ICE PRINCESS MEETS HER ICE PR...

By ELLEcray

524K 8.1K 369

THIS IS A WORK OF FICTION. kung may Makita or mabasa man kayong sa tingin niyo katulad ng sa iba. sarili ko... More

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE
CHAPTER 1 : INTRODUCTION
CHAPTER 2 : AT THE BALL
CHAPTER 3 : PANYO
CHAPTER 4 : NEW FRIEND :-)
CHAPTER 5 : DATE SA MALL
CHAPTER 6 : SHE'S DIFFERENT
CHAPTER 7 : IM OFFICIALLY COURTING YOU MISS LIM
CHAPTER 8 : CLIFF
CHAPTER 9 : *UBO*
CHAPTER 10 : HE'S DYING
CHAPTER 11 : DIAMOND
CHAPTER 12 : BLOODY LIPS
CHAPTER 13 : GRADUATION DAY...........
CHAPTER 14 : the best gift
CHAPTER 15 : angel keychain
CHAPTER 15.5 : oras na niya?
CHAPTER 16: the promise
CHAPTER 17: forever and always
CHAPTER 18: he's gone
CHAPTER 19: panaginip
CHAPTER 20: FIRST ENCOUNTER WITH THE ICE PRINCE
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: the secret
CHAPTER 24: debut
CHAPTER 25: the dark side
CHAPTER 26: THE ACCIDENT
CHAPTER 27: I LOST MY LIFE
CHAPTER 28: SLIPPED AWAY
CHAPTER 29: THANKS TO JELLIE
CHAPTER 30: arrange marriage
CHAPTER 31
CHAPTER 32: SENT TO MY NEW HOME
CHAPTER 33: TOGETHER
CHAPTER 34
CHAPTER 35: PATRIK
CHAPTER 36: ELECTRIC SHOCK
CHAPTER 37: DARKEST side
CHAPTER 38: MONSTER
CHAPTER 39: MY FIANCÉE IS IN DANGER
CHAPTER 40: It's more than that
CHAPTER 41 : weird!
CHAPTER 42: FIRST MISUNDERSTANDING
CHAPTER 43 : THINKING OF YOU
CHAPTER 44 : HEART TO HEART TALK
CHAPTER 45: Papa's reason
CHAPTER 46 : FEELINGS 1.0
CHAPTER 47 : FEELINGS 2.0
CHAPTER 48 : BUTI NALANG NAKILALA KO SIYA. (JaLie moment)
author's sorry note.
CHAPTER 49: HE CONFESSED!
CHAPTER 50 : AGAIN.
CHAPTER 51: He's back?!
CHAPTER 52 : THREAT
CHAPTER 53
CHAPTER 54: MOST PRECIOUS GIFT
CHAPTER 55: UNEXPECTED REACTION
CHAPTER 56: RACE FOR A SECOND CHANCE
CHAPTER 57: NERD COCO [CoNe moment]
CHAPTER 58: I MISSED YOU LIKE CRAZY
CHAPTER 60
EPILOGUE
THANK YOU FROM THE BOTTOM OF MY HEART
Thank You!
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 59: Spare me my Life.

6.6K 89 1
By ELLEcray

CHAPTER 59: Spare me my Life.

 

 

 

 

 

JELLIE’S POV

Naaawa na ko kay Chase sa totoo lang. Ilang linggo na syang kulang sa tulog at pahinga. Nangangayayat na rin sya kasi hindi sya kumakain ng tama.

Andito kami ngayon sa ospital, dumadalaw kay Kien. And as usual nasa tabi nya parin si Chase na nakatitig sa kanya habang hawak ang kamay nya.

Sa pagdaan ng mga araw habang natutulog si Kien. Bumabalik ang pagiging Ice Prince ni Chase. Though hindi naman talaga nawala yun sa kanila. Bumalik yung Dating Chase at Kien pero hindi totally. Kasi minsan may pagkacold parin sila. Lalo na sa ibang tao. Pero ngayon, masasabi namin na bumalik na ulit ang pagiging cold ni Chase.

