Falling in Love with HIM (COM...

By yuNmi_07

117K 1.4K 119

Yes I am a typical girl. Simple but Smart. I don't know what made us together.. Destiny ba or isa lang pagkak... More

Falling in Love with HIM
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ika-limang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-10 Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 na Kabanata
Ika-13 na Kabanata
Ika-14 na Kabanata
Ika-15 na Kabanata
Ika-16 na Kabanata
Ika-17 na Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 na Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 na Kabanata
Ika-25 na Kabanata
Ika-26 na Kabanata
Ika-27 na Kabanata
Ika-28 na Kabanata
Ika-29 na Kabanata
Ika-30 na Kabanata
Ika-31 na Kabanata
Ika-32 na Kabanata
Ika-33 na Kabanata
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 na Kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 na Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Ika-39 na Kabanata
Ika-40 na Kabanata
Ika-41 na Kabanata
Ika-42 na Kabanata
Ika-43 na Kabanata
Ika-44 na Kabanata
Ika-45 na Kabanata
Ika-46 na Kabanata
Ika-47 na Kabanata
Ika-48 na Kabanata
Ika-49 na Kabanata
Ika-50 na Kabanata
Ika-51 na Kabanata
Ika-52 na Kabanata
Ika-53 na Kabanata
Ika-54 na Kabanata
Ika-55 na Kabanata
Ika-56 na Kabanata
Ika-57 na Kabanata
Ika-58 na Kabanata
Ika-59 na Kabanata
Ika-60 na Kabanata- Wakas
Author's Note
Book 2- I
Book 2- II
Book 2- III
Book 2- IV
Book 2- V
Book 2- VI
Book 2- VII
Book 2- IX
Book 2
Book 2- XI
Book 2- XII
Book 2- XIII
Book 2- XIV
Book 2- XV
Book 2- XVI
Book 2- XVII
Book 2- XVIII
Book 2- XIX
Book 2- XX part 1 Forever in Love with HIM
Book 2- XX part 2 Forever in Love with Him
Epilogue
My Love Notes
Message to ALL! :')
PASASALAMAT!

Book 2- VIII

1.1K 8 0
By yuNmi_07

Sophie

Nandito kami ngayon sa mall. Bonding time kasi off duty ang bida niyo. hehe. Kasama namin syempre ang mag-ina, si Keith ang butihin kong kabiyak, si Jasmine at si Harvey.

Maglalunch na kami dito sa isang fine dining restaurant na pagmamay-ari nila Keith. Masaya kaming nagkukwentuhan habang si Lei naman ay sobrang abala sa pamangkin ko.

She's really a hands on mother. Nakabawi na siya sa kanyang Love. Sana ganyan din ako kay baby Sandy. Hehe. I'm so excited to give birth and see this little angel.

On the other hand, naaawa talaga ako sa mag-ina. Yes they are happy being together pero paano kung magkaroon na ng isip si Robbie at hanapin ang kanyang ama? Nakakainis naman kasi ang tatay niya, iniwan ang nanay niya. Pero alam ko someday they will live together again.

"Hey Babe. You're not listening." bulong ni Keith sa akin. Hala! Masyado ata akong nagsspace out madalas kasi naman sa tuwing nakikita ko ang mag-ina hindi ko maiwasang matuwa at the same time maawa.

"Sorry. Ano nga iyon?" i smiled back to my husband. Wah! Bakit ang gwapo ng asawa ko?

"Ang sabi ko pagplanuhan na natin ang birthday ng kapatid mo." Napahawak ako sa bibig ko ng ipaalala niya ang birthday ni Lei. Hala! Oo nga no. Kaya pala kami lumabas na rin para pagplanuhan iyon.

"Goodness! I almost forgot Babe. Anyways, why don't we surprise her? Feeling ko hindi na rin niya maalala e. She'll be busy narin." i thought of surprising her na lang. Since pagbalik nila rito from Palawan ay birthday na niya.

Hmmmm. Parang masayang icelebrate ang birthday niya sa beach.

*Ting*

Wahh! Alam ko na.. Hehehe...

"May naisip na ako Babe." i looked at my husband and winked. Hehe. Eh? Bakit nagblush ang loko? Hahah. Cute.

