The Revenge of a Nerd

By Thartzo9

258K 6K 196

Mary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who... More

DISCLAIMER
AUTHOR'S NOTE
FOREWORD
CHAPTER 1: Her Childish Best Friend
CHAPTER 2: The Campus Heartthrobs
CHAPTER 3: Her Childishness
CHAPTER 4: Partners
CHAPTER 5: Her Brother
Must Read!
CHAPTER 6: A Role Model
CHAPTER 7: Matchmaking
CHAPTER 8: Quality Time
CHAPTER 9: A Dream Come True
CHAPTER 10: The Value of Friendship
CHAPTER 11: Care For Her
CHAPTER 12: The Consequence
CHAPTER 13: Target
CHAPTER 14: Third Wheel
CHAPTER 15: Warning
CHAPTER 16: Annoyed
CHAPTER 17: Tag Along
CHAPTER 18: Untold Stories
CHAPTER 19: Dilemma
CHAPTER 20: Realization
CHAPTER 21: Friends
CHAPTER 22: Dinner
CHAPTER 23: Having Fun
CHAPTER 24: Her Fear
CHAPTER 25: Sports Fest 1
CHAPTER 26: Sports Fest 2
CHAPTER 27: Movie Booth
CHAPTER 28: Their Comfort
CHAPTER 29: Let Me Be The One
CHAPTER 30: The Wedding
CHAPTER 31: Confession
CHAPTER 32: Love Over Friendship
CHAPTER 33: His Effort
CHAPTER 34: Disclosure
Author's Note
CHAPTER 35: The Blame
CHAPTER 36: Her Condition
CHAPTER 37: A Sudden Change
CHAPTER 38: Last Night Together
CHAPTER 39.2: Perseverance
CHAPTER 40: Start of Something New
CHAPTER 41: Her Comeback
CHAPTER 42: Her Coldness
Discussion
CHAPTER 43: Changing Personality
CHAPTER 44: Cold Treatment
CHAPTER 45: Embarrassed
CHAPTER 46: Firmness With Their Decisions
CHAPTER 47: Sprained
CHAPTER 48: The Tension Between
CHAPTER 49: Shopping Slave
CHAPTER 50: His Effect
CHAPTER 51: Her Partner
CHAPTER 52: Groupings
CHAPTER 53: The Essence of Partnership
CHAPTER 54: Their Victory
CHAPTER 55: Her Choice
CHAPTER 56: Friendship Matters
CHAPTER 57: Untold Stories
CHAPTER 58: Back to Reality
CHAPTER 59: A Farewell
CHAPTER 60: Hold On
CHAPTER 61: His Absence
CHAPTER 62: His Sufferings
CHAPTER 63: Closer
CHAPTER 64: A Fairytale Come True
CHAPTER 65: The Villains
CHAPTER 66: Burst of Anger
CHAPTER 67: Starve to Death
CHAPTER 68: The Deal
EPILOGUE
Author's Note
Playlist
SA PANGALAWANG PAGKAKATAON

CHAPTER 39.1: The Commotion

3.1K 68 3
By Thartzo9

MARY'S POV

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay. Base sa ingay na likha nito ay mukhang nagkakagulo pa yata sa labas. Hindi ko nga lang marinig nang maayos ang sigawan sa labas dahil bukod sa sabay-sabay ito ay may kasama pa itong pagkalampag ng gate.

Tamad akong bumangon ng higaan at marahang kinusot-kusot ang mga mata ko para tuluyang magising ang diwa ko.

Nang tuluyan nang magising ang diwa ko ay agad na akong naglakad palapit sa pinto. Pipihitin ko pa lang sana ang doorknob nang kusang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng balisang si She na parang natataranta na ewan.

"Ma-Mar, gising ka na pala," gulat na sabi ni She.

"Ba't parang gulat na gulat ka?" takang tanong ko.

Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin sa hindi malamang dahilan.

"Akala ko kasi tulog ka pa e," pagdadahilan niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lamang ako sa pinto. Lalabas na sana ako ng kwarto nang harangin niya ako.

"Saan ka pupunta?" nag-pa-panic niyang tanong.