Ni hindi mo na sya makikitang ngumiti ngayon. Lagi lang syang nakatingin sa malayo. At kapag kinakausap mo sya. Titingnan ka nya ng walang ka emo-emosyon sa mukha. Lagi namin syang kinakausap para naman mailabas nya yung nararamdaman nya pero iiling lang sya. This is too much for the two of them. Grabeng pagsubok na to.

“Bro, kumain ka na muna.” Sabi ni Jan at tinapik siya. Wala ang parents ni Kien dahil nung dumating kami nagpaalam naman sila na uuwi muna at samahan muna namin si Chase.

“Busog ako.” tipid nyang sagot.

“Araw-araw nalang ganyan? Wala ka ng kinakain ah.” – Cole.

Wala kaming nakuhang sagot mula kay Chase sa sinabi ni Cole.

“Chase please. kumain ka naman kahit konti.” Pakiusap naman ni Jane.

 

 

“Would you just get out and leave me alone?!!! Busog sabi ako eh!” sigaw nya. Nagulat naman si Jane kaya napaatras sya.

Agad na kinuwelyohan ni Cole si Chase. “Wag na wag mo syang sisigawan ng ganyan Chase.” Pigil ang galit na sabi nya.

“Tss.” – Chase

*bogsh*

“Cole!!” sigaw ni Jane.

“bakit mo ginawa yun?” tanong ko kay Cole.

“Eh gago eh! sya na nga tong tinutulungan sya pa tong mayabang.” Galit na sabi ni Cole.

“I don’t need your damn help!” galit na sigaw din ni Chase.

 

“Chase kaibigan mo kami. Pwede mo kaming paglabasan ng nararamdaman mo. Bro, wag mo solohin ang lahat.” Mahinahong pakiusap naman ni Jan.

“umalis na kayo. Di ko kayo kailangan.”

*Bogsh*

“JAAAAN!!!” sigaw ko at agad na pumagitna. Si Jan naman ang sumuntok sa kanang pisngi ni Chase. Sa kaliwa kanina si Cole.

“wag kang tanga Chase! Kailangan mo kami. Kaibigan mo kami at karamay mo kami. Wag kang gago na nagpapanggap na kaya mo lahat. Kasi Pare kilala kita. Gaganyan ganyan ka pero sa loob mo wasak ka. Tama na pagpapanggap. Hindi ka nagmumukhang malakas sa ginagawa mo!” galit na sabi ni Jan at tsaka ako hinila palabas. Aayaw sana ako dahil nag aalala ako kay Chase pero hinayaan ko na. kailangan ko syang pakalmahin.

Huminto kami sa labas ng ospital kung saan may simpleng garden.

“Jan...”

“Hindi ko sya maintindihan. Okay na sya e. Bakit ganyan na naman sya? Bumabalik sya sa ganyang kagaguhan. Hindi nya ba alam na hindi lang sya ang nahihirapan? Tang*na.” Tuloy tuloy nyang sabi.

Niyakap ko sya. “Jan, kailangan natin syang intindihin. Mahirap tong pinagdaraanan nya eh.”

Hindi sya nagsalita. Tahimik lang kaming magkayakap hanggang sa nakaramdam ako ng unti unting nababasa ang damit ko sa balikat at marahan na rin gumagalaw ang mga balikat nya. Haaay! Sa nangyayari ngayon nasasaktan ako. masakit Makita ang pinagdaraanan ng mga kaibigan ko. at masakit ding makitang umiiyak ang taong mahal ko sa unang pagkakataon dahil sa pag alala at sa sakit na nararamdaman nya rin para sa mga kaibigan namin.

Tahimik ko lang syang hinayaan na umiyak. Tinatap ko ang likod nya para maramdaman nyang andito lang ako.

