My Wacky Girlfriend (Complete...

By mharizt

1.4M 21.7K 4.5K

In a world where they're all trained to be the next business tycoons of the country, Sky Anderson met Ynna Pa... More

Prologue
Chapter 1 - Janina's Dream
Chapter 2 - The Offer
Chapter 3 - Meeting Sky
Chapter 4 - First Day
Chapter 5.1 - Zero
Chapter 5.2 - Contract
Chapter 6.1 - Boyfriend
Chapter 6.2 - Hold Up
Chapter 6.3 - Missions
Chapter 7 - Phone Call
Chapter 8.2 - Buffet
Chapter 9 - Almost Kiss
Chapter 10 - Liplocked
Chapter 11 - FHM
Chapter 12 - I Had Fun
Chapter 13 - Hero
Chapter 14 - Honesty
Chapter 15.1 - Let's Party
Chapter 15.2 - Real Thing
Chapter 16 - Revelations
Chapter 17 - Perfect Wife
Chapter 18 - Quicksand
Chapter 19 - Catch Me
Chapter 20 - Ice Cream
Chapter 21 - Serious
Chapter 22 - Pageant
Chapter 23 - Worth It
Chapter 24 - Risked
Chapter 25 - Superwoman
Chapter 26 - Respect
Chapter 27 - Good or Bad
Chapter 28 - Traitor
Chapter 29 - Blackmailed
Chapter 30 - Chained
Chapter 31 - Game Over
Chapter 32 - NYC
Chapter 33 - Mine
Chapter 34 - So Dead
Chapter 35 - Threats
Chapter 36 - WTH
Chapter 37 - Stalker
Chapter 38 - Bullied
Chapter 39 - Slowly
Chapter 40 - Note
Chapter 41 - 50%
Chapter 42 - Bad Luck
Chapter 43 - Pride
Chapter 44 - Save
Chapter 45 - BTW
Chapter 46 - Thrill
Chapter 47 - Last Card
Chapter 48 - Weird
Chapter 49 - Voice
Chapter 50 - Picture
Chapter 51 - Us
Chapter 52 - Dream
Chapter 53 - Purpose
Chapter 54 - Gift
Chapter 55 - English
Chapter 56 - Fall
Chapter 57 - BTW2
Chapter 58 - Sleep
Chapter 59 - Day
Chapter 60 - End
Epilogue

Chapter 8.1 - The Game

20.6K 308 13
By mharizt

[5th Floor - Millenium Heights Condominium]

Tulad noon, nasa labas nanaman ng kwarto ko si Sky na naghihintay sa akin na matapos ayusan ni Shibama para naman ihatid niya ako at sabay kaming pumasok sa ECB. Medyo nasasanay na rin ako sa ganito kaya hindi ko na rin inaaway pa si Sky. Kung gusto niya akong ihatid ng ihatid. Edi bahala siya. Siya rin naman ang mapapagod eh.

Ngayon na ang volleyball game ko na kalaban ang grupo nila Farrah na tinatawag na Centuria.

Nag-aanounce din sa website ng ECB na hindi na muna kami magkakaroon ng klase ngayon upang magbigay daan sa magaganap na laro kaya naman ay pwede na kaming pumasok sa school ng naka jersey na agad. Nakakatakot kasi parang manunuod talaga ang buong school sa laro. Bakit nila kailangan alisin lahat ng mga klase?

Ganun ba talaga kaimportante sa kanila ang laban ng Centuria at Royals? 

Iniisip ko palang ang mga pwedeng mangyari ay kinikilabutan na ako.

Diyos ko, kayo na po ang bahala sa akin.

Pero syempre ay inayusan pa din ako ni Shibama kasi hindi naman niya alam na may laro ako ngayon. Kaya naman naka make-up pa rin ako at naka kikay pink dress at wedges.

