Ika-56 na Kabanata

338 5 2

Third person

Nagising ang ating bida dahil sa sikat ng araw. Nakaramdam siya ng pamimigat ng pakiramdam. Feeling niya may nakadagan sa kanya. Kasabay pa ng pagtataka kung nasaan siya.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng kwarto. Hindi niya maalala kung nasaan siya at paano siya napunta roon. Hanggang sa maramdaman niya ang paggalaw ng katabi niya.

Laking gulat niya na Hindi niya kilala ang katabi niya at worst ay isa pa itong lalaking walang damit.

a

"Ahhhhh!!" bulalas Niya. Hindi niya mapigilang mapasigaw dahil sa hindi kapani-paniwalang pangyayari. Napapitlag siya at nakita niya ang kabuuang ayos niya. Naka-damit siya ng maluwang. Damit ng lalaking kasama niya siguro at naka-underwear siya.

Jesse

Hindi pwede mangyari ito!

Kinakabahan ako at hindi ko maipaliwanag ang iba ko pang nararamdaman.

Bakit at paanong may katabi akong lalaki? at bakit ganito ang ayos ko?

"Sino Ka?! Anong ginawa mo sa akin?! Nasaan ako at ang mga kasama ko?!" tuloy-tuloy kong tanong sa kanya. Nafu-frustrate na ako dahil maling-mali na nandito ako.

Pero imbes na sagutin ako ng lalaki ay binigyan niya lang ako ng seducing look at lumalapit sa akin.

"Is that how you say good morning Babe?" bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa nakakatakot ng tingin ng lalaki sa akin.

Teka! Pamilyar ang mukha niya..

Maigi kong pinagmasdan ang kanyang mukha.

Mali ako ng iniisip. Hindi! Mali! P-paanong?

"Ikaw?!" natigilan siyang lumapit sa akin. Biglang nanginig ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Miss me?" Binigyan niya lang ako ng smirk at hahakbang pa sana siya ng pigilan ko siya.

"Huwag mong subukang lumapit sa akin!" patuloy akong umaatras hanggang sa huminto ako at dinampot ang nagkalat na damit ko.

Nang mahuka ko na ang gamit ko ay hindi ko alam paano ako makakaalis at the same time tanungin kung anong nangyari.

Paano kung tama ang nasa isip ko? Na.... Na may nangyari sa amin kagabi?

No!!! Hindi pwede!! Naiiyak na ako sa mga naiisip ko.

Ano na lang ang sasabihin ni Rob? Paniguradong magagalit siya sa akin.

Hindi! Walang ibang nangyari!!

"Bakit namumutla ka na dyan?" sabi nung lalaki. Gusto ko siyang sampalin o kaya ay pagsusuntukin pero sadyang nanginginig na ang buong katawan ko dahil bumabalik ang mga malalagim na pangyayari sa alaala ko.

"H-hindi ba n-nasa kulungan ka?!" tanong ko sa lalaki. Oo! Siya yung lalaking muntik na akong gahasain. Siya wala ng Iba!!

"Well.. not anymore. And I'm happy I had the chance to have se---" I gave him a hard and strong slap on his face. Hindi ko na kayang marinig ang sasabihin niya.

Naiiyak akong lumabas ng hotel room na pinanggalingan ko. Hindi to totoo! Walang nangyari sa amin kagabi.

**

Paano ba ako napunta kasama ang lalaking iyon? Kasama ko pa sila Ruffy kagabi dahil pinilit nila akong sumama sa bar.

"Wooo!!! Congratulations Guys. We made it!" sigaw ni Ruffy. Grabe ang saya-saya namin dahil kami pa ang nakakuha ng The Best Thesis Award.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!