"Sa kusina. Nagugutom na ako kaya usog ka, pwede?" irita kong sagot sa kaniya.

"Ga-Ganoon ba? Di-Dito ka na lang. Ako na ang kukuha ng breakfast para sa 'yo," pagprisinta niya.

"She, maaga pa ang alis namin kaya alis na. Shoo! Gutom na ako. Alis na riyan bago pa kita mapagkamalang hamon at kagatin kita riyan," pananakot ko sa kaniya pero ayaw pa rin niyang umalis sa pagkakaharang niya sa pinto.

"Kaya nga ako na ang kukuha ng breakfast mo. Maligo ka na lang o mag-ayos para hindi aksaya sa oras," pagpupumilit niya.

Hindi sana ako papayag kaya lang ay may punto naman siya. Mas mapapabilis kami kung maliligo na ako habang hinahanda niya ang agahan ko.

"K, fine. Sarapan mo ang pagkain ah. Kapag 'yan hindi masarap, ibibitin kita nang patiwarik," pabirong banta ko.

"Noted," tugon niya at pilit na ngumiti.

"Sige na, lumayas ka na at maliligo na ako," pagtataboy ko sa kaniya.

Agad ko na siyang itinulak palabas ng kwarto ko at pinagsarhan siya ng pinto.

"Mar, huwag kang lalabas ng kwarto mo, okay? Just wait for me here. I'll be quick," mahigpit na bilin ni She mula sa labas ng pinto.

"Tss. Oo na," tamad kong sagot sa kaniya saka ako pumunta ng banyo para maligo.

Alas singko pa lang ng umaga at alas siyete pa ang flight namin kaya hindi ko kailangang magmadaling kumilos. Pero dahil wala naman akong gaanong kaartehan sa katawan ay inabot lamang ng labinlimang minuto ang pagligo at pag-aayos ko ng sarili.

Hanggang ngayon ay wala pa rin si She kaya tahimik na lamang akong naghintay sa kaniya. Nakaupo ako sa ibabaw ng kama habang nakasandal sa headboard nito at nagbabasa ng aklat. Nasa ganoon akong ayos nang biglang tumunog ang tiyan ko.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero walang She ang pumasok sa kwarto ko. Nagpasya na lamang akong bumaba ng kusina sa halip na maghintay pa sa pagdating ni She na hindi ko alam kung nasaan na at kung bakit hanggang ngayon ay wala pa.

Pababa na ako ng hagdan nang makarinig na naman ako ng sigawan mula sa labas ng bahay. Kumpara kanina ay mas naging agresibo pa ang kung sino mang nanggugulo sa labas. Palakas nang palakas ang tunog na naririnig ko mula sa pagkalampag ng gate. Mababakas din sa boses ng nanggugulo kung gaano ito kadesperado ngunit hindi ko malinaw na marinig ang kung ano mang isinisigaw nito dahil sinasabayan ito ng iba pang mga boses.

Ayoko sanang lumabas at usisain ang kung anong gulo ang nangyayari sa labas ngunit napuno na ako ng inis dahil sa ingay na dulot nito. Padabog akong naglakad palapit ng main door upang patahimikin ang mga lumilikha ng ingay sa labas.

Pagkabukas ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang sumalubong sa akin ang mukha ni She. Balisa siya at hindi mapakali.

"Ay, maligno!" bulalas ko.

Pinakatitigan kong maigi ang mukha ni She upang basahin ang kaniyang ekspresyon. Kanina ko pa napapansin ang bigla-bigla niyang pagsulpot sa pinto sa tuwing tatangkain kong lumabas. Para bang sinasadya niya ito upang pigilan akong lumabas sa hindi malamang dahilan.

Sa itsura niya ngayong pawis na pawis at hingal na hingal ay mukhang tumakbo pa siya papunta rito galing sa labas. Hindi ko tuloy maiwasang mamuo ang pagdududa sa isipan ko dahil sa mga inaasal niya.

'Anong mayroon sa labas na ayaw niyang makita ko?' naitanong ko na lamang sa aking sarili.

