Ravage | SKYA book 2 [COMPLET...

By _Ve_Ran_

46.3K 1.7K 38

Everyone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts th... More

Welcome back! (MUST READ)
Prologue
1st: Party's Over
2nd: Unlabeled
3rd: Soda and Spaghetti
4th: Stain
5th: Meeting
6th: Backstage Hall
7th: Dreamland
8th: Baby!
9th: Orange Hair
10th: Casteen
11th: Nothing Changed
12th: Carnival
13th: Drop Tower
14th: I am Your Ride
15th: Slap
16th: Volleyball
17th: Flyer
18th: Detention Room
19th: Indoor Tent
20th: Photo
21st: A Prima
22nd: Unexpected Fight
23rd: Ice Cream
24th: Too Drunk
25th: Not Yet
26th: Really Over
27th: First Victim
28th: Poisoned
29th: Fake Nurse
30th: Leaf
31st: Beware
32nd: Cupcakes and Cookies
33rd: My Fault
34th: Unwelcomed
35th: Rendezvous
36th: Gianielle's Party
37th: Guest's Room
39th: Anonymous
40th: Tip
41st: Kyo
42nd: Airport
43rd: The Beast
44th: Three Month Rule
45th: Piece of Paper
46th: Acceptance
47th: Meeting the Anon
48th: White Lady
49th: Halloween Party
50th: Proof
51st: Questions
52nd: She's Alive
53rd: Off to Baler
54th: The Mendez's
55th: Better without me
56th: Glitter
57th: Pest
58th: Night life
59th: Night Swimming
60th: The Game
61st: November One
62nd: Old House
63rd: No One
64th: Key Bombs
65th: Ravaged
EPILOGUE
MUST READ
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Must read!
New

38th: Wish

453 20 0
By _Ve_Ran_

Kierra's POV

Nakatulog si Ariia kagabi dahil sa kaiiyak niya. Mula nang magalit sa kaniya si Travis ay nagsimula itong umiyak. Siguro ay dahil na rin iyon sa gulat. Ni hindi ko alam na kayang magalit ng ganon ni Travis. Tahimik siyang tao at maintindihin. Pero sa nakita ko kagabi, ibang iba siya. Paniguradong dahil rin yon sa ag aalala sa kapatid niya.

Wala kaming nagawa para pagaanin ang loob ni Ariia. Noong una ay akala namin natutulog na siya, pero hindi nagtagal na hindi nito napigilan ang pag hikbi at hindi na nito naitago pa sa ilalim ng kumot niya ang labis na pag iyak. Hindi naman namin pwedeng sabihin na ayos lang, dahil hindi talaga.

Nagkakagulo na kami. Nagkakawatak na ng unti unti ang grupo namin. Hindi ko alam kung pano kami umabot sa ganito. Ni hindi ko namalayan na unti unti na pala kaming nagkahiwalay ni Ariia. Hindi ko gaano naramdaman dahil naging madalas na kami lang ni Asche ang magkasama.

Siguro ay dapat lang na wag muna kaming magsarili ni Asche at subukang ayusin ang lahat sa grupo.

Kakausapin ko si Asche tungkol dito mamaya pagkagising niya. Pero sa ngayon ay mabuting pagmasdan ko muna ang mukha ng isang anghel na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Paniguradong pagod rin ang isang 'to dahil sa kaaawat sa mga kaibigan kong away ng away.

Tanging ako, si Asche, Brynn, Hailey, Angel, Xeya, Zayd, Kendric, at Criexxen ang nandito para bantayan si Ariia. Wala naman si Principal Meryll dahil nilalagnat si Casteen at panigurado ay abala rin ito sa Academy.

Sina Bryon, Saji, Aeco, Travis, Quen, Kyo at Nathan naman ay nasa kabilang room lang dahil sila ang nag babantay sa kapatid ni Travis. Kahit gusto ng mga magulang nila na sila ang mag asikaso at mag bantay kay Gianielle ay hindi nila magawa dahil marami rin silang kailangang ayusin. Ang bahay nila, ang press, ang mga awtoridad at kung ano ano pa.

