Unexpectedly In Love With The...

By MysteriousColdEyez

125K 14.8K 921

Unexpected? ~Sometimes someone comes into your life.. ~Unexpectedly take your heart by surprise and change yo... More

Prologue
Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
UIWTCH's Song MV
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 25

1.9K 292 2
By MysteriousColdEyez

Dane's POV

Day 3 intrams..

Nandito kami ngayon sa classroom hinihintay ang bell bago magsimula ang games.

"Ang bagal naman ng bell!" Reklamo ni Nick. Napatingin ako sa kanya at inirapan. Kanina pa naman kasi siya reklamo ng reklamo keso daw ang tagal ng bell at ilang ulit na niya yan sinasabi sa amin.

"Bakit ka ba atat? May game ka ngayon?! May game ka?" Pang aasar ko. Nakakairita na kasi siya eh, tiningnan niya ako ng masama at tumawa naman si Couz.

"You know what Couz? Excited lang yan sa volleyball mamaya.." Natatawang sambit ni Chloe kaya napataas ako ng kilay at tiningnan si Nick. Eh mauuna pa ang swimming kesa volleyball ah! May game kaming tatlo ngayon pagkatapos nung swimming at si Nate ang lalaban sa section namin sa boys at ako naman sa girls. Medyo kinakabahan nga ako eh.

"Duh! Mauuna kaya ang swimming ngayon at mamaya ang volleyball sa hapon pa yun.." Sabi ko at napatingin si Couz sa akin at ngumiti ng nakakaloko kaya napangisi ako at tiningnan namin si Nick.

"Kaya naman pala!!" Sigaw namin at tumawa ng pang aasar.

"What?" Takang tanong ni Nick kaya inirapan ko siya. Painosente pa ang gaga.

"Maang maangan pa ang letse!" Sigaw ni Couz kaya natawa ako.

"Gusto mo lang mapanood si Nate eh!" Sigaw namin at inasar siya ng inasar hanggang sa nag bell na.

Ring ring ring..

Napatayo kami at nagka tinginan.

"Hindi pala excited ah!" Pang aasar naman ni Nick sa amin pero tinawanan lang namin siya ni Chloe at nauna ng lumabas.
Nang makarating kami sa pool agad kong nakita si Nate at lumapit sa amin.

"Ready ka na ba?" Tanong niya kaya napatango ako. Binigay niya sa akin ang mga safety gears na susuotin namin kaya pumasok na kami sa Cr at nagpalit ng damit. Magka partner kami ni Nate. Kailangan kasi boy and girl kaya ako na ang nag representative. Ayaw pa sana ni Nate at Chloe pero nagpumilit ako kaya wala na silang nagawa pa. Nang makapag palit na ako ay lumabas na ako. Sakto namang lumabas na din si Nate at lumapit sa akin.

"Are you sure na kaya mo?" Nag aalalang tanong niya kaya ngumiti ako at pinisil ang ilong niya.

"Don't worry kaya ko.." Sagot ko at nag alinlangan naman siyang tumango kaya napairap ako at natawa.

"Kaya ko pa naman e. It's my life style.." Sabi ko at nauna ng lumabas.

Naabutan ko sa labas na andaming tao na manonood, may kanya kanya pa silang banner. Napatingin ako kay Nick ng bigla siyang sumigaw.

"Go Just!" Sigaw niya at tumalon talon pa habang nakahawak ng malaking banner at winagayway. Baliw talaga. Napangiti ako at napatingin kay Couz, ang seryoso ng mukha niya kaya napailing ako.

"Go love!" Sigaw ni EJ kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti kasama niya si Tristan, Alex at Jan Dane na may hawak na banner at pompoms kaya natawa ako. Ang cute cute nila. Napakamot sila ng kinantyawan sila ni Nick at tumabi sa kanila.

'Prrrtt'

Magsisimula na, kaya napatingin ako kay Nate ng pwumesto siya kasama ang mga ibang kalahok. Pwumesto na rin ako sa kabila sa harap niya. Siya kasi ang mahuhuli at ako naman ang mauuna. Girls daw kasi ang mauuna para sa mga boys naman ang huli hanggang sa finish.

Suminyas ang coach at ipinutok ang hawak niyang baril hudyat na magsisimula na. Nag strength ako at nag dive at sinimulan ng lumangoy. Kaya ko to! Aja!

