Ravage | SKYA book 2 [COMPLET...

By _Ve_Ran_

46.3K 1.7K 38

Everyone was filled with "change"; Our lives changed the moment we stepped out of the Academy. The hearts th... More

Welcome back! (MUST READ)
Prologue
1st: Party's Over
2nd: Unlabeled
3rd: Soda and Spaghetti
4th: Stain
5th: Meeting
6th: Backstage Hall
7th: Dreamland
8th: Baby!
9th: Orange Hair
10th: Casteen
11th: Nothing Changed
12th: Carnival
13th: Drop Tower
14th: I am Your Ride
15th: Slap
16th: Volleyball
17th: Flyer
18th: Detention Room
19th: Indoor Tent
20th: Photo
21st: A Prima
22nd: Unexpected Fight
23rd: Ice Cream
24th: Too Drunk
25th: Not Yet
26th: Really Over
27th: First Victim
28th: Poisoned
29th: Fake Nurse
30th: Leaf
31st: Beware
32nd: Cupcakes and Cookies
33rd: My Fault
34th: Unwelcomed
35th: Rendezvous
36th: Gianielle's Party
38th: Wish
39th: Anonymous
40th: Tip
41st: Kyo
42nd: Airport
43rd: The Beast
44th: Three Month Rule
45th: Piece of Paper
46th: Acceptance
47th: Meeting the Anon
48th: White Lady
49th: Halloween Party
50th: Proof
51st: Questions
52nd: She's Alive
53rd: Off to Baler
54th: The Mendez's
55th: Better without me
56th: Glitter
57th: Pest
58th: Night life
59th: Night Swimming
60th: The Game
61st: November One
62nd: Old House
63rd: No One
64th: Key Bombs
65th: Ravaged
EPILOGUE
MUST READ
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Must read!
New

37th: Guest's Room

472 21 0
By _Ve_Ran_

Sumama na ako kay Brynn palabas at nang masabi namin kay Travis na puntahan ang kapatid niya sa itaas ay agad niya rin naman itong pinuntahan.

Kita ang labis na pag aalaga ni Travis sa kapatid nito kahit na madalas ang bangayan ng dalawa.

They're too opposite. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hindi sila magkasundo.

Matapos ang ilang minuto, muling bumalik ang atensyon ng lahat sa MC ng program ng party dahil sa pagtawag nito sa atenyson ng lahat.

"And now, for the next part of our princess' party, let us first rise for our princes, Gianielle-.."

Bago pa man nito matapos ang dapat niyang sabihin ay isang malakas na tunog ang gumambala sa lahat.

Marami ang napahiyaw ang iba naman ay napayuko at napakapit sa kanilang mga upuan nang makarinig ng malakas na pag sabog mula sa loob ng bahay.

Lahat ay nataranta kaya naman lumayo ang mga tao sa pinto ng bahay ng mga Diaz. Hindi nagtagal ay nagsimulang lumiwanag sa loob at makapal na usok ang lumabas mula sa pinto at ng bintana ng malaking bahay.

Marami ang nagtatakbuhan palabas at hindi makatigil ang mga pag-ubo ng mga tao mula sa loob dahil sa makapal na usok.

"Anong nangyayari?! " tarantang sambit ni Travis nang makalapit ito sa amin habang buhat buhat ang kapatid niya na naguguluhan na sa nangyayari.

"Ilayo niyo ang mga bisita sa bahay. Tumawag kayo ng bumbero at pulis" rinig kong sambit ni Asche at kita ko ang alertong pag galaw nina Zayd at ng iba pa.

Anong nangyayari?

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ginugulo ng gulo ng ingay sa paligid ang utak ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"What did you do?!" Isang malakas na boses ang nang gising sakin sa realidad.

It's Quen scolding at me while Nathan and Melissa is keeping him away from me.

"Quen ano ba?! Hindi ngayon ang tamang oras para manisi ka!" Sigaw ni Criexxen rito at hinila rin ako palayo.

"Kuya! What's happening?! " *sobs* Sa gitna ng kaguluhan ay mas nakuha ng pag hikbi ng batang babae ang atensyon ko kesa sa pag aaway ng mga kaibigan ko.

