Oh Sehun's Child

By dyonn1e

701K 23.1K 7.2K

Oh Sehun has two secrets: one was he had never been single in his entire idol career as opposed to what the w... More

prelude
intro
01
02.
03.
feel d' fury
04.
05.
06.
07.
08.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
shameful promotion
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.

09.

21.7K 711 294
By dyonn1e

nine.


"Chanyeol hyung!" Tawag ko kay Chanyeol hyung na kasalukuyang nasa may basketball court at nakikipaglaro kay Kris hyung.

    
Nandito ulit ako kila hyung. Nasa school pa kasi si Sett at wala akong lakad ngayon kaya mambubwisit muna ako sa kanila. Sanay naman na sila eh. Tsaka bonding din naming dose 'to. Minsan ko na lang silang makitang lahat dahil nagtatrabaho ako at ganun din naman sila.

    
Tumakbo ako papalapit kila hyung at nang tuluyan na akong makarating ng court ay binato sa'kin ni Kris hyung yung bola na agad ko namang nasalo.

   
"Tara laro!" Pag-aya niya. Tinaasan ko siya ng kilay tsaka ngumiti bago ako nagdribble at tumakbo.

   
Habang naglalaro kami ay nagusap kaming tatlo, "Ba't nandito ka na naman? Hindi mo ba alam na sobrang sawang sawa na kami sa pagmumukha mo?" sambit ni Kris hyung.

    
Ay wow. May sobra na, may sawang-sawa pa? Parang kelan lang, pilit pa sila ng pilit sa'kin na bumalik na dito sa bahay nila.

  
Shinoot ko yung bola at pagkatapos ay nagsalita ako, "Naaawa kasi ako sa inyo, hyung. Lungkot na lungkot kayo kapag hindi niyo nakikita yung mukha ko."

  
Sabay na napatigil si Kris hyung at Chanyeol hyung. Kagat labi na tinitigan ako ni Chanyeol hyung ng seryoso, "Ginagago mo ba kami?"

   
"Ngayon mo lang nalaman?" Tanong ko pabalik tsaka ako tumawa ng malakas.

   
Binato sa'kin ni Chanyeol hyung yung bola. "Badtrip 'to, tara uwi!" Aniya na lalong nagpatawa sa akin ng mas malakas.

    
Aakbayan na sana ni Chanyeol hyung si Kris hyung na kanina pa naka-stuck sa pwesto niya kaso biglang nagsalita si hyung, "'Wag kang mayabang. Gayahin mo 'ko, Sehun. . . hindi ko pinagkakalat na pogi ako."

   
Napa-upo ako sa kakatawa at nalaglag yung balikat ni Chanyeol hyung. Pffft. Lakas ng trip! "Tanginang 'yan," ang tanging nasabi na lang niya bago siya magsimulang mag-walk out.

   
Nagkatinginan kami ni Kris hyung tsaka kami napatawa ng sobra pero walang tunog. Naglakad na rin kami at nag-high five tsaka namin sinundan si Chanyeol hyung. Nang maabutan na namin siya ay sabay namin siyang inakbayan ni Kris hyung.

   
"'Wag ka magalala, hyung. Dadating ka rin sa puntong ganito." Sabi ko na sinang-ayunan ni Kris hyung.

   
Napa-pft si Chanyeol hyung, "Ano'ng ganito? Yung kasing hambog niyo?!" aniya.

   
Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi. Yung kasing gwapo ko."

   
Ayun, binatukan ako ni hyung. Tumawa kaming tatlo tsaka inakbayan na rin kami ni Chanyeol hyung. Kaming tatlo lang naman yung pinaka nagkaka-intindihan sa grupo. Kami yung mga matatangkad eh. Si Tao? Yaan mo na yun, matangkad lang yun, bading naman.

  
Sanay ka naman na sa ganitong ugali ko, diba? Alam mo naman na nahawaan lang ako nila hyung eh.

   
Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay, nakita namin sila hyung na nakakalat sa buong bahay. Narinig kong bumuntong hininga si Kris hyung,

   
"Sa wakas! Kumpleto na naman tayo. . ."

  
Napangiti ako sa narinig ko. Ang sarap talaga pakinggan yung dalawang salitang 'kumpleto tayo'.

   
Tinignan ko si Kris hyung na kasalukuyang nakangiti at diretsong nakatingin sa bahay.

    
Naalala mo pa nung mga panahon na biglaang umalis si Kris hyung sa grupo?

