Unexpectedly In Love With The...

By MysteriousColdEyez

125K 14.8K 921

Unexpected? ~Sometimes someone comes into your life.. ~Unexpectedly take your heart by surprise and change yo... More

Prologue
Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
UIWTCH's Song MV
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 23

1.8K 297 6
By MysteriousColdEyez

"Destiny may bring signs into our lives to help us the direction we need to go in.."

~Ethan James Torres

Chloe's POV

Day 1 intrams..

Monday ngayon, so kailangan naming pumasok ng maaga dahil parade ngayon at mamayang hapon gaganapin ang Mr and Ms Intramurals. Ako ang naka assign ngayon na mag dala ng kotse. Binilisan ko na ang pagpa patakbo dahil malalate na kami at kailangan pang maayusan si Couz. Nang makarating kami. Agad kaming nagtungo sa classroom dun kasi maayusan si Justin. Sinalubong kami ng adviser namin.

"Oh God! Dane akala ko hindi ka na makakarating.." Sabi niya at agad nilang inaasikaso si Couz.

"Couz where my sport shoes?" Tanong ni Couz kaya agad akong nataranta. Naiwan sa kotse. Oh my Gosh!

"Naiwan sa kotse kukunin ko lang!" Sigaw ko at lumabas. Kailangan ko yun agad makuha, tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makababa ako. Hinihingal na ako pero tumakbo pa rin ako ng may nabangga ako. Naku naman! Ngayon pa? Kung kelan nag mamadali ang tao eh.

"Shit!" Sigaw niya kaya napa angat ako ng tingin. Naka salampak kasi ako sa semento. Ang sakit sa balakang.

"Tristan?!" Sigaw ko. Aba't kung minamalas ka naman oh! Nakita ko siyang basa yung polo niyang puti na natapunan ng coffee kaya napakagat ako sa aking labi.

"Bat mo ba ako binangga?!" Sigaw niya kaya napataas ako ng kilay. Kung hindi lang ako napa upo dito eh nasapak ko na tong animal na to.

"Eh kung tulungan mo muna kaya ako!" Bulyaw ko. Ang sakit pa naman nung paa ko. Tiningnan niya lang ako at tinaasan ng kilay.

"Why would I?" Tanong niya na parang nang aasar. Oh God! Ilayo niyo sa akin to at baka maka sapak ako ng animal.

"Eh gago ka naman pala eh!" Sigaw ko at pinilit kong maka tayo at thanks God nagawa kong tumayo. Alam kong animal abuse tong gagawin ko pero hindi ko mapigilan eh.

"Kaya mo naman pala eh.." Sabi niya at napatingin ako sa kamay niya na parang sinisingil ako. Tinaasan ko siya ng kilay at sinapak sa mukha niya kaya tiningnan niya ako ng masama.

"Fuck! Bat mo ako sinapak!" Bulyaw niya. Buti nalang walang mga tao dito kundi pinag uusapan na kami.

"Eh napaka gentle dog mo eh!" Sigaw ko. Sakto namang dumating si Nate at lumapit sa amin.

"What happened?" Tanong niya at tiningnan si Tristan.

"Binangga niya ako kaya natapon sa damit ko ang coffee ko.." Sabi niya at tiningnan ako ng masama.

"Duh! Paharang harang ka kasi sa daan ko kita mong nag mamadali ang tao eh!" Sabi ko at hindi ko napigilan at binato siya ng sapatos ko.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan ganun?!" Sigaw niya pabalik. Aba't! Talaga naman oh!

"So sino sisihin mo?! Ako?!" Sigaw ko at bigla akong natumba.
Buti nalang tinulungan agad ako ni Nate at inalalayan.

"Are you okay?" Tanong niya kaya napatango ako pero ang sakit ng paa ko. Oh God! Ang sapatos ni Couz kailangan na niya ngayon.

"Nate yung sapatos ni Justin na gift mo kunin mo sa kotse ko at kailangan niya yun.." Sabi ko at tumango naman siya. Nagulat ako ng ilapit niya ako kay Tristan.

"Bro. Ikaw mo na bahala kay Chloe.." Sabi niya at tumakbo paalis. Shit!

"Kaya mo ba?" Tanong nito sa akin kaya napataas ako ng kilay. Mukha bang kaya ko? Duh! Kung siya kaya itong banggahin ko at tanungin kung kaya ba niya?

