Falling in Love with HIM (COM...

By yuNmi_07

117K 1.4K 119

Yes I am a typical girl. Simple but Smart. I don't know what made us together.. Destiny ba or isa lang pagkak... More

Falling in Love with HIM
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ika-limang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ika-10 Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 na Kabanata
Ika-13 na Kabanata
Ika-14 na Kabanata
Ika-15 na Kabanata
Ika-16 na Kabanata
Ika-17 na Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 na Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 na Kabanata
Ika-25 na Kabanata
Ika-26 na Kabanata
Ika-27 na Kabanata
Ika-28 na Kabanata
Ika-29 na Kabanata
Ika-30 na Kabanata
Ika-31 na Kabanata
Ika-32 na Kabanata
Ika-33 na Kabanata
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 na Kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 na Kabanata
Ika-39 na Kabanata
Ika-40 na Kabanata
Ika-41 na Kabanata
Ika-42 na Kabanata
Ika-43 na Kabanata
Ika-44 na Kabanata
Ika-45 na Kabanata
Ika-46 na Kabanata
Ika-47 na Kabanata
Ika-48 na Kabanata
Ika-49 na Kabanata
Ika-50 na Kabanata
Ika-51 na Kabanata
Ika-52 na Kabanata
Ika-53 na Kabanata
Ika-54 na Kabanata
Ika-55 na Kabanata
Ika-56 na Kabanata
Ika-57 na Kabanata
Ika-58 na Kabanata
Ika-59 na Kabanata
Ika-60 na Kabanata- Wakas
Author's Note
Book 2- I
Book 2- II
Book 2- III
Book 2- IV
Book 2- V
Book 2- VI
Book 2- VII
Book 2- VIII
Book 2- IX
Book 2
Book 2- XI
Book 2- XII
Book 2- XIII
Book 2- XIV
Book 2- XV
Book 2- XVI
Book 2- XVII
Book 2- XVIII
Book 2- XIX
Book 2- XX part 1 Forever in Love with HIM
Book 2- XX part 2 Forever in Love with Him
Epilogue
My Love Notes
Message to ALL! :')
PASASALAMAT!

Ika-38 na Kabanata

1.2K 9 0
By yuNmi_07

Jesse

Guys! Sabihin niyong mali ang sinabi ko kanina. Mali diba?????

and I like you.

and I like you

and I like you

Wahhhh!!! Hindi pwede yun. Bwiset kang bibig ka at utak. Padalos-dalos. Nakakahiya.

Tinignan ko si Rob sa rearview mirror at napansin kong nagpipigil siya ng tawa. Wahhh!!! No! Baka asarin lang ako nito. Kailangan ng segway....

"I-i Like Yu-----go (Hugo). Yung pabango. hehehhe...  Oo tama. nakalimutan ko kasi yung kasunod. hehehe. Wag mong pansinin yung una kong sinabi a.. " sana bumenta sa kanya yung palusot ko.... Kainis naman kasi e.

"Really? Why you're so defensive? I didn't say anything..." Then he smirked. Ohmay!

"Hala. Hindi naman ako defensive nagsasabi lang ako ng totoo." Liar!

"What, That you like me?" shomayyyy! Hindi ba siya titigil.?

"Hindi ikaw yung like ko e, Yung Hugo na pabango.. tskkk. Bakit naman kita magugustuhan e HATE mo nga AKO diba? tsaka, Malabo yun." pagsisinungaling ko nanaman sa kanya. Tigilan na niya sana ako.

Kasi naman tong bibig ko e. Pahamak talaga. Pinagpapawisan tuloy kili-kili ko. tsaka parang biglang uminit. Lakas naman ng aircon e.

"Fine. Don't you dare fall in love with me Jesse. Masasaktan ka lang." seryoso niyang sabi. Nakaramdam naman ako ng takot at kaba. Bakit naman niya sinasabi ito? Concern siya sa akin kung masasaktan ako?

"So concern ka sa akin?" tanong ko.