“Jellie, I hate to see him like that. Hindi ko na sya kayang panoorin lang ng ganyan sya.” Sabi nya habang umiiyak. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

“Wala tayong magagawa dun Jan. Gusto nyang magpanggap. Siguro dahil ayaw nyang kaawaan natin sya. Ayaw na nyang ipakita na mahina sya. Tulad nung una.” Sabi ko naman.

“Mas nag aalala ako kapag ganyan sya. Hindi ko alam kung kailan sya bibigay.”

“Kaya kailangan natin syang intindihin. Kahit ilang beses nya tayong itaboy. Hindi tayo lalayo. Papatunayan natin sa kanya na hindi natin sya iiwan. Silang dalawa ni Kien.”

Humiwalay sya sakin at tumango. Pinunasan ko ang mga luha nya. Nakakatuwang isipin na sa unang pagkakataon nakita ko syang umiyak dahil sa sobrang pag aalala at pagmamahal sa kaibigan nya pero nasasaktan din ako kasi nasasaktan yung taong mahal ko.

“lika na. mag-sorry ka ah?” sabi ko at tsaka sya tumango.

Pagbalik namin sa kwarto ni Kien si Jane nalang ang tao.

“Asan sila?” tanong ko sa kanya.

Pero imbis na sakin sya tumingin, kay Jan sya deretso tumingin.

“Jan, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Bigla nalang hinila ni Cole si Chase palabas at hanggang ngayon di parin sila bumabalik. Jan, baka kung anong gawin nila.” Pagkasabi nun ni Jane agad na tumakbo paalis si Jan.

“Ano bang nangyayari? Kailan pa sila umalis?” nag aalala kong tanong.

 

“Pagkalabas nyo. Nagsagutan pa silang dalawa tapos dapat magsusuntukan pa sila. Pero pinigilan ko sila. Nagulat nalang ako ng hilain ni Cole si Chase. Hanggang ngayon di pa sila bumabalik. Jellie... *sniff* bakit nagkakaganito na?”

 

“Hindi ko rin alam, Jane.” Sagot ko sa kanya at tsaka bumaling kay Kien na hanggang ngayon ay mahimbing paring natutulog. “Hoy babae! Ano bang plano mo ah? ilang buwan ka ng patulog tulog dyan ah. gumising ka na oy! Nagkakagulo na mga taong nagmamahal sayo. Maawa ka naman samin. Sa pamilya mo. Kay Chase! *sniff* kasi sobra na syang nakakaawa Kien. Halos mabaliw na sya. Hindi nya na alam kung paano pa sya magpapakatatag. Kaya ayan, tinatago na naman nya yung nararamdaman nya sa mascara ng pagiging cold. *sniff* please naman Best. Gising na....” tuloy-tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko. ang bigat bigat na kasi talaga.

“gumising ka na! isang buwan nalang matatapos na ang school year. Tapos papasok na tayo ulit ng 4th year. At gagraduate na tayo. Walang iwanan? Eh ano to?” napaluhod na ako sa gilid ng kama nya kung saan ako nakatayo.

“Jellie...”

“Miss na miss na kita Best.. miss na miss kana namin.” Sabi ko at tsaka humagulgol. Niyakap lang ako ni Jane habang umiiyak din sya.

*BLAG!*

Napatingin kami ni Jane sa malakas na pagbukas ng pinto. Nakita namin ang hinihingal na si Jeron.

May luha sa mga pisgi nya at hindi nya yun maitatago samin.

 

“What happened to her?” tanong nya samin ng makalapit sya pero kay Kien nakatingin.

“Naaksidente.” Tipid na sagot ko naman. Pinakilala sya samin ni Kien one time pero after non hindi na naming sya ulit nakita.

 

“Sino may gawa?”

 

 

“Hindi namin alam.” Sagot naman ni Jane.

