinsan kong si kuya Kaloy sa pagkuha ng buko. Si Drake ay katulong ni Lola sa paghahanda ng lamesa. Pinaupi ko si Cheska sa isang upuan malapit sa lamesa.

"Mangangamoy usok ka nyan. Dapat di ka muna naligo."

"It's fine, nag eenjoy ako dito. Maliligo na lang ulit ako mamaya." Binaliktad nito ang isang malaking isda bago muling nagpaypay. Medyo mahangin kaya nililipad ang usok.

"Kuya Fierce patulong naman dito oh," sigaw ni Finn na buhat ang isang malaking lalagyan na puno ng yelo.

"Sige na ako na muna ang magbabantay dito." Iniabot ni Fierce sakin ang pamaypay at agad na nilapitan ang kapatid.

Langhap ko ang aroma ng malapit nang malutong isda pati na rin yata ang abo mula dito.

"Aray!" Nabitawan ko ang pamaypay dahil may pumasok na kung alikabok sa mga mata ko.

Di ko lubos makita ang paligid dahil sa hapdi pero alam kong mabilis na lumapit si Drake sakin.

"Sh*t what happened Seren? Ayos ka lang? Let me see."

" May pumasok na alikabok sa mata ko. Ang hapdi Drake."

"Wag mong kusutin baka ma infected yan. Come here, hihipan ko." ibinaba nya ang mga kamay kong nakatakip sa mga mata ko.

Banayad nyang hinawakan ang mukha ko. Pilit kong ibinuka ang matang mahapdi para mahipan n'ya.

Makatatlong beses nya hinipan ang mata ko bago mawala ang hapdi.

"Ayan, ayos na ba?"

Tumango ako.

"Oo salamat."

"Mabuti naman. Next time mag-iingat ka. Ayoking nasasaktan ka. Nasan ba kasi si Fierce?" Halatang medyo iritado ito.

"Umalis lang saglit, tinulungan si Finn."

"Palit tayo ng gawain. Ako na ang magbabantay dito, ikaw na ang tumulong kay lola. Sige na." There's finality in his voice kaya di na ako nakaangal pa.

Makalipas ng ilang saglit ay ready na ang pagkain. Saglit kong tinungo ang silid nila lola para gisingin si Apay at iligpit ang mga gamit pagkatapos ay magkasama na kaming bumalik.

Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain. Binanatan ni Dwight ang mga alimango.

"Dwight hinay hinay lang. Wala ka naman sigurong galit sa alimango no?" may halong pang aasar ni Forth.

Nagtawanan ang lahat.

"Nga pala mga hijo, papalaot ako mamayang hapon baka may gusto sa inyong subukan ang pangingisda," ani lolo Franco.

"Ako po!" halos sabay sabay na wika ng pito.

"O sya, sige pero mga apat lang sa inyo ang maari kong isama sa fishing boat. Di naman kasi kalakihan iyun. May isa pang bangka si Kaloy. Ang iba sa inyo ay sa kanya na lang sumabay. Ayos lang ba iyon?"

"Ayos na ayos po lolo," masiglang sagot ni Drake.

"Bago ko makalimutan kayo ba'y may mga kasintahan na?"

Halos sabay sabay silang uminom ng tubig maliban kay Yuan na abala sa pagkain.

"Wala pa po lolo pero kung papalarin si Seren na lang ang iibigin," ani Dwight na ikinasamid ko.

Nagkatinginan ang mga Vergara.

"Here." Inabutan ako ni Drake ng tissue.

" Dwight!" saway ni Zenon na sinamaan ng tingin ang pinsan.

"Biro lang po," bawi ni Dwight nang mapansing masama ang tingin ng mga Vergara sa kanya.

Nabaling ang atensyon ng lahat nang tumawa ng malakas si lolo.

"Palabiro ka talaga hijo. Gusto kita."

Ngiting asong tumango tango si Dwight dahil ramdam pa rin nya ang tensyon.

Maghapon lang na namasyal at naligo sa dagat ang mga Vergara kasama si Cheska at Apay bilang mga tour guide. Sinamahan ko kasi si Lola sa bayan para magtinda ng mga isda kaya di ko sila masamahan.

Pagsapit ng alas singko ng hapon nagpasya na kaming umuwi ni lola. Sinalubong kami sa daan ng nakangiting si Cheska't Apay. Nauna na raw magtungo si Lolo kasama sina Yuan, Fierce, Finn at Zenon sa laot. Pinapasunod na lamang ni lolo ang tatlo para dalhin ang isa pang lambat na gagamitin.

Nang makarating sa bahay ay walang tao. Siguro'y umalis na ang mga yun. Agad kong inilapag sa mesa ang mga napamiling gulay para sa hapunan.

Iniayos ko muna ang silid ng mga Vergara dahil malamang pagod ang mga yun pagdating.

"Lola kinuha n'yo po ba ang kulambo dito?" pasigaw kong sabi para makarating kay lola na nasa kusina.

"Hindi apo, bakit?"

"Lola wala po kasi dito."

"Hanapin mo baka kung saan lang nila nailagay," ani lola bago bumalik sa kusina.

Bumalik ako sa kusina nang di ko mahanap ang kulambo. Nagtatadtad ako ng bawang at sibuyas nang magsalita si lola.

"Di ba dinala ng lolo mo yung isang lambat? Nakalimutan yatang dalhin."

"Ho? Pinapadala po yan ni lo—" nahinto ako sa pagsasalita.

Di ko alam kung tama ba itong naiisip ko, pero di kaya inakala ng tatlo na lambat 'yong...'yong kulambo?

Continue Reading

You'll Also Like

30.5K 1.4K 20
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
469K 13.7K 34
Isla de Vista Series #5 Cresia, The girl of perfection, emotionless, unbothered, silent, and immovable. She is used to the life dictated to her how...