"No. Why would I? Hindi ka karapatdapat bigyan ng concern. Well, bahala ka kung mahulog ka but remember I will never, ever catch you." mas lalong seryoso ang Boses niya. Kumirot bigla ang puso ko sa narinig ko. Siguro it's time to give up. Habang maaga pa. Diba?

"Don't worry I will never ever fall in love with you." Seryoso ko ring sabi sa kanya habang nakatingin sa labas. Ang sakit sa pakiramdam na sabihin ang mga bagay na yan lalo pa't nagumpisa na akong mahulog sa Kanya. Pero siguro tamang tapusin ko na ang nararamdaman ko ngayon habang maaga pa.

Nagpatuloy lang ang byahe hanggang sa makarating kami sa resort nila.

Sinalubong na kami nila Manang Nelia at Mang Berto. Wala si Ofelia, tulog na siguro.

"Manang, Manong Berto. Magandang gabi po." Binati ko sila at niyakap. Ewan ko ba parang gusto ko lang mangyakap dahil sa Bigat na dinadala ko ngayon.

"Magandang gabi rin." sabi ni Manang Nelia habang si Mang Berto naman e tinulungan na si Rob sa pagaayos ng bagahe.

"Ito po pala bulaklak para sa iyo manang.. Wala naman po akong gagawin dyan sa dami ba naman ng pinitas ni Lola Maria." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ayy. Maraming salamat. O sige na, pumasok na kayo at magpahinga na. Kami na bahala rito." aya ni manang. Hindi ko pa gustong magpahinga. Makikita ko lang si Rob e. Simula ngayon, Hindi ko na siya papansinin tutal HATE naman niya ako.

"Ahh. sige po. Maglilibot lang muna ako dito sa mini garden. Nakakamiss yung garden ni Lola doon e." sabi ko na parang hindi naman masaya. Ewan ko ba parang gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko.

"O sige. Basta wag masyado magpagabi. Ingat ka hija." tumango na lang ako at nagsimula na maglakad sa mini garden. Malapit lang din ito sa dalampasigan. Ramdam na ramdam mo pa nga yung hangin. Nakakarelax.

Umupo ako sa isang upuan sa gitna ng garden at napatingala sa buwan. Maganda at bilog na bilog ito. Parang ang saya-saya niya. sinamahan pa ng pagkislap ng mga bituin. Napakapeaceful Nila. Samantalang ako....

Hayyyy!!! Ang gulo ng utak at puso ko. Sana iba na lang pinakasal nila kay Rob. Ang hirap.. Nasasaktan ako...

Nasa kalagitnaan na ako ng pageemote ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko

kriiiiiinngggg! Kringgg!!!

Hala nasan na ba yung phone ko? Natabunan na yata kaya naman hinalungkat ko yung gamit ko. Hala sino ba itong tumatawag?

Shomay! San ko ba nilagay?.. Hanap lang ako ng hanap ng bigla akong matusok ng isang bagay.

"Aray kupu.!" Buti Hindi naman ako nasugatan. Tinignan ko sa loob kung ano yung bagay na iyon, Yun pala ang isang pick ng gitara. Kinuha ko agad yung bagay na iyon.

Nung makuha ko na, napansin kong ginawa ko palang pendant ang pick na iyon. Teka, san ko ba nakuha ito??

12 years ago...

"Jesse anak, wag kang makulit at umalis sa pwesto mo a. Maulan at baka magalit ang mga masters ko." paalala sa akin ni Papa noon.

"Opo Papa. Bad po ba mga Masters mo? Takot ako..  Wag ka na alis papa." napapaiyak na ako noon sa takot. Nasaan ba kami noon? Tsaka ang Alam ko kasama sila Ate at Kuya noon.

"hindi sila Bad, mabait sila. May gagawin lang si Papa. Ito o , Kainin mo muna. Luto ng mama mo yan." binigyan ako ni Papa ng sopas. Mainit pa nga kaya sakto sa malamig na panahon dahil umuulan pa nga.