"Sa tingin mo kaya ko?" Sarcastic kong tanong at napailing naman siya.

"Let's go.." Sabi niya at inalalayan akong maglakad.

Dane's POV

"Nasaan na ba si Chloe?" Tanong ni Nick. Kanina lang umalis siya para kunin ang sapatos ko sa kotse. Pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Asan na kaya yun?

"Hindi ko alam kanina pa umalis at hindi pa bumabalik.." Sagot ko at napakagat ako sa kuko ko. Ano kaya nangyari dun? Bigla namang dumating si Nate at hawak ang sapatos ko.

"Here.." Yumuko siya atsaka niya ipinasuot sa paa ko ang sapatos. Bakit siya ang nagdala ng sapatos ko. Asan si Chloe?

"Asan si Chloe?" Takang tanong ko. Nakatingin naman sa amin si Nick.

"Mukha ba akong tanungan.." Sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay pero inirapan niya lang ako. Nagpipigil naman ng tawa si Nick. Nasa likod kasi siya ni Nate.

"Nagtatanong lang eh!" Reklamo ko.

"Bakit ba ang ikli ng short mo?" Tanong nito atsaka may kinuha siyang jacket sa bag niya.

Mukhang Varsity jacket niya ito. May nakalagay kasing 'Sera' sa likod niya.

"Diba sinabi kong wag kang nag susuot ng ganyang kaikling short.." Panenermon niya at may itinali siya sa bewang ko. Masyado na naman siyang over kung makareact. Itinali niya ang jacket niya sa bewang ko sa likuran ko. Parang tuloy nakayakap siya sa akin.

"Sweet naman tong boyfriend ko.." Biro ko at pinisil ang ilong niya. Hindi naman siya nag reklamo. Actually he's my boyfriend best friend ang sweet niya noh?

"Ganito ako ka over protective na boyfriend.." Sabi niya kaya napa ngiti ako at napatingin kay Nick na nakataas kilay na nakatingin sa amin kaya natawa ako. She look like a jealous girlfriend.

"Sige na alis na ako baka mag selos na naman ang boyfriend mo.." Sabi niya kaya natawa ako at napatango. Sakto namang dumating si EJ kasama si Alex at Jan Dane.

"Hi love.." Naka ngiting bati niya kaya napa taas ako ng kilay. Love? Nag kantyawan naman ang mga kaibigan niya.

"Love na pala ngayon ang pangalan ni Dane.." Kantyaw ni Jan Dane kaya nagtawanan sila napailing naman ako.

"Umalis na nga kayo dito!" Pag tataboy niya kaya mas lalo naman silang nagtawananat inasar ng inasar si EJ.

"Gustong makapag solo oh!" Pang aasar ni Nate atsaka niya ako pinatayo palayo sa kanya at tumawa. Tiningnan naman siya ni EJ ng masama.

"Bitawan mo nga ang girlfriend ko!" Sigaw niya atsaka niya ako hinila kay Nate.

"Tayo na nga. Nang makapag solo ang dalawa.." Pang aasar ni Jan Dane at kinaladkad si Nate at Alex, napatingin siya kay Nick.

"Anong tinatayo tayo mo diyan?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Anong pakeelam mo?!" Sigaw nito.

"Andito si Na-.." Hindi pa natutuloy ni Jan Dane ang sasabihin niya ng bigla itong umalis at binangga niya pa ito kaya natawa kami ni EJ.

"Bakit ganyan suot mo?" Takang tanong ni EJ ng mapatingin siya sa suot ko. Anong ganito suot ko?

"Hah?" Takang tanong ko.

"Bat ka naka short?!" Taas kilay niyang tanong at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa kaya napataas ako ng kilay. Anong problema sa suot ko?

"Alangan namang naka panty ako!" Sigaw ko. Nakakainis naman kasi, kanina si Nate tapos ngayon tong yabang na to.

"Maiksi masyado.." Sagot niya atsaka niya inayos ang jacket na nakatali sa bewang ko. Napa kunot noo siyang napatingin sa jacket na suot ko at tiningnan pa niya ako ng nakapag tatakang tingin. Ano na naman ba?

"Bakit suot mo ang jacket ni Nate?" Nakakunot noong tanong niya.

"Pinahiram niya sa akin masyado daw kasing maiksi yung short ko.." Sagot ko at napatango tango naman siya.

