"Let's go?" Matamlay na tanong sakin ni Mama pagkahintong pagkahinto ng sasakyan namin.
Saglit kong binalingan ng tingin ang labas ng sasakyan at nakita ang isang lugar na hindi ko inaakalang pupuntahan ko ilang buwan lang makalipas nang makalaya kami sa SKY Academy.
"Mama... Is it right that I'm here?" I'm not really sure if I should be here.
Baka makagawa nanaman ako ng gulo dahil sa pag punta ko.
"Yes, Ariia. It's not your fault. And you're a friend" pangungumbinsi sakin ni Mama.
Sa huli ay bumaba rin ako sa sasakyan at sumabay sa pag lalakad ni Mama papasok.
I can see people with black and white shirts. Some are wearing shades, some are holding their hankies busy wiping their tears.
Andito ang mga taong nasa party ng mga Ramos noong isang gabi. Ang kaibahan lang ay kalungkutan ang bumabalot sa paligid.
"Condolences to your family" rinig kong sambit ni Mama sa dalawang taong sumalubong samin nang palapit na kami sa isang marble jar.
"Thank you for coming Principal Meryll, and Ariia. " pilit na ngumingiti sa amin ang isang babaeng nakasuot ng shades na tumatakip sa paniguradong namumugto nitong mata.
Ramdam ko na ang pamumuo ng mga luha sa ilalim na bahagi ng mata ko nang makita ko ang mga magulang ni Kyo.
Isang hakbang papalapit.
Ramdam ko ang sakit ng mawalan. Mawalan ulit ng kaibigan.
I think my heart skipped a beat when I finally saw his name clearly imprinted to that marble jar and his picture beside it.
Kyo Tranz Ramos...
I want to shout in pain. I want to just wake myself up and believe that these are all lies. That I'm just in a nightmare. But I ended up looking at you, letting my tears roll down my cheeks.
You're fully smiling at this picture. Very genuine.
You're finally at Peace. You may rest in peace Kyo.
The other night, everyone thought you're okay. Because your uncle finally saw you inside that van. I even saw you at the van's window.
Nakahinga ako ng maayos nang makita kita. Pero biglang nag bago ang expresyon ng mukha mo nang mapadaan ang tingin mo sa harap.
I knew from that moment something was off. But I didn't know that it would bu something that will kill you.
You started shouting. You said 'move away. Get down. Don't go near me' and then full brightness came. None of us knowing that, that brightness will darken our lives. That, that brightness will steal you away from us forever.
Walang nakapaglabas kay Kyo sa loob ng sasakyan, even his uncle died, and other 3 died for being too near the van, for trying to get Kyo out.
Patuloy ako sa pag iyak, nakatakip ang dalawang kamay sa mukha ko. Hindi ko mapigilan ang pag hikbi. Naramdaman ko nalang na inalalayan ako ni Mama sa pag upo dito sa harap.
Is this for real? I can't imagine someone died again. To think na nakatakas na kami sa isang impyerno.
Sana ako nalang. Walang kasalanan si Kyo sa mga nangyayari, bakit kailangang madamay siya at ang pamilya niya?! Bakit si Kyo pa?! Bakit hindi nalang ako?!
Matapos ang ilang minuto ay tsaka ko lang napansin na ang mga taong kasunod pala namin ay sina Kierra at ang iba pa.
Muli ay kumpleto sila. Maliban kay Kyo, na siyang dahilan ng pagiging kumpleto ng lahat.
Hindi ko nalang pinansin ang mga palihim na masasamang tingin sakin nina Quen, Travis, Aeco, at ng iba pa sa kanila. Ramdam ko sa mga tingin nila ang galit at awa sakin.
"Mama, babalik na ako sa sasakyan" pag papaalam ko kay Mama na nakaupo sa tabi ko kausap ang mom ni Kyo.
Tumango naman ito sakin bilang sagot kaya naman mabilis akong nag lakad palabas para takasan ang mga tingin nila. Hindi ko na kaya. Wag ngayon. Lalo na't kitang kita ko ang masamang epekto ko sa mga taong nakapaligid sa akin.
Kyo is gone, and I know that I should be the one on his position. I should be the one who died.
"Ariia, ... " rinig kong pag tawag sakin ni Kierra pagkaapak na pagkaapak ko palang sa labas ng funeral house pero imbis na lingunin ay mas binilisan ko ang lakad ko "Ariia, saglit lang." And with that, I felt her hand on my wrist.
"Kierra let me go, please. Look at what I have done. " again I cried.
Not thinking twice about hiding the pain I feel that I have tried hiding for almost all my life started when we got out the Academy.
"Ariia, wala kang kasalanan! Just please! Mas pinapatunayan mo lang na may kasalanan ka dahil sa ginagawa mong pag layo!" Umiiyak rin nitong sigaw sakin.
