Ravage | SKYA book 2 [COMPLET...

Da _Ve_Ran_

46.2K 1.7K 38

Everyone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts th... Altro

Welcome back! (MUST READ)
Prologue
1st: Party's Over
2nd: Unlabeled
3rd: Soda and Spaghetti
4th: Stain
5th: Meeting
6th: Backstage Hall
7th: Dreamland
8th: Baby!
9th: Orange Hair
10th: Casteen
11th: Nothing Changed
12th: Carnival
13th: Drop Tower
14th: I am Your Ride
15th: Slap
16th: Volleyball
17th: Flyer
18th: Detention Room
19th: Indoor Tent
20th: Photo
21st: A Prima
22nd: Unexpected Fight
23rd: Ice Cream
24th: Too Drunk
25th: Not Yet
26th: Really Over
27th: First Victim
28th: Poisoned
29th: Fake Nurse
30th: Leaf
31st: Beware
32nd: Cupcakes and Cookies
33rd: My Fault
34th: Unwelcomed
35th: Rendezvous
36th: Gianielle's Party
37th: Guest's Room
38th: Wish
39th: Anonymous
40th: Tip
41st: Kyo
42nd: Airport
43rd: The Beast
44th: Three Month Rule
45th: Piece of Paper
46th: Acceptance
47th: Meeting the Anon
48th: White Lady
49th: Halloween Party
50th: Proof
51st: Questions
53rd: Off to Baler
54th: The Mendez's
55th: Better without me
56th: Glitter
57th: Pest
58th: Night life
59th: Night Swimming
60th: The Game
61st: November One
62nd: Old House
63rd: No One
64th: Key Bombs
65th: Ravaged
EPILOGUE
MUST READ
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Must read!
New

52nd: She's Alive

488 25 0
Da _Ve_Ran_

Ngayon ang unang araw ng semestral break. Kadalasang ginagawa ng mga estudyante tuwing semestral break ay nagbabakasyon out of town, of the country, road trip, sleep over, punta sa resort, sa beach at kung saan saan pa. Pero andito kami ngayon ni Nadal sa coffee shop ng ate niya gumagawa ng research.

Research, I mean research tungkol kay Xeya. No one really knows her. Hindi namin kilala ang mga magulang nito, wala kaming alam tungkol sa kaniya.

Wala naman talaga akong pake sa personal niyang buhay pero siya ang gumawa ng dahilan para pakialaman ko ang buhay niya.

"Xeya Gomez" Nadal said while typing Xeya's name.

Nakakuha ako ng copy ng student's records sa laptop ni Mama nang hindi niya nalalaman. Kinuha ko iyon kaninang madaling araw kaya naman mas magiging madali para samin ni Nadal na makilala si Xeya.

Alam kong illegal pero wala na akong pagpipilian. Kailangan kong gumalaw ng mabilis. Kung hindi ay paniguradong may mas malala pa siyang gagawin hindi lang sa akin kundi sa aming lahat.

"Here..." Pinindot nito ang isang file na may pangalan ni Xeya at lumabas ang patong patong na impormasyong kinuha ng school tungkol sa kaniya.

"Xeya Shellie Lei Gomez " bulong ni Nadal "galing siyang probinsya, nakapasok sa Academy dahil sa isang scholarship galing sa isang charity. " pagsabi ni Nadal sakin ng maliliit na impormasyon. "High grades, scholarship contract, schedules, damn! Wala tayong mahahanap dito" reklamo ni Nadal.

Tama siya. Wala kaming mahahanap dito dahil panay good records ang andito.

Xeya Shellie... Shellie?

Parang pamilyar ang pangalang iyan. Hindi ko lang masyadong maalala kung saan ko narinig ang pangalang Shellie.

"Wala bang family records?" Tanong ko kay Nadal na agad namang nag halungkat.

"Father and Mother are deceased. 5 years ago. She's an orphan, lived with her grandmother that passed away last year. Siguro ay nang mamatay ang lola niya, umalis na rin siya ng probinsya. " konklusyon ni Nadal.

She's alone. All alone.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng awa sa kaniya.

Anong dahilan niya kung bakit niya nagawa ang lahat ng to? We never let her feel alone. It's not our fault if she's alone. And if she needed our help, all she need is to ask.

Gosh. Baliw ba siya at nagkataon na grupo pa namin ang pagtitripan niya?

"Wala tayong makukuha dito Nadal. " problemadong sambit ko.

"I know. If only we have sources on her personal things." Pag reklamo naman nito sabay sara sa laptop.

Shellie... Hmmm.. I still can't move on with her name. I know I heard it somewhere.

"Wait.... " I think I have an idea! "Lets go!" Hinila ko ito patayo ngunit hindi siya gumalaw at tinignan lang ako na parang bored na bored na siya sa buhay niya.

"Where?" Walang gana nitong sambit.

"Sa dorm namin." I smiled evilly

Mabilis na nag bago ang expresiyon nito ngunit hindi ang expresiyong inaasahan ko ang babakas sa mukha niya.