"Bruha ka! Ginawa mo pa akong maligno. Sa ganda kong 'to," sabi ni She at pilit na ngumiti.

Sa ngiti pa lang niya na halatang pilit ay masasabi kong tama nga ang hinala kong may itinatago siya.

"What's with the commotion outside?" I asked her which made her body stiff.

"No-Nothing," nauutal niyang sagot na hindi na makatingin sa akin nang diretso.

"Wala nga ba?" nagdududa pa ring tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya. Magtatanong pa sana ulit ako nang bigla na lang niya akong hilahin papuntang dining area at walang sabi-sabi niya akong itinulak paupo sa isa sa mga upuang nakapalibot sa hapag-kainan.

"Stay here. Just wait for me. Ihahanda ko na ang pagkain mo," aniya.

Ngayong nalaman kong nasa labas lang pala siya magmula pa kanina ay mas lalo lamang akong naiintriga kung anong mayroon sa labas at kung sinong nanggugulo. Ngunit mas pinili ko na lamang na isantabi ang kuryusidad ko at mas pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang kumakalam kong sikmura.

Maingat na inihain ni She sa harapan ko ang isang platito ng bacon, ham at pancake, isang plato ng sinangag na kanin at isang baso ng fresh milk. Bago pa man lumamig ang pagkaing nakahain sa harapan ko ay agad ko na itong nilantakan.

"Maiwan na muna kita. Magbibihis lang ako sa taas," paalam ni She.

Binalingan ko ng tingin ang suot niya at ngayon ko lang napansin na wala pala siyang suot na apron kaya nadumihan ang damit na suot niya. Tinanguan ko lamang siya bago ako muling bumalik sa pagkain ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang may marinig akong usapan ng mga taong papalapit ng kinaroroonan ko. Base sa mga yabag nila ay mukhang nanggaling pa sila sa labas ng bahay.

"Argh! Kapag ako talaga napuno sa lalaking 'yon, sisiguruhin kong malulumpo siya para hindi na siya makabalik pa rito!" nanggigigil na sabi ni kuya sa iritadong boses ngunit ramdam ko pa ring pinipigilan niya ang sarili niyang mapalakas ang boses niya.

Wala akong kilala na nakasamaan ng loob ni kuya kaya nakapagtataka kung bakit parang galit na galit siya. Ito rin ang unang beses na narinig ko siyang magsalita sa ganoong boses. Para siyang manununtok ano mang oras.

"Sky, that's enough. You have to calm down," pag-awat ni mommy kay kuya sa malumanay na boses ngunit may bahid ng pagbabanta.

Habang patagal nang patagal ay palakas nang palakas ang boses nila dahil palapit din sila nang palapit sa kinaroroonan ko. Idagdag pang ang lalakas ng mga boses nila. Mas pinakinggan ko pa ang usapan nila para malaman ko kung ano ba talagang nangyayari sa paligid ko.

"Mom, paano ako kakalma kung hanggang ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng lalaking 'yon si Pia?" inis na wika ni kuya.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig ko. Ano namang kinalaman ko sa pinag-aawayan nila? Saka sinong lalaki ang tinutukoy ni kuya na ayaw akong tantanan? Wala naman akong stalker at ni minsan ay hindi pa ako napalapit sa isang lalaki bukod sa pamilya ko kaya hindi ko malaman kung sinong lalaki ang mag-aaksaya ng oras sa akin na dahilan ng galit ni kuya.

"Keep your mouth shut, Sky. Hindi mo naman siguro gugustuhing malaman ng kapatid mo ang tungkol dito, hindi ba?" pagpapaalala ni daddy kay kuya sa kalmadong boses ngunit may bahid ng pagbabanta at awtoridad.

It seemed like I'm the only one who has no idea of what is happening.

"But I can't help it! Nag-iinit ang dugo ko tuwing makikita ko ang Chri—" Biglang nanlaki ang mga mata ni kuya nang magsalubong ang tingin naming dalawa nang sandaling marating nila ang kinaroroonan ko.

"Pia? Ka-Kanina ka pa ba riyan?" kinakabahang tanong ni kuya na halatang nagulat na makita ako.

