MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

By akosilenpot

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... More

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA
NOL - Chapter 17
Chapter 18
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 31
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 38
NOL - CHAPTER 39
NOL - Chapter 40

NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES

9.1K 220 17
By akosilenpot

NOL – CHAPTER 2 – NO ORDINARY ESCAPES

LAREEN'S POV

Mag-isa lang ako ngayon dahil namalengke si Ate Madel para sa tanghalian namin. Nakatingin ako sa TV pero hindi naman ako nanonood. Ito ang pangalawang araw ko sa bahay na ito. Ang bahay na ito ang sumisimbolo ng bagong buhay ko. It is far from a house and a life na kinalakihan ko. Sobrang layo...pero bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? It is because of one deal.

A deal that changes everything, including the life I live. Naiiyak ako pero kailangan tatagan ko ang loob ko. Nakakadalawang araw pa lang ako, hindi ako dapat sumuko dito. Kasi pagsumuko ako....parang sinuko ko na rin ang sariling buhay na pinapangarap ko.

I remember that night...the night na I almost lost my life. Hindi dahil mamamatay ako pero parang ganoon na rin iyon kung nangyari ang lahat ng pinlano ng Daddy ko. The night na dapat masaya ako dahil it was my 19th birthday pero hindi. It was a disaster. May mas malaking plano pa pala ang Papa ko, he arranged my engagement to someone who named, Arnulfo Montemayor III. That nightmare was happen a year ago....

Paggising ko palang ay abala na ang lahat. Panhik panaog ang mga kasambahay namin.

"Manang Nila, para san ho yan?" tanong ko kay Manang Nila nung saktong dumaan siya sa harap ko. May dala siyang isang bungkos na bulaklak noon.

"Ah may darating raw hong bisita ang Papa niyo mamaya sa kaarawan niyo Senorita" sabi niya at madali na rin siyang umalis.

Bisita...para sa birthday ko? Hmmm...bumalik na muna ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Tatlo kaming magkakapatid. All girls. My eldest Sister Lorraine, na may sarili ng pamilya, my second sister Laarni na nasa states ngayon at ako. Ako na lang ang single sa aming tatlo.

Hindi pa ako tapos magbihis ay narinig ko na ang katok ni Ate Madel sa labas ng kwarto ko. Si Ate Madel ang personal yaya ko.

"Lareen...Lareen...handa na ang almusal" sabi pa niya.

"Okay, sunod na ako" sabi ko.

Pagbaba ko sa dining ay si Ate Madel lang ang naabutan ko.

"Asan ang Mom and Dad?" tanong ko. Ate Madel pulled me a chair at pinaghain ako.

"Ah nasa Estrella si Sir at si Ma'am naman ay nasa kwarto" sabi niya. Estrella ang lugar dito sa bayan ng Milagros kung saan ang nakakapunta lang ay ang mga mayayamang tao dito.

"Kumain na ba siya?" tanong ko.

"Tinanong ko siya kanina, sabi hindi pa daw nagugutom" pabulong niyang sabi sa akin. Malapit lang kasi ang mayordoma naming si Ms. Tomas. Para siyang guidance councilor sa bahay. Ang sungit. Matagal na kasi namin siyang kasakasama, mula pa nung binata si Daddy ay kasama na nila ito. Si Ms. Tomas ang isa sa mga kontrabida sa buhay naming magkakapatid. Parang tao mula sa History Books ko. Mahaba ang palda, makapal ang salamin at naka-bun ang buhok.

Pinagkakatiwalaan siya ni Daddy at parang pamilya na ang turing sa kanya kaya miski kami nila Ate ay walang magawa sa kanya. I remember pa nga nung bata pa kami nila Ate , iikot yan pagdating ng 9PM, at by that time we should be sleeping na. Masungit siya sa amin pero pag andiyan sila Mommy at Daddy, akala mo kung sinong santa.

"Lareen, pagkatapos mong kumain ang bilin ni Senyor ay ihahatid ka daw sa bayan para isukat muli ang mga pinatahi mong damit" sabi ni Ms. Tomas.

Hindi ako sumagot. Kung dati takot na takot ako sa kanya, ngayon, sanay na ako. Immune na kumbaga.

"Madel, siguraduhin mong makakarating si Lareen sa Benitos ng sakto sa oras." Sabi niya at umalis. Tumango lang si Ate Madel at nagkatinginan kami.

I rolled my eyes.

