Book 2- XIII

393 7 2

Book 2- XIII

Jesse

“R-rob?!”

Hindi ako makatingin sa kanya ng mabuti dahil ng magtama ang aming mga mata ay nakita ko ang galit niya sa akin. Ano kayang galit iyon? Hindi ko alam.

Narinig niya kaya ako? Ang paguusap namin ni Robbie?..

Nanlaki ang aking mga mata ng maalalang maarin niyang narinig ang paguusap namin.

Huminga siya ng malalim bago pa man siya umalis sa aking harapan. Grabe! Hindi ako makahinga ng mabuti. Feeling ko may sakit na talaga ako sa puso.

Naiwan akong nakatunganga sa kinatatayuan ko habang pinapanuod ang kanyang paglisan. Sumasakit ang dibdib ko. Namimiss ko na siya ng sobra. Sobrang-sobra.!!

“Jesse!!” narinig ko ang boses ni Boo kaya nilingon ko siya.

“Boo.!” Nakangiti kong sabi ko sa kanya. Nakapagtataka na sinalubong niya ako ng sobrang mahigpit na yakap. “May problema ka ba Boo?” tanong ko sa kanya habang inaalo ang kanyang likod.

Humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap at may bakas na takot sa kanyang mga mata.

“Mind to tell me what’s on your mind?” nakangiti kong tanong sa kanya.

Ngumisi muna siya sa akin pero alam kong hindi abot tenga ito  bago niya ako sagutin. “Jesse, hindi ngayon ang panahon para malaman mo pero malapit na malapit na..” Niyakap niya muli ako. Ano ba yung malapit na malapit ko na malaman.

“Ano ba kasi iyon? Bakit hindi ngayon?” tanong ko sa kanya baka sakaling sabihin na niya. Pero sa pagkakadismaya ko ay hindi talaga niya ako sinagot. 

Kumunot ang noo ko dahil hindi ako makapaniwalang hindi niya sasabihin sa akin lalo na ng hawakan niya ang aking mga kamay.

Huminga siya ng malalim bago muling magsalita “Boo, babalik na muna kami ni Luke sa Manila. Nagka-problema sa plan for the wedding. Nandito naman si Doc Justin eh.” Mukhang nahalata niya yatang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya dahil sa pagnguso ko. Huhuhu.. Maiiwan ako dito.

“O-okay lang naman sa akin Boo.” Sabi ko ng pilit. Tsaka wala naman akong magagawa dahil importante yung kasal nila noh. Hayy! Sana one day ikasal ako ulit together as one sa taong mamahalin ko forever..

“I’m sorry Jesse..” niyakap niya ulit ako “Bibisitahin ko na lang si Robbie para sa iyo.” Pagsisigurado  niya sa akin. Mas lalo naman akong nalungkot dahil naalala ko siya at namimiss ko.

“Kiss mo na lang ako sa kanya at hug na rin a.” paalala ko kay Boo. Tumango na lamang siya sa akin at bineso bago umalis.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!