Ika-55 na Kabanata

382 4 4

Jesse

Kyaaaaahh. This is it pansit!!

Nikakabahan na ako. Gagraduate ka na nga lang ganito pa gagawin sa inyo? HoMayGally...

Para akong lutang sa mga oras na ito dahil Simula nung isang araw ay Hindi ako makatulog ng maayos.

Sa sobrang excited na sobrang kaba siguro ang dahilan kaya para akong zombie. Huhu. Kumusta naman ang mukha ko kapag kaharap ko na ang panel?

Heto kami ngayon sa labas ng defense room naghihintay sa turn namin. Katabi ko ngayon si Michelle na prenteng nakaupo lamang. Si Ruffy (Maru) naman ay napakaseryoso na hindi mo aakalaing bading sa unang tingin. Gwapo kasi e. Kaya lang sayang. Di tayo girls talo sa Kanya.

Si Denise?. Nilibot ko ang tingin ko at ayun, nandun siya sa Malayo. may kausap yata sa phone. Mukhang seryoso rin siya.

Ako? wag niyo na tanungin. Alam niyo na. he he.

Sobrang init! Alam mo yung naka-corporate attire ka tapos kinakabahan ka pa? Ewan ko kung ano ng likido ang nilalabas ng katawan ko. Wahaha. Buti mabango ako.

Anyways, ilang minuto na lang at matatapos na ang nauna sa aming group. Pinagpapawisahan lahat ng pwedeng pagpawisan. Huhu.

Napapitlag na lamang ako ng magvibrate ang Cellphone ko. Heto na ang hinihintay kong reply. Sabi kasi ni Rob na mag text ako kapag malapit na kaming sumalang.

Tinignan ko kung sino ang nagtext. Excited pa nga e. Parang nawala lahat ng kaba ko. But surprisingly hindi siya.

Unknown number

Eh? Bakit napapadalas na lang na may nagtetext sa akin na unknown number? Nakakainis nga dahil iba-ibang numero pero same lang ng gustong iparating nung mensahe. Nakakainis na nga e.

Ano nanaman kaya ang message?

"Group #7 you may now enter the defense room. Good luck." sigaw ng lalaki.

What? Teka... Kami na yun. Group #7? Wahhh. Heto na. This is it pansit. Kinakabahan na ako.

Isinuksok ko na ang cellphone ko sa bag. Hindi ko na nagawang tingnan kung ano yung message.

Sana si Rob na lang yung nag text. Kinakabahan na talaga ako. Gusto ko siyang makausap kahit saglit lang kaya lang mukhang busy talaga siya. Hayy.

"We can do this guys. Let's trust each other." pagpapalakas na loob para sa amin ang sinabi ni Michelle. Siya kasi ang pinakaleader.

Nagyakapan pa kami. Wahh. Sana maging okay lahat.

"Remember guys what I have told you before okay? Kaya niyo yan. Fighting!" sabi naman ng thesis adviser namin. Ang bait niya talaga at matalino pa.

"Thank you sir!" sabay-sabay namin na pasasalamat kay sir.

Pumasok na kami sa defense room. Pero bago pa ako makapasok ay may kung anong naramdaman na kakaiba. Hindi kaba pero takot. Takot..

Pero pinagsawalang bahala ko na lang.

Sana pagkatapos ay makausap ko na si Rob.

Rob

"Hindi kaba napapagod kakahabol sa akin Cheska?!" may pagkakairita kong sigaw sa kanya. Kanina pa niya ako sinusundan.

Umagang-umaga ay siya kaagad ang nakita ko sa office. Nakakabwiset.

"I'm here to talk with you. Please Rob. Don't make this hard for us. Okay?" mahinahon niyang sabi. I took a deep breath and closed my eyes.

"Fine. Tell me now kung ano ang Hindi mo naiintindihan sa pinagusapan natin the last time we've met?" wala akong ganang sabi sa kanya. I don't know if she's slow or talagang wala siya sa katinuan niya.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!