"Salamat Papa. Balik ka a..." tumango lang siya at iniwan na ako. Nasaan kaya sila Kuya at Ate? tanong ko dati sa sarili ko.

Kain lang ako ng kain hanggang sa may nakita akong tao. Parang kasing tanda na niya si Kuya Kiel ko. Mag-isa lang siya at basang-basa siya ng ulan. Malungkot ang kanyang mga mata habang tumutugtog ng kanyang gitara.

Walang atubiling lumapit ako. Ang ganda kasi talaga ng gitara niya. Tsaka bibigyan ko rin siya ng sopas.

Dahan-dahan. Nakapikit siya at dinadama ang kanyang pagkanta. Hindi ko maintindihan noon kung ano ang tinutugtog niya. Masaya ba o malungkot?

"Hi po." bati ko kay Kuya na parang kasing edad ni Kuya Kiel

Bakas sa kanya ang pagkagulat dahil bigla siyang dumilat at napatigil sa pagtugtog.

Binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti... Hindi niya siguro alam kung paano magrerespond sa kinilos ko kaya naman nagsalita ako.

"Hi Kuya. Bakit ka po malungkot?" tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang mabait. he he.

"Who are you? What are you doing here?" Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin dahil English ang pagtatanong niya. Turo sa akin ni ate, kung English daw ang pagtatanong dapat English din sagot. Pero Tagalog pa rin sagot ko.

"he he. ahhh. Kuya ako si Lei. Bakit ka mag-isa at malungkot?" tanong ko nanaman.

"Hindi ka ba tinuruan ng parents mo na Don't talk to strangers?" napaisip ako. Oo nga no. pero kasi parang gusto kong makilala si Kuya. Alam mo yung walang takot na naramdaman.

"Tinuruan po. Pero kasi parang mabait ka po at tsaka wala po kasi akong kalaro e. Pwede po ba ako peram niyan." sabay turo ko sa gitara niya. Gustong-gusto ko matuto nun.

"No. Hindi pwede. don't talk to me.! Leave!" sinigawan ako ni Kuya. Natakot ako bigla kaya naman, napaatras ako. pero naisip ko parin bigyan siya ng sopas na luto ni Mama. Mukha na kasi siyang giniginaw.

"Sorry Kuya. nagalit ka. Di na po kita kukulitin. Ito po sopas. he he. Luto po ni Mama ko yan. Masarap yan." inilapag ko sa kanya yung lalagyan ng sopas sa tabi niya. Tinignan niya lang ito at maya-maya kinuha na niya.

Masaya ako dahil kinain ni Kuya yung sopas. Sa di malaman na dahilan, nagsalita ako at lumapit kay Kuya at tumabi sa kanya. Nilalamig na talaga siya.

Kahit maliit yung jacket ko, pinatong ko parin kay Kuya yun. cute nga kasi color pink e. he he. Syempre, nagulat siya.

"Kuya, nilalamig kana po kasi. Sa iyo po muna yan. Bakit ka po kasi nagpaulan?" tanong ko nanaman.

Hindi siya umimik. Matagal din kaming nakatingin sa Malayo. Hanggang sa dinapuan na ako ng antok.

Nakakahiya man isipin ngayon na nakatulog ako sa tabi ni kuya at nakasandal pa sa kanya.

Matagal din ako nakatulog at nagising na lang ako na tinatawag ako ni Papa. hinahanap..

"Papa!!!" sigaw ko. At ayun papalapit na siya sa akin.

"Bakit ka nandito? Nag-alala ako sa iyo." sabi niya.

"Sorry po. Kasi kasama ko si Kuya ee." sabay turo kung saan si Kuya pero wala na siya. Umalis na siya.

"Huh? Saan na siya?" nagtataka kong tanong.

"Nandun na sila Kuya mo. Wala siya rito." explain ni Papa.

"Hindi po. Ibang Kuya. Yung may gitara tsaka basa siya ng ulan. Katabi ko siya e." paliwanag ko Kay papa habang hinahanap si Kuya.