“Asan yung gago?” tanong nya parin pero deretso kay Kien ang tingin.

Naguluhan kami. Sinong gago?

“Sinong...”

 

 

“Si Chase?” pagputol nya sa tanong sana ni Jane.

Hindi kami nakasagot hindi namin alam kung asan sila.

“Napakawala nyang kwenta.” Sabi nya lang at bumagsak na sya sa sahig.

Umiyak sya ng umiyak habang sinasabi na gumising na si Kien. Hinayaan lang namin sya.

Nung okay na sya, tsaka nya lang sinabi na kaya sya nawala ay dahil bumalik na sya sa states kasama ang parents nya. Pinaubaya na daw nya si Kien kay Chase dahil wala naman syang pag asa. At kahapon nya lang daw nalaman ang nangyari. Nagrent pa daw sya ng private plane para lang makarating agad ng pilipinas.

“Ang gago nya. Hindi nya inalagaan ang Pards ko.” sabi nya habang nakatingin kay Kien. Simula kanina hindi na natanggal ang tingin nya kay Kien.

“Mahirap  din para sa kanya ang nangyayari. Wag mo syang sisihin.” Sabi naman ni Jane.

“Wala syang kwenta.” Halata ang galit sa mga pananalita nya.

“ Wag kang ganyan. Hindi mo alam ang pinagdaraanan ni Chase ngayon. Kung may nahihirapan sating lahat na Makita syang ganyan. Si Chase yun. Sinisisi nya ang sarili nya kahit hindi naman dapat.” Sabi ko. mali kasi yung mga sinasabi nya.

“Psh. It’s all his fault naman talaga diba?”

“Hindi. Dahil hindi nya yun ginusto.”

 

 

“Eh bat wala syang nagawa?”

 

 

“kung bibigyan lang sya ng pagkakataon, mas gugustuhin nyang sya ang nakahiga dyan at hindi si Kien. At hindi totoong wala syang ginagawa. Actually nahanap na nya yung may gawa nito kaay Kien. Pero ayaw nyang ipaalam sa kahit na sino.” Paliwanag ko. totoo. Alam na ni Chase kung sino yung sumagasa kay Kien. Isang buwan matapos ang pangyayari nalaman na ni Chase kung sino yun,pero hindi nya sinasabi samin.

“Ayaw nyang sabihin? Baka... sya yung may pakana?” sabi ni Jeron. Saka nag smirk.

*PAK*

Nagulat nalang ako ng biglang sampalin ni Jane si Jeron.

“Wala kang karapatang pagbintangan sya. Hindi sya magpapakahirap sa pagbabantay kay Kien dito kung sya ang may pakana. Sa loob ng anim na buwang tulog si Kien ditto, wala kang idea kung anong nangyayari kay Chase. Kaya pwede ba? Tumigil ka sa kakablame sa kanya. Kasi... wala kang alam.” Nagipigil na galit na sabi ni Jane.

“I’m sorry. nasasaktan lang naman ako kasi wala akong nagawa para kay Pards.” – Jeron.

“Nasasaktan ka. Pero naisip mo bang mas nasasaktan si Chase ngayon? Kung meron mang nasasaktan ng sobra satin dito, si Chase yun.” – Jane.

Natahimik si Jeron. Napahiya siguro sya. He keeps on putting the blame on Chase. Eh wala namang kasalanan yung tao.

CHASE’S POV

Pagkatapos naming magtalo ni Cole pagkaalis nila Jan at Jellie, bigla akong hinila ni Cole. Dinala nya ako dito sa isang lumang bodega. Ang bodega kung saan ko itinatago yung taong sumagasa kay Kien.

 

“Tell me Chase, nagkakaganyan ka dahil hindi mo alam kung anong gagawin sa kanya diba?” tukoy nya sa babaeng nakahiga na nakakadena ang mga paa at kamay.

Hindi ako umimik. Nakakatamad. At isa pa. Tama sya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya.