    
Ako kasi, alalang-alala ko pa. Hindi ko na ata makakalimutan yung pangyayari na yun. Dun kasi nasubok yung grupo namin. Alam kong alam mo kung ano yung pinagdaanan namin. Andun ka eh. Sinabi ko sa'yo. Kasi girlfriend kita. Fan ka.



  



  "Hyung, nasa'yo ba yung cellphone ko? Nandito lang yun kanina, eh." tanong ko kay Kyungsoo hyung.

    
K

anina pa kasi nawawala yun. Bago kami dumating dito sa SM building, nakalagay pa yun dun sa bag ko. Wala namang gumagalaw ng gamit namin eh. Ngayon lang 'to. Bakit kung kelang papaalis na kaming Exo-K para magpromote sa M Countdown, tsaka pa nawala.

   
Tinaasan ako ng kilay ni hyung, "Ano'ng gagawin ko sa cellphone mo, eh meron ako nyan?"

   
Napa-kamot na lang ako sa ulo ko. Ganyan talaga si Kyungsoo hyung. May mga pagkakataon talaga na pilosopo at sobrang pilosopo siya. Sanay na kaming lahat.

  
"Hyung naman eh. . ." sagot ko bago ako umalis sa harap niya.

   
Asan na ba kasi yun? Kailangan na kitang tawagan oh. Kaninang tanghali ko pa huling narinig yung boses mo. Madalang na nga tayong magusap tapos ganito pa.

  
"Yah! Sehun!" Nilingon ko si Kyungsoo hyung na tumawag sa'kin.

  
"Bakit?"

  
"Asan na cellphone ko?! pinagtitripan mo ba 'ko?"

   
Sinimangutan ko si hyung, "Hala, hyung. Ano'ng gagawin ko sa cellphone mo? Meron ako nun eh," sagot ko na ginaya yung sinabi niya sa'kin..

   
Tumawa ako at sinimangutan lang ako ni Kyungsoo hyung. bago pa siya makapagsalita ulit, bigla kaming tinawag ni Manager hyung para magkumpulan.

   
"Ano'ng meron, hyung?" Nakangiting tanong ni Chanyeol hyung kay manager.

  
Tinignan ko si manager hyung at napansin kong ang seryoso ng mukha niya. Ano kayang meron? Nawawala din ba cellphone niya?

    
"Guys, nakita niyo ba cellphone ko? Nawala sa bag ko eh, may hinihintay pa naman ako'ng tawag—"

   
Pinutol ni manager hyung yung sasabihin ni Baek hyung. "Tungkol do'n. . ."

  
Ano'ng tungkol daw sa mga cellphone namin? Siya ba nagtago? Bakit naman itatago ni Manager hyung, eh hindi naman bawal yun? Ano yun, malakas lang trip niya ngayon? Hyung talaga oh.

   
Pero napatigil ako sa sumunod na sinabi ni manager. . .

   
"Kinuha ng SM staffs yung cellphone niyong lahat." aniya.

   
Sunod-sunod at sabay-sabay ang mga sinabi namin. Puro bakit, paano, ano'ng meron, ano'ng kailangan nila sa cellphone namin lang ang maririnig.

   
"Hyung, bakit nila kinuha? Hindi man lang sila nagpaalam?" Malumanay na sabi ni Suho hyung.

  
"Personal na pag-aari naman namin yun, hyung. Tapos kinuha pa nila ng hindi namin alam?" ani Kris hyung.

   
Napansin kong kalmado lang si Suho hyung samantalang mukhang naiinis naman si Kris hyung sa ginawa nila sa amin. Hindi ko masisisi si hyung. Kahit ako, naiinis ako. Sino ba namang hindi, diba? Kinuha nila yung personal na gamit namin at wala kaming ka-alam alam. Sumosobra na sila eh.

   
Yumuko si manager, "Sorry. Hindi ko sila mapigilan—" hindi na natuloy ni manager hyung yung sasabihin niya dahil biglang dumating si Taehee noona. Isang supervisor sa SM. Dala dala ang isang paperbag na inaasahan kong puro cellphone namin ang laman dahil ang daming nagri-ring.

   
"Napag-utusan kaming kunin ang mga cellphone niyong lahat. We're not going to give it back to you until 5 minutes before the start your first concert." sambit ni Taehee noona.

  
Okay lang sila? 5 minutes bago yung simula ng concert?! Eh mahigit isang linggo pa bago yung concert namin eh. Ano bang problema nila sa aming dose?

  
"Pero, noona. . . personal na gamit namin 'yan, bakit kailangan niyo pa pong kunin?" Mahinang tanong ni Kai.