"Tanggalin mo damit mo.." Utos nito. Napataas tuloy ako ng kilay.

"Ano?!" Tanong ko.

"Isuot mo to.." Sabi nito at may binigay siyang jersey sa akin na kulay red.

"May suot na ko oh!" Sabi ko pero umiling siya.

"Mas bagay sayo yan.." Sabi nito at tinulak pa ako sa Cr para makapagpalit.

"Ang arte naman nun.." Napa tingin ako sa damit na hawak ko at napatakip sa labi ng makitang may nakasulat sa likod nito.

'EJ's Girlfriend'

Basa ko sa nakasulat sa Jersey at napangiti hindi ko mapigilan na wag makilig. Pero ene be yen, kinikilig ako.

"JD bat ang tagal mo?!" Sigaw niya sa labas at kumatok katok pa. Napaka inipin niya talaga.

"Andyan na!" Sigaw ko at nag madaling palitan ang suot kong damit at lumabas. Nakita ko siyang nakangiti na nakatingin sa akin. Napatingin ako sa suot niyang Jersey na kaparehas ko.

"Ang ganda mo diyan sa suot mo.." Sabi niya at ngumiti kaya napangiti ako.

"Ikaw din ang gwapo mo ang angas!" Sabi ko natawa naman siya at ginulo ang buhok ko. Psst!

"Tayo na sa baba baka mag sisimula na ang parade.." Sabi niya kaya napatango ako atsaka bumaba na.

Nicole's POV

"Asan na yung dalawa?" Takang tanong ni Chloe sa akin.

Kararating lang niya kanina dahil daw iniwan siya ni Nathan kay Tristan.

"Magkasama sila kanina nung iniwan namin sa classroom.." Sagot ko. Nang hindi na siya nagsalita. Napatitig nalang ako sa hawak kong banner at nilaro laro ito. Naramdaman kong may tumabi sa akin pero hindi ko nalang binigyang pansin.

"Nasaan na sina Justin?" Tanong ng tumabi sa akin kaya napa tingin ako dito at nagulat. Muntik ko pa ngang mabitawan ang banner sa sobrang gulat.

"Siguro andyan na.." Sagot ko. Buti nalang hindi na niya ako pinansin pa.

Pinanood ko lang ang mga school mates kong nag laline up hanggang sa dumating sina Just.

"Uyy couple ah!" Kinikilig na sabi ni Chloe kaya napatingin ako sa kanila. Nakasuot sila ng couple Jersey. Ang cute naman nilang tingnan.

'EJ's Girlfriend'

'JD's Boyfriend'

"Ang cute naman yan!" Komento ko. Napangiti naman sila. Narinig ko namang bumulong bulong tong katabi ko. Andyan pa pala siya.

"Suss wow!" Sigaw ni Alex ng mapansin niya ang dalawa kaya nagsi tinginan ang mga ka school mates namin. Nagsimula na namang bulong bulungan ang tsismoso't tsismosa.

"Ang sweet naman nila.."

"Ang cute nilang tingnan.."

"Hindi sila bagay.."

Napatingin ako sa huling nagsabi nun at napataas kilay. Lalapitan ko na sana sila ng may pumigilsa akin.

"Hayaan mo na.." Bulong ni Nathan sa akin kaya tumango nalang ako at nagpa kalma.

"Okay. So are you ready?!" Tanong nung emcee kaya nag sigawan naman ang mga estyudyante.

Ibinigay ko naman ang hawak kong banner kila Just at Ethan. Sila kasi ang mag hahawak dahil sila ang escort at muse ng section namin.

Nag simula na ang parade hanggang sa nasa kalagitnaan kami, nakaramdam ako ng pagod at uhaw kaya napatigil ako at naghanap ng tindahan na pwedeng pagbilhan ng tubig, kaso wala naman akong nakita.

"Nauuhaw ka Couz?" Tanong ni Jan Dane sa akin kaya napatango ako. Kinalabit naman niya si Nathan kaya nagulat ako. Anong ginagawa niya? Napatingin naman ito sa amin kaya napaiwas tuloy ako ng tingin.

"What?" Takang tanong nito.

"Nauuhaw daw si Nicks, tubig mo daw!" Sabi ni Jan Dane kaya bigla akong napailing. Napatingin siya sa akin.

"Wala kaya akong sinabi!" Depensa ko. Natawa naman ito.