Nagtawanan na lang kaming dalawa. Minsan pa nga naalala ko, may pagkakataong ginagaya ni Ate Madel si Ms. Tomas. Pati yung boses na matinis ay gayang gaya niya pero after non, suspendido si Ate Madel at hindi hinayaang makalapit sa akin. Kung ano ano raw ang itinuturo niya at hindi raw siya magandang halimbawa. Paano, nahuli siya sa aktong ginagaya kaya ayun na-DA (disciplinary action).

Sa buong bahay na ito, lahat ng mga trabahador mula sa hardinero ay inis kay Ms. Tomas. Sabi nga nila, kaano ano daw ba nun yung sawsawan? Hahaha...

After kong kumain ay naisipan kong puntahan si Mommy sa kwarto. Kumatok ako.

"Mom??"

-----

"Mom??"

I tried na buksan na lang ang pinto. It's opened.

Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga si Mommy. Akala ko natutulog siya pero hindi.

"Lareen" malungkot ang boses niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama. Bumangon rin siya at umupo.

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. There is something that's bothering her. Halata iyon sa mukha niya. My Mom Luisa Castillo is a beautiful woman. She's a perfect example of elegance.

"Mom?"

"Lareen....." sabi niya at niyakap ako.

"What's wrong Mom?" I hug her too.

"I did my best to convince your Dad....I tried to talk to him...pero we all know him. When he wants something....he'll do it and no one can breaks it" sabi niya.

"Mom, I don't understand" sabi ko.

Humarap siya sa akin.

"Anak, I know you have many dreams. I know you deserve your own life kaya I am telling you about this. Ayoko nang maulit pa at masundan pa ang mga pagkakamaling ginawa ng Daddy mo."

Hindi ako sumasagot. Parang alam ko na. Nagsimulang tumulo ang luha ko.

She nods. Pareho kaming umiiyak.

"This big event is not just about your birthday......." Nanginginig ang boses ni Mommy. "This is also to announce your wedding...." At last nasabi na niya.

Parang nanghina ako. My Dad. Mabait ang Dad ko. He gives everything we need, lahat ng luho ng buhay. Pati nga yung mga hindi namin kailangan ay binibigay niya...pati ang mapapangasawa.

Nakuyom ko ang mga kamay ko. Akala ko hindi na niya uulitin ang ganito? Mula kasi ng maging failed ang relationship ni Ate Laarni sa lalakeng inireto rin ng Daddy ko ay hindi na namin ito napagusapan. My Ate Lorraine and Laarni both have fixed marriage.

Muli akong niyakap ni Mommy.

"Anak...sorry...." Sabi pa niya.

"Mom....ayoko po...." Sabi ko. "Marami pa akong gustong gawin. I have dreams na gustong matupad Mommy. Mom....anong gagawin ko??" umiiyak na ako ng todo.

Bumitaw si Mommy sa pagkakayakap sa akin at may kinuhang envelope sa loob ng cabinet.

"I already talk to your Ate Laarni" sumulyap si Mommy sa pinto. Assuring na walang nakakarinig.

"Leave. Go to the states" sabi niya.

I opened the envelope. A plane ticket.

"Mom? Magagalit si Daddy" sabi ko. "Yeah...sigurado yon..pero Lareen, we all know kung ano ang nangyari sa relationship ng Ate Laarni mo. Maling lalake ang napakasalan niya. Siguro your Ate Lorraine is just lucky to have Philip. Pero Lareen, hindi natin kilala si Arnulfo" sabi nya

Arnulfo...pangalan pa lang mukhang matanda na at parang hindi mapagkakatiwalaan. Mas lalo akong natakot.

"Sino ba siya Mom?"

"He's a son of Arnulfo II. Bagong kapartner ng Daddy mo sa negosyo" sabi niya.

Pareho kaming napatingin sa bintana ng marinig namin ang sasakyan ni Daddy.

"Go....pack your things. Yung kaya mong dalhin. Your Ate and I prepared lahat ng kakailanganin mo. You'll going to leave bago dumating ang mga Montemayor, okay? I'll give you the signal. I also talked to Madel to help you out." Sabi ni Mommy at mabilis na akong lumabas.

Ng marating ko ang kwarto ay mabilis kong kinuha ang bag ko. Hindi naman ganoon kalaki para hindi ako mahirapan mamaya.

Kinakabahan ako. Si Daddy ang kalaban ko. Kung walang nagawa si Ate Laarni noon, ano pa ako? Walang makakabali sa desisyon ni Daddy. NO ONE.

