The Revenge of a Nerd

Af Thartzo9

258K 6K 196

Mary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who... Mere

DISCLAIMER
AUTHOR'S NOTE
FOREWORD
CHAPTER 1: Her Childish Best Friend
CHAPTER 2: The Campus Heartthrobs
CHAPTER 3: Her Childishness
CHAPTER 4: Partners
CHAPTER 5: Her Brother
Must Read!
CHAPTER 6: A Role Model
CHAPTER 7: Matchmaking
CHAPTER 8: Quality Time
CHAPTER 9: A Dream Come True
CHAPTER 10: The Value of Friendship
CHAPTER 11: Care For Her
CHAPTER 12: The Consequence
CHAPTER 13: Target
CHAPTER 14: Third Wheel
CHAPTER 15: Warning
CHAPTER 16: Annoyed
CHAPTER 17: Tag Along
CHAPTER 18: Untold Stories
CHAPTER 19: Dilemma
CHAPTER 20: Realization
CHAPTER 21: Friends
CHAPTER 22: Dinner
CHAPTER 23: Having Fun
CHAPTER 25: Sports Fest 1
CHAPTER 26: Sports Fest 2
CHAPTER 27: Movie Booth
CHAPTER 28: Their Comfort
CHAPTER 29: Let Me Be The One
CHAPTER 30: The Wedding
CHAPTER 31: Confession
CHAPTER 32: Love Over Friendship
CHAPTER 33: His Effort
CHAPTER 34: Disclosure
Author's Note
CHAPTER 35: The Blame
CHAPTER 36: Her Condition
CHAPTER 37: A Sudden Change
CHAPTER 38: Last Night Together
CHAPTER 39.1: The Commotion
CHAPTER 39.2: Perseverance
CHAPTER 40: Start of Something New
CHAPTER 41: Her Comeback
CHAPTER 42: Her Coldness
Discussion
CHAPTER 43: Changing Personality
CHAPTER 44: Cold Treatment
CHAPTER 45: Embarrassed
CHAPTER 46: Firmness With Their Decisions
CHAPTER 47: Sprained
CHAPTER 48: The Tension Between
CHAPTER 49: Shopping Slave
CHAPTER 50: His Effect
CHAPTER 51: Her Partner
CHAPTER 52: Groupings
CHAPTER 53: The Essence of Partnership
CHAPTER 54: Their Victory
CHAPTER 55: Her Choice
CHAPTER 56: Friendship Matters
CHAPTER 57: Untold Stories
CHAPTER 58: Back to Reality
CHAPTER 59: A Farewell
CHAPTER 60: Hold On
CHAPTER 61: His Absence
CHAPTER 62: His Sufferings
CHAPTER 63: Closer
CHAPTER 64: A Fairytale Come True
CHAPTER 65: The Villains
CHAPTER 66: Burst of Anger
CHAPTER 67: Starve to Death
CHAPTER 68: The Deal
EPILOGUE
Author's Note
Playlist
SA PANGALAWANG PAGKAKATAON

CHAPTER 24: Her Fear

2.9K 83 2
Af Thartzo9

MARY'S POV

Malalim na ang gabi nang makarating kami ni She sa bahay nila dahil halos sakyan namin ang lahat ng rides sa amusement park. Napagkasunduan naming mag-sleep over sa kanila na agad namang pinahintulutan ng mga magulang ko nang tawagan ko sila.

Kaagad kaming dumiretso sa kwarto ni She pagkarating na pagkarating namin ng kanilang bahay. Ngayon ay magkatabi kaming nakaupo sa sahig habang nakasandal sa kama at nanonood ng Korean drama sa flat screen tv. Maraming pagkain at inumin ang nagkalat sa aming harapan.

"Mar," mahinang tawag sa akin ni She habang nasa kalagitnaan kami ng panonood.

"Hmm?" tamad kong sagot dahil abala ako sa pagnguya ng chips habang tutok na tutok pa rin ako sa panonood.

"Do you love someone?" she asked out of the blue.

Sunod-sunod ang naging pag-ubo ko dahil sa biglaan niyang tanong.

"Hey. What's wrong? Tubig o. Uminom ka muna." Natataranta akong inabutan ni She ng bottled mineral water habang marahan niyang hinahagod ang likod ko.

Nagmamadali ko namang tinanggap ang tubig na iniaabot niya dahil nakabara sa lalamunan ko ang chips na kinakain ko kanina. Nakahinga ako nang maluwag nang mawala ang nakabara sa lalamunan ko.

"Ikaw naman kasi, hindi ka nag-iingat. Akala mo naman mauubusan ka ng pagkain. E ang dami-dami naman niyan," sermon niya sa akin.

Awtomatiko namang kumilos ang isang kamay ko at dumapo sa kung saang parte ng ulo niya.

"Mar, naman. Ang hilig mong mambatok. Ako na nga itong concern e," pagmamaktol niya.

"Kaunting pasintabi naman kasi, She. Kumakain ako tapos kung ano-anong lumalabas diyan sa bunganga mo," tugon ko.

