Oh Sehun's Child

By dyonn1e

701K 23.1K 7.2K

Oh Sehun has two secrets: one was he had never been single in his entire idol career as opposed to what the w... More

prelude
intro
01
02.
03.
feel d' fury
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
shameful promotion
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.

13.

15.5K 563 213
By dyonn1e

twelve.

"Wait," sabi mo tsaka ka tumigil sa paglalakad. Kinuha mo ang kamay mo na hawak hawak ko. Tinignan kita ng nagtataka. "Bitiwan mo na lang yung kamay ko tapos alisin mo na 'yang face mask mo."

  
"Bakit mo gustong tanggalin ko? Kasi hindi mo nakikita yung poging mukha ko?" tanong ko sa'yo at ngumisi ako kahit na hindi mo nakikita.

   
"Tigilan mo 'ko. Pogi ka nga, pabo naman. Tss," sagot mo tsaka mo 'ko inirapan. Tumawa ako ng mahina tsaka tinanggal yung face mask. Inabot ko sa kanya yung face mask at nag-bow. "Ayan na po mahal na mahal kong Nite, ikaw na po ang maghawak para sigurado ka po."

  
Tumawa ka at kinuha yung face mask. "Sus, kunwari ka pa. Binibigay mo lang sa'kin kasi ayaw mong maghawak eh," sagot mo at natawa ako. Tama ka kasi.

   
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. Alam kong sinusundan mo 'ko. "Dito ka lang sa likod ko. 'Wag kang aalis ha? 'Wag ka ring titingin sa iba. Maraming poging trainees dito."

   
Narinig kong tumawa ka ulit. "Natatakot ka?"

  
Tumigil ako sa paglalakad sandali at nilingon ka ng naka-kunot ang noo. "Hindi," huminto ako. "Mas pogi ako."

   
Tinakpan mo ang bibig mo at pinigilan ang sarili sa pagtawa. Tumango tango ka at tinulak na lang ako na para bang pinapatuloy mo na yung lakad ko. Kinindatan muna kita bago nagpatuloy.

   
Tsk. Kilig ka na naman?

    
Habang naglalakad tayo ay binabati ako ng ibang trainees. Nakakatuwa kasi sunbae na rin ang tawag nila sa'kin. Naalala ko tuloy yung mga panahon na isa pa ako sa kanila at binabati ko rin ang mga sunbae ko. Yung mga panahon na nagagawa ko pa ng malaya yung gusto ko. Yung nakikita pa kita hanggang kelan ko gusto.

    
Minsan gusto kong bumalik na lang sa mga panahon na yun. Pero kasi, naisip ko na... kahit gaano pa kasaya o kalungkot yung nakaraan, mas gugustuhin ko pa ring manatili sa kung nasaan ako ngayon at ipagpapatuloy ang nasimulan ko kasama sila hyung.

    
Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa mo sa likod ko. Siguro nao-awkward-an ka. Sorry kung dito pa kita kailangang dalhin. Tama ka naman kasi. Pwede namang sa dorm na lang pero pinagpilitan ko pa rin.

   
Nang makarating tayo sa hallway ng floor ng practice room namin, bigla akong kinabahan. Ito na naman yung feeling. Kinakabahan na naman ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa ipapakilala na kita, o dahil sa walang tao na dumadaan ngayon dito sa hallway, o baka may iba pa.

   
"Oh, san na tayo? Bakit ka tumigil sa paglalakad? Naligaw ka na—" naputol ang sasabihin mo ng hawakan ko ang kanang kamay mo habang diretsong nakatingin sa harap. Dahan-dahan kong tinaas yung kamay mo na hawak hawak ko at hinalikan yung likod ng palad mo.

    
Matipid na nginitian kita. "Tara?" pag-aya ko sa'yo at saka natin pinagpatuloy ang paglalakad. Wala ka na sa likod ko. Nagpatuloy tayo sa paglalakad ng sabay at magkahawak ang kamay.

   
Habang papalapit na tayo ng palapit sa practice room ay mas lalong bumibilis yung tibok ng puso ko. Hala, Nite. Kinakabahan ako.