"Everything will be fine princess, kuya promise. " pag papatahan nito at inihatid muna sa mga magulang niya na gulat rin sa nangyayari sa kanilang bahay ang kaniyang kapatid

"Ariia!"

"Ariia san ka pupunta?!"

"Ariia stop!"

Ilan lang sa mga sigaw na narinig ko bago pa ako tuluyang makapasok sa bahay ng mga Diaz.

There are still people upstairs that are running their way down.Halos kalahati na ng sala nila ang natutupok ng apoy, madilim na rin dito sa loob gawa ng makapal na usok galing sa mga telang nasusunog.

Agad akong tumulong sa mga taong hirap nang maglakad sa gitna ng usok palabas ng bahay. Sa hagdan ay umalalay ako sa mga taong hirap sa pagbaba dahil sa hirap makita ang daan.

Pero sa gitna ng pagtulong ay malinaw na nahahagip ng mata ko ang pinakamaliwanag na parte ng bahay gawa ng apoy kung saan nagsimula ang sunog.

Sabi na nga ba't may iba sa kwartong 'yon.

Damn it!

Nang maakay ang huling tao na pababa ng hagdan ay maglalakad na rin dapat ako palabas ngunit hindi ako natuloy dahil sa isang boses.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" Sigaw nito mula kung saan.

Xeya?! Anong ginawa niya rito sa loob?!

Nang maakay ko palabas ang matandang babae at maipasa sakanila Zayd na sumasalubong sa mga taong lumalabas ng bahay ay agad rin akong bumalik sa loob sa kabila ng mga pagtawag nila sa pangalan ko.

Agad kong sinundan ang boses kung saan ito nanggaling. Mas nahirapan ako sa pag pasok ng kusina dahil kailangan kong dumaan sa tapat ng kwarto kung saan nanggaling ang pag sabog at kung saan nanggagaling ang makapal na usok

"A-ariia! Tulong!" Xeya said between her cough.

Tinutulungan nito ang isang matandang sa tingin ko ay ang head chef ng bahay.

"Wait here" sambit ko at agad na lumapit sa back door para buksan. Pero sa tingin ko ay nakalock ito mula sa labas.

Hindi ko mapihit ang door knob! Damn it!

Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako dahil sa suffocation pero pinilit ko paring buhatin ang isang upuan para gamiting pang wasak sa pinto.

Ilang saglit lang ay nabuksan ko naman ito at mabilis naming inilabas si lola.

At tulad ng inaasahan ko. Isang upuan ang bumungad sakin pagkalabas ko ng pintuan.

Agad kaming lumayo sa bahay at bumalik sa kung nasaan ang mga kasama namin na abala sa pagaasikaso sa iba.

"Ariia! Okay ka lang ba?" Sinalubong ako ni Hailey na agad namang sinundan ng iba sa pag lapit sakin.

Napahinto ako sa pag lalakad nang naramdaman ko ang panghihina ko at pag bagsak ko kay Criexxen. Inalalayan naman ako ng iba para maiupo.

Pinipilit kong huwag mawalan ng malay kahit na binabalik na ng lamig ang buong katawan ko at panghihina ng pandinig ko sa lahat.

"What the hell do you think you're doing?! Ariia!" Rinig ko ang boses ni Kendric ngunit hindi ko siya malinaw na maaninag.

Hindi ko magawang magsalita dahil sa panghihina at pagkahilo ko. Pakiramdam ko ay konti nalang at tuluyan na akong babagsak.

Pero sa kabila ng lahat ng gulo, malabong paningin, mahinang pandinig, panghihina ng katawan, at sakit ng ulo ko ay isa lang ang malinaw sakin at paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.

This is not an accident. Someone started it. Started it inside that room.

"Ariia, nakikinig ka ba?!" muli ay boses ni Kendric ang nanggising sa diwa ko

"May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Ramdam ko ang malamig na kamay ni Kierra sa palad ko

The room where the explosion came from. It's the room I wanted to enter

"Ariia, uminom ka muna" isang baso ang pilit kong tinititigan sa harap ko na hawak ni Brynn

The back door at the kitchen, it was also tightly locked.