*knock*knock*

Agad akong napalingon sa pinto kung saan nanggaling ang katok na iyon. Tatayo na sana ako upang puntahan ito pero naunang tumayo si Zayd at agad ring nakalapit sa pinto para buksan ito.

"Hindi pa siya nagigising?" Tanong ng pumasok na si Aeco dala dala ang dalawang paper bag.

"Hindi pa. Siguradong pagod iyan kakaiyak." Sagot ko rito.

Ilang saglit lang ay nagsimulang gumalaw si Asche sa tabi ko at nag inat. Ngumiti ako rito at kahit nakapikit pa ay agad itong yumakap sakin.

"Good morning" Bulong nito na ikinangiti ko naman at agad rin akong bumati pabalik sa kaniya.

" Sana ako rin ginu-good morning" Rinig kong sambit ni Aeco dahilan para maitulak ko ng bahagya si Asche.

Tsk. This guy! Kaya hindi parin ako komportableng nagiging sweet si Asche pag meron sila dahil sa pang aasar nila.

Mahinang napatawa naman si Asche at napailing nalang ako rito at kay Aeco na nakangiti rin ng nakakaloko sakin.

"May dala nga pala ako para sa inyo, breakfast. Pinadalhan tayo ng mom ni Tres nang marinig niya ang nangyari kagabi" pag iiba nito ng topic kasaby ng pag lapag sa side table ng dalang paper bag.

"Tres? Fernandez? " tanong ni Hailey na tumutulong kay Aeco sa pag labas ng mga container

"Ah... Y-yeah, galing ako sa kanila." Hindi comportableng sambit nito.

Kahit pa wala na si Tres ay hindi nalayo ang loob ni Aeco sa pamilya nina Tres. Naging mas madalas pa ang pag dalaw nito sa mga ito.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit malapit si Aeco sa mga Fernandez. Matagal na silang magkaibigan ni Tres, at alam naming lahat iyan dahil siya ang pinakanasaktan sa pag panaw ni Tres.

"Sige, babalik na ako sa kabila. Iyan lang talaga ang sadya ko" pag papaalam nito na tinanguan ko lang nang magawi ang tingin nito sa akin.

Pilit akong ngumiti rito nang pasara na ang pinto ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagsasalita ni Zayd.

"Ah.. Aeco, h-how are they? How's Travis?" Seryosong tanong ni Zayd

Napagawi muna ang mga tingin nito kay Ariia at bumuntong hininga. "He's fine. He's frustrated, worried..., and mad. Galit ito kay Ariia, hindi naman namin siya masisi kasi siya talaga ang sinasabing may kasalanan sa mga nangyari kay Gianielle" maawaing tingin nito kay Ariia at bakas rin sa boses nito ang pagkadismaya.

Isa si Aeco sa naiipit sa sitwasyon namin. Isa sa mga ayaw mamili ng kakampihan.

Tulad ko, ni Aeco at marami pa sa grupo ay hindi alam kung sino ang paniniwalaan tuwing may mangyayaring aksidente sa isa sa amin. Napadalas sa mga nakaraang mga araw ang kung ano anong pangyayari kay Nathan, Melissa, at Ariia. Ngayon, kay Travis at Ariia naman.

Kung tutuusin ay hindi naman talaga si Ariia ang may kasalanan ng lahat ng kaguluhang nangyayari. Nagkakataon lang na siya ang nasakabilang panig kaya lumalabas na kasalanan niya lahat

"Hindi ka naman siguro naniniwala ron, Aeco" seryosong sambit ni Criexxen na gising na rin pala

Napangiti naman ako muli nang marinig kong magsalita si Criexxen para depensahan si Ariia.

Hindi ko alam kung anong meron sakanila pero malinaw na espesyal si Ariia kay Criexxen. Sa pagtatanggol nito, sa pagsuporta nito, sa pagprotekta nito kay Ariia. At higit sa lahat, naging malaking tulong siya kay Ariia mula nang dumating si Melissa kay Nathan.

