Ika-58 na Kabanata

340 5 2

Harvey

Kumusta na kaya si Lei? One week ago nakita ko siya sa bar ng kaibigan ko. Gusto ko sana siyang lapitan nun kaya lang may babaeng pumigil sa akin.

"Don't you dare. Pabayaan mo siya Mr."

Napalingon tuloy ako sa babaeng iyon. Hindi ko alam kung kakilala niya si Lei.

Pero nung gabing iyon, hindi ko na ulit nakita si Lei sa kinaroroonan niya. Hinanap ko siya at hinintay na makauwi.

Sinubukan ko siyang tawagan ng gabi ngunit hindi ko na macontact ang number niya. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko dahil Alam kong hindi nagpupunta rito si Lei.

Kaya bakit siya nandito?

Hinintay ko siya hanggang umaga sa harapan ng bahay nila ng mag-asawa.

Tama ang hinala kong hindi siya nakauwi sa kanila. Pero saan siya nanggaling?

Sa itsura ni Lei, para siyang nanlulumo at parang kakagaling niya lang sa pag-iyak.

Mukhang may mali talaga e. Hindi niya gawain ito at mukhang may darating na problema si Lei.

Kailangan kong gumawa ng move para kay Lei. Maski ito lang ang maibalik ko sa kanya. Kapag may nangyari talaga sa kanya hindi ko pipigilan ang sarili ko na saluhin siya.

Mahal ko pa rin ang Girl Best friend ko. Iingatan ko siya maski iba ang mahal niya.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong si Mama ang tumatawag.

May problema nanaman ba sa business?

"Hello?"

[Anak! Puntahan mo ang Mama ni Lei. Sinugod siya sa ospital. Itetext na lang kita. Papunta na rin kami doon.] halatang nagaalala si Mama para kay Tita.

Ano kaya ang nangyari?

Bakit ngayon pang graduation ni Lei? Hayyy. Bahala na nga.

Jasmine

Nasaan kana Boo? sabi ko sa isip ko. Hindi na ako napakali rito. Simula ng umalis kami at dumating dito sa ospital ay hindi nanamin siya nakita.

Nagaalala ako para sa kanya. Sa kanilang buong pamilya.

Nandito parin ang pamilyang Araneta, ang pamilya ko ganun din si Kuya Keith. Hindi kami magkamayaw sa paghihintay sa doktor.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong Kay Ate Sophie.

"Ate, Si Jesse?" nabigla ko yata si Ate dahil bakas sa kanya ang pagkagulat.

"K-kasama niya ang asawa niya. M-mukhang may problema silang dalawa." hindi makatingin sa akin si ate Sophie. ngunit halata sa kanya ang pangamba at takot.

"Everything's gonna be alright ate. Nandito lang kami sa tabi niyo." niyakap ko si Ate.

"Thank you Jasmine." yun lang at humagulgol na siya.

"Shhh. Alam na ba ni Jesse ang tungkol sa sakit ni Tita?" nagaalangan kong tanong. Kanina ko lang din nalaman kay Papa ang tungkol sa sakit ni Tita.

Naaawa ako sa pamilya nila.

Umiling si Ate Sophie bilang sagot sa akin at patuloy na umiiyak.

Hindi ko alam ang mararamdaman kung maiinis ba o maaawa. alam Kong may dahilan sila kung bakit Hindi pa nila sinasabi kay Jesse ang lahat.

Pero ang pinagtataka ko. Bakit wala pa silang mag-asawa rito?

Hindi kaya.....

"Ate, may Alam ba kayo tungkol sa rapist ni Jesse?" tanong ko.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!