    
"Hindi ako kinakabahan," sambit mo pero parang pagkukumbinsi sa sarili mo ang ginagawa mo. Natawa ako. "Okay, sige. Sabi mo eh."

   
Nang nasa tapat na tayo ng practice room namin at nang bubuksan ko na yung pinto ay nakarinig ako ng sigaw galing kay Manager hyung na nagpatigil sa akin. Sa atin.

   
"Napag-kasunduan na nating lahat 'to, hindi ba? Hangga't maaari ay hindi kayo papasok sa isang relasyon. Akala ko ba malinaw na sa'ting lahat 'yon?!"

   
Naramdaman kong pilit mong tinatanggal ang kamay mo sa pagkakahawak ko pero mas lalo kong hinigpitan ang hawak. Hindi. 'Wag munang bibitaw.

    
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Huminga ako ng malalim at hindi nagsalita. Rinig pa rin natin ang mga salitang binibitawan ni Manager hyung mula rito. "Pero ano 'to? Bakit ganito? Ha, Baekhyun?"

   
Napa-angat ang ulo ko sa narinig. Si Baekhyun hyung? Ano'ng meron?

    
Narinig natin na naging mahinahon ang boses ni Manager hyung sa susunod na sinabi. "Alam mo ba kung ano'ng klaseng problema yung maidudulot ngrelasyon niyo ni Taeyeon sa career niyo? Mo? Ng mga fans niyo? Sa isang magazine pa namin nalaman. Paano kung nilabas na nila 'to nang hindi tayo kinunsulta? Paano kung ano'ng gawin ng mga nakatataas dito sa issue na 'to? Baekhyun-"

      
Hindi ko na naintindihan yung ibang sinabi ni Manager hyung. Para akong sinasaksak ng katotohanan na makakasama sa amin ang pagpasok sa isang relasyon. Si Baekhyun hyung ang kausap niya pero tamang tama ako. Papaano nga namang hindi? Sumusuway din naman kasi ako.

  
At si hyung. . . hindi ko inaasahan na may namamagitan sa kanila ni Taeyeon noona. At kelan pa?

   
Ano na namang nangyayari sa grupo namin? Panibagong pagsubok na naman? Pero bakit parang sunod-sunod naman. Bakit parang palagi akong hindi handa?

   
Naramadaman ko ang marahan na pag-bawi mo sa kamay mo. Nilingon kita ng nag-aalala at matipid na nginitian mo lang ako. Ibubuka ko na sana yung bibig ko pero inunahan mo ako sa pagsasalita. "I guess you can't introduce me today. Probably not tomorrow. And not the day after."

  
"Nite. . ." sambit ko. Yumuko ako. Bakit ko ba kasi pinagpilitan ngayon? Ngayon, kailangan mo pang malungkot ng ganito. Alam kong nalulungkot ka. Tapos ako yung dahilan.

   
Humakbang ka papalapit sa akin at marahang hinaplos ang tenga ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang malungkot na mata mo. "Okay lang. Okay pa. Kaya pa natin, 'di ba?"

   
Tumango ako. Oo. Kaya pa natin 'to.

  
"See? Alam nating dalawa na kaya pa natin. At kaya niyo pa rin ng grupo mo," pahayag mo. "Uuwi na 'ko."

   
Tumingkayad ka at binigyan ako ng halik sa pisngi at niyakap ako ng sandali. Niyakap kita bilang ganti. "'Wag muna," bulong ko at mabilis na pinagpatuloy ang sasabihin ko bago ka pa sumagot. "Samahan mo 'ko sa loob."

   
Bumuntong hininga ka. "May problema kayo at nakaka-bastos para sa kanila kung may makikinig na iba."

   
"Sige na, please? Nite. . ." Tinignan kita ng nakikiusap. Sige na, pumayag ka na. Kahit hindi na muna kita ipakilala bilang girlfriend ko. Basta gusto ko katabi lang kita. Ang corny pero, ikaw kasi yung nagpapalakas sa'kin. At kailangan ko ngayon yun. "Sa tingin ko kasi kailangan kita dun. Hindi ko kasi alam kung ano yung mukhang ihaharap ko sa kanila. Kay manager hyung. Kay Baekhyun hyung. Nagui-guilty ako dahil alam ko na dapat din akong pagalitan ni hyung dahil sumuway din ako, pero eto. Itatago at tinatago pa rin natin."