"I won't, unless I have strong proof. " he smiled with pain.

Lumabas na ito ng tuluyan matapos ang saglit na paguusap at nag tungo na sa room kung saan naka confine si Gianielle

Imposibleng si Ariia ang may gawa nito. Oo galit siya, nasaktan, but she's not this stupid to ruin a kid's party. I know her and she's not going to do anything like this. She's not this shallow.

Hindi ko lang siyang magawang kampihan dahil oras na gawin ko iyon ay baka mamili na rin ng kakampihan ang iba at lalo lang kaming mabuwag.

Ariia's POV

"He's fine. He's frustrated, worried..., and mad. Galit ito kay Ariia, hindi naman namin siya masisi kasi siya talaga ang sinasabing may kasalanan sa mga nangyari kay Gianielle" rinig kong sambit ni Aeco.

Gising ako, pero minabuti ko munang ipikit ang mga mata ko at makinig lang.

Nagising ako dahil sa pag uusap ng mga ito.

"Hindi ka naman siguro naniniwala ron, Aeco" rinig kong sambit ni naman Criexxen

Of all people, siya pa na hindi naman talaga ako kilala ang may tiwala sa akin. Hindi ko alam kung kahit isang beses manlang ba ay nagkaroon siya ng hinala sa akin.

He trusts me so much.

"I won't, unless I have strong proof. " sagot naman nito.

Gumaan naman kahit papaano ang dibdib ko sa narinig ko kay Aeco. May nagtitiwala parin sakin na hindi ako ang may gawa non kahit na may litratong nakuha.

Muli kong naalala ang litrato kung saan akmang papasukin ko an guest's room na 'yon. Bago ako makita ni Brynn at pigilan sa pag pasok pero hindi niya ako ipinagtanggol.

She knew she can use her voice to do something but she just looked away. And is that photo really speak that loud? How can people judge me with one photo?! Ugh!

Ayokong magalit pero hindi ko maiwasan dahil nagpapakain sila sa mga galit nila, hindi pa nila naririnig ang panig ko ay nag sasalita na sila, hinuhusgahan na nila ako.

Sunod kong narinig ang pagsara ng pinto patunay na tuuluyan nang nakaalis si Aeco.

Kahit hindi pa buo ang desisyon sa utak ko ay unti unti ko ng iminulat ang mga mata ko.

White ceiling, walls painted white, scent of rubbing alcohol, different kind of chills, I'm still at the hospital.

"A-ariia, gising ka na. Gutom ka na ba?" Alalang tanong ni Kendric na siyang unang nakapansin sakin.

They never left. The same people who stayed here with me last night, are the same people right here.

Mapait akong napangiti.

I wish if ever I'm about to wake up in a hospital bed again, they will all be here. Us being complete in a room.

"Ah.. No not yet. I'm good" I said as is gave him a pale smile

Wala nang sumunod pang nagsalita. Nanatiling tahimik ang lahat habang kumukuha sila ng sari sarili nilang pag kain.

Dahil sa katahimikan ng buong kwarto ay rinig na rinig namin ang mga tunog mula sa labas, mga tunog ng stretcher na nag mamadali, mga tapak ng paa na nag tatakbuhan, ... mga ingay nina Saji?

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mga kasama ko at hindi nagtagal nang makita ko ang pangamba sa mga mukha nila.

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko lalo nang mas marinig namin ang mga ingay ng mga pamilyar na boses galing sa labas.

Hindi ako pwedeng magkamali. It's Saji calling for help.

Madaling tumayo si Zayd para tignan kung anong nangyayari sa labas. Napaupo naman ako sa pag hihintay ko sa pag balik ni Zayd.

Hindi nagtagal ay humahangos na bumalik si Zayd.

Sa kabilang room lang ang room ni Gianielle pero mukhang ang layo ng tinakbo nito. Nagaalala ito at hindi mapakali.