    
"Boss said you have to focus on your concert and comeback. This'll be your first concert, Exo. Boss wants it to be perfect and he believes that you can't do that with these distractions." sagot niya tsaka tinaas yung paperbag.

   
Napa-buga na lang ako ng hangin. Tanda na hindi ako makapaniwala sa ginagawa nila sa amin ngayon. Hindi pa ba sapat na wala na nga kaming oras sa sarili namin? Hindi pa ba sapat na wala na 'kong oras sa'yo?

   
"Ginagawa naman po namin yung best namin, noona. Hindi pa ba ok yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Tao.

   
Matipid na ngumiti si Taehee noona, "Sorry, Tao-ssi. I'm just doing boss' orders. Yun lang. Mag-iingat kayo." ang huling sabi ni noona bago siya tuluyang umalis.

   
Matagal kaming nanahimik. Siguro, iniisip nila kung gaano sila naiinis ngayon. Pero ako? Iniisip kita. Wala naman akong pakielam sa gagawin nila sa'min eh. Oo, mahirap. Pero alam kong makakaya ko. Makakaya namin. Pero yung kunin nila yung natatanging tulay para makausap ka. . . yun ata yung hindi ko kaya.

   
Namimiss na kita eh. Miss na miss na kita, Nite. Hindi na nga tayo madalas na naguusap nitong mga nakaraang buwan dahil sobrang busy ko. Yung tipong hanggang sasakyan na lang kita naco-contact at hanggang isa o dalawang text lang yung mapapadala ko sa'yo sa isang araw. Alam kong nagtatampo ka kahit hindi mo sabihin. Nagtatampo ka dahil wala akong oras sa'yo. Hindi mo lang sinasabi sa'kin dahil alam mo sa sarili mong hindi makakatulong.

   
"Hindi na 'ko natutuwa." Nanggigigil na pahayag ni Kris hyung. Tinapik siya ni Minseok hyung sa balikat at bumuntong hininga. "Kalma, Kris."

   
Nakita kong hinilamos ni Suho hyung yung dalawang kamay niya sa mukha, "Okay. Kalmahin niyo yung sarili niyo. Walang mageeskandalo, nagkakaintindihan ba tayo? M?" Sambit ni hyung tsaka nilingon yung M members na tila ba naghihintay ng sagot. Silang anim kasi yung maiiwan dito dahil pupunta kami sa M Countdown para magpromote ngayon.

   
Tumango sila Jongdae, Lay, Luhan at Minseok hyung. Samantalang si Tao ay nakayuko lang at hindi ata nakikinig sa sinasabi ni Suho hyung. Hindi naman magiging problema si Tao. Alam kong kahit naiinis siya, hindi siya yung klaseng tao na mageeskandalo.

  
Pero si Kris hyung. . .

   
Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ni Suho hyung. Para bang nagsusukatan sila ng tingin.

  
"Kris. . . 'wag ngayon. . ." mahinahon na pakiusap ni Suho hyung.

   
Huminga lang ng malalim si Kris hyung at umiwas ng tingin. "Ingat kayo."

  
   
  
  
 

   

   

   
"Byun Baekhyun!!!"

    
Yung malaking boses agad ni Kyungsoo hyung yung narinig naming tatlo pagpasok na pagpasok namin ng bahay. Paniguradong pinagtripan na naman siya ni Baek hyung. Kahit kelan talaga, oh.

   
Huminto si Baek hyung sa harap namin dahil kanina pa siya tumatakbo, "Wow naman! Tignan mo Kyungsoo, ang sweet nung tatlo— hoy aray ko ah!" pero naabutan din siya at nakatanggap ng matunog na kotong. Hm. 'Yan.

  
Seryoso lang yung mukha ni Kyungsoo hyung at para bang kutento na siya sa ginawa niya kay Baek hyung. Tinignan niya kaming tatlo at tinaasan lang ng kilay bago umalis.

   
Tumawa kaming tatlo sa inasal ni Kyungsoo hyung at sa naka-upo sa lapag na si Baek hyung. Habang nagtatawanan naman kami ay biglang sumulpot si Suho hyung.

  
"Oy, sa wakas. Andito na si maknae! Kumpleto ulit!"

   
Nagtipon tipon kaming dose sa living room. Lahat ay may kanya-kanyang ginagawa. Naghiwa-hiwalay na rin kamin tatlo nila Kris hyung, nagsasawa rin naman ako sa kanila. Haha.

 
Ngumisi si Kris hyung, "Ano? We are one na ulit?"

Continue Reading

You'll Also Like

2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
1.2M 23.9K 56
just for fun
94.1K 4.2K 68
Darlentina AU. :)
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...