"No! Ginagawa ko to para sa safety ninyong lahat. Please don't make this harder for me. " because I am the bomb. I am disastrous.
"Ariia, look at what happened to you! You became your worst nightmare! " sigaw nito habang umiiyak na siyang ikinatigil ko
" where's the Ariia that can fight for her rights? Yung Ariia na may tapan na patunayan sa lahat na maayos at malinis ang image niya?! " she held my shoulders "diba you're afraid for getting the worst image, background, and what ever that is?! Pero bakit ganto ka ngayon?! Bakit ikaw pa ang naninira sa sarili mo? Why did you become weak?!" She's being harsh. She doesn't talk like this, alam kong ito ang totoo dahil sa pananalita niya. She's being real.
That hit me, that hit me big time. Tahimik ko itong tinalikuran at nag lakad papasok ng sasakyan. Nakita ko naman siyang sumama na kay Asche na hinihintay siya sa pintuan at muling sabay na pumasok sa loob.
It's my fault. If only I had the courage to tell them what that letter says. Not minding if they will believe me or not, considering the fact that they will be alarmed and prepared. If only I didn't let them get Kyo. If only I did save him. But I didn't. It's my fault.
The killer wanted me. Not Kyo.
**
Dumating na ang huling gabi ng burol ni Kyo. Hindi pa ako sigurado kung pupunta pa ba ako dahil kung saan may pag titipon, at marami ang tao, tsaka ako nakakagawa ng kaguluhan.
Ayokong makagulo doon. Ayokong pati si Kyo ay magalit rin sa akin.
I wanted him to be at peace.
"Ariia, hindi ka ba talaga sasama?" Pangalawang beses na akong pinuntahan ni Mama dito sa kwarto para tanungin. Pangalawang beses na hindi ako sigurado sa sagot na sasabihin ko.
Kahit gusto kong pumunta, pinapangunahan ako ng takot ko na baka may magawa nanaman akong mali. Baka magkagulo nanaman ang council. Baka hindi lang ulit kami magkasundo nina Quen at ng iba pa. Baka dahil don, magulo ko nanaman sila nina Criexxen.
"Hi-hindi na po Mama" pilit akong ngumiti rito at muling tumalikod upan itago ang pag tulo ng luha ko.
I'm sorry Kyo.
"Okay.. Just let me know if you change your mind, I'll be in my room." Pilit rin itong ngumiti sakin tsaka umalis na
I'll miss Kyo's last night, but at least I'll bring everyone no mess.
Maiiwan akong mag isa dito sa bahay dahil sasama si Casteen kay Mama. Gusto akong pasamahin ni Casteen dahil favorite group of friends niya sina Kierra, but I broke her heart and said I'm not going. It's for everyone's good.
Maybe I'll cook, or watch tv, or go for a walk, or just sleep, and never ever wake my self ever again.
If I can't wake myself up in this nightmare, then maybe I can get myself sleep forever.
Napailing nalang ako sa ideyang isabit ko ang sarili ko at tapusin ang sarili kong buhay.
Nagising ako sa pagmumuni muni nang balutin ang buong kwarto ko ng tunog mula sa cellphone ko.
Agad ko naman itong kinuha at bahagyang nakaramdam ng kaba nang makita kong may tumatawag sa akin.
Unknown number calling.
Is something going to explode once I accept the call? Tss. I'm too disturbed with everything. Mababaliw na ata ako dahil sa mga nangyayari sa akin.
Matapos pagmasdana ng unknown number ay sinagot ko rin ito. Wala naman siguro akong mapapahamak sa pagsagot ko ng tawag na ito.
Maliban nalang kung ganon na ako kamalas at literal na lahat nalang.
"Hello?" Sambit ko nang maitapat ko ang telepono sa tenga ko.
...
Oh My God.
**
"Mama... Mama!" Sigaw ko nang makitang pasakay na ito sa sasakyan papunta sa funeral house kung saan ang burol ni Kyo
"O Ariia, you change your mind?" Mabilis na tanong ni Mama nang marinig niya ako
"Ate, you're coming?" Excited na sambit ni Casteen pagkalapit ko sa sasakyan.
"Ahm.. Mama, I'll come. Pero mauna na kayo, I'll go to airport first." I smiled excitedly
Napatango lamang ito at automatiko ring napangiti sa akin na tila alam na ang dahilan ng pagpunta ko sa airport.
Agad akong pumasok ng bahay nang makaalis sina mama at nag ayos ng sarili.
I'm still not sure if it's right for me to go, but what I'm sure about is I must meet this person and tell her everything. I know for sure that she is the right person to help me. And another thing is that I missed her so much.