"Ariia, saglit nalang. Andyan na ang ambulansya" rinig kong sambit ni Zayd kasunod ang pagkarinig ng malakas na tunog ng ambulansya

Someone planned this. Someone started it.

"Ariia, ... "

Pero sino?

"Ariia!..."

Sino ang may gawa nito?

"Ariia!!!"

Sino?!

Palakas ng palakas ang ingay sa paligid. Pagulo ng pagulo ang nakikita ko. Padilim ng padilim ang paningin ko.

Wala akong makita. Tanging ingay mula sa pag tawag ng mga kaibigan ko ang naririnig ko. Tanging ingay ng ambulansya na nag papanatiling gising sa diwa ko.

"Ariiaaaaa!"

And then everything was just black and I felt nothing.

**

Nagising ako sa kalagitnaan ng pag uusap ng mga kaibigan ko ngunit pinanatili kong nakasara ang mga mata ko dahil sa labis na panghihina

Unti unti namang bumalik sa isip ko ang mga huling pangyayari bago ako mahimatay, ... Malinaw kong naaalala lahat. Lahat ng kaguluhang nangyari.

"Travis? Anong ginagawa mo rito? " Rinig kong tanong ni Zayd

"Ano nang nangyayari sa inyo? Ba't ka pa umalis?" Alalang tanong naman ni Hailey

"Travis, are you alright? Anong problema?" Tanong ni Kierra na siyang nag pamulat ng dahan dahan sa mga mata ko.

Pabagsak na umupo si Travis sa couch. mukha itong pagod na pagod at kita sa mukha ang halo halong emosyon.

"Ariia, you're awake. Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" Nalipat sakin ang atensyon nang mapansin ni Kendric ang pag mulat ng mata kong nakatuon lang kay Travis.

"Ariia, you want me to call the nurse for you?" Akmang tatayo na si Xeya pero agad ko itong pinigilan

"I'm okay." Simpleng sagot ko.

Tanging sina Kierra, Brynn, Hailey, Angel, Xeya, Asche, Kendric, Zayd, Criexxen at Travis ang nandito.

Tahimik at tila nagpapakiramdaman ang lahat nang marinig namin ang mahinang pag sasalita ni Travis.

"Gianielle's at the ER. Difficulty in breathing" nakayukong bulong nito.

Wh-what?

...

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. At tulad ko, nahirapan ring magsalita ang mga kasamahan ko sa silid na ito. Nanatiling tahimik ang lahat at hindi alam ang sasabihin sa sinabi ni Travis

It's her birthday and something like this happened.

I-is this has something to do with me? Ako ba ang nag dala ng gulo sa bahay nina Travis?

I don't know why that thought entered my mind, but it feels like it's my fault. Damn! I'm really a bad luck.

Nagulat ang lahat ng pabagsak na bumukas ang pinto ang nanggagalaiting pumasok rito si Quen.

Inaawat naman ito ni Kyo at Saji sa pag lapit sa akin.

"Look at what you did! " mabibigat na pag hinga nito matapos niya akong sigawan.

"I-i didn't do anythi-.."

"Shut up Ariia! Ano bang problema mo?! Ba't ka ba nag dadala ng gulo-.."

Nadoble ang bilis ng pag tibok ng puso ko dahil sa takot na baka kung anong magawa ni Quen sa akin, pero mas natakot ako sa nagawa ni Criexxen na pag sapak kay Quen habang hawak siya ni Kyo at Saji.

"Wala siyang ginawang masama! Wala siyang kasalanan sa nangyari!" Pag depensa ni Criexxen sakin.

Napasinghap naman kami nang makawala si Quen sa pagkakahawak sa kaniya ng dalawa kaya naman nakaganti ito kay Criexxen pero mabilis na tumulong sa pag awat si Zayd at Asche at ang iba pa

"Tama na yan! Anong magagawa niyo kung mag sasapakan kayo sa harap namin?!" sigaw ni Brynn habang pumapagitna sa dalawa

"Tama na!" Rinig ang pagkairita ni Asche

"Pwede ba Quen?! Wag kang nambibintang! Wala kang ebidensya!" Galit na sigaw namn ni Kendric na halata rin ang pag pigil sa sarili sa pag sugod kay Quen.