Nicole's POV

'Prrrtt'

Magsisimula na, napatingin ako kay Nate na nakatingin kay Just. Nag strength siya at nag dive kaya naka focus lang kami kay Just. Habang lumalangoy sila todo sigaw naman ako dito sa pwesto ko.

"Go Just!" Sigaw ko at tumalon talon pa.

"Couz tumigil ka nga!" Sita ni Jan Dane akin pero inirapan ko lang siya.

"Kebs!" Sigaw ko at nag patuloy sa pag Cheer. Tiningnan ko si Chloe na nakaupo at nakatingin sa pool kaya kinulbit ko siya.

"What?" Pagsusungit niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Parang kasing hindi siya mapakali na parang ewan.

"Mag Cheer ka kaya!" Bulyaw ko pero hindi niya ako pinansin at tumingin ulit sa pool.

"Kahit Cheer ka pa ng Cheer hindi ka rin naman maririnig.." Sabi ni Ethan kaya napakamot naman ako sa ilong ko at napairap.

"Parang tanga!" Sabi naman ni Tristan kaya tiningnan ko siya ng masama at tumawa naman ang pinsan kong gago.

"Parang ignorante!" Pang gatong ni Alex kaya mas lalo akong nainis at tinaasan sila ng kilay. Tong mga to! Bawal na bang maging supportive best friend!

"Bakit bawal?! Bawal?!" Sigaw ko kaya lang hindi nila ako pinansin kaya napairap ako.

"Thanks God!" Napatingin ako kay Chloe ng bigla siyang tumayo at nakapikit pa na parang nag dadasal at nakatingin sa pool. Napatingin rin ako dun at napakamot sa ilong ko.

"Tapos na si Just!" Reklamo ko at nagpadyak padyak pa.

"Daldal kasi ng daldal.." Pagpapa rinig ni Jan Dane kaya inirapan ko siya at tumingin sa pool. Si Nate na ang lumalangoy at pangalawa lang siya, nauna yung isang team siguro.

"Go Nate!" Sigaw ko at tumalon talon pa ng maabutan niya ang isang team na nangunguna kanina. Napatayo rin si Chloe at sumabay sa akin na sumigaw at nagtalon talon.

"Go Nate!!" Sigaw namin at nag sayaw sayaw pa. Napa tingin sa amin si Just sa harap ng pool kung saan hinihintay si Nate at natawa.

"Ang ingay!" Reklamo nung mga boys pero hindi namin sila pinansin at pinag patuloy ang pag sisigaw lalo nung nakarating na si Nate sa finish.

Napangiti ako ng nag yakapan sila ni Just ng I announce na sila ang panalo.

"Couz ko yan!" Sigaw ni Chloe kaya natawa ako at napailing.

Pumunta agad kami sa kanila at kinon gratulate.

"Congrats!" Sigaw namin ni Chloe at niyakap si Just. Lumapit naman ang mga boys kay Nathan.

"Ang sexy mo!" Sabi ko at ngumuso naman siya kaya inirapan ko. Chosy pa ang bruha.

"Syempre mana mana lang yan!" Pag mamayabang ni Chloe kaya natawa ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa at ngumisi.

"Where's the evidence?" Panunuya ko at natawa naman si Just at sinamaan naman ako ng tingin ni Chloe.

"Letse!" Sigaw niya kaya nag tawanan kami at pumunta nang room.

Dane's POV

Nandito kami ngayon sa room at hinihintay ang pagkain namin. Nag presinta kasi ang mga boys na sila na daw ang bibili ng pagkain. Habang hinihintay sila nag kwekwentuhan muna kami ng kung anu ano.

"So napa nood niyo na ang music video ng asawa ko?" Tanong ko kaya nagsitanguan sila at natawa.

Pinag kwekwentuhan kasi namin about kay Justine bieber na una kong asawa. *laugh*

"Oo kasama niya yung asawa niya na si Selena Gomez!" Sabi naman ni Couz kaya napatango ako at nagtawanan kami. Pero bigla akong na lungkot ng maalala ko ang Bali balita na engage na daw si Justine kay Hailey.

"Pero engaged na siya kay Hailey!" Pag hyhysterical ko kaya natawa sila.

"Kawawa nga si Selena eh mas bagay pa naman sila.." Malungkot kong sabi at umagree naman sila.

"Buntis na daw kasi si Baldwin ba yun? Si Hailey!" Sabi ni Chloe kaya napatango ako. Sobra kayang nasaktan si Selena dun. Naiyak nga ako sa pinost niya para kay Justine eh.