"Sa tingin mo, kuya? Nakita mo na ngang paubos na ang kinakain ko e. Malamang na kanina pa ako rito," pambabara ko kay kuya.

"So... d-did you hear it?" nauutal na tanong ni kuya.

"Yeah. But whom were you referring to? Do you mind to share it with me?" nakataas ang kilay kong tanong. "I guess I have the right to know. It's about me after all."

Saglit na natahimik si kuya na para bang pinag-iisipan niya pa ang magiging sagot niya sa tanong ko.

"It's nothing. May isa lang kasi sa mga kaklase mo na nagpapabalik-balik dito para makita ka at nagpupumilit na isama ka sa gala nila," pagpapaliwanag ni kuya na hindi makatingin sa akin nang diretso.

"Ganoon ba?" hindi kumbinsidong tanong ko.

Alam kong nagsisinungaling si kuya pero wala akong intensyong pilitin siyang magkuwento dahil halata naman sa kaniyang wala siyang balak magsabi ng totoo. Minsan lang siya magsinungaling at tuwing magsisinungaling siya ay may mabigat siyang dahilan kaya kung ano man ang inililihim niya ay rerespetuhin ko ang pasya niyang huwag sabihin sa akin ang totoo.

"Are you done eating?" pag-iiba ni kuya ng usapan.

"Almost," tipid kong sagot.

"Make it faster then. Our flight will be 7am sharp. Puntahan mo na lang ako sa kwarto kung handa ka nang umalis," kuya reminded me.

"Okay. Just give me five more minutes," tamad kong sagot saka ako bumalik sa pagkain ko.

Nang sandaling matapos akong kumain ay agad akong bumalik sa kwarto ko para mag-impake ng ilang damit. Hindi ko na dinamihan pa ang dala kong damit dahil pupuwede naman kaming mamili na lang doon sa States pagdating namin.

Bago pa man sumapit ang alas siyete ay nakarating na kami ng airport ni kuya. Nang tawagin na ang flight namin makalipas lamang ang ilang minutong paghihintay namin ay agad na rin kaming sumakay ng eroplano.

Hindi ko na namalayan pa kung ilang oras ang naging biyahe namin. Nagising na lang ako nang marahang tapikin ni kuya ang pisngi ko para gisingin ako nang sandaling makarating kami sa aming destinasyon.

Inalalayan ako ni kuya na makababa ng eroplano. Nakahawak sa baywang ko ang kaliwang kamay niya habang hawak naman niya sa kabilang kamay niya ang mga bagahe namin.

Hindi pa man kami nakakalabas ng airport ay napahinto na kami sa paglalakad ni kuya nang makarinig kami ng malakas na sigaw.

"Pia!" sigaw ng isang matinis na boses.

Igagala ko sana ang paningin ko para hanapin ang pinagmumulan ng boses na tumawag sa pangalan ko nang may bigla na lamang yumakap sa akin nang mahigpit. I can feel the longing and happiness this person is feeling.

Nang humiwalay sa yakap ang taong nakayakap sa akin ay hindi ko naman maiwasang mapangiti nang magtama ang tingin namin ni Ate Cha na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa balikat ko.

"I'm so glad to see you. Halos mabaliw na ako sa pag-aalala sa 'yo. Do you feel better? Wala bang masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Ate Cha habang sinusuri ang bawat parte ng katawan ko.

"I'm fine, Ate Cha. There's nothing to worry about," nakangiting sagot ko para hindi na mag-alala pa si Ate Cha.

"You sure?" alala pa ring tanong ni Ate Cha na hindi yata kumbinsido sa naging sagot ko.

"Yeah, I'm perfectly fine. So let's go. I badly want an ice cream." Ngumuso ako at sumimangot sa harapan ni Ate Cha para magpaawa nang sa gayon ay makaalis na kami ng airport agad-agad.

Narinig ko naman ang marahang pagtawa ni kuya sa tabi ko.

"Sinumpong ka na naman, sis. Dapat talaga sa 'yo hindi ginugutom e," natatawang sabi ni kuya na bahagya pang ginulo ang buhok ko.