Minadali ko ang pageempake at saktong paglagay ko ng bag ko sa ilalim ng kama bumukas ang pinto.

"Anong ginagawa mo diyan Lareen?" si Ms. Tomas. Natigilan ako.

"Huh? Ah eh...may pinulot lang" sabi ko.

Tumingin siya sa ilalim. Kinakabahan ako. Madali akong tumayo at nilapitan siya.

"May kailangan ho ba kayo?" tanong ko.

"Ah maghanda ka na at aalis na kayo ni Madel." Sabi niya at umalis na. nakahinga ako ng maluwag.

Hindi na maipaliwang ang kabang nararamdaman ko. alam kong walang nakakapagtago kay Daddy. Ginawa na ni Ate Laarni iyon. Tumakas siya at umalis pero isang linggo lang ay nahanap siya ni Daddy at natuloy ang kasal.

"Lareen, okay ka lang" tanong ni Ate Madel habang pauwi na kami galing as Benitos. Dala na rin namin ang damit na susuotin ko. Hindi kasi makakapunta ang designer dahil marami pa itong ginagawa kaya kami na lang ang sumadya.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Mabuti pa ang mga anak ng mahirap dito sa Milagros, may freedom. Pero ako.....yaman lang ang meron ako...bukod don, wala na.

"Lareen kinakabahan ka sa birthday mo mamaya?" tanong niya. wala pang idea si Ate Madel sa mangyayari mamaya. Hindi ko namalayang tumulo ang luha sa mata ko.

Bakit ganoon? Hindi ko matanggap na kaming magkakapatid ay walang choice kundi sundin ang gusto ni Daddy.

"Lareen...."

"Nothing is perfect. Sa lahat ng ngiti, panigurado may lungkot na tinatago." Sabi ko. "Sabi nila life is a series of chances....pero every chance you take, you have something to give up. Marami mang chances, mauubos ka naman....mapapagod....hanggang aayaw ka na"

Inabutan niya ako ng panyo. I wiped my tears. I need to be brave....

8:OO o'clock nakaplanong magsimula ng party. Based sa napagusapan namin ni Mommy, I need to act na super excited para walang makahalata. Suot ko na ang damit na pinatahi ni Papa. I need to be out of this house ng mga 7:00 PM.

Pabalik balik ako sa kwarto. Hindi pa rin alam ni Ate Madel, dahil nerbyosa din iyon, mas magandang ako at si Mommy na muna ang nakakaalam.

"Lareen, pinapatanong ni Sir kung okay ka na raw" nakasilip lang si Ate Madel sa kwarto. Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko. It's 6:30.

"Just give me another minute" Sumilip ako sa labas ng kwarto. Marami pa ring tao. Kahit na sa labas ang reception ay marami ring mga bisita ang nasa loob ng bahay. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang bag ko.

"Lareen...kaya mo to...it's now o never. Pag hindi ka nakatakas...forever ka ng makukulong....you can do it...you can do it..." paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Muli akong sumilip sa labas. Malamang hindi ako pwedeng lumabas sa main door. Sa back door naman ay naroon sila Ms. Tomas...mas yari.

Isinara ko ulit ang pintuan ng kwarto.

"Lareen" tawag ni Mommy mula sa labas.

Madali kong binuksan ang pinto at pumasok siya. Nilock niya ang pinto ko.

"Ma, san ako dadaan??" tanong ko.

Hinila niya ako papunta s malapit sa bintana. Ito ang likurang bahagi ng bahay namin. Madilim dito.

"Kunin mo yung bag mo..." sabi niya at madali naman akong sumunod.

"Here"

Kinuha niya at ihinulog iyon.

"Paano ako?"

"Lumabas ka muna saglit...magpakita ka sa mga tao then, when the clock reached 7:00...bumalik ka dito. Ako na bahala sa Daddy mo okay?" sabi ni Mommy. Tumango ako at lumabas ng saglit kasabay ni Mommy.

Lumabas ako at nakita ko ang mga bisita, they looked at me and they smiled at me. Yung mga kaedad ko ngumingiti rin at kita ko sa mga mata nilang naiinggit sila sa akin. Gusto kong matawa...kung alam niyo lang na gustong gusto kong umalis at iwan ang buhay na ito.


Nakita kong tumango si Mommy mula sa di kalayuan. Kasama niya si Daddy, na abala sa pakikipagusap sa ibang mga bisita. Humakbang ako papasok ng bahay.


