Ika-39 na Kabanata

395 5 2

Jesse

Alam niyo yung feeling na nagluluto ng masaya? Yun yung nafifeel ko e. he he. Sorry pero nageenjoy talaga ako dahil tinuturuan ako ni Manang Nelia....

"Salamat po Manang dahil tinuruan niyo ako ng ibang dishes." pasasalamat ko.

"Wala yun hija. basta ipagluto mo si Young master." sabi niya habang bakangiti.

bigla naman akong napanghinaan ng loob. Diba sabi ko past few days na itatry kong maging isang good wife at ipagluluto ko siya?. Nagdadalawang Isip na ako ngayon. Ewan ko ba.. ramdam niyo ba kapag decision making na, yung tama or Mali? o kaya Ano ang consequencez nito?

"Hija, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Manang.

"Opo.. May naalala lang po ako." nakangiti kong tugon.

Alam kong malapit na akong mawalan ng feelings kay Rob. Konti pa....

"Mamahalin ka rin ng batang iyon. Hintayin mo lang..." bigla akong napatingin ulit kay manang.. Anong ibigsabihin niya?

Malabong mangyari Yun. Siya na nagsabi.

"He he. Nako manang, yun pa? Malabong magyari yun. Baka end of the world na kung ganun." sabi ko naman. Shomay! bakit kumikirot puso ko?..

Tama na Jesse sa kaiisip.. Masasaktan ka lang tsaka pwede kapa rin naman maging good. yung natural lang. Kung paano mo mahalin pamilya mo  at kaibigan mo. isipin mong kaibigan mo na lang siya. Nothing more nothing less.....

“O siya. Mag-aayos na ako nang makakain na tayo.” Umalis na si manang at ako naiwan naman dito sa kitchen.

Bahala na nga si batman kung anong mangyayari sa akin. Hindi na ako maghihintay. Basta magiging normal na lang ako sa pakikitungo sa kanya.

Nakalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang niluluto ko. Masarap siya in fairness. Hehe.. ^_^ Tumungo na rin ako sa dining area para tulungan si Manang. All set na pala maliban sa main dish. Syempre ako ang nagluto.. hihi

“Hija, tawagin mo na ang asawa mo. Nang matikman niya ang niluto mo.” Sabi ni Manang sa akin.. Woahh! Bakit bigla akong kinabahan?.... Napatunganga tuloy ako sa sinabi niya.

“uy. Sabi ko tawagin mo na si Young Master para makakain na kayo.” Lumapit sa akin si manang at hinigit palabas ng dining area. Tinignan ko siya at nakangisi. May something talaga sa kanya e.. Ano kaya yun?

Hindi ko na lang pinansin si Manang Nelia.. Kaya lang parang natakot ako bigla dahil tatawagin ko si Rob.

Kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kwarto namin hanggang sa harapan lamang ng pinto. Woah!! Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang nagpapatibok ng mabilis sa puso ko. Shomay!!!!!

“What?”tanong niya. Anong isasagot ko?? Bakit ganyan nanaman ang treatment niya sa akin? Back to cold treatment? Parang may kumurot nanaman sa puso ko..

“A-e k-kasi, kakain na..” nauutal kong sabi tsaka ko tinuro kung saan yung dining area. Nakakahiya mang sabihin pero nakatingin parin ako sa kanya. Firm body.. Shomay talaga… Kainis ka Jesse!! Tigilan mo yan..

“What are you waiting for?” O-Em-Dyi.. Kahit nakataas ang kilay niya ang gwapo parin niya. Why are you like this Rob? Lalo akong napapaibig ng isang tulad mo….

Goodness Jesse!!! Stop this……

“Sorry.. Tara na…”Naglakad na ako  papunta sa dining. Wahh!!! Kabog ng kabog ang dibdib ko.. Alam kong sumusunod lang si Rob sa akin.

Nang makarating na kami, nakita kong naghihintay si Manang Nelia. Bakit hindi pa siya umupo tsaka nasaan sila Mang berto at Ofelia?

“Hi Young Master, Kain na kayo..” nakangiting bati ni Manang kay Rob pero nagnod lang si Rob kay Manang at umupo na sa upuan niya..

“Ahm, Manang kain na tayo.” Aya ko sa kanya tsaka ako umupo sa tabing upuan ni Rob…

Sa totoo lang, plinano ko na ito kanina.. Ganito talaga ako kapag kakain. Gusto ko may katabi ako. Ayaw ko naman sa harapan ni Rob dahil madidistract lang ako ng titig niya. Tsaka this time I will make him know na kahit hindi niya ako pansinin or mahalin at least I can be a good wife.. No! I can be a good friend..