"Wala?! Sa tingin mo magagalit ako ng ganto sa kaniya kung wala akong nakitang ebidensyang siya ang tinuturo?! Kendric hindi ako t*ng*! Di tulad niyo na nagpapabilog sa babaeng yan!" Inis na inis nitong tinanggal ang mga kamay na umaawat sa kaniya at tumalikod saming lahat

What is he talking about? May ebidensyang ako ang itinuturo? But I didn't do anything!

"Evidence?" Sabay na tanong ni Hailey at Xeya.

Muling humarap si Quen at ngumisi sa akin.

Tila sinasabing wala na akong kawala.

"Ayan!" Pinakita nito ang isang larawan sa kaniyang telepono

"Ariia entering that room where the explosion happened" malaking ngisi nito sa mga kasama ko, lalo na sakin.

But... I was just about to enter, hindi ako natuloy.

Gusto kong sabihin 'yan pero siguradong hindi siya makikinig sakin, mukhang hindi niya naabutan na dumating dyan si Brynn at pinigilan akong pumasok.

Napagawi kay Brynn ang tingin ko. Iniisip na baka sabihin nito na napagilan niya ako sa pag pasok kaya't imposible na ako ang nag lagay ng kung anong pampasabog sa loob ng kwarto pero hindi ito nag salita at nag iwas lang ng tingin.

Why don't she speak? Damn!

Could it be Brynn?

Damn! What am I thinking?! It's impossible!

"Ano? Hindi kayo makapagsalita? Nakita niyo na? Sumasama kayo sa taong mang papahamak sa ating lahat!" Puno ng galit ang pag sigaw ni Quen sa akin.

Gusto kong depensahan ang sarili ko pero hindi ko magawang mag salita dahil sa kung ano anong mga bagay na pumapasok sa isip ko.

"Totoo ba?" Kinilabutan ako ng marinig ko ang isang malamig na boses na siyang nambasag sa saglit na katahimikan.

"Travis, naniniwala ka kay Quen-.." -Criexxen

"Ariia totoo ba?! Anong ginagawa mo sa loob ng guest room?! Bakit ka andon? Plano mo bang lahat ng to?!" He shouted.

Travis shouted at me with full of anger.

Napapikit nalang ako at hindi namamalayan ang mga patak ng luhang bumagsak galing sa mga mata ko.

I can't say 'no, I didn't' because I know they won't believe me, pahahabain ko lang ang diskusyon. Mabuti nalang na manahimik muna ako.

"Damn it Ariia! Anong nagawa kong mali sayo?! Pati kapatid ko, dinamay mo! Ariia it's my sister's birthday! " masakit na masigawan ng isang taong tulad ni Travis na minsan lang magalit ng tulad nito. He's mad, he's furious.

"Travis, isang litrato lang ang nakita mo! It doesn't explain anything!" Depensang muli ni Criexxen

"What?! Naniniwala ka parin sa kaniya? That picture explained everything! You.ruined. everything. Ariia. I wonder how am I even friends with you." Huling sambit nito at lumabas ng kwarto.

Sinundan naman ito nina Quen, Saji, at Kyo. Iniwan nilang tahimik ang silid. Walang makapagbigay ng kung anong nasa isip ng bawat isa, tanging mabibigat na tinginan at pag hinga lamang ang mapapansin sa loob ng kwarto.

Why didn't you speak up Brynn? Maniniwala sila sayo kung ikaw ang nagsabing hindi ako natuloy sa pag pasok ng kwartong iyon. Bakit hindi ka nag salita?

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 5K 33
Started: November 10, 2017 Ended: June 2, 2020
1.6M 27.7K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
1.8K 129 13
A complete story "Nagsisi ka? Bakit? Dahil pinakawalan mo pa, mahal mo pala? Bakit binalewala mo lang? Yan tuloy umiiyak ka habang ang dating patay n...
192K 4.8K 71
Greetings Welcome. Come and find out what's inside. Curiosity kills, so don't let it kill you. COME AND ENTER MY ACADEMY. ENTERING IS NOT THE...