Ika-28 na Kabanata

460 8 0

Jesse's POV

Kumakain na kaming lahat dito sa tabing dagat. Masaya ako dahil nakasama ko sila Mang Berto at Manang Nelia syempre di mawawala si Ofelia. 

Wala pang isang araw kami nandirito ni Mark Robert pero feeling ko matagal ko na sila kilala. :)

"Young Master..." tawag ni Mang Berto kay Rob

"Ano po iyon Mang Berto?" medyo nagkasalubong ang kilay niya. 

Biglang ngumiti si Mang Berto at nagtinginan pa sila ni Manang Nelia.. 

"Maaari po ba muna kami umuwi sa totoong bahay namin? Namimiss na kasi namin ang mga anak namin." 

Napahawak naman sa baba si Rob. Nag-iisip siguro kung papayagan. Sana payagan sila. Alam ko ang feeling na mawalay sa mga mahal mo sa buhay.. Okay lang sa akin..

Ngumiti si Rob kay Mang Berto.

"Sure. pero hanggang kelan po ba kayo doon?" tanong ni Rob. Parang may something sa kanya. Kakaiba siya ngayon.. Napatitig ako sa mga mata ni Rob.

"Maari po bang isang linggo? Malapit lang naman po ang baryo namin dito, kung kelangan niyo po ng tulong magtext lang po kayo sa akin at pupuntahan ko po kayo agad," 

Napangiti nanaman siya. Shomay. Ang gwapo niya.. ^_^

Hala!!! aNo nanaman ba yang sinasabi mo Jesse!!! You're out of your mind.. Nakakainis kasi yung ngiti ni Mark Robert. May something sa mga ngiti niya.. hindi ko lang mabasa. 

"Ate Jesse...." tawag naman sa akin ni Ofelia. Buti na lang at kinausap niya ako.

"Yes ading?" tanong ko. Hala pati itong batang to ang lawak ng ngiti.

"Sana pagbalik namin rito maligaya." bigla akong nagulat sa sinasabi ni Ofelia.

"Huh? Ano ka ba masaya naman ako a," nakangiti akong pilit.

umiling-iling naman siya. Halata bang hindi ako masaya?? Oo inaamin kong hindi ako masaya dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Nawalay ako sa family ko. Di na ako single, meaning hindi ka na free sa lahat ng bagay. May asawa akong may pagkasademonyo, meaning, minsan masungit, masama ugali sa akin, walang pakialam, bastos, at higit sa lahat hindi ako mahal. 

"Ate iba po ang maligaya sa masaya.. Sabi po sa akin ng Inang (Nanay) ko." nagkunot noo ako. hindi ko nagegets tong batang ito. ang bata-bata pa ang lalim na magsalita... 

"...Ang masaya ay pwedeng mapalitan ng lungkot o sakit. ibig sabihin daw po nun ay hindi permanente... samantalang ang Maligaya, ito ay panghabambuhay. Walang hangganan.. Sana ate ganun ang makita ko sa iyo." pagpapatuloy niya..

Medyo natamaan yata ako doon. Tama siya, kapag may saya may lungkot din.. 

"Hehe.. Oo naman Ofelia. Magiging maligaya rin ako." yan na lang nasabi ko sa kanya at biglang napatingin ako kay Rob.

Sinundan naman ng tingin ni Ofelia ang tingin ko.at bigla siyang napahagikgik. La anong problema ng batang ito? mukhang ewan lang..

Nagpatuloy pa ang kwentuhan nila mang Berto at ni Rob. Si Ofelia naman nakatulog sa banig at si Manang Nelia ay nagliligpit...

Tutulungan ko sana si Manang Nelia pero sabi niya sa akin wag na lang. Kaya ayun heto ako mag-isa naglalakd malapit sa tubig, 

Matirik pa rin ang araw pero Keri lang.. Ewan ko ba parang masaya lang na magmuni-muni kahit kaonti. Pinagmamasdan ko lang ang dagat habang nakaupo sa buhanginan. Medyo malayo na sa kinaroroonan nila Mang Berto at Mark Robert, . Tinatanaw ko lamang sila.

"Sana matanggap din ako ni Mark Robert. MAski bilang kaibigan lang," napabuntong hininga ako pagkatapos kong sabihin ang mga ito ng pabulong,

"Imposibleng maging kaibigan mo siya Jesse. Malayong-malayo ka sa kanya. He's rich and you are not. He's famous and you're not.  I like him (crush perhaps) but he isnt." parang baliw na ako rito sa pinaggagagawa ko. kinakausap ko na ang sarili ko. 

"Hayyy!!!!!!! AY PALAKA!" napasigaw ako sa nakita kong palaka. Grabe ang laki..

*Kokak! Kokak!*

tumalon-talon yung palaka hanggang sa makalayo ito at makaabot doon banda sa tubig dagat. 

Sa di kalayuan, nakita ko ang isang bote na may laman na papel. Nakatago ang boteng iyon sa pagitan ng malalaking bato. sobrang naksiksik ito. Buti na lang hindi pa ito nawala. 

Kinuha ko ang bote at inopen ito at kinuha ang papel. 

"May dalawa palang papel e. Baka may sulat." bukambibig ko. 

Dahil sa curious ako, pinakialaman ko na para basahin ang nakasulat. Malay mo may Jinny pala kelangan lang ng magic word.. baka sakaling nakasulat iyon sa papel.

unti-unti kong binasa ang unang papel

YOU ARE MY ONE AND ONLY LOVE. I LOVE YOU...  - Cheska

Wow. ang sweet naman ng babae. Siguro nagsumpaan sila rito? Siguro masaya na silang magkasama ng mahal niya? Hayyy.. Nakakainggit naman. Ako kaya kelan? yung totoo, hindi arranged kundi kusang umusbong at nadevelop..

Kinuha ko na rin yung isang papel at binasa na rin. Pero ikinagulat ko ang nabasa ko..

I  LOVE YOU MORE THAN MY LIFE. I LOVE YOU!!!. - Rob

------------------------------------->> Itutuloy!

Sorry tagal kong mag-UD. Sobrang busy sa school. Pagpasensyahan niyo na po. Pero sana magustuhan niyo.. 

Medyo matatagalan pa ulit ang pag-UP. Sorry po. 

Anyways, please comment and vote kapag nagustuhan niyo or may gusto kayong iimprove ko pa. Maraming thanks. God bless folks..! :)

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!