Book 2- XX part 1 Forever in Love with HIM

623 10 0

Jesse

Pagkatapos namin magusap ni Rob sa veranda ay agad kaming pumunta sa living room para puntahan ang mga dumating. Syempre para mapuntahan na rin namin ang anak namin.

Nagulat pa nga ako ng biglang hawakan ni Rob ang kamay ko kaya ang nangyari ay HHWW kami. Nagkibit-balikat na lang ako, syempre ginusto ko rin naman. How I missed his hand na para bang ginawa ang kamay niya para sa akin talaga. Yieeee! Kinikilig akoo...

Nang makarating kami sa living room tila natahimik silang lahat ng makita kami. May kumunot ang noo, meron namang napangaga at meron din nakangiti.

Bakit ganyan itsura nila? tanong ko sa sarili ko.

Agad na nagrehistro sa isip ko ang sagot sa sarili kong tanong nang higpitan ni Rob ang paghawak sa kamay ko. Kaya naman ako heto biglang nahiya. Nafifeel ko na ang init na dumadaloy papunta sa aking mukha.

Shomay!!!! Nakakahiya!!!! Patay...

"Ehem!!" sabi ni Papa.

Agad ko munang tinanggal ang pagkakahawak ni Rob pero sadyang ayaw niya akong bitawan. Hala ka!!

"Magandang hapon po Mr. Rami- Papa po pala.!" napakamot ng ulo si Rob sa kanyang ulo. Ako naman heto at napanganga sa sinabi niya. Did he just call my Papa, Papa?..

Napatingin naman ako kay Papa ko at sobrang kaba ko ng palapit ng palapit siya sa amin hanggang sa makalapit kay Rob. Seryoso ang kanyang mukha at nakita ko pa kung paano gumalaw ang kanyang panga. O No! This is not good...

Itinaas ni Papa ang kanyang kamay kaya naman napapikit ako.. Hinihintay ko na lang ang tunog na ayaw kong marinig pero nakalipas na ang ilang segundo wala pa rin kaya laking pagtataka ko.

"Masaya ako at magkaayos na kayo Robert." narinig kong sabi ni Papa kaya napamulagat na lang ako at tingnan si Papa. Nakangiti siya at tinatapik sa balikat si Rob. O God! Akala ko sasampalin na ni Papa si Rob yun pala tatapikin lang.

"Thank you Pa, for giving me a chance." sagot ni Rob. Binitawan na ako ni Rob at niyakap niya ang Papa ko. Grabe talaga. Sobra lang ang kaba ko.

Nakita ko namang nakangiti na ang mga tao sa loob ng living room at si Mommy na mama ni Rob ay nagpapaluha na kaya lumapit ako sa kanya.

"Mommy..."

Tumingin siya sa akin at agad akong niyakap. I feel so blessed na tinuring na rin akong parang tunay na anak ni Mrs. Araneta. Kaya naman minahal ko na rin siya katulad ng kay Mama.

"Thank you Hija for accepting my son again.. Sana maging okay na kayo forever.." she said those words while sobbing. tumango na lang ako bilang sagot dahil pati ako nadadala sa pagiyak ni Mommy.

--

Since maggagabi na, nagprepare na sila Mommy ng dinner ako naman ay nakaupo lang sa labas sa may garden. Ayaw kasi nila akong patulungin e dahil daw hindi pa ako lubos ba magaling. Sabi ko naman kaya ko na pero hindi talaga siya mapilit kaya ayun, kasama ko na lang ang anak kong si Robbie. My Love. My son.

Hinihele ko na lang siya dahil nakakain naman na siya ng food niya for dinner. I really love this little man. Mahal na mahal ko rin ang ama niya.

"He's sleeping already." biglang sumulpot si Rob sa tabi ko kaya naman muntikan ko na mabitawan si Rob. "Ooops. I'm sorry.. Nagulat ko ang mommy mo Robbie.." sabi niya sa anak namin na akala mo nakikinig sabay humalik sa pisngi nito.

God! Ang sweet niya..! Kaya lalo akong napapamahal sa kanya e. Napangiti na lang ako kay Rob at binigyan ko siya ng mabilis na kiss sa pisngi rin, syempre pati si Love no hindi ko makakalimutan.

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!