"Huh? Ariia anong balak mong gawin sakin? Jusko po! Inosente akong tao Ariia! -.. Aray! " pag inda nito sa pag batok ko sa kaniya.

"Sira ulo! Hindi kita type! " sigaw ko dito. Tumayo naman ito pero hindi parin sinimulan ang paglalakad. "I think Xeya moved to my bed space when I left inamorata" ngiti ko rito na nagpaliwanag sa mukha ni Nadal.

"Ano pa hinihintay natin? Tara na!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang nag hila sakin palabas ng coffee shop at mabilis na pinaandar ang sasakyan nito.

Wala naman sigurong tao sa dorm nila ngayong araw. It's the first day of semestral break any way.

Sana naman sa pagkakataong ito ay may mapala na kami ni Nadal. Kailangang sa pagkakataong ito ay may magawa na kaming makakatulong sa amin.

Papalapit palang ang sasakyan sa malaking gate ay nanlulumo na ako. Ang malaking gate ay sarado pa at may iilang estudyante ang naghihintay sa labas.

The Academy was closed. And will open at 8:00 so basically, 30 minutes pa.

"What?! Argh! Kung bakit ba naman kasi ang tagal tapusin iyang maliit na gate sa malaking gate na iyan eh!" Rinig ko nanamang nag rereklamo si Nadal. "Ayokong mag hintay no!" Dagdag pa nito

At tulad nga ng sabi nito. Hindi pa tapos ang one person gate na ginagawa sa mismong malaking gate na kailangang buksan ng mahigit limang tao. Ayoko rin namang mag hintay no. Sayang ang 30 minutes. Baka makahanap pa kami ng mas makukuhanan ng impormasyon tungkol kay Xeya. Tsk.

Walang kapaga-pag-asang inikot ni Nadal ang sasakyan para makaalis na kami dito sa gitna ng gubat kung saan may mga nakakasalubong kaming mga pupunta rin sa Academy na panigurado ay mag hihintay sa labas ng tatlumpong minuto.

"Wait! Stop! Stop this car!" Pag pigil ko sa kaniya ng makaisip muli ako ng ideya.

Sa gulat ay agad niyang nahinto ang sasakyan at bagot akong tinignan.

"What again? Makakapasok pa ba tayo? Wag mong sabihing aakyatin nating ang gate ha. Iiwan talaga kita" Medyo iritang sambit nito

Tsk. Sira ulo talaga ang taong to. Sa tingin niya talaga papaakyatin ko siya sa gate? Seryoso pa siya sa lagay na iyan ah!

"Sira! Just park this car" irap ko rito.

"Eto na po!" Sarkastiko nitong ngiti. "Ano ba kasing balak mo? Hindi tayo makakapasok o. Kita mo? Ayokong mag hintay Ariia. Masasayang lang ang oras natin" iling nito pagkababa namin ng sasakyan niya.

Itinabi lang namin ang sasakyan nito upang hindi maka-abala sa mga dadaan pa papuntang Academy.

"Hindi naman kasi tayo mag hihintay eh! Follow me." I smiled evilly

"San mo naman ako dadalhin? Hindi mo naman siguro ako papatayin diba? Ariia naman, we're friends. Tsaka tinutulungan naman kita ah. Tsaka isa pa, sayang naman lahi ko kung hindi ko maiikalat no. Sa gandang lalaki ko ba namang-.."

"Hay nako Nadal! Kung hindi ka talaga titigil baka mapatay kita. Wag ka ngang feeling sundan mo nalang ako" pag tataray ko rito habang inaalala ang daan sa gitna ng masukal na kagubatan.

"Nag jojoke lang! Masyado ka kasing seryoso jan eh! Asan na ba tayo?" Tanong nito sa gitna ng pag lalakad namin.

Tanging mga puno at ang malaking pader lang ang nakikita ko mula sa kinatatayuan namin. Mabuti nalang at madali lang naming nahanap ang parteng ito ng Academy.

"We're here!" Masayang sambit ko at masayang ipinapakita sa kaniya ang bitak na pader.

I still remembered everything that had happened that night. It's been a big part of my life.

"Woah... Bakit may sira to?" Tanong nito habang pumapasok na kami sa Academy

"It was wrecked by some students. Ito ang naging daan namin palabas ng Academy. It's a big part of the Academy's history, kaya napagdesisyonan na panatilihing ganyan na iyan. " I smiled as I remembered what freedom feels when I finally got out this Academy

Isa sa mga bagay na hindi nagawang pakialaman ng medi ay ang parteng ito dahil matapos ang gabing 'yon ay wala nang nag lakas loob pang pumunta sa parteng ito. Madilim, may kalayuan sa mismong Academy at sa sementadong daan sa gitna ng gubat.

"Wow. It's awesome. I feel like I want to know more about this Academy" napangiti nalang rin ako dahil sa sinabi ni Nadal.

A lot to discover, really.