   
Nahalata kong kinagat mo ang loob ng pisngi mo. Tanda na nagiisip ka ng malalim.

   
"Tsk. Naman eh," Naka-simangot na sabi mo. "Hindi mo ba alam kung gaano ka-uncomfortable ng ganito? Una, girlfriend mo 'ko pero kailangan nating itago. Pangalawa, fan ako at nakakalungkot isipin na nagkakagulo yung mga iniidolo ko at masasaksihan ko."

   
Matipid na napa-ngiti ako. "Payag ka na?" tanong ko at tinaas baba yung kilay ko.

  
Napa-roll eyes ka, nilagay sa bulsa yung dalawang kamay mo at huminga ng malalim. "May magagawa pa ba 'ko? Eh pasimple kang nagae-aegyo."

   
Sus. Hindi naman ako nagae-aegyo.

   
Tinaasan kita ng kilay at ngumiti lalo. "Hindi naman. Normal ko 'to. Normal na pogi ako."

    
Narinig pa kitang bumulong ng 'Asa naman' habang naka-taas ang kilay sa akin. Hinila kita papalapit sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo mo. Inakbayan kita at nilagay mo ang kaliwang kamay mo sa bewang ko. Hinawakan ko na ang doorknob at bubuksan na sana 'to pero narinig kitang magsalita.

   
"Papasok tayo ng naka-ganito?" tanong mo. Dun ko lang din napag-tanto na ang sweet pala ng itsura natin. Bumingisngis na lang ako at tinanggal ang pagkaka-akbay sa'yo. Tinanggal mo na rin yung hawak mo sa bewang ko.

   
Huminga ako ng malalim. "Kaya pa, 'di ba?"

    
"Kaya pa 'yan!" sagot mo at saka ko binuksan ang pinto.

   
Bumungad sa'kin sila hyung. Kumpul-kumpulan sa gitna ng kwarto at naka-yuko. Si Manager hyung lang at Suho hyung ang nakatayo. Nasa likod si Baekhyun hyung at siya lang ang may lakas ng loob na tumingin ng diretso kila manager hyung. Si Suho hyung naman, walang reaksyon ang mukha. Pagbukas ko ng pinto ay agad na napatingin sila sa akin. Napansin ko pa si Chanyeol hyung na nanlaki ang mga mata nang makita ka niya sa likod ko.

   
"Bakit ngayon ka lang?" bungad ni Manager hyung sa akin. Narinig pa kitang napa-hinga ng malalim. "Sino 'yan?"

    
"Ah, hyung—" magpi-prisinta pa sana si Chanyeol hyung na magpaliwanag pero tinignan ata siya ni Manager hyung na para bang pinapatigil.

   
Napa-lunok ako ng sarili kong kaway. "Sinamahan ko siya," panimula ko at tinuro ka. Hinila kita hanggang sa magka-pantay na tayo. "Siya si Nite," napansin kong parang kinakabahan si Chanyeol hyung sa susunod na sasabihin ko. Kung paano ko siya ipapakilala. "Kababata ko."

  
Hindi. Hindi ko pa pala talaga kayang sabihin ngayon.

   
Nag-bow ka at binati sila.

   
"Wala siyang kasama kahapon dahil umalis yung pamilya niya kaya binilin muna siya sa'kin. Hindi ko siya maiwan sa bahay kanina dahil aalis din sila umma kaya sinama ko na lang siya," napa-lunok ulit ako. Alam ko rin na palihim mo akong sinasamaan ng tingin dahil tinuturing na naman kitang bata. "O. . .okay lang naman, hyung, 'di ba?"

   
Tumango si Manager hyung. "Oo. Pero may pinaguusapan tayo kaya pwede bang dun muna siya sa sofa sa dulo?" pakiusap ni hyung. Mabilis na tumango ka at naglakad papunta dun pero agad kitang napigilan. "Pwedeng sa tabi ko na lang siya?"