"Two weeks nga lang daw sila nun eh! Nabuntis agad! Grabehan!" Komento ni Nick kaya umagree kami.

"Si Selena nga ilang years na sila at ilang ulit ng nag break up pero nagka balikan parin sila! Yun nga lang umekstra yung Baldwin na yun!!" Kwento ko at nanggigil talaga ako sa kanya tuwing naalala ko yun.

"Oo nga ang sarap niyang sapakin sa mukha!" Sigaw ni Chloe at sinapak pa talaga ang upuan niya.

"Ang sarap niyang ihagis sa bangin!!" Sigaw ko naman at kinuha ko ang hawak kong bote ng tubig na pinag inuman ni Nick kanina at inihagis sa pinto. Sakto namang pumasok ang limang boys at natamaan sila, nakabukas kasi yun pero kunti lang naman ang laman.

"What the fuck?!" Mura nila at tiningnan kami ng masama. Nag pipigil naman ng tawa ang dalawa at napakagat naman ako ng kuko. Oh Gosh! Paktay tayo niyan! Mukha na silang monsters na dragon. Kakainin na ba nila kami?

"Sino naghagis nun?!" Sigaw ni Jan Dane dahil siya at si Alex ang nabasa. Sila kasi ang nagbukas ng pinto.

"What?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Nagkatinginan sila at tiningnan ako ng pang huhusga yung parang may ginawa akong krimen.

"Ikaw ang bumato no?" Pamimintang ni Jan Dane kaya hindi ko napigilan na wag matawa. Humagalpak naman ng tawa si Couz at si Nick.

"Hindi ko sinasadya.." Sabi ko at kumuha ng tissue at binato sa kanila. Nasalo naman ni Alex at takang tumingin sa akin.

"Ano to?" Takang tanong niya kaya binatukan naman siya ni EJ at pumasok na sila.

"Malamang tissue pamunas niyo Unggoy!" Sigaw ni Tristan sa kanya kaya natawa kami. Kawawang Alex. Pstt tsk tsk

"Nagtatanong lang!" Bulyaw niya at pinunasan ang braso at naupo na. Umupo na din kami, pa circle ang ayos ng upuan namin para magka kasama kami. Inayos namin to kanina nung lumabas sila para bumili ng pagkain. Nag umpisa na kaming kumain. Tahimik lang kami hanggang sa nagsalita si Nate.

"Oo nga pala bakit niyo binato yung bote kanina?" Takang tanong niya kaya umiling ako
pero si Chloe ang sumagot sa tanong niya.

"Nanggigil kasi kami sa fiance ni Justine bieber!" Sigaw niya at halata ngang nang gigil siya.
Pinag diskitahan pa niya ang pagkain sa plato niya kaya napailing ako at kumain.

"Yung trending sa social media.." Banggit ni Alex kaya napatango si Couz. Bumalik na naman yung galit ko sa Hailey na yun. Hanggang ngayon hindi parin ako maka get over, lalo na nung nabasa ko ang pinost na messages ni Selena para kay Justine, nakaka iyak huhu!

"Ah yung si balding ba yun?!" Singit ni Jan Dane kaya natawa ako. Balding daw?

"Tanga si Hailey bawing yun!" Pantatama ni Alex sa kanya kaya natawa kami nina Nick at Chloe.
Hailey bawing daw? Akala ko ba trending sa social media? Pero bakit hindi nila kilala.

"Hailey bawing? Sino yun?" Takang tanong ni Tristan.

"Hindi ka updated bro! Yung trending daw yun eh!" Sabi ni EJ kaya nagpipigil kami ng tawa nila Couz. Mukha nga siyang updated.

"Updated ka? Weh di nga?!" Pang aasar ni Nate sa kanya kaya napairap siya. Kita niyo? Updated daw!

"Eh instruments lang hawak niyan at ni Tristan eh!" Sabi ni Alex at tumawa pa ng pang aasar kaya binato siya ni EJ ng tissue.

"Eh ikaw kilala mo yung sinasabi nila?!" Tanong ni Nate sa kanya. Ngumisi siya at tumango pa. Parang proud pa nga siya eh.

"Syempre ako pa ba?" Pag mamayabang niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh talaga?! Kilala mo?" Tanong sa kanya ni Nick at tumango tango naman siya. Nagka tinginan kaming tatlo at nag pipigil ng tawa.