Palihim ko nalang itinago sa bag ko ang jersey na binigay sa amin noon, mga gamit sa paglalaro ng volleyball at rubber shoes para magpalit nalang ako mamaya kapag hindi na nakikita ni Shibama. Parang ang sama ko kay Shibama kasi naglilihim ako sa kanya pero wala na akong magagawa kung hindi panindigan ito dahil kung ngayon pa ako aamin ay wala na ring oras para makapaghanda. At bukod pa doon ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Shibama kapag nalaman niya na nagsinungaling ako sa kanya. Malay ko ba kung may pagka-Sky siya at nagiging incredible hulk din? Mahirap na. 

Paglabas ko ng kwarto ay biglang sumigaw naman ng malakas itong si Sky! Panira talaga!

"Why are you weari--Mmph!"

Tinakpan ko agad ang bibig ni Sky kasi baka malaman ni Shibama na may laro ngayon at dapat naka jersey akong papasok sa school.

Hinila ko na si Sky hanggang sa labas ng condo at iniwan na namin si Shibama sa loob. Nakita kong medyo nagtataka so Shibama sa ikinilos ko pero nag-aprub ako sa kanya bilang simbolo na okay lang ang lahat. Tumango naman siya sa akin at ngumiti kaya naman sama napaniwala ko siya doon. Kasi ang totoo, walang okay.

Lahat ng nangyayari ay hindi okay. 

"What the hell? Why did you do that? And why are you wearing that?"

Binungad sa akin ni Sky ang napakarami niyang tanong nang nakalabas na kami sa buong condominium. Kanina ko pa pala kasi hawak ang bibig niya. Kung hindi pa niya hinawi ang kamay ko ay baka hawak ko ang bibig niya hanggang makarating kami sa ECB. Haha. 

"Eh kasi ang ingay mo!"

"Bakit naman ako maingay?"

"Tss! Di mo ba talaga nagegets?"

"Ang alin?"

"Wow! Slow ka pala, Sky!"

"What the fu--"

"Ginagawa ko 'to para sayo! Para sa UTOS mo sa akin."

"The hell?"

"Hindi nga kasi alam ni Shibama na may laro ako ngayon kaya binihisan pa rin niya ako ng ganito. Kasi kapag nalaman ni Shibama ay siguradong itratrain niya ako para manalo. Pero since sinabi mo na magpatalo ako, edi hindi ko sinabi sa kanya para wala akong training. Okay? Malinaw na ba?"

Nakita kong natahimik si Sky sa sinabi ko.

Parang medyo naaawa yata siya?

Pero sandali lang yung itsura niyang mukhang naaawa sa akin. Nagpalit ulit siya ng reaksyon. Yung reaksyon na parang batong walang puso.

Oo. Yun na ang reaksyon niya ngayon. Pagkatapos ng ilang minuto ay saka lang siya nakapagsalita ulit.

"O-okay.."

"Teka, ano ba yang hawak mo?" Tanong ko sa kanya. Meron kasi siyang hawak na parang lunchbox.

"Pagkain mo." Sinabi niya na para bang wala siyang pakialam.

"H-ha? Sa akin?" Wow.

"Oo. Hindi ba one month kitang dapat pakainin ng maayos sa nutrition activity? Halos nalimutan ko na nga din eh. Pero ngayon, gagawin na natin ang assignment natin. Ito ang kakainin mo ngayon."

"Ano ba yan?" Kikiligin na ba ako? Ahihihi.

Umupo kami sa park ng ECB at binuksan ni Sky ang lunchbox niya. Laman nito ay isang pirasong wheat bread na mukhang luma na at mukha pang matigas at gulay na mukhang lantang lanta na. 

"ITO LANG?!" Napasigaw ako. Kikiligin na sana ako eh.

ERASE.

Pero nakakasakit naman sa damdamin na ito lang ang ipapakain niya sa akin. Wala pa nga akong breakfast eh! Tapos ito ibubungad niya! Gutom na gutom na pa naman ako. 

"Oo." Matigas niyang sinabi.

"Nakikita mo bang ang payat payat ko na? Dapat madami kang pinapakain sa akin. Gutom na gutom na pa naman ako tapos ito lang?!"

"Just shut up and eat."