 

“Chase naman. Ano bang plano mo? Ilang buwan na yang nandito. Ilang buwan naring comatose si Kien. Ano bang plano mo?”

 

“Hindi ko alam.” Sabi ko lang at tsaka tumalikod sa kanya.

 

“Alam kong gusto mo syang patayin.” Seryosong sabi ni Cole.

“Alam mo naman pala eh.”

 

 

“Bat di mo gawin?” tanong nya ulit.

Hindi nya kasi alam kung bakit hindi ko magawa.

“Gusto ko muna syang pahirapan. Pero paano mangyayari yun kung baliw sya? Ilang beses ko na syang sinubukan lunurin sa drum na puno ng tubig pero tatawa lang sya. Habang naririnig ko ang bawat pag tawa nya. Naasar ako. pakiramdam ko iniinsulto nya ako. at isa pa, babae parin yan. Tsk!” paliwanag ko.

“A-ano?! Baliw na si Cheska?”

“Oo.”

Tapos biglang gumalaw si Cheska. Nagising na ata sya. Sa tuwing makikita ko sya kumukulo talaga agad ang dugo ko. gustong gusto ko syang pahirapan at patayin pero di ko magawa dahil sa tuwing gagawin ko. kung hindi sya tatawa na parang demonyo, iiyak naman sya sa sobrang pagmamakaawa sakin.

 

“Oh. Cole andito ka? Wala kang babae?” tanong ni Cheska kay Cole.

Tumingin sakin si Cole at tsaka umiling.

“Hindi na ko babaero. May girlfriend na ko.”

 

“Talaga? Sino sya?” simpleng tanong ni Cheska. Kumukulo yung dugo ko sa kanya. Matino na naman sya ngayon kausap.

 

“Do I have to tell you?” naiinis na tanong naman ni Cole.

“Ay ang sungit! HAHAHAHA!” ayan na. kinikilabutan ako sa bawat pagtawa nya ng ganyan.

Napatingin sakin ulit si Cole at halatang kinilabutan din sya.

“Anong nangyari sayo Cheska? Bakit ka nagkaganyan?”

 

 

“Oh bakit? Ang ganda ko parin ba? HAHAHA!”

 

“tsk. Tsk. Sayang ka.” Sabi ni Cole.

Biglang bumaling sakin si Cheska. Lalo kumulo ang dugo ko.

“Kamusta si Kien? Patay na ba? AHAHAHAHAHAHA!”

Mabilis akong lumapit sa kanya at sinakal sya. “Putang ina mo Cheska! Tandaan mo. Ikaw ang unang mamamatay. Unti unti kitang pahihirapan at papatayin kita. Para malaman mo kung gaanong paghihirap ang pinagdaraanan namin.” sabi ko habang gigil na gigil sa kanya.

Agad na nag unahang tumulo ang mga luha nya. “Na-nasasaktan ako Chase.”

 

“Wala akong pakialam! Mamatay kana!” sigaw ko sa kanya habang sakal sakal parin sya.

Akala ko matatakot sya. Pero kinilabutan ako ng Makita ko ang pag ngiti nya na parang sinapian ng demonyo. “Kung ako nalang kasi yung minahal mo eh. kung sana iniwan mo sya. Edi sana wala sya sa ganong sitwasyon. Edi sana, pare-pareho tayong Masaya.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo Cheska?! Walang magiging Masaya sa sinabi mo kundi ikaw lang!! Napaka selfish mo! Napaka sama mo! Baliw ka!!!” sabi ko habang gigil na gigil paring nakahawak sa leeg nya. Hinawakan lang ako ni Cole sa braso.

“OO! TAMA KA! BALIW NA KO! OH ANO NGAYON? MASAYA BA KAYO? SI KIEN ANG MAY KASALANAN NITO. SYA ANG SISIHIN MO!” sigaw nya sakin.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko agad akong lumayo sa kanya at lumapit doon sa maliit na mesa na kinatatayuan ko kanina. Agad kong sinuot yung gloves at tsaka ko kinuha yung baril  at itinutok sa kanya.