Jesse

Kanina pa ang mag-asawa na nagbubulungan. Yung dalawang bestfriends ko naman ay busy kumakain. Ako?

Hayy. Heto at pinapakain si Love. Hahha. Nakakapagod nga dahil ang likot pero okay lang masaya naman.

"Love. Last na lang ito o. Aaaaa!" sabi ko kay love para isubo yung huling food na kakainin niya. He's been looking to somewhere e. Ewan ko ba kung sino. Wala naman akong mamukhaan sa paligid na kakilala ko.

Bigla naman akong kinabahan. What if nandito si Rob? Hindi pa ako ready to tell him the truth about our child. Hindi pa talaga.

Natapos na kaming kumain at kasalukuyan kaming napadaan sa music store ng mall.

Napahinto ako dahil hindi na sumusunod ang anak ko sa akin. Nakakapagtaka naman kaya ng tingnan ko si Love ay nakatingin siya sa gitara.

Kita ko sa mga mata at ngiti niya na gusto niya yung gitara na nasa harapan niya.

Tumingin sa akin si Love at tinuro niya yung bagay.

may naalala nanaman ako. Ang kanyang ama. Wala ng iba. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak.

"Looks like his father." nakangiting bulong ni Kuya Keith. Nagtaas-baba na lang ang aking ulo bilang pagsang-ayon.

Binuhat ko na si Love para makaalis na kami sa harap ng music store. bata pa naman siya kaya wag mung ngayon bilhan ng gitara. Kapag 4 years old na lang siguro.

Hanggang ngayon parang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Feeling ko may nagmamasid sa amin. Kaya sobrang kapit lang ako kay Love.

Maya-maya ay may kumalabit sa akin. Lumingon naman ako habang bitbit si Love.

Isang magandang babae ang nakangiti sa akin. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"Hi Jesse.!" masigla niyang bati sa akin.

Kumunot naman ang noo ko dahil kilala niya ako samantalang ako ay hindi ko siya kilala.

"Hi?" pabalik kong sabi. "Sorry a. Pero hindi kasi kita kilala." pagpapaumanhin ko. Mahirap na baka ma-offend ko. E sa totoo naman talagang hindi ko siya kilala.

"Ow sorry. Ako pala si Che--" naputol ang pagpapakilala niya dahil sa pagsigaw ni Kuya Keith.

"Cheska?!!" hindi makapaniwalang sambit ni Kuya Keith. Halata rin sa babae, I mean kay Cheska na nagulat din sa pagkikita.

"Keith! Kumusta?!" bigla namang yumakap siya kay Kuya Keith. Hala! Naku! Baka makita sila ni Ate Sophie. May mood swings pa naman yun baka mali ang interpretation nito.

"I'm good. It's good to see you again." masayang bati ni Kuya sa babae.

Cheska? Sounds familiar. Saan ko nga ba iyon napakinggan? Nakita? o Nabasa?

I Love you Cheska! More than my Life!...

-Rob

Parang nanigas ang buong katawan ko ng maalala ko ang nabasa ko dati. Siya ba yung Cheska na iyon? Yung minahal ni Rob more than sa buhay niya? Siya ba yun?!

Hindi ko maiwasang pagmasadan siya. Ang ganda niya. Maputi, matangkad, sexy at mayaman. No doubt kung siya ang minahal ni Rob. or should I say Minamahal ulit ngayon?

Biglang may kumirot sa bandang dibdib ko. Ang sakit isipin iyon.

Umiling-iling na lamang ako.

"Are you alright Jesse?" napansin niya siguro ako.

Binigyan ko siya ng mapaklang ngiti "Oo o-okay lang ako C-cheska?" ewan ko bakit ganung tono ang lumabas mula sa bibig ko.

"You look pale." hindi naniwala sa alibi ko. Tsk "Anyways, can we talk for just 10 mins?" pagalok niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. Bakit naman namin kailangang mag-usap e hindi naman kami close.

"I just want to clarify things. If you don't mind?" clarify things? For what? Na sabihing wag na akong umasa na babalikan ni Rob? Na wag na siyang hanapin pa at hayaang magsama sila?