"Ang sama mo, Sky."

"Tss. Sinisigurado ko lang na manghihina ka at matatalo ka mamaya."

Parang kumirot naman ang puso ko sa sinabi niya. Yun pala ang dahilan kaya may pagkain siya ngayon. Kikiligin na sana ako eh. Pero oo nga pala, kay Farrah pa rin naman talaga umiikot ang buhay niya. Asa pa ako na mag eeffort siya na bigyan ako eh galit na galit nga sila ni Farrah sa akin.

"Oo nga naman." Malungkot kong sinabi. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot.

Kinain ko ng mabilis ang pagkain na binigay sa akin ni Sky. Nakatingin lang siya sa akin habang kinakain ko ito. Parang wala siyang emosyon. Wala siyang konsensya. Nakakainis talaga siya! Ang sama sama niya! Pasabugin ko mukha niya eh! Bagay na bagay talaga sa kanya yung ringtone ko sa kanya! Kapal! 

"Magbibihis na ako." Tumayo ako palayo sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero bakit may luhang tumulo sa mga mata ko? Dali dali ko itong pinunasan.

Nababaliw na talaga ako.

Ibang klase ang epekto ng Maynila.

Ano ba itong nangyayari sa akin?

***

[Girl's Locker Room]

Nakasuot ako ng jersey na may number '16' at apelyidong 'Fortaleza' sa likuran. Kulay pink at black ito kaya naman pati medyas, rubber shoes, knee pads, hair bands at hair ties ko ay pink and black din. Habang naghahanap ako kanina ay ito lang ang mga nakita kong kulay eh. Siguro si Janina ay talagang pinapares pares niya ang mga kulay ng accessories niya sa damit niya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakitang medyo namamaga pa ang mata ko dahil sa pagluha ko kanina sa hindi malamang dahilan. Mukha tuloy akong inaway.

Ang pangit ko na. Huhu.

Sinimulan ko nalang taliin ang aking buhok. Pero bago ko pa matapos ang pagaayos ng aking buhok ay biglang may humila nito.

"ARAY!" Napasigaw ako.

"You bitch!!!"

Sinalubong ako ng isang galit na galit na babaeng naka green jersey mula sa grupo ng 'Centuria' volleyball team.

Si Farrah.

"Aray Farrah! Bakit mo ko sinasabunutan?!!!" Pasigaw ko ulit na tanong.

"How dare you!!! Get your hands off Sky!" Patuloy pa din siya sa pagsabunot sa akin. Ang lakas niya. Ang sakit!

"Ano ba! Nasasaktan ako!"

"Oh poor poor lady! Are you crying? So paawa effect ka na pala ngayon? Nice try! Pero hindi bagay!"

"Ano bang problema mo sa akin ha?!" Ramdam ko na tumulo nanaman ang luha ko. Kainis! Bakit ba kasi ang babaw ng luha ko?!

"IKAW! Lahat ng lalaking minamahal ko inaagaw mo sa akin!"

"Ha?! Eh di ba boyfriend mo si Dave!"

"Huwag na huwag mong gagalawin si Dave kundi magkakamatayan tayo! At si Sky, hindi ka mahal non! Ako ang mahal niya!"

"Wala kang pakialam!"

"Fuck off bitch, sa laban natin mamaya malalaman kung sino ang mas magaling sa atin."

Sinampal ni Farrah sa mukha ko ang mga buhok ko na hawak niya kanina sabay alis ng girl's locker room. Hindi ko alam na kanina pa pala ako umiiyak.

Ano ba tong nangyayari sa akin?

At ano bang kinagagalit mo Farrah?

Ang alam ko ay mahal niya si Dave. Yun yung narinig ko sa telepono kahapon. Eh sila naman ni Dave ngayon kaya bakit siya nagagalit sa akin?

Mahal din ba niya si Sky?

Gusto niya sa kanya ni Dave at Sky?

At pumapayag naman si Sky na dalawa sila ni Dave?

Kaya ba magsakama sila kahapon?