"Sino nga ulit nun?!" Tanong ni Jan Dane sa kanya.

"Si Hailey bawing!" Sagot niya kaya hindi namin napigilan at humagalpak na kami ng tawa. Halos maiyak na nga kami sa kakatawa eh. Napatingin sila sa amin at tiningnan kami ng parang nawe weirduhan.

"Eh kasi ang laugh trip niyo eh!" Natatawang sabi ko at tumawa kami ng tumawa.

"Hailey balding at bawing daw!" Sabi ni Nick kaya nagtawanan kami.

"Ano nga ulit sabi niyo updated kayo!" Sabi naman ni Chloe kaya humagalpak ulit kami ng tawa. Laugh trip kasi eh!

"Aba't! Yung mga babae diyan sa labas pinag uusapan kahapon kaya narinig namin!" Depensa ni Alex kaya natawa ako.

"It's Hailey Baldwin not balding and bawing.." Sabi ko.

"Updated daw ba!" Pag paparinig ni Nate kaya napakamot sila sa kanilang batok.

"Kung makapag sabing updated! Naki tsismis lang naman pala!" Pang aasar ni EJ sa kanila.

"Akala mo kilala nila hindi naman pala!" Pang gatong ni Tristan kaya natawa kami. Yan tuloy!

"Oo nga!" Sang ayon namin.

"Kasalanan nung alipores ni Cathy yung mga pabebe girls na parang clown!" Reklamo ni Jan Dane kaya natawa kami.

"Bakit sila?!" Natatawang tanong ni Chloe. Oo nga bakit sila? Dinamay damay pa niya ang mga babaeng yun.

"Kasi nung nag tsitsismisan sila narinig namin na Hailey bawing!" Sabi naman ni Alex kaya humagalpak kami ng tawa. Laugh Trip! Narinig lang naman pala eh!

"Kung hindi ba naman tsismoso!" Sigaw ni EJ sa kanilang dalawa kaya tiningnan nila ito ng masama.

"Parang mga babae eh!" Gatong ni Nate kaya tiningnan namin siya ng masama. Dinamay pa kami. Nag taas naman siya ng kamay na parang sumusuko.

"Aba't! Maresbakan nga yung mga yun mamaya!" Sigaw ni Alex.

"Sila pa tong may kasalanan eh kayo lang naman nakikinig sa tsismisan nila!" Sabi ni Chloe sa kanila kaya napakamot sila sa batok nila at pinisil pa ang ilong dahil sa kahihiyan.
Inasar lang namin sila ng inasar hanggang sa mag time na.

Chloe's POV

Nandito kami ngayon sa court. Ngayon na kasi ang game namin sa volleyball. Nakaupo kami sa bleachers hinihintay ang magre referee sa amin. Nag meeting meeting muna kami habang wala pa ang referee.

"Galingan niyo girls ah! Talunin niyo yung mga alagad ni Cathy na mga tsismosa!" Sambit ni Alex kaya natawa kami. Hindi pa ba siya makaget over dun.

"Oo nga. Wag niyong I outside ha! Makaka tikim kayo sa amin kapag hindi niyo napanalo ang game na to!" Sabi naman ni Jan Dane.

"Wala ka bang tiwala sa amin?" Tanong ko kaya umiling lang siya.

"Kayo meron sa kalaban wala.." Sagot ni Nate kaya napakunot kami.

"Mga dirty games ni Cathy.." Sabi naman ni Tristan.

"Subukan lang nila at Ipabugbog ko sila!" Pagbabanta ni Ethan kaya inarapan siya ni Couz pero hindi niya ito pinansin.

"Dirty games? Marunong pala sila nun!" Sabi ko at tumango naman sila.

"Kaya naman natin to eh!" Pag chicheer up ni Justin kaya umagree ako. Hindi naman namin kailangan mag dirty tricks eh basta lumaban kami ng patas.

"Manalo matalo basta wag lang ma default!" Sabi ni Nicole.

"Yeah tama ka diyan Couz!" Sigaw ni Jan Dane at tumango tango naman ang mga boys.

'Prrrtt'

Napatingin kami sa court ng marinig ang referee. Mag sisimula na ang game. Nag form kami ng bilog.

"Kaya natin to!" Sabi ni Mia isa sa kaklase namin na maglalaro din kasama namin.