   
Pinanlakihan mo ako ng mata pero hindi kita pinansin Tumingin sila hyung sa'yo. "Kung okay lang sa kanya."

  
Tumango ako at hinila ka na. Kinuha ko yung headphones ni Luhan hyung sa isang tabi at sumenyas na hihiramin ko sa kanya 'to at pumayag naman siya. Hinila ulit kita at tinapik ni Chanyeol hyung yung gilid niya. Dun tayo naupo.

   
"Hi Nite-ssi." bati ni Chanyeol hyung sa'yo. "Hello H
Chanyeol oppa." bati mo pabalik. Nginitian ka naman nila hyung na nasa harap natin at nginitian mo rin sila.

   
Sorry dahil sa ganitong panahon mo pa sila nakilala.

   
Isusuot ko na sana sa'yo yung headphones para hindi mo marinig at hindi ka ma-awkward-an sa paligid mo pero baka makahalata sila hyung. Kaya inabot ko na lang sa'yo at sinabing suotin mo. Tahimik na sinunod mo naman at yumuko. Naka-tupi yung legs mo at naka-patong yung dalawang braso mo tsaka naka-yuko ka at ginawang unan yung braso mo.

   
Nang mabalik na yung tensyon, akala ko si Manager hyung ang magsasalita pero nagulat ako nang si Suho hyung ang magtanong. "Kelan pa 'to Baekhyun?"

   
Tahimik na naghintay kami ng sagot. Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam. Kung mas matagal na ba akong sumusuway o mas matagal pa rin si Baekhyun hyung.

   
Matagal pa kaming nanahimik hanggang sa sumagot si Baekhyun hyung.

   
"Magpi-pitong buwan na. Hyung."

   
Lahat sila ay nagtinginan kay Baekhyun hyung bukod sa'kin. Nanlambot ako sa narinig ko. Mas matagal tayo. Mas matagal akong nagtatago. Ako yung dapat na nasa lugar ni Baekhyun hyung. Ako yung dapat na umaamin. Sa akin dapat sila galit.

   
Nakita kong mapait ngumisi si suho hyung. "Magpi-pitong buwan. Magpi-pitong buwan at wala kaming alam."

   
"Hindi ko sinasadya, hyung." tahimik na sagot ni Baekhyun hyung. Tumingin ako sa kanya at nakita kong namumula na siya sa kakapigil niya sa pagiyak.

  
Hindi ko rin sinasadya, hyung. Hindi ko rin sinasadyang nagmamahal ako.

   
Pilit na tumawa si suho hyung at yumuko. Hinilot niya yung ilong niya at umiling iling. "Ano na naman ba'ng nangyayari? Babagsak na naman ba tayo?" sambit ni Suho hyung na kinapos pa sa boses ng sandali.

   
Pagkasabi nun ni hyung ay biglang bumagsak ang luha ni Baekhyun hyung.

   
"Sorry," Naaawang tinignan ko si hyung. Namumula si Baekhyun hyung at tuloy tuloy ang pagpunas sa luha pero tuloy tuloy din yung pagbagsak.

   
Kanina pa sinusubukan ni hyung na maging matatag. Na umaktong malakas. Na hindi siya natatakot. Pero hindi niya kinaya. "Sorry. Sorry."

   
Napayuko ako at tinigasan yung kamao ko.

  
"Sorry. Hyung," patuloy lang sa paghingi ng tawad si Baekhyun hyung habang umiiyak.

   
"Mahal ko si Taeyeon."

   
Napa-pikit ako sa narinig. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko. Hindi ko magawang magalit kay Baekhyun hyung dahil alam kong parehas lang kami. Nagmahal kami.

   
Pero bilib ako kay Baekhyun hyung. Kasi may lakas ng loob siyang sabihin yung nararamdaman niya. Na matapang siya dahil hinarap niya yung magiging outcome ng pag-amin niya.

    
They say Baekhyun hyung is fearless. No. He's not. He has fears. He's just tough enough to face it.

    
Unlike me.

   
-----------------------

   
sorry for the miserable reality. and for the miserable errors and a miserable chapter. i didn't reread this. can i share a thought in the next chapter?

Continue Reading

You'll Also Like

260K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
19.4K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
190K 5.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...