Dahil inaya na ako ni Papa na umuwi na kami Hindi na ako naghanap.

Inaayos na ni Papa yung pinagkainan ko tsaka ni Kuya ng may napansin ako.

"Hala Papa, Naiwan ni Kuya o." kinuha ko yung isang bagay na Hindi ko alam tawag. Pinakita ko Kay papa.

"Ahhh. pick ng gitara yan Jesse." sabi sa akin ni papa.

Pick ng gitara pala tawag. Paniguradong kay Kuya galing iyon. Naiwan niya siguro. Sana maibalik ko pa. ^_^

Umalis na kami ni Papa sa lugar na iyon. Hindi ko na naisauli yung pick dahil Hindi na ulit ako nakapunta doon. Ayaw ko ipaabot kay Papa dahil Baka sa iba niya maibigay.

Sabi ko noon, Sana makita ko pa si Kuya. Ibabalik ko ang pick niya. ^_^

Present

Napataas ang mga balahibo ko ng umihip ang malamig na hangin.

Bigla ko tuloy naisip na sana magkita ulit kami ni Kuya. Maibalik ko manlang yung pick.

Maisuot na nga lang tong necklace. Maganda yung pendant ko. He he. Pick ng gitara.

Nasaan na kaya si Kuya? Sana pag nagkita kami, maalala niya ako...

Teka, Baka kakilala ni Rob yun..

Hala, Naalala ko nanaman si Rob.

Siguro mahimbing na tulog nun.? Buti pa siya. Pero promise, titigilan ko na ang pagkahulog ko sa Kanya. Pero ganun parin, magiging Mabait na lamang ako sa kanya. Ituturing ko pa rin siyang kaibigan. Wala nang hihigit sa pagiging magkaibigan. Doon na lang yun....

Naisipan kong tignan ang oras baka madaling araw na at hinihintay ako nila manang Nelia. nakakahiya naman.

Pagkatingin ko sa phone ko, hala, may tumatawag nga pala kanina. Tinignan ko kung sino ang tumawag.

unknown number...

nag text ako sa number na iyon

"Who's this please. thanks." text ko. Baka si Boo or sila ate? Sila lang naman pwede makakuha ng phone number ko..

Maya-maya pa nagreply na yung caller...

[Hi. Take care of yourself Ms. Ramirez-Araneta. See you when I see you. ;)]

Hala, sino kaya ito? Bakit ganyan siya magtext?

"Thank you for your consideration. Sino ka b?" tanong ko.

ilang minutes bago pa siya magreply

[Chill. You'll find out soon. I'm excited to see you. Good night. Take care sa pagbalik mo sa rest house.]

nagulat ako sa huli niyang sinabi. Teka, Kilala ko ba to? Bakit niya ako kilala tsaka, paano niya nalaman na pabalik na ako sa rest house? OmG. Hindi kaya masamang tao to?

Nabalot ng takot ang pakiramdam ko kaya naman agad-agad akong pumasok sa rest house hanggang sa kwarto. Wala si Rob? Nasaan siya?

Bakit wala siya? Baka, Nagalit na sa akin.? Nakooo. Patay ka Jesse....

----------> itutuloy

Hi. Dahil wala pa ako sa mood mag review ulit, ayan, Update ulit. Sorry sa Hindi magandang update. sana magustuhan niyo parin. Love you guys. God bless.

Continue Reading

You'll Also Like

256K 7.6K 46
Mahal mo siya... Pero may minahal siyang iba... You tried to look for someone new... Then in the end he realized what he let go. Hanggang PARTNERS na...
403K 9.5K 75
Wish Granted.... Sana Magustuhan nyo.. Nasa kanila na ang lahat.... Looks, Wealth , Body , And A Happy Family.. Same Face Different Characteristic ...
74K 1.2K 36
I thought i made a right choice... But... i was wrong.. - Aya Mia Lee (Completed)
99.8K 1.5K 53
How can you survive if the person you love the most doesn't feel anything about you? Then, one day you did a mistake that also a way of being togeth...