"Yeah fighting lang!" Sagot naman ni Lea, isa rin sa ka team mate namin.

Nagkatinginan kami at pinatong pinatong ang mga kamay namin.

"Fight fight fight!" Sigaw namin at pumunta na sa gitna ng court at pwumesto para mag shake hands muna bago magsimula ang game.

"Go section 1!" Sigaw nung mga kaklase namin.

Nung si Cassy ang nakipag shake hands sa akin ngumisi siya kaya ngumisi din ako.

'Prrrtt'

Kami ang unang magseserve. Kinuha ni Lea ang bola at binigay kay Nicole, siya kase ang unang mag seserve.

"Go Nick!" Sigaw namin ni Couz.

Nagserve siya at pumasok, tinira naman ni Cathy at pumunta sa pwesto ko kaya tinira ko hanggang sa hindi nila ito natira. Kami ang unang nakascore.

"Go Couz!" Cheer ni Jan Danekay Nick.

Nagserve ulit siya at pumasok. Nagkapalit palit lang kami ng tira hanggang sa na outside ang tira ni Cassy kaya natawa kami. Pang aasar lang.

'Prrrtt'

Suminyas ang ref ng time up kaya pumunta kami sa team namin. Agad nila kami binigyan ng tubig kaya uminom kami at nakinig sa mga coach namin kuno.

"Good job Guyz!" Puri ni Nate sa amin at binigyan kami ng towel ni Couz. Napatingin sa amin si Nick kaya kinulbit ko si Nate.

"Bigyan mo rin ng towel si Nicole.." Bulong ko at tumango naman siya at lumapit kay Nick.

"Towel?" Sabi ni Nate sa kanya kaya mukha siyang nagulat at medyo namula kaya napangiti ako. As if I know kinikilig na yan. Kinuha niya ito at nag pasalamat.

"Love punasan na kita.." Dinig kong sabi ni Ethan kay Couz kaya napatingin ako.

"Ang sweet niyo!" Sigaw ko kaya natawa sila.

"Tristan inggit si Chloe oh! Punasan mo daw!" Pang aasar ni Ethan sa akin kaya napairap ako at pumunta na sa Court.

"Letse!" Sigaw ko.

'Prrrtt'

Magsisimula na naman ang game. Bumalik na kami sa kanya kanya naming pwesto at si Couz ang magseserve.

"Go Couz!" Sigaw ko kaya tumango siya.

"Go Dane!"

"Go love!" Sigaw ni Ethan kaya napangiti ako at napailing. Sakto namang tinira niya ang bola. Muntik pa ngang matumba si Cathy ng nakipag unahan siya sa kasama niya kaya hindi niya ito tinamaan.

"Wag selfish Cathy!" Sigaw nung kaklase niyang lalaki kaya tiningnan niya ito ng masama.

"Say mine!" Sabi naman nung babae.

Nagserve ulit si Couz at nakipag agawan na naman si Cathy kaya natumba si Cassy. Napailing ako. Nag time up naman ang team nila.

"Parang lahat ng tira ni Dane gustong tirahin ni Cathy.." Sabi ni Alex kaya napatango kami.

"Oo nga.." Sagot ni Tristan at natawa pa.

'Prrrtt'

Magsisimula na naman ang game at second game na. Kami kasi ang nanalo sa first set.

"Go Dane!" Cheer ng mga kaklase namin at tinira na niya ang bola.

"Mine!" Sigaw ni Cathy at tinira ang bola at tinira naman ni Dane. Nagpalit palit lang sila ng tira. Mukhang nagkakainitan na ang laban.

"Go section 2!" Sigaw ng team nila.

"Go section 1!" At hindi naman nagpatalo ang mga kaklase namin. Sigaw lang sila ng sigaw. Nagserve ulit si Couz pero outside na kaya sa kalaban ang bola.

'Prrrtt'

Nagserve si Rea isa sa alipores ni Cathy. Pumunta ito sa pwesto ko kaya tinira ko at tinira naman nung isa nilang member. Nag palit palitan lang kami ng bola hanggang sa naoutside at buti na lang hindi hinabol ni Nicole ang bola, sa kanila sana ang score pero napunta sa amin. Last set na to at nagpalit kami ng Court. Kami ang panalo sa first set at second set at 1 point lang ang lamang nila sa amin sa first and second set kaya may third set.

"Go Chloe!" Sigaw nila ng ako na ang magserve.