"Go Jesse. Mabait na siya ngayon." bulong sa akin ni Kuya Keith. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sumama saglit sa kanya. Bitbit ko pa rin si Robbie.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagstop kami sa isang coffee house.

Habang papasok kami ay may sumalubong na isang batang babae na parang mas matanda lang ng kaunti kay Love.

"Mommy!!!!" masiglang bati nito sa mommy niya na si Cheska.

"Hi Baby!" niyakap niya ito at binuhat na rin. Niyaya niya kami ni Love na maupo at yung anak naman niya ay ang kulit.

Pinagmasdan ko lang yung bata at naiinis ako sa isip ko.

Bakit ba ang laki ng imagination ko? Naiisip ko kasi na baka anak nila ni Rob ito. Na masayang-masaya na talaga sila with their daughter.

"Say hi to Tita Jesse." sabi ni Cheska sa baby niya.

"Hi T-tita! I'm Bobby." masiglang bati sa akin ng anak niya. Ginantihan ko naman ng ngiti ang bata.

"Hi Bobby. I'm Tita Jesse. Ang ganda mong bata." walang duda doon. this little girl infront of me is really beautiful.

Pero mukhang hindi niya ata ako napansin dahil nakatuon na ang kanyang mga mata sa anak kong si Robbie. Parang gusto niyang lapitan at laruin.

Napangiti naman ako. Medyo marunong naman nadin magsalita si Robbie. Bulol pa nga lang minsan.

"Love. Say Hi to Bobby." sabi ko kay Love. Hindi naman mahirap utusan si Robbie dahil masunurin siya.

"e-llo (hello)" nagwave pa siya ng kamay.

Napangiti naman si Bobby at agad na nilapitan si Robbie. nilaro-laro niya ang kamay nito.

"Call him Robbie." sabi ko kay Bobby. Hala! Magkarhyme papala name nila.

Ilang saglit pa ay nagsalita na si Cheska.

"He looks like his father right?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Yes he is." pagsang-ayon ko. I am surprised ng bigla siyang tumawa.

"Does he know about your son? " bigla niyang tanong. Hindi ko alam kung nangiinsulto ba siya or what? Pero hello, magkasama na sila diba so bakit niya pa sa akin tinatanong?

"No." matipid kong sagot. I feel awkward.

"I'm sorry for what happened a. That man really a bastard. Iniwan kayo. Tsk.!!" biglang nagbago ang mood ng babaeng to. Seriously?

"It's all in the past now. I know he's happy with his new family." goodness! Saan ko ba nakukuha ang mga salitang ito? Napatingin na lang ako sa dalawang bata.

"New family? May asawa na ulit siya?!" hindi ako makapaniwalang ganyan ang isasagot niya sa akin. Or itatanong pala. kaya napabalik nanaman ang tingin ko sa kanya. Nakakunot noo na siya.

"Bakit? Hindi pa ba kayo ang pamilya niya?" takhang tanong ko. Lalo namang lumukot ang noo niya. May mali ba akong sinabi or tinanong?

"What?!!" ang lakas ng sigaw niya kaya naman napahawak siya sa bibig niya. Nahiya tuloy ako dahil nakuha niya ang atensyon ng ibang customers. May lumapit pa ngang empleyado e.

"Mrs. Ayala, bakit po? May nangyari po ba?" tarantang tanong nung empleyado ng shop.

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Mrs  Ayala? Diba dapat Mrs  Araneta?

Mali ka nanaman kasi ng iniisip. Masyado kang OA at kung ano-ano ang nako-conclude mo. Tsk. Tsk sabi ng utak ko.

SHOMAY!!! Nakakahiya! I accused her na siya ang asawa ng dati kong asawa.

"Nothing Yvonne. I'm fine. We're fine. Nabigla lang ako sa pagkukwentuhan namin ng friend ko. You may leave and back to work." nakangiting sabi ni Cheska sa Yvonne ba yun? agad namang sumunod ito.

"S-so you thought na kami ang new family ni Rob?" halos nagpipigil ng tawa ang kaharap ko. Medyo nakakatawa naman kasi ako diba? Hay. Nakakahiya.!!!

Tumango na lang ako at yumuko. Kasi naman e.

"Sorry." yan na lang nasabi ko.