“Wala syang kasalanan. It was your choice, not Kien.”

“HAH! SHE CANCELLED THE CONTRACT WITH MY DAD! AND THERE, MY DAD PUT ALL THE BLAME ON ME! IT WAS ALL HER FAULT!!”

 

“SHUT UP!! I WAS THE ONE WHO TOLD HER DAD TO CANCEL THE CONTRACT. KUNG AKALA MO IKAW LANG ANG NAHIRAPAN PWES MALI KA! SHE ALMOST GET RAPED DAHIL KINUHA SA KANYA YUNG KOTSE NYA BILANG PARUSA SA KANYA NG DADDY NYA DAHIL SA INSEDENTENG YON!”

Hindi sya nakapag salita. Nakatingin lang sya sakin.

“TAPOS GAGAWIN MO TO?!”

“Sige. Patayin mo na ko.” nabigla ako sa sinabi nya.

Ibinaba ko yung baril. Hindi ako kontento kung ako ang magpapahirap sa kanya. Kasi kahit galit ako sa kanya, hindi ko sya magawang bugbugin ng husto dahil babae parin sya.

 

“No. I want you to suffer until your last breath.” Malamig kong sabi sa kanya.

 Ibinalik ko sa lalagyan yung parin at hinubad yung gloves tsaka nag dial ng number sa phone ko.

Nakatingin lang sakin si Cole na parang sinasabing, ‘good idea.’ Ang gagawin ko.

Agad na may sumagot sa kabilang linya.

 

(Hey Chase. Ano na?) sabi nya sa kabilang linya.

“Get her here, bago ko pa sya tuluyang mapatay.”

(Sige. Papunta na kami dyan.)

Then he hang up.

It was Alvin. Kien’s assistant sa pag dadrag race. Hindi ko alam na nagtatrabaho sya sa ospital. And to be exact isang private mental hospital pa. Nalaman ko lang nung nabanggit ko sa kanyang may tama sa utak yung bumangga kay Kien. Noon pa lang kating kati na syang kunin to. Pero umayaw ako.

Matapos ang ilang oras na pagtitiis sa mga sinasabing kabaliwan at pagtatawa ni Cheska. Dumating din sila Alvin.

“Antagal mo.” Sabi ko.

“Tss. Mainipin. Sabi namang ako nalang bahala eh. ayaw mo pa.” Sabi nya habang tinitignan si Cheska.

“Lagkit tumingin.”

“Maganda sya eh. sayang!”

“tss. Treat her. Then I’ll make her suffer.” Yun lang ang sinabi ko at umalis na.

 

“You sure ikaw na magdadrive pabalik?” tanong sakin ni Cole. Tiningnan ko lang sya. Tapos nanahimik na sya. Sinabi na nga kasing ako na magdadrive. Uulitin pa.

-HOSPITAL-

Pagpasok naming sa room ni Kien may isa lalaki na nasa tabi nya. Hindi ko sya makilla dahil nakatalikod. Pero alam kong hindi to yung Papa nya or  si Kier. Hindi rin sya isa sa mga kabanda nya.

“San kayo galing?” salubong ni Jan.

 

“Ikaw san ka galing?” tanong rin ni Cole.

“Hinanap ko kayo. Kaso di ko kayo ma-track.” Sagot ni Jan.

“Tss. May isang lugar kang di pinuntahan eh.” – Cole.

“You were there?” – Jan.

Tumango lang si Cole at nagets na ni Jan yun.

Bigla naman nagsalita yung lalaki sa tabi ni Kien. Kanina ko pa sana gusting hablutin sya hindi ko lang magawa dahil baka magkagulo na naman dito.

