Book 2- XX part 2 Forever in Love with Him

480 11 0

Jesse

Halos lahat kami ay busy sa pagaasikaso para sa binyag ni Robbie at the same time his second birthday. Itinaon na namin na sa birthday ng anak namin ang binyag para isang handaan na lang. Be practical nga ikanga. hehe. Bukas na kasi iyon kaya naman sobrang excited na rin ng mga kasama ko sa pagaayos. Ang pamilya namin both sides at tsaka ang makukulit kong mga kaibigan.

"Hoy 'te!! Ako na lang ang magiging game master for thr adults hah..!" palo sa akin ni Ruffy. "Ang dami ko kasing naiisip. Hahaha...!" kinikilig pa niyang dugtong. Kanina pa itong baklang to na nantatapik at nantutulak. Ang sarap sampalin e pero siyempre kailangan kong maging patient.

"O siya siya!! Ang kulit mo naman Mariano Rufino!! Ang sakit na ng braso ko. " saway ko sa kanya habang himas-himas ang braso ko. Nakita ko naman siyang ngumuso dahil sa pagtawag ko sa kanya ng totoo niyang pangalan. Ayaw niya kasi iyon. Ahaha.

"Tse!! Ulitin mo pang sabihin yang buong pangalan ko hindi lang hampas ang makukuha mo!!" maarte niyang sabi. Naiiling na lang akong tumingin sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. hahahah

"Hay naku naman tong baklang to! Maru umayos ka nga..! Nagpapacute ka kasi kay Doc Justin e.. Hindi ka niya type..." sabat ni Mich.

Tumirik ang mata ni Ruffy at batid kong masama na ang timpla nito.

"Anong sabi mo?! FYI Mahaderang babae ka, Si Papa Harvey ang gusto ko. tsaka sino type ni Doc? Ikaw? Hah!! One-sided love.. Ikaw lang naman kaya yung may gusto kay Doc Jus--- Ouch!!" hindi na niya natuloy ang pagbanggit ng pangalan dahil naibato na ni Mich ang bote ng tubig na walang laman sa mukha ni Ruffy. Sakto kasing tumabi si Doc Justin kay Mich.

Namula ang pisngi niya at nataranta bigla. Pinaningkitan ko siya ng mata sabay ngiti ng magtama ang tingin namin. Aha! There's something between them? Tsk! Tsk! Tsk!

"Anong meron at narinig ko ang magandang pangalan ko?" tanong ni Doc Justin habang prenteng sumandal sa sandalan ng sofa. Nakatingin siya kay Ruffy.

Walang nagsalita ni isa sa amin dahil busy ako sa paghihintay ng magsasalita at si Ruffy naman busy sa pagtingin ng labi niya sa salamin. Pero hindi nakaligtas sa pandinig namin ang binubulong ni Mich.... At agad kaming napatingin sa kanya..

"Tssssss... Anong kinaganda ng pangalan mo?" bulong niya ng malakas. Ahahha.

"Are you saying something Nurse Michelle Anne Perez?" nakangiting tanong ni Doc kay Mich pero halata ang pagkairita nito. Napaharap si Mich sa katabi at nagulat dahil sobrang lapit nila sa isa't-isa..

Hindi ko na nasubaybayan ang mga sumunod na pangyayari ng tinawag ako ni Papa mula sa garden.

"Pa? Bakit po?" tanong ko sa kanya ng makalapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Matagal siya bago magsalita...

"Siguro naman anak handa ka na dumalaw sa puntod ng Mama mo?" sabi sa akin ni Papa. Natahimik naman ako sa tanong niya. Sa katunaya hindi ko na naisip ang bagay na iyan simula ng maghanda kami para sa Double celebration for Robbie.

"Gusto ko sana magpasama sa iyo ngayon anak. Miss ko na rin kasi ang Mama mo. Kung okay lang sa iyo?" pagpapaalam niya sa akin. Ready na ba ako? Sa bagay matagal na rin naman na dalawin si Mama at kausapin maski hindi na niya ako naririnig at nakakausap. Miss ko na rin naman siya e.

Hinawakan ko ang kamay ni Papa at pinisil ko iyon. Humarap ako sa kanya at hinaplos ng libre kong kamay ang pisngi niya. Hindi mo maipagkakaila na tumatanda na rin si Papa. Ngumiti ako sa kanya.

"Papa.." pinipigilan kong umiyak dahil alam kong hindi rin mapipigilan ni Papa pero matigas ang luha ko e... Kainis... Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "I'm sorry kung nagalit ako sa inyo noon. I'm sorry.. Pati nung nawala na si Mama sa atin hindi man lang ako bumalik dito para makita siya sa huling hantungan. Patawarin niyo po ako kung nagkulang po ako bilang isang anak niyo. I'm sorry po.." hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako. Matagal ko na rin kasi itong kinikimkim. 

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!