"E ano namang masama roon sa tanong ko? Huwag mong sabihing may mahal ka na nga? Yiee. In love na ang besshy ko," panunukso niya sa akin at bigla na lang akong sinundot-sundot sa tagiliran kaya sunod-sunod ang naging tawa ko.

"She, stop it! Haha! She, isa!" pigil ko sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa pagsundot sa tagiliran ko na nauwi sa kiliti.

"Dalawa, tatlo. My gosh! Ang galing ko nang magbilang," tuwang-tuwang sabi ni She na akala mo ay dalawang taong gulang pa lang at ngayon pa lang natutong magbilang.

Dahil sa kabaliwan niya ay muli ko siyang binatukan.

"Mar, naman e. Kaunti na nga lang laman ng brainy ko, gusto mo pang maubos kababatok mo. Sige ka, kapag nagka-amnesia ako, wala ka nang babatukan," nakangusong maktol niya.

Hindi ko na napigilan pa ang matawa dahil sa mga kalokohan niya. Seriously? Amnesia? Anong tingin niya sa kamay ko? Bakal?

"Aba, tinawanan daw ba ako ng loka. Kasuhan kita riyan ng child abuse, kababatok mo sa 'kin e," sabi niya pa sabay irap.

"Bakit? Bata ka ba?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Pero baby face naman ako," pagmamayabang niya at talagang nagpa-cute pa sa harapan ko.

"Edi ikaw na," pagsakay ko sa trip niya.

"Ako talaga. Ako na ang maganda," nagmamalaking sabi niya na sinabayan pa ng paglalaro niya ng kaniyang buhok.

"Teka, teka. Bakit parang lumalayo tayo sa topic? May tinatago ka, ano?" nakangising tanong niya at dinuro-duro pa ako sa aking dibdib.

"Ano bang topic natin?" kunot-noong tanong ko.

Nalaglag ang balikat at panga niya dahil sa aking sinabi. Unti-unting nanliit ang kaniyang mga mata at pinangkitan niya ako.

"Ano?" takang tanong ko sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay.

"Ako ang binatukan mo, hindi ba? Pero bakit ikaw ang nagka-amnesia?" salubong ang kilay na tanong ni She.

Magsasalita na sana ako nang biglang sumigaw si She na nagpapitlag sa akin sa gulat.

"Naku! Baka reverse effect 'yan ng pambabatok mo! Hala! Lagot ka!" nag-pa-panic na sabi ni She, dahilan para mag-isang linya ang kilay ko.

"Tanga ka ba o sadyang baliw ka lang talaga, She?" laglag ang pangang tanong ko.

Minsan talaga ay napapaisip ako kung paano ko naging kaibigan si She sa lakas ng topak niya.

"Wala akong amnesia. Hindi ko lang maalala kung anong topic ang tinutukoy mo sa dami ng sinabi mo," sarkastikong dagdag ko.

Para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi ko at saglit siyang nag-isip bago muling nagsalita.

"Tinanong kita kanina kung may mahal ka na ba," mariing sagot niya na sinadya pang diinan ang mga huling salitang binitiwan niya.

Bigla akong natigilan at napaisip sa tanong niya. Do I love someone? To be honest, I also asked myself the same question recently. I even searched for signs of being in love with someone and all of it had matched with mine. But still, I can't admit it since it is the first time I felt this way.

"Hoy! Natahimik ka riyan? Ano na nga? May mahal ka na ba? O kahit crush man lang?" pagpukaw niya sa aking atensiyon na nakapagpabalik sa akin sa huwisyo.

"Hindi ko alam," wala sa sariling sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya.

"Wala naman kasi akong alam sa love—"

"What? Sa tanda mong 'yan? Naturingan ka pa namang matalino tapos ang bobo mo naman pala pagdating sa love," bulalas ni She na hindi makapaniwala sa naging sagot ko.

Magsasalita pa sana ulit siya pero agad ko na siyang inunahan.

"Makabobo ka naman, wagas. E sa wala akong alam diyan. Saka hindi naman 'yan itinuturo sa school kaya paano ko 'yan malalaman," pagdadahilan ko.

Hindi naman ako mamamatay kung hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yon kaya nagtataka ako kung bakit ginagawa itong big deal ni She. Saka ano bang malay ko sa pag-ibig na sinasabi niya? E hindi pa naman akong nagka-boyfriend o nagkagusto sa kahit kanino dahil bahay-school lang ako parati kaya nga ako naturingang nerd. Saka wala namang nerd na mas inuuna ang pakikipaglandian kaysa sa pag-aaral.

"Talagang hindi 'yan ituturo dahil hindi naman natutunan ang pagmamahal. Kusa mo na lang 'yang mararamdaman," pangangaral sa akin ni She.

Marahas na lamang akong napabuntong-hininga dahil hindi ko pa rin magawang maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya kanina matapos niyang malamang wala akong alam sa pag-ibig na sinasabi niya.

"Bakit ba napaka-big deal sa 'yo ang love na 'yan? Nagka-boyfriend ka lang, nagkatopak ka na," irita kong sabi kaya kaagad akong nakatanggap ng malakas na hampas mula sa kaniya.