“Kung saan-saan nalang pumunta? Wala talagang kwenta.”

“Sabi nang tumigil ka na Jeron ah! Kanina kapa!” sigaw bigla ni Jan.

So si Jeron pala to. Humarap sya sakin.

“What? Sinasabi ko lang naman yung opinion ko ah.” Naka smirked na sabi nito habang nakatingin sakin.

“May marinig pa akong salita mula sa bibig mo papatayin na kita!” galit na sigaw ni Jan.

“Jan, relax.” Awat ko na.

“who did this to her?” tanong sakin ni Jeron. Puno ng galit ang mata nya.

“Do I have to tell you?” I asked poker faced.

 

Bigla nya akong sinugod. “Gago ka! Ikaw ba? Ikaw ba may gawa nito?!”

*BOGSH!*

Sinapak ko sya. Gago pala to eh.

“GAGO KA BA?! SINONG TANGA ANG GAGAWA NG GANITO SA BABAENG MAHAL NYA?! WAG KANG TANGA JERON! DAHIL KUNG AKO ANG GUMAWA NYAN BAKA NGAYON NAKABAON NA AKO SA LUPA AT HINDI NA NAGPAPAKAHIRAP PANG MABUHAY!” sigaw ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sakin.

“Ni hindi ko na alam kung anong gagawin ko. ni hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa tuwing gigising ako. ni hindi ko na maisip pang mag isip ng kahit ano. Kung pwedeng ako nalang. Sana ako nalang. *sniff* hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa ako ngayon. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko. kaya man~~~”

*TOOOOOOOOOOOOOOOT*

Napatingin kami lahat kay Kien. Yung machine na nakakabit sa puso nya tumutunog.

Unti-unting nawawala ang mga zigzag sa monitor at napapalitan ng isang tuwid na linya.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

“Damn it! Kien!! KIE NO! CALL THE DOCTOR! NOW!!!!!!!”

May lumabas hindi ko na alam kung sino. Ba-bakit nagka ganito?

Niyakap ko sya.

“KIE PLEASE! PLEASE WAG MO KO IIWAN! HINDI KO KAKAYANIN. PLEASE! KIEN! MAGHIHINTAY AKO KAHIT KAILAN, KAHIT GAANO KATAGAL BASTA WAG MO KONG IIWAN! KIEN!!!!!! MAHAL NA MAHAL KITA! PLEEEEEEASE!”

“Excuse Sir. Sa labas na lang po kayo.”

Aayaw pa sana ako pero hinila na ako palabas ng mga kaibigan ko.

 

Hindi ko na alam ang gagawin ko. kaya ko pang tiisin na nasa ganung lagay sya. Na para lang syang tulog. Pero yung ganito? Yung nag aagaw buhay sya? HINDI KO KAYA!

Umiiyak akong iniwan yung mga tao na katulad ko ay nasa labas ng kwarto ni Kien at walang magawa.

Tahimik at umiiyak akong nagpunta sa Chapel ng ospital. Wala na akong pakialam kahit na sabihan nila akong bakla. Hindi porket lalaki ako hindi na ako pwede umiyak at matatawag na akong bakla. Anong akala nila sa mga lalaki? Bato? Walang pakiramdam?

Lumuhod ako sa harap ng altar.

“Lord, parang awa nyo na po. Wag mo syang kunin sakin. Hindi ko po kakayanin. *sniff* Parang awa nyo na po oh. Kung kukunin nyo po sya isama nyo na ako. *sniff* please lang po. Wag nyo syang kukunin. *sniff* nagmamakaawa po ako sa inyo. *sniff* please wag po sya. Kahit kunin nyo na lahat ng yaman namin. Nang pera namin. *sniff* kunin mo nap o lahat sakin wag lang sya. *sniff* wag po yung buhay ko.*sniff* wag po sya. Nakikiusap po ako sa inyo.”

Spare me my Life.

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
88.4M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...