Ika-44 na Kabanata

383 9 4

Jesse

Wahhh!!!!!!!!!!!! Kinikilig ako.....  Ano ba naman tong si Rob. Nakakainis... Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at mukha na akong kamatis.

Pero ano bang pinagsasasabi nitong lalaking to?

"..Wait on me.."

Yan lang narinig ko dahil sa mga sinabi niya dahil sa walang humpay na pagtibok ng puso ko.

Ito na ba? Ang umpisa ng 'True Love Waits?'

Wahh...... Sana hindi lang napipilitan si Rob na gustuhin at sa huli mahalin. Sana totoo. Genuine. Yung hindi siya magsisisi.

"Are you alright? Tara na.. Nilalamig na ako rito." he snapped my thought. Natulala pala ako. 

"Ahhh. Oo okay lang ako.. Tara?" inaya ko na siya. Nagsimula na rin akong maglakad...

Nababalutan kami ng katahimikan. Medyo awkward na para sa akin. Wahhhh... Bakit ganire??

Marami akong gustong tanungin sa kanya. Kung paano o ano ang nagpabago ng isipan niya bakit gusto ko siyang hintayin. Kung napipilitan lang ba siya dahil naawa siya sa akin.

Awa? Uso ba sa Kanya yun? He he he. Malay mo naman....

"Ahm..Rob?/ Jesse..." nyek. sabay kami nagsalita. Waheheh. bakit kinikilig ako sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko.

"Kaw muna../ You first." sabay nanaman kami.... Sige na nga, ako na una.

Pero kinakabahan ako.....

"Ahm, Rob... Why did you change your mind? Sabi mo Hindi mo ako sasaluhin.... Naaawa ka lang ba sa akin? Kasi kung ganun.... Wag mo na lang pilitin sarili mo." bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa malayo...

Kinakabahan ako sa sagot Niya. anubayun.... Parang hindi pa ata ako ready sa isasagot niya. Pero dapat habang maaga pa para hindi na ako umasa.

Shomay! parang ako naghahabol sa kanya.... Pero umaasa pa rin akong mali lahat ng sinasabi ko...

"I don't know the answer either Jesse." Aray... pero okay lang.

Nabalot nanaman kami ng katahimikan..

Hindi ko alam irereact ko sa sinabi niya.

"Jesse. Will you help me to find and know the answer?" he broke the silence.

Ayan nanaman ang tibok ng puso ko. Anebe...

Nagnod na lang ako.. Pagkatapos ay huminto sa siya sa paglalakad ulit.

Eh? Nandito na pala kami sa labas ng bahay...

"Tara pasok na tayo...." Aya ko sa kanya. binigyan ko siya ng malaking ngiti. genuine..

Lumakad na kami papasok. Woah! Kinakabahan naman ako. paano kaya ako magpapaliwanag? pero baka nalaman naman na nila kila Mama.

". Mangan kayon. (Kain na kayo)" Sinalubong agad kami ni Lola. Wow a. Bakit mukha siyang masayang-masaya?

Napatingin ako kay Rob. Aba! Nakangiti. abot tenga. Ibang-iba sa palagi niyang pinapakita sa akin..

"Naimbag nga rabii Akket (Magandang gabi po Lola) .." eh?

Marunong siya? Tsaka bakit mukhang nagkakasundo sila?

Mas nakakabigla ng biglang niyakap ni Lola si Rob.

tinitigan ko silang dalawa at napatingin sa mga mata no Rob. SHOMAY!!!  Anong ginawa niya?????

Nanlambot naman tuhod ko. First time yun a.... Kinilabutan pa ako...

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!