"Here.." Sabi nito at may inaabot sa aking tubigbpero umiling lang ako. Narinig ko namang bumulong bulong si Jan Dane kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Arte arte pa akala mo naman maganda.." Dagdag pa nito. Halata namang nagpaparinig kaya pinandilatan ko siya. Natawa kasi si Nathan dahil sa sinabi niya.

"Kunin mo na.." Pamimilit ni Nathan. Wala naman akong nagawa kundi kunin ito. Ngumiti ako.

"Salamat.." Pagpapa salamat ko pero tumango lang siya at nag patuloy sa paglalakad.

Napatingin naman ako kay Jan Dane na pangiti ngiti kaya inirapan ko siya. Nauna na din akong naglakad sa kanila dahil malapit na rin kaming makarating. Nag picture picture lang kami hanggang sa hindi namin namalayan na tapos na pala ang parade kaya nagsi upuan na kami sa dati naming pwesto sa bleachers.

Nag pahinga lang kami saglit at nag lunch dahil mamaya mag sisimula na daw ang Mr and Ms intramurals. Nandito ako ngayon sa bleachers kasama ang mga kaklase ko. Hindi na ako pumunta sa dressing room nila Just dahil aayusan lang naman siya at kasama naman niya si Chloe kaya dumito muna ako para may maupuan kami mamaya. Pagod na rin kasi ako kaya kailangan kong mag pahinga para todo cheer ako mamaya para masuportuhan ko ang mga kaibigan ko kahit na marami na silang supporters, gusto ko kasing sumigaw sigaw mamaya para plus audience's impact yun.

Napatingin ako sa stages, halatang mag sisimula na. Andyan na din si Chloe kasama ang apat na lalaki at tumabi sila sa akin. Katabi ko si Alex at Chloe. Sina Tristan naman at Jan Dane nasa gilid ni Alex.

"Nate dito ka na.." Aya ni Alex kay Nate sa tabi niya. Umusod naman ako kaunti para may maupuan si Alex. Pero napataasako ng kilay ng tapikin nito sa pagitan namin at doon siya nito pinaupo. Hindi ko nalang ako nagsalita.

Napatingin ako sa mga hawak nila, kinareer talaga nila ang pag support sa section namin. Paano ba naman kasi may hawak pa silang tambol at pompoms para gamitin mamaya sa pag cheer.

"Are you ready?!" Sigaw nung nasa stages kaya todo sigaw naman kami.

"Yes!!!" Sigaw naman namin.

"Okay let's us call the contestant's!!" Sigaw nito at nagsi labasan naman ang mga contestant's. Nagsigawan kami at naghiyawan.

Nag sayaw sayaw lang sila at nag pose pose at todo hiyaw naman kami. Mag papakilala na sila hanggang sa sila Cathy na ang mag papakilala.

"Hi Good afternoon. My name is Catherine Gomez!" Pag papakilala niya at todo cheer naman ang mga supporters niya.
Sunod naman ang partner niya at hindi pa siya nag papakilala ay nag sigawan at nag tilian na ang mga kababaihan kaya napairap ako.

"Hi! I'm Nick Pascal!" Pag papakilala niya at mas lalo namang nag tilian at nag hiyawan ang mga fans niya.

Sunod na sina Just kaya nag hiyawan at nag sigawan kami.
Nag tambol tambol at winagayway pa namin ang picture nilang dalawa at nag sayaw sayaw pa si Chloe kaya nag sayaw sayaw din kami at nag sigaw sigawan.

"Go Couz and Ethan!!" Sigaw ni Chloe at halos mapaos na siya sa kaka sigaw.

"Go Just and Ethan!!" Sigaw ko at binato bato pa ang pompoms kaya tinitingnan nila ako ng masama yung mga natatamaan ko pero wala akong pake at sigaw lang ako ng sigaw.

"Go fafa Ethan!!!" Sigaw nung mga fans niya kaya inirapan ko sila at nag sigaw sigaw, tawa naman ng tawa ang mga kaibigan ni Ethan ng marinig ang sigaw ng mga fans niya kaya nag tambol tambol sila at nag hiyawan.

"Go papa itan!!" Sigaw ni Alex kaya nag tawanan kami ginaya ba naman ang mga fans ni Ethan at humagalpak ng tawa kaya hindi ko na rin mapigilan na wag matawa sa kalokohan nila.

