Book 2- XII

430 8 0

Book 2-XII

 

Jesse

 

“Are you alright Jesse? Kanina ka pa tahimik dyan bakla!!!” tanong sa akin ni Ruffy.

“Huh?” balik tanong ko sa kanya. Kanina pa ba ako tahimik?. Imbes na sagutin ako ni Ruffy umiling-iling na lang siya sa akin. Naramdaman ko naman na tumabi sa kabilang gilid ko si Mich.

“Jesse, nandito lang kami sa tabi mo. Makikinig naman kami. We can no longer take it to see you like that.” Pagaalo sa akin ni Mich. “She’s right Jesse. Hahayaan mo bang masira ang araw mo dahil kay Rob at kay bruhang Denise na yan?” sabat ni Ruffy.

Hindi ko sila masagot dahil iba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Rob. Lalo na kapag kasama niya si Denise na hindi ko alam kung paano at bakit ganun na lamang ang galit niya sa akin ng isang araw matapos ang first day ng medical mission.

Flashback

 

“Good job everyone.!!” Pumapalakpak na sabi ng head doctor ng mission na ito. “Let’s enjoy our dinner with our Boss Mr. Lucas Araneta.”  Sunod na sabi niya na sobrang sabik sa pagkain.

 

Paano ba naman kasi sobrang dami ng pasyente na pumunta sa medical mission. May iba’t-ibang tribe pa nga e. Kay naman halos lahat kami ay busy. Halos tubig at tinapay lang ang nakakain naming dahil nga wala ng time to eat something heavy.

 

Habang papunta kami sa pinasadyang kubo para maging canteen naming ay nakita ko sila Mich at Ruffy na may kausap. Malayo pa ako sa kanila pero halata kay Ruffy at Mich na naiinis at halos magsigawan na sila. Na-bother tuloy ako kung sino ang kausap nila kaya lumapit ako at tinawag sila.

 

“Ruffy! Mich!” sigaw ko sa kanila habang lumalapit. Natigilan naman sila at tiningnan ako. Ngingiti na sana ako pero natigilan ito ng humarap ang kausap nila.

 

“Denise..” banggit ko ng makalapit ako sa kanila. Lalapit na sana ako sa kanya para kumustahin maski medyo awkward ay pinigilan niya ako. Medyo napangiwi ako dahil kahit ganito ang sitwasyon gusto ko pa rin siya kumustahin dahil kaibigan ko siya.

 

“Stop where you are Jesse!” pagpipigil niya. Syempre ako naman ay tumigil baka ano pa gawin sa akin nito. Nilapitan naman ako ng dalawa.

 

“Let’s go Jesse. Hindi na siya ang Denise na kaibigan natin.” Sabi ni Ruffy sa akin habang hinihila ang kamay ko para umalis na pero hindi ako sumunod dahil gusto ko makausap si Denise. “Jesse, tara na.!!”isa pa itong si Mich.

 

Humugot ako ng malalim na hinihinga bago ako magsalita maski ang sama ng tingin sa akin ni Denise.

 

“Denise, can we talk?” mahinahon kong tanong sa kanya. Ewan ko parang naistatwa ako sa tingin niya sa akin sapagkat bigla niya akong tinaasan ng isang kilay. Humigpit naman ang hawak nila Mich at Ruffy sa braso ko.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!