Eh bakit pa ko nila dinadamay sa mga gulo nila?

HAYST!!!

Hindi ko talaga maintindihan.

Pinunasan ko nalang ang luha ko at itinali muli ang buhok ko. Pinilit kong ngumiti muna sa sarili ko sasalamin bago ako umalis sa girl's locker room at tuluyan nang pumunta at pumasok sa gym.

Kaya mo 'to, Ynna.

***

"And for our first game, it is The Royals vs Centuria!" Sigaw ng announcer.

Ngayon ko lang nakita kung sino ang mga team mates ko. Si Debbie at Karen lang ang kilala ko. Yung iba, ngayon ko lang sila talaga nakita pero tulad nila Debbie at Karen ay ramdam ko ang respeto nila sa akin tuwing dumadaan ako.

Narinig ko naman ang mga panauhin sa gym na nag cheecheer sa dalawang magkaibang grupo.

"Go Royals!!!"

"For sure Royals nanaman ang mananalo!"

"Sobrang bulok kaya maglaro ng mga Centuria!"

"Oo nga laging 2nd place lang ang Centuria!"

"Sobrang galing kasi ni Ynna!"

"Tama!"

"Let's go Royals!!!!"

"Let's go Ynna!!!"

Inikot ko ang tingin ko sa buong gym at nakita ko si Sky na nakatingin kay Farrah at nakangiti. Sa kabilang dulo naman ay nakita ko si Dave na nakatingin sa direksyon ko. Ang mga mata niya ang madilim at parang... namimiss niya ako?

Namimiss nga ba niya si Janina?

Bakit parang may nagsasabi sa akin na ginagamit lang niya si Farrah? Kaya ba galit na galit sa akin si Farrah kanina? Hindi ba yun dahil kay Sky? Dahil kaya yun kay Dave?

"Girl! The game's about to start! Let's go!"

Hinila ako ni Karen papunta sa ring. Kanina pa pala ako nakatulala sa audience kung saan naroon si Sky at Dave. Girl tulaley ang peg ko kanina. Tss.

Pinapasok na ako ng coach namin sa ring. Pagpasok ko sa ring ay nagtilian na lahat ng mga estudyante sabay taas ng kani-kanilang banners sa kung sinong grupo ba ang kanilang gusto. Karamihan ng banners na nakikita ko halos pabor lahat sa team ko. Patay.

At oo nga naman, syempre kasama ako dun sa first five. Ako si Janina eh. Tss.

Bahala na.

"Let the first round... BEGIN!"

Bigla nalang akong nakakita ng bolang lumilipad na sa ere! Hala!

Anong gagawin ko?! 

Waaaah!

"Mine!"

"Mine!"

"Mine!"

Ano bang sinasabi nila? Bakit sila mine ng mine?

Nakatayo lang ako dito sa gitna ng ring na parang tanga.

"Mine!"

"Mine!"

"Mine!"

Umm. Kailangan ko ba silang gayahin? Mag-mine mine mine na din ba ako? Hala! eto na nga bang kinakatakot ko eh. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Mine"

"Mine"

"Mine"

Waaaah!

Natatakot ako sa bola! Ang bilis nito! Hindi man lang siya napupunta sa sahig! Ang galing naman!

"Ynna dear! What's wrong? Bakit hindi mo sinasalo?" - Debbie

"Mine"

"Oo nga girl! What's the problem?" - Karen

"Mine"

"Ah.. Masama kasi pakiramdam ko." Sabi ko. Palusot.

"Mine"

"Gusto mo mag sub?" - Debbie

"Mine"

"Sub?" Pag-ulit ko. Ano ba kasi yun?

"Mine"

"Yup! You want?" - Karen

"Mine"

"Ha? Ano ba yu-- booooogsh!"

Biglang naging black ang buong paligid.

Lord, kinuha mo na ba ako?

Huwag po!!!

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
527 387 85
[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di...
31.2K 1.2K 41
"It's easy to say that you're willing to love a person not until the day you've seen her capability to destroy everything around her.... including yo...
111K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.