Drinibble dribble ko muna ang bola bago nagserve. Tinira naman nito nung babae na member nila hanggang sa nag palitan sila ni Lea ng tira. Tinira ni Cassy ang bola kaya ini spike ni Nicole kaya natumba sila Cathy at Rea.

"Woah!" Sigaw nila.

Naghiyawan lang sila at napailing ako.

Tinira ko ulit ang bola at hindi nila ito natamaan. Nag serve ulit ako at kapag hindi nila natira ito kami na ang panalo. 15 point na lang kasi ang last set.

'Prrrtt'

Nagserve ako at nagpalitan lang kami ng bola hanggang sa na outside si Lea kaya sa kabila ang bola. Nag peace sign siya sa amin kaya tumango lang kami.

'Prrrtt'

Nagserve si Cathy, pumunta ito kay Couz pero hindi niya natamaan kaya sa kanila pa rin ang bola. Nakakahabol na sila. Napatingin ako kay Nate ng lumapit siya sa ref.

'Prrrtt'

Suminyas ang ref ng time up. Kaya pumunta kami sa bleachers. Napatingin ako kay Ethan ng sinalubong niya si Couz. Pinaupo niya ito sa tabi ko kaya nakita kong namumutla si Justin kaya nag alala ako.

"Couz are you okay?" Nag aalala kong tanong ngumiti lang siya.

"Yeah.." Sagot niya. Binigyan naman siya ni Nate ng tubig at agad na ininom.

"Kaya mo pa ba?" Tanong niya kay Couz tumango lang ito at ngumiti.

"Wag ka ng mag laro kaya na nila Chloe yun.." Sabi ni Ethan at pinunasan niya pa ito.

"No I won't, kaya ko pa naman eh! Don't worry.." Sagot nito.

"Are you sure?" Tanong pa ni Nate kaya napairap siya.

"Wag ka na kasing mag laro!" Sermon namin ni Nicole pero umiling lang siya.

"Ang tigas ng ulo mo!" Pagalit na sabi ni Ethan sa kanya.

"Ano ba?! Sabi ng kaya ko eh!" Bulyaw niya kaya walang nagawa si Ethan.

"Nag aalala lang kami.." Sabi ni Tristan.

"Oo nga kaya magpahinga ka na lang!" Sigaw ni Alex.

"Wag ka ng mag la-.." Hindi pa na itutuloy ang sasabihin ni Ethan sa kanya ng inunahan niya ito.

"I said kaya ko!" Sigaw niya kaya nagulat kami sa sigaw niya. Halatang naiinis na siya.

"Justin.." Malumanay na tawag sa kanya ni Nate kaya napayuko siya.

"I'm sorry.." Paghingi niya ng tawad at pumunta na sa Court. Suminyas na kasi ang ref.

Pwumesto na kami at nagserve na ulit ang kalaban. Tinira ito ni Couz ng napunta sa kanya ang bola. Nagpalitan lang sila ng bola ni Cathy hanggang sa napunta sa akin kaya tinira ko at naoutside. Napailing ako napalakas ko ata.

Nagserve ulit ang kalaban at tinira ni Nicole. Nagpalit palitan lang kami ng bola hanggang sa si Cathy ang tumira at ini spike ni Couz yun kaya natumba ang nasa harapan.

"Yes!" Sigaw namin at nag yakapan.

"Ang galing mo!" Sigaw nila at nag hiyawan.

"That's my girlfriend!" Sigaw ni Ethan kaya mas lalong lumakas ang hiyawan nila.

Ipinatong namin isa isa ang kamay namin at sumigaw.

"Fight! Fight! Fight!"

Continue Reading

You'll Also Like

123K 3.2K 77
• BestFriend - Someone with whom one shares the strongest possible kind of friendship - Karamay, Sandalan, Nagbibigay Payo, Tutulungan ka sa lahat ng...
80.5K 1.8K 33
ISA AKONG BABAE NA NAKA SALAMIN NANG MALAKI, LOLA MANAMIT, MAKAPAL ANG EYEBROWS, MARAMING PIMPLES,AT NAGKAWATAK WATAK NA BUHOK IN SHORT NERD AKO PER...
125K 2.4K 42
Lester Francisco Louis
691K 15.2K 102
Highest rank: #1 in Chicklit "Abby Claire Sebastian is mine and mine alone!" -Xavier The Snobber 2 months later... (With narration inside.)