Ika-17 na Kabanata

466 9 0

Jesse's POV

Hindi totoo ang nakikita ko diba? Hindi to totoo, Panaginip lang to!!!!... Kumurap-kurap ako at pinisil ang pisngi ko.. Shocks!! hindi ako nananaginip... SIya nga!!! Ano ba naman ang suot niya??? Ang suot niya lang ay tuwalya. Half naked.. Makikita mo pa ang tumutulong tubig mula sa kanyang buhok dahil sa bagong ligo lang siya.. Eh??? Ano bang gagawin ko?

"Ehem! What are you doing?" nagsalita na siya!. Patay!!! Tumayo ako bigla at tumalikod. 

"A-----ehhhh-------" goodness Jesse, magsalita ka. defend yourself. baka ano pa ang iniisip ng lalaking nasa likod mo.. "...Sorry, mali yata yung kwartong napasukan ko.. Aalis na ako... Sorry talaga.." humarap ako sa kanya na nakayuko.. Naku Jesse, wag kang mahulog sa tukso at magkasala ka pa...

Dali-dali akong naglakad patungo sa pinto para umalis na sa kwarto pero hinawakan niya ang braso ko upang pigilan.

"Where are you going?" napatigil naman ako. Pero salamat at nakatalikod ako..

"A----ehh--- sa kwarto ko?" sabi ko sa kanya... pero napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang sumunod niyang sinabi..

"This is your room...." napatingin ako sa mga mata niya, "..I mean, our room." nanlaki ang mga mata ko. O.O Hindi totoo yan.. Inalis ko ang pagkahawak niya sa aking braso...

"Hi-hi-hindi ppppwede!!" tumaas ang boses ko...

"Pffffftttt. Hahaha" Nagpipigil siya pero di na niya napigilan. Nagpamewang ako..

"Anong tinatawa mo diyan??!" tanong ko sa kanya pero naiirita na ako sa kanya.. Badtrip to a...

"Nothing.. Bakit ka pa na-surprise e, mag-asawa naman na tayo diba?" Shoot.. lumalapit siya sa akin. Umatras ako para hindi niya ako malapitan..

"Huwag kang lalapit!!!!" Sigaw ko sa kanya.. pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa ma-corner niya ako sa pintuan. Lord!!! ?Help me...

"This is my house. Katulad ng sinabi ko sayo kanina, ako ang masusunod dito." seryoso ang kanyang mukha. No! Please....

Hinawakan niya ang mukha ko at nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Di ako makagalaw... Kapag gumalaw ako, maaaring mangyari ang hindi ko gustong mangyari.. Ayaw kong mapunta sa kanya ang first kiss ko.. NEVER!!!!

Hinawakan ko ang bibig ko para takpan.. Nakatingin pa rin siya sa mga mata ko.. Grabe, bakit nakakatunaw ang kanyang mga tingin??? Nakakaramdam na ako ng kaba.. Sobrang kaba... Itigil mo na ito please....

"Pfffffftttt" tumawa na naman siya. Kelan ba siya titigil?? "..Bakit mo tinakpan ang bibig mo? Do you think I'll kiss you or dahil you are afraid because it will be your first kiss?" nakangisi siyang tinatanong sa akin ito.. Buti na lang at medyo lumayo ang mukha niya sa akin..

Nanginginig ang buong katawan ko.. UGH! nakakainis siya!!.. Hindi siya mabait Jesse. He's a bad man.. Oo gwapo siya pero hindi gwapo ang ugali..

"Lumayo ka nga sa akin!!!!!" Itinulak ko siya.. Shoot!! nahawakan ko ang kanyang dibdib.. Ang macho niya.. Jesse... Wag kang masilaw sa maganda niyang katawan.. Alalahanin mong masama siyang tao...

Hinawakan ko na ang doorknob at bubuksan na sana ang pinto kaya lang pinigilan nanaman niya ako. badtrip!!!!. Hinawakan na niya ang braso ko ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.. Anong gagawin niya??

"Bitawan mo nga ako!!!" pilit kong tinatanggal ang kanyang kamay sa braso ko pero malakas siya... Natatakot na ako sa pwedeng mangyari.. Ano bang balak niya?? Lakasan mo ang loob mo Jesse wag kang matakot...

Pilit ko mang sinasabi sa sarili kong magpakalakas pero ang mga mata ko ay hindi sumusunod.. Namumuo na ang luha sa gilid ng mata ko.. Please wag muna... Mamaya na lang kapag hindi ko na siya kaharap. Kailangan kong maging malakas para hindi niya ako maloko..

"Please... Bitawan mo ako..." nagmamakaawa na ako sa kanya pero imbes na bitawan ako dinala pa niya ako sa kama... Tinulak niya ako at lumapit sa akin...

"I have the rights to do this dahil asawa na kita.. Pumayag ka naman na magpakasal diba?" bulong niya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko... Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko siya kayang pigilan..

"Parang awa mo na itigil mo na yan..." ibinulong ko sa kanya. Nanghihina na ako at nanginginig. Tuluyan ng lumabas sa aking mga mata ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

 

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!