"What happened?" Agad agad na tanong ni Angel nang maisara ni Zayd ang pinto

"Gianielle was rushed to the ER again, " nakapanlulumong sambit nito.

Wh-what?

"Bakit daw?" Alalang tanong naman ni Asche

Muli kong naramdaman ang pangingilid ng luha ko, nag bigat ng paghinga ko, ang pagpasok ng kung ano ano sa isip ko.

"I-i don't know.. Hindi ko sila makausap ng maay-.."

"Kasalanan mo 'tong lahat!" Isang malakas na tunog ang gawa ng walang habas na pag bukas ni Travis sa pinto.

Kita ang bakas ng mga luhang tumulo galing sa namumula nitong mga mata, kita rin dito ang sobrang pagod at puyat, pati na rin ang sobrang galit nito sa akin ay kita ko sa mukha niya.

My fault...

"Travis! Ano?! Magsisisihan ulit tayo?!" Pasigaw namang pag harang ni Hailey bago pa man makalapit sakin si Travis.

"Hindi kasi ikaw ang nasa kalagayan ko, Hailey! She's my sister! And it's my damn fault why she's here right now! I brought a devil inside our home!" Sigaw nito sakin.

Hindi ako nakaiwas sa mga tingin niya, hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang tuluyang pag patak ng mga luhang pinipigil niya.

"Ilang ulit bang kailangang sabihin?! Hindi niya nga kasalanan!" Sigaw naman ni Criexxen rito na siyang akmang tutunguin ni Travis na agad pinigilan ni Zayd

Pagkasagot ni Criexxen ay napansin ko ang pag alis ni Brynn sa kwarto.

Ano? Bakit siya aalis? Nagiguilty ba siya? Damn it! Anong rason mo Brynn?!

"Oo hindi niya kasalanan! Kasi kasalanan ko! Okay?! Damn it! Pag napatunayan ko na kasalanan mo ito, pag pasensyahan mo ko sa magagawa ko sayo" umalis ito at malakas na isinara ang pinto.

Damn it! Damn it! Bakit ba kasi ang malas malas ko?!

Wala na ulit akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Umiyak sa harap ng lahat, humagulhol sa gitna ng katahimikan.

Why am I this weak?! Dang it! I'm not used to cry in front of a lot of people, but look at where I am. Being pitied be all.

"Ariia, tahan na. Everything will be okay" pag hagod ni Kierra sa likod ko.

I wish I can be as tough as her.

"Kierra, sa tingin mo?! Sa lahat ng kasamaang nagawa ko maayos pa tayo? Tayong lahat?" Nanghihina ako, gusto ko siyang ipagtabuyan at isigaw sa harap niya na hindi na babalik sa dati ang lahat.

"Ariia, are you giving up? Hindi mo naman kasalanan ang nangyari kagabi, maaayos pa natin to" sambit ni Angel at tumabi rin sakin.

Nasasabi niyo iyan kasi wala kayo kung nasaan ako, hindi niyo nararamdaman ang eksaktong nararamdaman ko, hindi niyo alam kung gano kahirap para sakin ang mga nangyayari.

Gusto kong sabihin iyan pero hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa pag iyak ko.

I'm a monster. Malas ako, ako ang sisira sa lahat ng naayos matapos mag bukas ang SKY Academy...

Dapat akong mawala.

Mawala sa mga buhay nila. Nilang LAHAT.

Damn! I wish I am the one who died! Not Raven! Not Riley! Not Tres! Not Vivienne!

Everyone will be happier and at peace if that's the case. Everything won't be ruined again!

I do not deserve to be here! I don't want to be here anymore. I wish I died in SKY Academy!

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 549 13
Part 2 of White Academy School of Magic... A super duper short story
7.9M 393K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
EAST UNIVERSITY By YOUNIVERSE

Mystery / Thriller

421K 11.3K 40
Autumn Legrand, daughter of a most dangerous man inside the underground society. She's been hiding all of her life not knowing the reasons behind. ...
187K 4.3K 42
What if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager w...