"San ka pupunta??" tanong ni Ms. Tomas. Parang gusto kong mahimatay sa pagkagulat. Nakaharang siya sa pintuan papasok ng bahay.

Huminga ako ng malalim. 

"May nakalimutan lang ako sa kwarto" kalmadong sabi ko.


"Nagpakita ka na ba sa Daddy mo?" tanong niya.

Tumango ako. Badtrip tong matandang to, may pagkapakialamera talaga.



"Eh –







"Ms. Tomas, ako ho ang may birthday at ANAK ho ako ng may-ari ng bahay na ito..kaya pwede? Papasukin mo ako?" sabi ko. Nanlaki ang mata niya at umalis sa daraanan ko.




Pagpasok ko ng kwarto ay madali kong nilock ang pinto at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang hotdog pillow ko at isinuotan ng gown ko. Ihinaga ko sa kama sabay kinumutan ito.



Binuksan ko ang bintana. Dahil nasa pangalawang palapag ang kwarto ko ay medyo mataas ang lalaglagan ko if ever na mahulog ako.


Napalunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. 

"You can do this, Lareen. You can do this" sabi ko sa sarili ko at nagumpisang humakbang palabas.

Iniapak ko ang isa kong paa sa isang nakausling simento at isinunod ko ang isa ko pang paa. Ibinaba kong muli ang kurtina pero hindi ko na magawang isarado ang bintana.



Nangangalahati na ako ng marinig kong parang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. may tumatawag sa pangalan ko at ito'y walang iba kung hindi si Ms. Tomas.


"Lareen? Hinahanap ka na ng Daddy mo" narinig ko mula sa loob.

Nagpipigil ako ng hininga, dahil anytime ay pwede niyang akong makita. Tumingala ako para silipin ang bintana. Shocks..hindi ko nga pala naisarado, gumagalaw tuloy ang kurtina dahil sa hanging nanggaling sa labas.


No.......minadali ko ang pagbaba. Ng makita kong konti na lang ang distansya ng paa ko sa lupa ay tinalon ko na ito. Nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ni Ms. Tomas mula sa loob ng kwarto.


"Wala si Lareen!! Senyor! Senyora!! Wala si Lareen!!"


Nanginginig ako sa takot. Hinahanap ko ang bag ko ng biglang may humila sa akin. Si Ate Madel. "Magtago ka." Nagtago kami sa isang halaman roon, at kitang kita ko kung paano sumilip si Ms. Tomas mula sa bintana.



"Dumaan siya dito....!!!!! Lareen!!!" Sigaw pa niya.

Nagkakagulo na sa buong bahay.

Nagsimula na kaming tumakbo ni Ate Madel. By this time, alam na ni Daddy na lumayas ako.

Naabot namin hanggang dulo ng nasasakupang lupain ni Daddy. Sa kabila ng mataas na pader na ito ay ang highway na. Sabi pa ni Ate Madel ay tawirin ko ang kalsada at doon nakapark ang kotse ko.

Nakikita naming may papalapit na mga tao. Hindi pa naman ganoon kalapit pero maaninag mo dahil may hawak itong mga ilawan.

"Ate Madel......"

Yumuko si Ate Madel at pinapatong ako sa likuran niya. Medyo maskulada naman ito kaya nakaya ako.

"Okay ka lang??" tanong ko.

"Wag mo akong isipin...isipin mo ang sarili mo at makalayo dito Lareen" sabi niya.

Pumangko ako sa kanya at pinilit na ianggat ang sarili ko at makaakyat sa pader. Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero nakaakyat ako.

"Ate Madel thank you..." sabi ko.

"Wala yon...sige na!!!! Sige na!! talon na!! magiingat ka huh??" sabi pa niya. Naiiyak ako.

"Alagaan mo si Mommy!! Tell her I love her.." sabi ko.

"oo na bilis!!!!! Bilisan mo na!!" sabi pa niya ng natataranta. Tumango ako at tumalon. Pagtalon ko ay muli kong nilingon ang pader. Ang taas grabe. Pinulot ko ang bag ko at tatawid ng may biglang kotse na dumaan.







SCREECH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Mabuti na lang at madali rin itong huminto.







"Sorry po....Sorry po..." sabi ko at tumakbo na ako sa kotse ko.



Continue Reading

You'll Also Like

304K 32.2K 23
Kim X Jeon (Season I)
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
21K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
5.2K 60 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...