Ikaapat na Kabanata

691 15 2

"Jesse, humingi siya ng sorry sa akin. sinabi pa niya na Kaya lang naman niya ginawa yun dahil...." napatigil si ate at nagblush...

"Dahil ano ate?!!" pagtataray ko. Ayaw ko kasing sumama..

"A-e. ahm. Teka...". huminga siya ng malalim ako naman naiirita na ang tagal kasi e. "Naalala mo ba nung 10 years old ka? diba sinama tayo ni Papa sa bahay ng mga amo niya?"

"So what ate?. Anong connect?!" kairita, Ayaw pang straight to the point.

"Diba may nakilala tayong lalaki na kasing age ko.? Tapos Diba naging crush ko siya kasi gwapo at mabait. Naging kaibigan pa nga natin e." inaalala ko pa. "Siya yun Jesse!!! Siya yun!!" tuwang-tuwa niyang sabi.

"Huh? Paano.? E Diba, paalis na siya papuntang Spain ba un?"

"Oo. Ang pangalan niya ay Joseph Keith Francisco... Hindi ko siya maalala pero siya naalala niya pa yun." nginitian niya ako. "Kaya niya akong pinapahirapan dahil kinikilala pa niya ako at kung Tama ba ang hinala niyang ako nga yun. So Tama siya ng hinala lalo na nung confrontation niyo. kasi naalala ka rin niya. Kaya sumama ka na sa akin." hila-hila niya yung kamay ko. nagpapuppy eyes pa siya.

"Ayoko ate, chaperone lang ako e. tsaka Wala akong susuotin."

"Meron ka ring dress Jesse.! Sama ka na ah. Nilagay ko na sa room mo yung box. nakalimutan nung delivery man na iabot yung isa Kaya bumalik siya kanina. Please Jesse. samahan mo ako."

"Okay ate... Pero....... Dapat 10 uwi na tayo...." Sabi ko sa kanya.

"Deal Jesse. Thank you." ngayon ko lang nakita ng ganito si ate after ng breakup nila ng ex-boyfriend niya...

Nag-ayos na kami ni ate. Suot-suot ko na yung dress na binigay ni Mr.Francisco.. Maganda ang dress at Hindi masyadong revealing. Ganoon din ang dress na suot ni ate. Wahehe.. light lang ang make up namin. yung hair ko ay nakalugay pero nakakulot. yung hair naman ni ate naka messy bun. Ang ipinagkaiba lang namin ni ate, ako ay nagsusuot ng eyeglasses. Malabo na kasi mga Mata ko. Nonetheless, We look perfectly fine and gorgeous. ahahahha.. joke. Pretty na lang.. wag na kayong umangal. hehehe...

"O mga anak. Ready na ba kayo?" tanong ni mama. Tumango-tango kami ni ate. "Ang mga anak kong babae nagmana sa akin." ahaha.. nagpapatawa yata si mama.

beep beep beep

"O ayan na yung Sundo niyo. Behave ladies a. And Ikaw Jesse, bantayan mong maigi ate Sophie mo." kinindatan ni mama si ate.

"Mama Hindi na ako bata para pabantayan. Mabait yun si Joseph." ate

"Sige na, enjoy your night." nagwave na si mama sa amin

Lumabas na kami ng bahay at nakita ang isang BMW. wahh! ang ganda. lumabas narin yung driver, inopen ang pinto. Pumasok na kami ni ate sa car.

Excited lang naman siya Diba??? ako naman bored dito sa sasakyan.

Napamangha ako sa mga nakita ko sa paligid. nasan na ba kami?? First time ko pa lang mapuntahan ito. Nagstop na yung car sa tapat ng isang malapalasyong building.

"Wow ate! Ang ganda naman dito. Ganito ba talaga sila kayaman.?"

"Ano ka ba Jesse. Umayos ka nga. Ayusin mo yang galaw mo. " maawtoridad na sabi ni ate.

"Okay po ate." Nagpout ako sa kanya.

Inopen na ng driver yung sasakyan.

"Thank you po." pasasalamat ko Kay manong.

Tinignan ko ang paligid.

"WOW!!!" ako, nilibot-libot ko ang Lugar. Mataas ang ceiling, may chandeliers na diamonds. Ang mga Tao ay naggagandahan at naggwagwapuhan. Ang saya. First time kong makapunta.