"No need. Okay lang. Hehe. Hindi ba niya naikwento sa iyo before na nagkaayos na kami in a way na friends na lang?" tanong niya sa akin.

Shoot! Oo nga no? Naalala kong sinabi niya iyon ng tapat at buong katotohanan ng pagdating ko galing sa hotel na pinanggalingan ko noon na dahilan ng paghihiwalay namin.

Nanlumo naman ako bigla ng maalala ko nanaman ang rason why he is mad at me right now.

"Sorry Jesse. You know I'm really sad for what happened to you. He's really a jerk. Hindi ka pa rin ba kinakausap at pinaniniwalaan? That man!" naramdaman kong lumapit siya sa akin at niyakap. Hindi ko na napigilang maging emotional. Kasi naman, kasalanan ko naman lahat e.

"Don't hate him. Ako ang may kasalanan why everything went wrong. Hindi ako naging mabuting asawa. Naglihim ako."

"Hush Jesse. Hindi matutuwa si Robbie ang baby mo. Be strong okay? Don't worry tutulungan kita." napaangat naman ako ng ulo and I gave her a puzzled look. Tutulungan?

"Don't worry kami na bahala. You just take care of your son at magpakalakas ka. Everything that went wrong will be later okay." she gave me again a hug hanggang sa may tumikhim sa tabi ni Cheska.

"Hi.?!" lumaki ang mga nagsisingkitan kong mga mata dahil sa iyak ng makilala ko ang nasa harapan ko.

"Leon Ayala?" takhang tanong ko.

"Hi Ms. Pretty. Long time no see." ngumiti siya sa akin at ako naman parang nanlamig.

Siya yung gustong manakit kay Rob dati.

Lalapitan na niya sana ang anak ko ng pigilan ko siya.

"Don't touch my son.!" mahina lang ang pagkakasabi ko pero sakto lang na maririnig ng mga kasama ko.

"I-i'm sorry Jesse." sa pagsabi niya nun I felt sincerity between his words. Double meaning pa nga e.

Cheska hold my hand and grip it.

"Everything's changed Jesse. He won't harm the both of you even Rob. We changed to save our family from hurt. And sana ganun din sa inyo ni Rob." hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Dapat galit ako, dapat sinisigawan ko na siya. Pero nang makita ko ang kanilang anak habang naglalaro kasama ang anak ko at ang sinserong paghingi nila ng tawad sa akin parang nalusaw na lahat.

"Sorry Jesse for the hurt and pain we caused you. Sana mapatawad mo kami. I miss my bestfriend though. Sana magkaayos na kayo." sabi ni Leon. Kinarga ko na si Love para aalis na kami. Pero bago kami umalis,

"Just give me time. I know mapapatawad ko rin kayo maski hindi na maayos ang pamilya ko. Thank you for your help pero I want to fix our problem ng kami lang." ngumiti ako sa kanila bagamat malungkot pa rin ako. Nakakinis kasi, Naiinggit ako sa kanila. "Sorry again Cheska. Bye Bobby!" nagwave naman si Robbie sa kanila.

"We hope this won't be the last time we meet?" tanong ni Leon.

Tumango ako at sinabing "If that day comes, you two are forgiven. Bye." naglakad na ako habang bitbit si Robbie.

Habang papalabas ng coffee house na pagmamay-ari pala ng mag-asawa ay nakaramdam ako ng relief. at the same time ng pagod.

Sana nga maging okay na lahat. Sana!.

----------> Itutuloy

Yieeee! Sem break na! ngayon  lang ako nakapag-UD.. Medyo nagloloading kasi ang aking mind.

Sana magustuhan niyo ang UD na to. Ano ba mas maganda? Magkaalamanan no o hindi pa? hehe..

Sana po i-vote and mag-comment po ulit kayo. Thank you all guys. God bless!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

79K 693 12
Written By: Benj Octavo
140K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
384K 5K 44
Si Erina ay isang dalagang walang ibang gusto kundi makasama ang ate niya sa Amerika at maging masaya. But, everything goes upside down nang malaman...
19K 833 21
Twynsta Ranillo was the prettiest girl in grade school but sooner turns into a fat balyena. And Yasser Marta who was an unattractive big fat boy with...