"Bakit napunta sa akin ang usapan? Ikaw ang topic dito," aniya na bakas na sa mukha ang kawalan ng pasensiya dahil sa mga sagot na nakukuha niya mula sa akin.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga saka muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Wala ka ba talagang napupusuan o nagugustuhan? What about Chris?" tanong niya sa seryosong boses na nakapagpakunot ng noo ko.

"Akala ko ba ako ang topic dito? Ba't napunta kay Chris?" nagugulumihanang tanong ko.

Muli akong nakatanggap ng hampas mula sa kaniya dahil sa sagot ko.

"Aray! Kanina ka pa ah! Sasakalin na talaga kita!" irita kong sigaw nang muli na naman akong makatanggap ng hampas mula sa kaniya.

"Sumagot ka na lang kasi. Gusto mo ba siya o hindi?" seryosong tanong niya.

'Gusto ko ba siya o hindi?' pag-uulit ko ng tanong sa isipan ko.

Bigla namang nagbalik sa alaala ko ang araw na iniligtas niya ako mula sa mga lalaking nagtangkang gawan ako ng masama. I feel safe when I'm with him. He makes me blush which is new for me. His presence is more than enough to make me feel uneasy. Whenever he's around, it feels like my heart would jump off of its ribs because of its loud and fast beating. He makes me smile in his simple gesture. I always long for his care and my day wouldn't be complete without seeing him.

I know those are signs of having a special feeling for someone. I even confirmed it with the articles online. But why am I still denying it?

"I'm scared," I said subconsciously.

Huli na nang mapagtanto ko kung anong salita ang lumabas sa bibig ko. Nabalot ng nagtatakang ekspresyon ang mukha ni She.

"Saan ka naman natatakot? Kay Chris?" naguguluhang tanong niya.

"Of course not! I'm not scared of him. I'm scared of getting hurt," agaran kong sagot na hindi ko malaman kung saan nanggaling. Basta na lamang itong lumabas sa bibig ko.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni She na nakapagpakunot ng noo ko.

"Ang ibig mo bang sabihin ay gusto mo si Chris pero natatakot kang aminin sa sarili mo at maging sa akin dahil ayaw mong masaktan?" nakangising tanong niya.

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong marahang tumatango bilang tugon sa sinabi ni She.

"Yey! In love na ang best friend ko! In love na—hmp!"

Hindi na nagawa pang ituloy ni She ang kaniyang pagtititili nang takpan ko ang bibig niya gamit ang isang kamay ko. Panay ang pagpumiglas ni She habang nakatakip pa rin ang isang kamay ko sa kaniyang bibig. Sa halip na bitiwan siya ay mas idiniin ko pa ang kamay ko sa kaniyang bibig nang magtangka siyang gumawa ng ingay.

"Shut up, okay?" Pinandilatan ko siya ng mata at mukha namang natakot siya dahil sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango.

Nang pakiramdam ko ay hindi na siya sisigaw pa ay saka ko lang inalis ang pagkakatakip ko sa kaniyang bibig.

"Bakit ka ba kasi natatakot masaktan? Mar, normal lang ang masaktan kapag nagmahal ka. Ang hindi normal ay ang magpadala ka sa takot mo. Sige ka, baka pagsisihan mo sa huli kapag hindi ka pa kumilos. Tandaan mo, campus heartthrob si Chris at hindi malabong magkagusto siya sa iba. Kaya galaw-galaw rin kapag may time. Millennials na tayo ngayon at okay lang na babae ang gumawa ng first move," pag-i-encourage sa akin ni She.

Her words sent daggers to my heart. The thought of Chris having another girl as her girlfriend drives me insane. A girlfriend whom he cares for, he wish to protect and whom he wants to spend his time with.

Isipin ko pa lang ang mga bagay na gagawin niya sa ibang babae ay hindi ko na kaya. Hindi ko kayang makita siyang masaya na hindi ako ang dahilan. Hindi ko kayang maitsapwera sa buhay niya at mas lalong hindi ko kayang mapunta siya sa iba. But what can I do? Wala akong alam sa mga ganitong bagay. Ni hindi ko nga alam kung may pag-asa bang magustuhan niya rin ako.

Si She na mismo ang nagsabi na campus heartthrob si Chris kaya imposibleng mapansin niya ako bilang isang babae sa dami ng mga nagkakagusto sa kaniya. Idagdag pang ang layo-layo ng itsura at ayos ko sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya.

"Mar, you're beautiful in your own way. Just follow your heart and don't mind what others will say. Just listen to what your heart says and everything will be fine," nakangiting payo ni She habang sinusuklay ang mahaba kong buhok gamit lang ang kaniyang mga daliri.

Sa lahat ng sinabi ni She, ito lang ang may kabuluhan. She's right. I should follow my heart and do as it say. I should face the consequences of loving him. I should fight for him. I don't care even if I lose this battle. What's important is to make him aware of my feelings for him in any way I can before it is too late. It's now or never.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

98.7K 1.5K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
131K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...