“Ah mga anak, hindi muna ako sasabay sa inyo. May kailangan pa akong puntahan sa eskwelahan ni Ofelia. Si Mang Berto niyo e naghuhuli ng isda para sa inyo. Babalik din ako. Mauna na ako..” biglang umalis si Manang.. Wahh!!! Kami na lang talaga nandito??

Nakita kong bumuntong hininga si Rob. Parang hindi maganda ang timpla ng kanyang araw. Nako, Baka maging bad mood pa siya sa akin.. Pero sana.. Wag naman..

“Kain na tayo..” aya ko sa kanya.. 

Kinuha ko yung lalagyanan ng kanin at nagserve ako sa kanya… Halatang nabigla siya sa ginawa ko.. Ako naman e kinakabahan. Halata sa mga kamay kong nanginginig. Buti at hindi naman natapon yung laman kay Rob..

Sa peripheral vision ko, nakikita ko ang pagcrossarm niya ganun din ang pagtaas ng kilay. Nagtataka siguro kung bakit ko ginagawa ito sa kanya..

“A-anong gu-gusto mong ulam? Luto ko yang lahat. Wag kang mag-alala, walang lason yan.” Sabi ko sa kanya…. Pero wala siyang imik.. Go Jesse…! Wag kang kabahan.. Act normally. “Ah.. Ito na lang. Sweet ‘n Sour fish fillet. Si Manang Nelia nagturo sa akin paano magluto niyan…” ^____^ Kinuha ko na ang plate kung saan nilagay ni Manang yung food at nilagyan ang plato ni Rob…

Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko.. Pwede HEART!!! Mamaya na? Hindi ko tuloy marinig sinasabi ni Rob. Oo may sinasabi siya at di ko marinig dahil sa kabog ng dibdib ko or dahil bulong lang ginagawa niya?

Patuloy lang akong naglalagay ng pagkain sa kanya kahit hindi niya ako sinasagot pero napatigil ako nang sumigaw siya sa akin…

“I SAID STOP LADY!!!” sigaw niya sakin na nagpatigil sa buong sistema ko.. Nagagalit siya… Oo.. Galit siya.. Pero BAKIT???

Tumayo siya sa kinauupuan niya at tumingin sa akin ng nakakatakot… Pero pumikit siya at huminga ng malalim bago magsalita

“Why are you doing this?” Isang tanong niya lang pero bigla akong kinabahan.. “TELL ME! WHY ARE YOU DOING THESE THINGS?” paguulit niya sa tanong niya..

“Sss-sorry.. Gusto ko lang naman na pagsilbihan ka maski sa ganitong paraan lang..” nakayuko kong sabi..

“Why?” Mahinahon niyang tanong nanaman.. ANo ba Rob.. hindi pa ba obvious na gusto kitang pagsilbihan dahil gusto kitang makilala bilang kaibigan lang? i-set aside na natin ang salitang WIFE na yan.

“Alam kong ayaw mo sa akin kahit anong gawin ko. Pero gusto lang naman kitang pagsilbihan, makilala ka pa, at maging kaibigan… Maski hindi na pagiging asawa ang turing mo sa akin basta kaibigan okay na..” nakatungo kong sabi sa kanya.. Konti na lang malapit na akong mapaluha.. Nahihiya na ako sa sarili ko.. Oo baliw ako… Hindi ko man lang naisip ang mga ganito.. Nakakainis ka Jesse.. Isa kang bobo..

Oo bobo na kung bobo pero ayaw ko ng may galit sa akin. Kahit sino.. Hindi ako matatahimik maski wala akong mali. Basta wag lang may masamang loob sa akin kaya gusto kong maging kaibigan si Rob..

“What if I don’t want you to be my friend?” tanong nanaman niya… Goodness. Maski Friend ayaw? Ang choosy naman nito.. pasalamat siya pagsisilbihan na siya…

“Hindi ako titigil.. Maging kaibigan lang kita at hindi ka na magalit sa akin..” pagpupumilit ko…….

Bigla siyang natawa sa sinabi ko.. Anong nakakatawa????? Nabwibwiset nanaman ako.. Pipilitin ko lang ngayon na hindi…….. Easy Jesse…

“Do whatever you want Lady.. Pffftttt.. Mapapagod ka lang…” bigla akong napatigil at napa-pout.. Hindi ko hilig mag-pout pero biglang nalungkot ako.. Maski masayang ang effort ko kahit mapagod

ako, pipilitin kong hindi sumuko…..

-------> itutuloy...

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!