"Ikaw na mismo ang nagsabi niyan ah. Masama akong ginugutom kaya tara na," nakangiting wika ko.

Ipinaikot ko ang kaliwang braso ko sa baywang ni Ate Cha habang ang kanang braso ko naman ay ipinaikot ko sa baywang ni kuya. Hinigit ko sila paalis ngunit walang ni isa man sa kanila ang nagpatianod at nanatili lamang silang nakatayo. Binitiwan ko silang pareho at humakbang ako ng ilang beses pasulong bago sila hinarap at binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Hindi pa ba tayo aalis?" kunot-noong tanong ko at pinaglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Not yet," magkapanabay na sagot nila.

"Why? Are you waiting for someone?" salubong ang kilay kong tanong.

"Yeah," tugon ni kuya saka tumagos ang tingin niya sa likuran ko. "Oh! There he is."

Tamad naman akong napatingin sa direksyong tinitingnan ni kuya para alamin kung sinong tinutukoy niya. Isang pamilyar na lalaki ang naglalakad patungo sa direksyon namin habang panay ang kaway nito kay kuya.

"I'm sorry I'm late. Something came up," agad na paliwanag ng lalaki kay kuya nang sandaling makalapit siya sa amin at tumigil siya sa tabi ko.

"It's okay. What's important is you're here," nakangiting tugon ni kuya saka bumaling sa akin ang kaniyang tingin at bumalik din sa kausap niya. "By the way, meet my sister, Pia. Pia, this is Ford, my best buddy."

Dahil sa ginawang pagpapakilala sa akin ni kuya ay bumaling sa akin ang tingin ng lalaking tinawag niyang Ford. Halos lumuwa naman ang mata nito nang makita ako na ipinagtataka ko.

"Mary?" gulat na tanong ni Ford habang tutok na tutok pa rin sa mukha ko.

Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa itinawag sa akin ng kaibigan ni kuya. Pia ang pagpapakilala sa akin ni kuya kaya paanong nalaman niya ang first name ko?

"Excuse me but... do I know you?" tanong ko habang salubong pa rin ang mga kilay ko.

Pinilit kong alalahanin kung saan ko nga ba nakita si Ford ngunit sumakit lamang ang ulo ko.

"Can't you remember? It's me, Ford. The guy you met at the beach," masiglang sagot ni Ford. "No wonder you seemed familiar the first time I saw you. You resemble your brother," Ford added.

"I can't recall anything," sagot ko at nakangusong umiling.

"Ford, I'm sorry but she can't remember anything about what happened for the past two years. She got into an accident," kuya explained in behalf of me.

"I'm sorry. I didn't know," Ford apologized.

Tipid ko na lamang na nginitian si Ford para kahit papaano ay mabawasan ang disappointment niya dahil lang sa hindi ko siya nagawang maalala o makilala man lang.

"That's enough. Umalis na tayo at baka nagugutom na itong si Pia," pagsingit ni Ate Cha sa usapan nina kuya na ngayon ay nakahawak na sa baywang ko.

"Tayo na sa bahay. Magpa-deliver na lang tayo ng ice cream mo," sabi ni kuya at marahang pinisil ang pisngi ko.

Malapad akong ngumiti saka ako yumakap kay kuya nang patagilid at nilisan na ang paliparan.

A/N: Sulitin na ninyo ang pagiging isip-bata ng ating bida. Limited edition lang 'yan😂

Baka pala hindi muna ako makapag-update nang matagal. Magiging abala kasi kami sa darating na linggo dahil sa practice sa cheer dance plus apat na quizzes in Monday at isang long, long quiz sa Practical Research this Tuesday. Next next week naman is Fiesta na sa place kung saan ako nag-aaral which means busy kami dahil kasunod nito ay Intramural Meet na agad-agad. I hope you understand. Huwag po sana kayong bibitiw. Kapit lang💜

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
14.2K 853 63
Meet the hellion academy. isang academy na pwedi ang lahat ngunit isang delikado na lugar para sa bawat isa. academy na may isang taong nanunungkulan...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
186K 10.2K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.