"Ms. Sophie and Ms. Jesse Ramirez this way please." Inihatid kami ng manager sa isang restaurant"Mr. Francisco is waiting for the two of you. Enjoy your dinner." he smiled at us and open the big door.

Pagpasok namin sa loob, nakita ko kaagad ang lalaking naconfront ko. At yun ay Si Mr.Francisco. May lumapit sa kanya na isang waiter at tumingin sa kinaroroonan namin.. Ngumiti siya sa akin at Kay Ate. Weeet. Ang Gwapo niya.

"Ate, ang gwapo ng suitor mo. Ayiee.!" siniko ko siya.

"Stop it Jesse. Behave.!" ngumiti siya Kay Mr.Francisco. Palapit na kami ng palapit sa table.

"Goodevening ladies." still his smile made my Ate blush. ahehe..

"Ate, nangangamatis na ang iyong mukha." bulong ko sa kanya. "Pffttt..."

"Goodevening Mr.Francisco." sabi ni ate.

"Just call me Keith." inoffer niya ng seat si Ate Sophie. Ako naman umupo sa tabi niya.

---------------------------------------------------

Ilang oras ko nang pinagmamasdan si Mr. Francisco at si Ate Sophie. I think they like each other. 10 years ago huli nilang pagkikita. Feeling ko naman mapagkakatiwalaan si Mr.Francisco..

"By the way Jesse. I'm sorry if naging rude ako sa ate mo a." namangha naman ako dahil nagtagalog siya. Slight lang.

"Wow Mr.Francisco, nagtagalog ka..? hehe." natatawa ako sa kanya.

"Oo naman. dahil sa ate mo. And please call me Kuya Keith." he smiled at me.

"Okay kuya Keith." nagsmile na din sa kanya.

"Gumagabi na. ihahatid ko na kayo sa bahay niyo. para makilala ko na rin ang Mom niyo." Nagkatinginan manong dalawa ni ate at siya ay nagblush.

"Okay lang ba talaga sa iyo yun Keith?" medyo nahihiya pa si ate e gusto rin naman. Tsk tsk tsk

"Oo naman. I'd like to meet you mother and your brother." he smiled. Nilapitan niya si ate at hinawakan ang kanyang pisngi. Awwwwwwwww.. Ang sweet naman ni Kuya Keith. Kelan Kaya yung akin.?? Haha..

----------------------------

"Oi Jesse.!!!!!" nasira ang daydreaming ko ng tawagin ako ni ate.

"Kairita ka ate!." pasigaw pero pabulong na sabi ko Kay ate.

"Bumaba ka na kasi dyan. Nakakahiya, nasa loob na ng bahay si Keith." Utos sa akin ni ate. Lumabas na ako ng kotse ni Kuya Keith at naglakad Papasok ng bahay. "Ano ba kasing iniisip mo.?" tanong ni ate.

"A-e-I... kasi ano.. Iniisip ko kayo ni Kuya Keith then suddenly naisip ko rin, paano Kaya yung story ng akin.? Haha.. Nevermind ate. Daydreaming lang naman." Sagot ko sa kanya. medyo nakakahiya baka isipin ni ate na gusto ko na rin magkaBoypren.

"Pffffft!... Hahah.!" tignan mo to. Pinagtatawanan lang ako. "Hahahahehe.... Jesse, magayos ka Kaya ng kaunti at maging mahinhin kung minsan, baka may magkagusto sa iyo." dagdag pa niya

Minasamaan ko lang siya ng tingin.. Niyakap ako ni Ate.

"Alam mo Jesse, makakahanap ka rin ng mamahalin mo. Wag kang matakot o Nawalan ng pag-asa. Love is unexpected. Kusang darating yan.. Baka bukas o sa susunod na araw nandyan na." hinigpitan pa ni ate ang yakap niya.

"A-alaaaaaaam mmmo ateeeee?? Hiindiii akooooo ma-ka-hinga!" Grabe Di na talaga ako makahinga. "Ayyyyyy! Sorry Jesse. haha.. remember what I told you." ngumiti siya sa akin ay kiniss ang cheeks ko..

"Okay ate. Love is waiting.!" tugon ko. Sabay kaming pumasok sa bahay at nakita namin sila Kuya Keith, Mama, at si Kuya sa Sala. They act normal naman. Parang nagkapalagayan na ng loob..

Itutuloy------------------>

Maraming Salamat Kay ApolClaireyRemolador.. :)

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!