"Marami pang mga nakakamanghang bagay sa loob ng academyang ito, kasing dami ng hindi kapanipaniwalang pangyayari nang sarado pa ito at hindi kinikilala bilang paaralan mula sa labas." bulong ko sa sarili ko na sigurado akong hindi narinig ni Nadal dahil sa pananatili nitong tahimik

Mabilis kaming naglakad hanggang sa marating na namin ang Inamorata building. Naging madali para sa amin dahil wala pang tao dito sa loob. Malamang ay nag hihintay pa ang lahat sa labas.

Mabuti nalang at kaya kong buksan ang bintana ng aming dorm mula sa labas kaya mabilis lang naming napasok ni Nadal ang kwarto.

"Wow. This is so organized. I wonder what this looks like if you still live here" sambit nito habang nangengealam na sa mga picture sa ibabaw ng side table ng kung sini sino.

"So your saying hindi ako maayosa sa gamit ko?!" Kahit gusto ko siyang batukan ay hindi ko muna ginawa dahil abala ako sa pag lapit sa corner ko dati.

"Wala 'kong sinasabing ganyan ah. Ikaw na may sabi niyan. HAHAHA" tawa naman nito kaya hinampas ko siya sa braso nang makalapit siya sakin.

"Shut up! Mag hanap ka nalang dyan! " turo ko sa isang drawer.

"Ayoko nga! Malay mo, drawer ng mga inner garments niya mabuksan ko! I told you already, I'm an innocent child!-.."

"Oo na, oo na! Ang dami mong sinasabi eh! Tsaka anong child ka jan? Di ka mukhang child no!" Tawa ko naman rito habang iniisa isang binubuksan ang drawers.

"Heh! Mag hanap ka nalang dyan" irap nito at lumabas ng kwarto.

"Wag kang gagalaw ng pag kain dyan!" Sigaw ko mula sa kwarto

"Papalitan ko nalang sa susunod!" Rinig ko namang halakhak nito.

Ewan ko sayo Nadal!

Nakailang bukas na ako sa drawers dito pero wala akong makita kundi mga damit lang. Wala rin naman sa ilalim ng kama, unan o kumot niya.

Ano bang pwedeng gamiting proweba dito?!

Lumapit ako sa side table nito at binuksan ang maliit nitong drawer. Pero bago pa man ako makasilip sa loob nito ay isang picture frame ang nakakuha ng atensyon ko.

"Ariia, hide!" Mabilis na sambit ni Nadal at agad na nakatalon palabas ng bintana.

Hindi naman ako agad na nakagalaw dahil naestatwa ako sa litratong nakita ko.

"Ariia, what are you doing here?!" Gulat na tanong ni Kierra.

Anong ginagawa niya rito? Damn it!

"A-ariia, pano ka nakapasok?" Sunod na dumating si Angel

"What are you doing here?" May halong pagtataray ang boses ni Hailey ng makita niya ako.

Tanging tingin lang ang ibinigay ni Brynn sa akin. Hindi ako sigurado kung galit ba siya o hindi. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.

"What are you doing at our photo?" -...

This bed, isn't Xeya's.

Picture ni Melissa at Nathan ang nakita ko. Malamang sa malamang ay si Melissa ang pumalit sakin sa higaang ito.

Damn!

"Ariia what?!" Iritang tanong ni Hailey.

"I.. I'm sorry" tumayo ako.

"Sorry? What are you doing with my stuff? " takang tanong ni Melissa sa akin at mabilis na hinablot ang litrato nila ni Nathan

"I'm really sorry.. I-.. It's just that. I'm looking for something. I thought I left it here." I shrugged.

Lalagpasan ko na sana sila ng hawakan ni Brynn ng mahigpit ang braso ko dahilan kung bakit ako napahinto at muling napaharap sa kanila.

"What are you doing here?" Walang ekspresyon nitong tanong.

Damn it! I can't lie to Brynn! Malalaman at malalaman niya rin naman pag nag sinungaling ako.

"I'm looking for something. " that's true. "You should all take care. Hindi niyo alam kung sino ang maaaring manakit sa inyo mula sa likod." Tumalikod na ako sa kanila.

Damn it. Xeya Shellie Lei Gomez...

"And I think Jun Almonte's daughter is alive" huli kong sinabi bago tumakbo palabas.

What did I just said?

Bigla ko lang naalala kung saan ko narinig ang pangalang Shellie. I heard it at Mama, Tita Lucy and Tita Tin's story before.

But hell! Why did I think out loud?!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.9M 51.8K 67
Highest Rank #1 in FanFiction (12-02-17) "I'm not anti-social, I'm just not user friendly." I'm Nerd and also a... Gangster Date started: July 2016 D...
10.2K 346 70
"Forget those who HURT you yesterday, but don't forget those who LOVE you everyday" Credits sa mga kaibigan kong tumulong...at dun sa hindi, dun ka n...
208K 4.6K 41
Devil Series 2 Book 2 of the "Devilish Princess" Utang na labas po, wag nyo po munang babasahin to hangga't di mo pa nababasa ang devilish princess b...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.