"Hi! My name is Justin Dane Santos representing section 1!" Pag papakilala ni Just kaya nag sigawan kami at nag hiyawan.

"Ethan James Torres!" Pag papakilala naman ni Ethan kaya nag kagulo naman ang mga fans niya at nag hiyawan at nag sigawan, ang lakas ng sigawan nila at hiyawan nila halos magiba na tong covered courts dahil sa sigawan at tilian ng mga manonood. Ang dami niyang supporters.

Pagkatapos ng pag papakilala bumalik na sila sa kanya kanya nilang pwesto at sunod na ang question and answer portion. Unang sumagot ang number 1 hanggang sa number 7 na at sila Cathy ang sasagot.

"So this is the question Ms number 7,what is love for you?" Tanong nung emcee ngumiti naman siya at sumagot.

"Para sa akin ang love ay parte ang masaktan hindi pag mamahalan ang tawag dun kung hindi ka masasaktan. Trust is the only language of Love. Wag kang magmahal kung ayaw mong magtiwala at mas lalong wag kang magmahal kung ayaw mong masaktan. Ang pag ibig nakakamatay yan. Wag ka nalang magmahal. Maraming salamat.." Sagot niya at nagpalakpakan naman kami. Ang lalim ng sagot niya.

Sunod naman na tinanong ay ang partner nito.

"So this is the question, what is destiny for you?" Tanong sa kanya ng emcee.

"Destiny? Destiny when you meet you meet someone who destined to be yours. Hindi natin namamalayan na yung taong yun pala ang naka tadhana para sa atin.." Sagot nito.

Pagkatapos niyang sumagot nagpalakpakan naman ang mga manonood.

Binigay nito ang Mike sa emcee at bumalik sa kanyang pwesto.

"Thank you Mr number 7!" Sabi ng emcee.

Susunod na sila Ethan at Just.

"Okay, let's proceed Mr and Ms number 10!" Tawag ng emcee.

Pumagitna naman sina Just at Ethan ng tawagan sila ng emcee.

"Wow. What a perfect partner!" Bati nung emcee sa kanila kaya naghiyawan ang mga manonood.

"Go number 10!"

"Go section 1!"

"Go Ethan and Dane!"

"Enough!" Pigil nung emcee sa audience.

"I will asked first for Mr number 10, what is destiny?" Tanong nito.

Kinuha naman nito ang Mike at sumagot.

"Destiny may bring signs into our lives to help us see the direction we need to go in.." Sagot nito. Nagpalakpakan naman ang mga audience. Ang ganda ng sagot niya.

Si Just naman ang sunod na sasagot.

"Ms number 10, this is the question for you. What is love?" Tanong ng emcee kay Just. Napangiti naman ito.

"Love? Everyone interprets love in different ways, we all have own feelings towards the feeling of love. Love is a wonderful thing. Love is a sense, is exactly like a pizza. Love is the anticipation you feel right before it arrives, the ecstasy you feel as it hits you, and the emptiness you feel once it's gone.." Sagot niya at ngumiti kaya naman nag sigawan at nag hiyawan kami at pumalakpak ng napaka lakas.

Nang matapos nilang sumagot sinabi na nila ang mga nanalo at ang Mr and Ms intramurals ay sina Ethan at Just. Ang gagaling naman kasi nila. Matapos nilang makoronahan pumunta kaming magka kaibigan at nagselpie selpie pati yung mga kaklase namin ay nakisali sa selpie selpie namin kaya nag group pictures kami at nagsayaw sayaw sa pangunguna namin ni Just at Chloe. Sobrang saya namin.

Continue Reading

You'll Also Like

314K 6.1K 67
Not an ordinary unrequited love story. This is a story of love, second chances and forgiveness. Can true love turn into a deep obsession? Can true lo...
16.5K 917 36
"Nawawala ka ba?" Isang matangkad at mala-prinsipeng binata ang lumapit sa kanya. "Hindi. Iniwan ako ng Nanay ko dito sa simbahan.." Humihikbi niyang...
100K 909 146
Ibat ibang song na gusto ninyo ay nandito na.. pwede din po mag request kung anu ang hanap niyong song ... My Kpop tagalog po dito 😊 thank you for...
289K 8.6K 56
Highest achieve in rank #36 in teenfiction Paano kung inaya ka ng Gangster crush mo na maging girlfriend ka in 50 days? Papayag ka ba? Kahit na ala...